Kasabay ng pagtawag ng ale sa mga kasamang nasa loob ng bahay ay ang pagguhit ng matatalas na kidlat sa kalangitan. Agad iyong sinundan ng dagundong ng nakabibinging kulog na gumulantang sa paligid at tumabon sa boses ng humihiyaw na babae.
Napayuko ang binata at nag-apurang lumakad palayo sa bahay ng dilag pabalik sa kanyang sasakyan. Pagkasakay doon ay minsan pa niyang tinapunan ng tingin ang nakaawang na bintana upang muling matanaw ang nakasilip na dalaga doon, saka ito tuluyang umalis.
************************
Kaninang umaga habang ginaganap ang misa ay hindi mapakali ang mata ni Trisha. Umaasa na makita si Daniel sa kumpol ng mga taong nagsisimba.
Nabanggit niya kasi sa binata ang lingguhang pagpunta sa malaking simbahan sa may bayan nila.Bagama’t alam ni Daniel na maaring kasama ni Trisha ang kasintahan nito sa pagsimba ay nagpahayag pa rin ito na dadalo sa misa para masilayan lamang siya.
Ngunit hanggang sa maglabasan na ang mga tao sa pagtatapos ng banal na pagtitipon ay hindi natanaw ng dalaga kahit anino nito. Alam niyang maling hanapin ang binata samantalang kasama niya ang kanyang kasintahan, ngunit sadyang umasa siya sa sinabi ni Daniel.
Abot din ang silip niya sa kanyang cellphone upang alamin kung nagpadala ba ito ng mensahe. Nangako din kasi ito na magmemessage pagkakuha pa lang ng kanyang numero.
‘Bakit naman kasi hindi ko siya pinag-missed call para alam ko na din ang number niya!’ inis na turan nito sa sarili sa kanyang isip.
Kagabi pa siya nag-aalala nang magkaharap ang binata at ang kanyang ama. Bagama’t di niya naririnig ang pag-uusap ng mga ito ay parang nahulaan na niya kung ano ang sinabi ng kanyang tatay kay Daniel. Kitang-kita niya ang lungkot at pagkadismaya nito sa narinig habang nasa gitna ng malakas na ulan.
“Trisha… Trisha nadinig mo ba ko?”
Natauhan ang dilag sa pagtapik ni Marco sa kanyang braso. Kanina pa pala siya tinatanong nito tungkol sa food tasting na kanilang pinuntahan pagkatapos magsimba.
Wala siya halos matandaan sa mga pinag-usapan nila kanina ng caterers at ng kanilang wedding coordinator. Para siyang robot na tango lang ng tango kung ano man ang mapagkasunduan. Ni hindi nga niya halos nalasahan ang mga pagkaing inihain sa kanila dahil ang isip niya ay kanina pa nakay Daniel.
“Bahala ka na Mey… Marco.” wala pa din sa sariling sagot nito sa nobyo.
Napakunot na lang ang noo ng alkalde. Kanina pa niya napapansin na di mapakali ang nobya mula pa sa simbahan. Kahit magkasama sila ay parang hindi man lang niya maramdaman ang presensiya nito.
Nagtataka si Marco sa ikinikilos ng nobya. Sa mga nagdaang araw ay unti-unti na kasi niya itong nakikitaan ng pagkagiliw sa kanya matapos ang namagitan sa kanila nung Lunes. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin ang biglang panlalamig na naman nito.
Tanghali na nang makaalis ang magkasintahan sa opisina ng catering services na nakuha para mag-asikaso sa reception ng kanilang engrandeng kasal. Ngunit mula umaga ay nanatili pa ding balisa ang dalaga na parang wala sa kanyang sarili.
“Dun na tayo sa resthouse didiretso ha… nang makapagrelax ka naman.” wika ni Marco nang pagbuksan nito ng pinto ng sasakyan si Trisha.
“Ha?–” Magsasalita pa sana ang dalaga ngunit naisara na ni Marco ang pinto.
May resthouse ang alkalde sa isang liblib na ibayo malayo sa bayan. Doon ito kadalasang naglalagi tuwing araw ng Linggo upang makapagpahinga. Makailang beses na ding nakabisita doon ang pamilya ni Bert ngunit ngayon lamang maisasama ni Mayor ang kasintahan ng mag-isa lang ito.
