Sa Pagpapatuloy
Kinabukasan matapos ang matinding komprontasyon nina Mang Silyo at Noy..at ni Less panganay na anak ni mang silyo at aling fely ..at si Mylene muling nabalot ng nakakabingi katahimikan ang Burol ni aling Fely halos lahat ay hindi nag uusap at mga tulala lamang sa nangyari..walang nagawa si Mang Silyo kung hindi ang Umalis muna at nakitira sa kanyang kumpare na wala pa nalalaman sa sitwasyon ni Mang Silyo ,habang si Mylene naman ay kinuha muna ni Aling Mildred kahit gaano pa kalaki ang kasalanan nito ay tinangap nya pa rin ang anak dahil wala na ito iba malalapitan pa..
“”Walanghiya ka…hayy anong pumasok sa isip mo babae ka ha? Bakit bakit mo magawa ang imoral na bagay na yun ha? Hindi ka na ba nahiya sa sarili mo..sumagot ka bakit mo nagawa patulan ang biyenan mo lalaki?
Galit na confrontation ni aling mildred sa anak
“”Inay patawarin nyo po ako..hindi ko po sinasadya na maki apid ako sa sarili ko pa biyenan..nay pakil usap po….tulungan nyo ako huhuhu.
si Mylene na halos nakaluhod sa ina habang patuloy ang pag iyak..
“”Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang sayo? Naging masama ba ako ina sa inyo mga magkakapatid ha? Mula ng namatay ang Ama mo .ako na ang tumayong Ama ninyo…tinaguyod ko kayo para mabigyan kayo ng maayos na buhay at kahit kapos tayo..sinikap ko maghanap buhay para matapos ko kayo sa pag aaral ng mga kapatid mo..ikaw ang panganay mylene..ikaw ang Inaasahan ko na akala ko Makakatulong sa akin..dahil wala na nga ang ama mo..Pero hindi sa halip na tulungan mo ako anong ginawa mo ha?? 18 yrs old ka pa lang Nagpabuntis ka na agad!!!…
Pero tinanggap ko yun dahil wala na ako magagawa kundi Ipakasal ka sa nobyo mo..kahit bago pa lang si Noy pinilit ko tanggapin sya alang alang sayo…naiintindihan mo ba ako??
“”Huhuhuhu si mylene ay patuloy lang sa pagtangis ng luha habang tinataggap ang galit ng ina
“”Tapos ngayon eto ginawa mo? Nanlalaki ka at sa dinami dami ng pwede mo patulan hindi kita maintindihan bakit sa Matandang lalaki na yun pa? Sariling Ama pa ng asawa mo?? Na halos mas matanda pa sa tunay mo ama…bakit anong Nakita mo sa byenan mo ha?? Ano malaki ba?? Ganyan na ba Talaga Kakati ang Puke mo? Magsalita ka…huhuhu
Halos maiyak na rin si aling mildred habang kinompronta nito si Mylene sa sobrang inis at galit sa nangyari sa kanyang anak…
“”Inay patawad patawarin nyo ako…tulungan nyo ako makabalik sa mga anak ko…hindi ako mabubuhay ng wala sila sa akin huhuhu..pagsusumamo ni Mylene sa ina
“”Kahit anak kita hindi kita kukunsintihin sa ginawa mo!! Pero sa mga apo ko gagawin ko ang makakaya ko..”
Makalipas ang ilang araw at dumating na ang araw ng libing ni aling fely sa kabila ng matinding kaguluhan at kahihiyan inabot ng kanilang pamilya..marami pa rin sila mga kaanak kaibigan at kapitbahay na nakiisa sa libing..nandoon lahat ang mga anak ni Aling fely…
Matinding kalungkutan at hinagpis na naramdaman nila lalo na si Noy dobleng sakit ang dinadala..kaya halos maglupasay ito habang pinapasok sa nitso ang kabaong ng Ina..
“”Nanay Inay ko….huhuhu pagbabayaran nilang lahat ang Ginawa nila sayo panloloko magbabayad sila”” matinding poot pa rin ang huling bigkas ni Noy sa nilibing na ina habang pumapatak ang mga luha nito..
Samantala sa hindi kalayuan ay Naroon lang si Mang Silyo sa dulo at nagmamasid mula sa isang malaking puno na walang nakakakita sa kanya..Doon na lamang nya masilayan at nasaksihan ang paghahatid sa asawa sa huling hantungan..Doon halos kahit hindi pumikit ang kanyang mga mata ay kusang bumabagsak ang mga Luha nya..at nakapanuntok ang kanyang mga kamao Matinding emosyon ang kanyang naramdaman na hindi na sya bahagi pa ng kanyang tinayong pamilya..at hindi man lamang nya muli nasilayan si Aling Fely sa huling sandali nito..
“”Ehuhuhhuhuhu huhuhu mahabang hagulhol na lamang ang maririnig sa boses ni mang silyo habang nakamasid sa malayo habang nililibing ang kabiyak nya..