Pagkasakay ni Marco ay agad na silang umusad sa daan. Kasunod ng sinasakyang SUV ng magnobyo ang MPV lulan ang dalawang personal bodyguard ni Marco at ang dalawang pulis escort na nakatalaga dito. Magkabuntot nilang tinatahak ang daan patungo sa resthouse ng mayor.
“Pwede bang ihatid mo na lang ako sa bahay? Masama kasi pakiramdam ko eh.” mabilis na pagdadahilan ng dalaga kanina pagka-upo pa lang ng alkalde sa driver’s seat.
“Huh?”
Sinalat ni Marco ang kanyang leeg at noo at pinakiramdaman kung mayroon siyang lagnat. Bahagya siyang napaatras sa pagkailang sa hipo ng alkalde dahil baka makahalata ito na nagdadahilan lamang siya at gusto lang niya talagang umuwi nang oras na iyon.
“Hmm… Mukhang normal naman temperature mo ah. Kailangan mo lang marelax… Patawag ko therapist ko para mamasahe ka mamaya.” mungkahi nito sa nobya.
Di makapag-isip ang dilag ng maaari pang idahilan sa alkalde. Lalo siyang di mapalagay habang pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan. Habang umuusad sila palayo ay mas lalong lumalabo ang tyansang magkita sila ulit ni Daniel kung di siya makakauwi sa kanila.
Pero paano nga ba sila magkikita gayong di man lang ito nagpaparamdam sa kanya. Kung bakit nga ba kasi di niya nakuha ang numero nito, at muli na naman siyang nakaramdam ng pagkainis sa kanyang sarili.
“Saka namimiss na kita baby ko…” basag ni Marco sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
Kasabay nito ang paghawi sa laylayan ng palda at paghimas sa maputing hita ng dilag. Nagulat si Trisha at napahawak sa kamay na kasalukuyang humihipo sa kanya. Diniinan ang pagkakakapit doon upang sawayin ngunit sadyang ayaw papigil ng sabik na kasintahan.
Kaya naman pala tumanggi ito sa dalawang pulis na ipagmaneho sila at pinalipat ang mga ito sa kabilang sasakyan. Gusto pala ng alkalde na mapagsolo silang dalawa ng nobya habang bumabyahe.
Marahan na lamang ang pagpapatakbo ni Marco dahil nagsanga na ang kalsada at hindi pa sementado and daang kanila nang tinatahak. Madalang pa kasi ang mga residente sa liblib na bahaging iyon. May mga usapin din sa lupang daraanan ng pinaplanong sementadong kalsada na naghihintay pa ng desisyon ng korte.
“Di na nasundan yung nakaraan Trisha… Di mo ba namimiss?”
Halos tuluyan nang mahawi pataas ang kanyang palda dahil sa mapangahas na kamay ni Marco na ngayon ay humihimas na sa kanyang maputing singit. Pilit niyang iniipit ang kanyang mga hita at nakikipaghaltakan sa kamay sa matandang nobyo.
Nagsisimula nang tigasan si Marco madama pa lang ang makinis at malambot na hita ni Trisha na sa tingin niya’y nagpapakipot pa sa oras na iyon. Halos isang linggo na din mula nang makaniig niya ang dilag ngunit di pa rin mawala sa kanyang isip ang sarap ng pakikipagtalik sa kanyang batang nobya.
“Arrrghh… Tama na please!” Nakaramdam na talaga ng tunay na pagkainis ang dalaga nang dakmain ng alkalde ang ibabaw ng kanyang puke.
Samantala sa kasunod na sasakyan lulan ang apat na bantay ng alkalde, nakikiramdam lamang ang dalawang pulis na nakaupo sa likod habang abalang nakikipagpalitan ng mensahe sa kanilang mga kausap sa telepono. Inihahanda ang mga sarili na isakatuparan ang binusising plano.
‘Ok sir copy. Malapit na kami sa location.’ mensahe nito sa kausap.
“Pasalat lang baby…” Pilit na isinisingit nito ang hinliliit sa ilalim ng manipis na telang tumatabing sa matambok ng pisngi ng hiyas ng dilag.
“AARGHH! I SAID STOP!!”
Napahiyaw na ang dilag sa alkaldeng ayaw papigil sa kalikutan ang kamay. Nagulat si Marco dahil ngayon lang niya narinig na tumaas ang boses ng dalaga. Dama ng alkalde na hindi lang basta nagpapakipot si Trisha sa pagtanggi nito sa gusto niya.
“Seriously?!”
Hindi maitatangi ang pagkainis sa mukha ni Marco nang bawiin nito ang kanang kamay at ibalik iyon sa manibela sabay tapak sa preno. Gulat sa tahasang pagtanggi ng dilag sa kabila ng mga namagitan sa kanila noong nakaraang Lunes. Parang biglang nag-iba ito ng pakikitungo mula pa kaninang umaga nang sunduin niya ito sa kanilang bahay upang magsimba.
Nagtaka ang dalawang pulis sa biglang paghinto ng oto na kanilang sinusundan. Malayo-layo pa ang lokasyon kung saan nakaabang ang mga sasakyan ng mga kasamahan upang isagawa ang planong pag-ipit sa sinasakyan ng alkalde.
“Oh bakit kaya huminto si Mayor?” tanong ng isang bodyguard na siyang nagmamaneho.
“Ewan ko buddy… Baka naglalabing-labing muna hehehe” sagot naman ng isa.
Alerto ang dalawang pulis na nakasakay sa likod. Nakahanda ang mga side arms na nakatutok sa likod ng upuan ng dalawang civilian bodyguards na nakapwesto sa harap.
“Nakikiusap ako Marco! Gusto ko nang umuwi!” pagmamaktol ng dilag sa dismayadong alkalde.
Kanina pa siya naiinis, hindi dahil sa kapangahasan ng kasintahan, kundi dahil sa pag-iisip sa lalaking nakasama niya kahapon. Lumipas ang magdamag hanggang umaga na hindi man lang ito nagpaparamdam. Para bang matapos ang lahat ng inamin at ipinaramdam nito sa kanya ay bigla na naman itong nawala.
Hindi na kumibo si Marco. Kunot-noong kumambiyo at mabilis na ipinihit ang manibela pabalik na tila walang pakialam sa mga lubak sa bilis ng maniobra nito. Kumukutkot sa lupa ang mga gulong ng sasakyan sa bilis ng arangkanda na tila makikipagkarera.
Nagkatinginan na lang ang dalawang pulis nang mabilis na nilagpasan sila ng pabalik na sasakyan ng alkalde. Tinangka pa itong habulin ng nagmamanehong bodyguard ngunit nakalayo na ito agad bago pa man sila makapagmaniobra. Tanging puting alikabok na lamang ang kanilang nakita sa dinaanan ng alkalde.
Nakatanggap agad ng mensahe ang isa sa mga pulis mula sa kausap na kanina pa nag-aabang sa kanila. Tinatanong nito kung bakit natatagalan ang kanilang pagdating at agad na iniulat ng pulis na bumalik ang sasakyan ng alkalde. Ngunit sila man ay walang alam kung bakit biglang pagbago ang ruta nito. Sinubukan pa nilang tawagan ang alkalde ngunit di naman nito sinagot ang kanilang mga tawag.
“Putangina may sa palos yata tong si Vargas, Dad! Ang dulas!!”
Di lingid sa mag-ama na ano mang araw ngayon ay malapit na silang damputin ng mga kinauukulan. Kaya bago pa makapagbigay ng official statement at makapagpresinta ng matibay na ebidensiya ang kaanak na nang-hudas sa kanila ay kailangang makuha na nila ito. At tanging si Mayor Vargas lang ang susi kung saan nila ito makikita.
“Nauubusan na ko ng pasensiya sayo John! Alam mong hindi ako pwedeng magtago at para ko na ding idiniin ang sarili ko!” sagot ng kongresista sa anak sa kabilang linya.
“Dukutin niyo kung sino man ang malapit sa kanya! Para may pamalit-ulo tayo!” hiyaw nito, galit na galit sa palpak na plano ng kanyang anak.
“Nag-iisa sa buhay si Vargas Dad… Yung girlfriend niya lang ang pwede kong magamit.”
“OH PUWES YUN ANG GAWIN MO!!” bulyaw nito sabay baba ng telepono.
Tiim-bagang ang anak sa natanggap na singhal mula sa galit na ama. Sa lakas ng hiyaw ay dinig na ng mga kasamang tauhan ni John ang boses nito.
“Boss… Mukhang galit na galit si Cong ah?” nakangising puna ng isa sa mga tauhang nakadinig sa kanilang pag-uusap.
Tinitigan ito ni John, gamit ang hintuturo ay tinawag ang nagsalitang tauhan. Nang makalapit ito sa anak ng kongresista ay isang malakas na sampal ang inabot nito sa bwisit na amo.