Makalipas ang ilang linggo matapos ang libing ni aling fely..kinagabihan ay palihim na pumunta si Mang Silyo sa kanilang lugar..kung saan nandito ang bahay nila luma kung saan nakatira si Noy..gustuhin man nya pumasok ay alam nya hindi pwede..ayaw na nya magkagulo pa ulit kaya patago sya nagpunta pero sa bahay ng kanyang Ina na si
Lola Goria sya nagsadya para kausapin ang ina..
“”Inay
“”Silyo? Anak huhuhu saan ka nagpunta? Yumakap pa ito kay Mang Silyo.
“”Inay nagpunta lang po ako dito para sana makiusap sayo!
“”Ano anak ano un?
“”Magpapakalayo po muna ako hindi ko na kasi kaya..at walang wala na ako mukha maihaharap sa mga anak ko…at sa iba tao sa sobrang kahihiyan ginawa ko”
“”Saan ka naman pupunta?
“”Sa ngayon hindi ko pa alam pero ang mahalaga Makalayo po muna ako…alam ko hindi ako mapapatawad ng mga anak ko pero umaasa pa rin ako na sa tagal ng panahon sana maghilom ang sakit na sugat na binigay ko sa kanila..” si Mang Silyo na unti unti na naman naluha
“”Silyo kung nabubuhay lamang siguro ang ama mo ngayon..hindi ko alam kung ano magagawa nya sayo dahil sa pambabae mo at sariling manugang mo pa ang iyong inanakan…baka kung nandito lamang ang itay mo siguro papatayin ka nya sa kahihiyan na iyan.. pero ako? Kahit alam ko na malaking kasalanan yan ginawa mo kaya kita Maunawaan at pipilitin ko umunawa sayo..
Anak bakit mo nagawa ito kay Fely? Hindi kami magkasundo Oo inaamin ko..hindi ko sya gusto para sayo..pero sa paglipas ng mahabang panahon..natangap ko sya bilang asawa mo at ina ng mga apo ko! Kahit kailan naging tapat naman sya sayo! Pero bakit sa dinami dami ng naging babae mo bakit kay Mylene pa ha?? Diyos ko huhuhu… napapikit na lamang habang naluha si Lola Goria na kinakausap ang anak na si Mang Silyo…
“”Inay inaamin ko natukso ako sa manugang ko..nagpatalo ako sa tukso at sa tawag ng laman..pero kahit paano Inay..sasabihin ko sayo..minahal ko na po si mylene”
“”Anong kalokohan mo yan silyo? Bakit mo mamahalin ang babae na asawa ng anak mo?.. por diyos por santo
“” inay mahal ko po ng higit sa lahat si Fely sa lahat ng babae nakarelasyon ko..pero si Mylene ang bukod tangi pangalawa sa asawa ko…
Tila lalong nagulat si Lola Goria sa mga pinagtapat ng anak .at kaya bigla nya nasampal ito ng malakas
Paaaakkkkkkkkk!
Anong kalokohan yan Ha? Silyo utang na loob pigilan mo yan naramdaman mo!! Napakalaking kasalanan yan sa Diyos ang maki apid ka at ngayon may anak ka pa sa babaeng yan””
“”Inay wala na po ako maggawa kahit ilang beses nyo pa ako samapalin..huli na ang lahat nagawa ko na magkasala nagbunga na ang aming kataksilan..kaya eto ko dapat lamang sa akin maparusahan tama si Noy…kulang pa ang suntok at pagmumura alam ko dapat ako magbayad sa nagawa ko…huhuhu
“”Bakit kailangan mangyari ang mga bagay na ito anak…huhuhu”
“”Inay aalis na po ako…at gusto ko ipagbilin sa inyo ang mga anak ko…
Nay pakiusap kayo na muna bahala gumabay kina Toto at Lenlen…at kahit kay Noy pakitingnan nyo po sya…at saka kayo inay alagaan mo ang sarili nyo” inay patawarin nyo po ako huhuhu….
Bigla yumakap ng mahigpit si Mang Silyo sa kanyang 81yrs old na ina na si Lola Goria habang nagpapaalam at hinabilin dito ang kanyang mga naiwan anak..
At tuluyan na nga umalis si Mang Silyo dala ang kanyang mga gamit sa malaking bag..bagamat hindi nya alam kung saan sya maninirahan ay bahala na sya dalhin ng kanyang mga paa..kung saan magpapakalayo muna sya sa isang Lugar na walang nakakakilala sa kanya upang doon kahit paano mag isa nya iisipin at gugulin ang buhay nya malayo lamang sa matinding kahihiyan..pero umaasa pa rin sya na babalik sya muli at mapapatawad sya muli ng kanyang mga anak…
Samantala kinabukasan naman sa bahay nina Noy…
“”Lenlen patahanin mo nga yan Bastardang Bata na yan ang ingay ingay naririndi ako dyan…
Galit na utos ni Noy
…