“AYUSIN NYO TRABAHO NYO! MGA GAGO!!!”
Parang asong bahag ang buntot na napatahimik na lang ang lalaking tumalsik ang subong bubble gum sa lakas ng pagkakasampal sa kanya.
************************
“Ay nako naman… Yun gang may asawa eh nadadale pa… yan pa kayang ikakasal pa la-ang?” palatak ng kanyang tiyuhin.
Ganon na lang ang tuwa ng mga kaanak sa pagbabalik ni Daniel kagabi sa kanilang tahanan. Ikinuwento na ng binata sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit napapayag siyang magtagal pa sa Batangas. Dahil hinahanap niya ang babaeng nakita noong Lunes at sa wakas ay natagpuan na niya ito.
Tuwang-tuwa ang kanyang Momi Lucy sa kanyang nalaman. Sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam niya ay siya ang tunay na ina ng binata nang magtapat ito ng damdamin sa dalagang natagpuan. Ngunit nabahiran din ito ng lungkot nang malaman ang sitwasyon ng babaeng iniibig ng pamangkin.
“Anak… Kung mahal mo talaga at alam mong mahal ka din niya… ipaglaban mo.” payo ni Lucy.
“True love comes once in a lifetime… kaya wag mo nang palampasin. Wag kang pumares sa akin.” dagdag pa nito.
“Oo kita mo’t tumandang dalaga na tuloy yang kapatid ko. Oh ano pa ga ang tinutunganga mo di-yan utoy? Larga na at nang maigayak na aring dalawang baka di-ne!” buyo naman ng kanyang tiyuhin.
Lihim na natutuwa ang binata sa suporta at payo ng mga ito. Sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon lang siya muli nagbukas ng kanyang damdamin sa mga taong malapit sa kanya buhat ng mawala ang kanyang ina.
Muling nabahiran ng lungkot ang kanyang mukha nang maalala ito. Ang ina na laging nakasuporta sa lahat ng kanyang gagawin. Lagi nga siyang natutukso nuon ng mga kaibigan na mama’s boy. Kahit kasi teenager na siya ay wala siyang alam sambitin kundi ‘Mama’ dahil sadyang malapit siya dito.
“Ay siya! Ako’y magkakatay na ng manok. Imbitahin mo mamaya na di-ne maghapunan ha nang makilatis na!” basag ng kanyang tiyuhin sa kanyang pagmumuni.
Tuwang-tuwa ang magkapatid habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng pamangkin upang katagpuin muli ang dalaga.
“Sana nga siya na talaga ang para kay Daniel, ‘no kuya?” anas ni Lucy.
“Ala’y oo nga eh… para naman matuwa na ang kaniyang Mama.”
************************
Pagtapat ng sasakyan ni Marco sa bahay ng dalaga ay walang paalam na bumaba na ito. Nanatili lamang ang alkalde sa loob ng sasakyan at idinukdok ang ulo sa kanyang manibela. Dismayado na sa kabila ng nangyari na sa kanila ay parang wala pa din siyang puwang sa puso ng iniibig.
Nang matanaw ang paghinto ng sasakyan ng kanyang amo at magiging manugang ay napatayo si Mang Bert sa hapag at agad na lumabas. Lalapitan niya sana ito upang imbitahin na pumasok muna ngunit agad na din itong umalis.
Parang nahuhulaan na ng matanda na mayroong tampuhan ang kanyang anak at si Marco. Para kasing walang nakita ang alkalde nang siya ay papalapit at agad itong nagpaharurot ng sasakyan. Sa hinuha niya ay malamang na ang bruskong lalaking nakita niyang kasama ng anak kagabi ang dahilan.
Di rin lingid sa ama ang tunay na damdamin ng anak sa pagpayag nitong magpakasal sa alkalde. Alam niyang napilitan lang ito alang-alang sa lahat ng nagawa ni Marco para sa kanilang pamilya. Ngunit bilang isang ama ay alam din niya kung saan mapapabuti ang anak.
Pagpasok ng kanyang silid ay agad naglock ng pinto ang dalaga. Nilagpasan lang niya ang ama at di na rin nagawang batiin ang dalawang nakababatang kapatid na lalake at kanyang ina na kasalukuyang nanananghalian sa hapag-kainan. Pagkahubad ng sapatos ay agad sumampa sa kanyang higaan at dumapa.
Kinuha ni Trisha ang kanyang cellphone upang tignan kung wala pa din ibang numero na rumerehistro sa kanya. Lalong nalungkot at napabuntong-hininga na lang ang dalaga nang mapagtantong wala pa ring paramdam si Daniel. Nangingilid ang luha niyang initsa sa unan ang telepono nang bigla iyong tumunog.
Nagkumahog ang dilag upang muling damputin ang telepono. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang makita ang friend request na nag-pop sa kanyang screen. Nang pindutin ang app ay halos maglulundag ito sa tuwa nang makita ang buong pangalan ng nag-add sa kanya.
Daniel Ramirez
Agad nyang pinindot ang ‘Confirm’ at lalo nang nagkakawag ang mga binti ng dilag nang makita nito ang ginamit na profile picture ng binata sa kanyang social media.
Kuha nila iyong dalawa na magkayakap sa tabi ng malaking puno sa burol. Tanging kalahati ng kanyang mukha ang nakikita na bahagyang natatabunan pa ng nililipad niyang buhok. Sa napiling litrato ni Daniel ay ramdam niyang nais din nitong protektahan ang kanyang pagkakakilanlan.
Ngunit ganon pa man ay labis-labis ang tuwa niya at bahagya pang napapatili at parang batang nagpagulong-gulong sa kanyang higaan. Nariyang susubsob pa ito sa unan saka itotodo ang kanyang tili dahil sa sobrang tuwa at kilig.
Lalo pa nang mabasa niya ang mga kumento ng mga nasa friends list ni Daniel na pawang nagulat lahat dahil ngayon lang pala ito nagpost ng larawan bukod sa kanyang mga paintings. Ngunit isa sa mga komento ang muling nagpatili sa dalaga nang mabasa ito.
Jorge D
Pre siya na ba yung girl? Kaya naman pala ilang linggo kang tulala eh!
Nagkakatinginan na lang ang mag-iinang magkakaharap sa hapag sa naririnig nila mula sa loob ng silid ni Trisha. Kanina lang nang dumaan ito’y parang walang nakita at narinig nang yayain nilang dumulog sa hapag. Nakabusangot ito at padabog pang isinara ang pintuan ng kanyang silid. Ngayon naman ay nagtititili ito at panay ang hagikgik na waring kiliting-kiliti.
Nagusot na ang kobre-kamang kanyang ginugulungan. Gayon na lang ang sayang nadarama ng dalaga. Kung kanina ay abot-abot ang inis at sama ng loob niya sa binata dahil sa di nito pagpaparamdam, heto at siya namang kabaligtaran ngayon.
************************
“Ma… tignan mo oh… siya yung girl na hinahanap ko. Nakita ko na siya.”
Pinapakita pa ni Daniel sa harap ng lapida ng kanyang ina ang larawan ni Trisha sa kanyang telepono. Nakaupo siya pasalampak at nakasandal sa marmol na nitso.
“Ganda noh Ma?… Bet mo po? Haha” Kitang-kita ang ningning sa mga mata nito habang kinakausap ang namayapang ina.
“Kaya lang bakit ganun… Nakita ko nga sya kaso ikakasal na daw eh… Mukhang late na ko…” malungkot na wika nito.
“Ano yun Ma?” At inilapit pa nito ang kanyang tenga sa nitso na waring may ibinubulong sa kanya ang ina.
“Oo naman ilalaban ko yun! Basta di na ko papayag this time Ma na mawala pa ang mahal ko.”
Kahit kumplikado ang sitwasyon nila ni Trisha ay nakakahanap ng lakas ng loob at kapanatagan si Daniel sa pagkausap sa kanyang mama. Kagaya nung una syang umiibig nung binatilyo pa lamang.
“Ano ulit Ma? Apo? Hahaha”
Masayang-masaya ang binata habang naglalakad palabas ng campo santo at kausap ang dalaga sa kanyang telepono. Habang nagkukwento sa kanyang ina ay nagpadala na siya ng friend request dito na agad namang inaccept ni Trisha.
Habang magkausap sila ay nakatuwaan ni Daniel na habulin ang isang makulay na ibon na palipad-lipad sa kanyang daraanan. Isang ibong parang ngayon lang siya nakakita.
Libang na libang ang kanyang mata sa pagsunod sa ibong habang nilalapitan niya ay siya naman ang paglipad palayo. Parang bata itong nagnanais na mahawakan ang kakaibang ibon na ngayon lang niya nasilayan.
Saka lang natauhan ang binata mula sa pagkalibang sa ibong sinusundan nang madinig ang tunog ng marahang busina. May sasakyan kasing tumutumbok sa kanya sa may paradahan sa labas ng sementeryo.
Sumenyas na lamang siya upang humingi ng dispensa saka dumeretso na sa kanyang kotse. Ngunit bago pa makasakay ang binata ay isang pamilyar na boses ang narinig niyang tumawag sa pangalan niya.
“Daniel…”
Napalingon siya sa lalaking pababa ng sasakyang bumusina sa kanya. Di na niya nakuha pang magpaalam kay Trisha at agad nang pinindot ang buton sa telepono upang tapusin ang tawag dito.
“Mayor.”
Napangiti lang ng mapakla ang kabababang lalaki na may dalang pumpon ng sariwang bulaklak. Napailing nang marinig kung paano siya tawagin ng nag-iisang anak.
Parang may nagdaang anghel sa pagitan ng mag-ama. Nakakabinging katahimikan. Nagpapakiramdaman. Walang ibig manguna sa nais sabihin o sadyang wala na talagang dapat pang pag-usapan.
“Akala ko nakabalik ka na ng Manila.” matabang na wika ng alkalde.
“Hmm… May inasikaso lang kaya medyo nagtagal dito.”
Ramdam na ramdam ang tensyong namamagitan sa dalawa. Parang ginto ang bawat salitang ilalabas ng kanilang mga bibig.
“Ah ganun ba?… Ok, see you around.” matipid na wika ni Marco.
Bahagya lamang tumango ang binata sa huling sinabi ng papatalikod na ama. Akma na niyang bubuksan ang pinto ng kanyang sasakyan nang muling magsalita ang alkalde.
“Ahh siya nga pala… I’m getting married.” Muli nitong binalingan ang anak na bahagyang napangiti sa narinig na balita.
“Yeah I heard. Congrats!”
Biglang nakita ni Daniel na nagliwanag ang mukha ng kanyang ama.Lihim siyang natuwa sa muling pagniningning ng mga mata nito. Sigurado siyang maligaya ito sa bagong pag-ibig na natagpuan sa babaeng kanyang pakakasalan. Parang muli niyang nasilayan ang saya sa mukha nito na huli niyang nakita nuong nabubuhay pa ang kanyang ina.
“Kung free ka… kung ok lang sayo… I want you to come.”
Nagulat ang binata sa paanyaya ng kanyang ama. Pigil na pigil ang kanyang kagalakan nang imbitahan siya nito sa nalalapit nitong kasal. Sa kabila ng mapait na nakaraan at mahigit isang dekada nilang pagkakalayong mag-ama ay gusto nitong maging saksi siya sa pinakamahalagang araw na yon. At malaking bagay iyon para kay Daniel.
“Su… Sure! Sige I’ll be there.” tugon niya na sinundan ng sunod-sunod na tango, hindi pa rin makapaniwala sa paanyaya.
“And visit me sometime… nang makilala mo naman siya.”
“Yeah… Yeah… Excited to meet her.” nakangiting turan ng binata.
“Oh sige Dandan… hmmm… ingat na lang sila sayo haha” biro pa ng alkalde bago tumalikod.
Napangisi din ang binata sa biro ng ama. Punong-puno ng init ang kanyang dibdib. Kabaligtaran sa kanilang pagtatagpo nuong Lunes sa prisinto kung saan muli niya itong nakitaan ng pagkadismaya, ngayon ay parang nakita niya ulit ang kanyang papa nuong panahong nabubuhay pa ang kanyang mama at masaya silang tatlo.
Parang ang bilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Parang sa isang iglap ay gumaan ang lahat ng bigat na kanyang nararamdaman na kay tagal na panahon niyang pinasan. Masayang-masaya ang mukha nito habang tinatanaw ang amang naglalakad papalayo.
Parang may tinik na nabunot sa dibdib ni Marco nang muli niyang lingunin ang kanyang nag-iisang anak na nanatili pa ring nakatingin sa kanya. Bahagya pa niya itong kinawayan bago tuluyang umalis ang sasakyan ng kanyang unico hijo.
Panahon na sigurong kalimutan ang lahat ng nangyari sa pagitan nila. Lalo na ngayong magsisimula na siya ng panibagong buhay kasama ang kanyang bagong pag-ibig. Mahirap mang limutin ang nakaraan ay kailangan nang harapin ang pagsisimula muli ng panibagong buhay.
************************
Nagmadaling magbihis ang dilag, nagyaya kasi ang binatang mamasyal nang tumawag ito. Tutol man siya sa paglilibot dahil baka may makakilala sa kanya, pinaunlakan na din ni Trisha ang lalaking kagabi pa niya hinihintay na magparamdam.
Nang maputol ang tawag nito ay nagsend na lang siya ng message at nag-apura nang gumayak. Nagsuot lamang siya ng maong shorts, off-shoulder blouse, sneakers at baseball cap. Binitbit din nya ang hooded jacket na pinahiram ng binata nang nagdaang gabi.
“Oh kararating mo lang ineng… saan ga ang punta?” dudang tanong ni Mang Bert sa panganay na kasalukuyang nagpapaalam sa kanyang ina.
“Uhm… May lakad kami ni Janet tay, niyaya akong maglibot.” pagdadahilan ng dilag na di makatingin sa ama.
“Ay sige ihahatid ko na la-ang kayo. Nandi-yan naman ang isang sasakyan ni mayor.” mungkahi nito.
“Hindi na ho tay, maaabala pa kayo linggong-linggo. Magpahinga na lang ho kayo. Sige po alis na ko at naghihintay na si Janet.”
Naiiling si Mang Bert sa nakikitang pagsisinungaling ng anak. Ramdam niyang hindi ang kaibigang si Janet ang kakatagpuin nito. Dati naman kasi ay gustong-gusto nitong nagpapahatid kung saan man ito pupunta kasama ang kaibigan.
Nang tuluyang makalabas ng bahay ay hinabol pa ito ng kanyang amang nag-aalala.
“Anak…” napahinto ang dilag at may pag-aatubiling bumaling sa kanyang ama.
“Malaki ka na ha?… Alam mo na ang tama at mali.” maigsing paalala nito sa anak.
Bahagya lang tumango ang dalaga at patuloy nang lumabas ng kanilang bakuran. Naglakad lamang ito nang malayo-layo mula sa kanilang bahay at sumakay sa naghihintay na kotse ng binata.
Nanlumo si Mang Bert dahil abot-tanaw niya ang dalagang anak na sumama ulit sa lalaking kanyang sinita kagabi. Ngunit wala siyang magawa upang pigilan ang anak sa mga kagustuhan nito. Bilang magulang ay di niya mapigilang mangamba na baka masaktan lamang ito sa huli.
“Oh wow pare!” pang-aasar agad na bati ni Daniel nang makita ang ayos ni Trisha.
Sa unang dalawang pagkakataon kasi na nakita niya ito ay lagi itong nakabestida. Ngayon ay nakababa pa ang cap nito na halos takpan na ang kanyang buong mukha.
Ngunit sa halip na sagutin ang binata ay buong sabik siyang hinalikan ng dilag sa kanyang pisngi. Kasunod nito ang isang pinong kurot sa kanyang tagiliran.
“Araaay!… Baket!”
“Hmp! Bakit kanina ka lang nagmessage?!” maktol ng dalaga sabay irap nito.
“Haha missed me?” sagot ni Daniel nang may matamis na ngiti.
“NO?! Duh!” muling irap ni Trisha habang nangingisi.
“Ay ano nga pala sinabi sayo ng tatay kagabi?!” Bigla siyang nag-alala nang maalala ang paghaharap ng binata at ng kanyang ama kagabi.
Nagkibit lamang ng balikat si Daniel at pinatakbo na ang kanyang sasakyan. Ayaw na muna niyang pag-usapan ang sinabi ng tatay ni Trisha. Gusto lang muna niyang i-enjoy at magpakasaya sa araw na iyon lalo na’t sa wakas ay tila nawala na kanina ang pader sa pagitan nilang mag-ama.
Sa halip na kumain sila sa isang restaurant sa paanyaya ni Daniel ay nakiusap si Trisha na mag-drive thru na lamang sila. Nang makarating sila sa bayan ay halos lumubog ang dalaga sa kanyang kinauupuan. Instict nito na magkubli kahit pa tinted naman ang sasakyan ni Daniel.
“Grabe naman, kakain lang tayo. Sikat ba si ‘ano’?” pagtutukoy ni Daniel sa nobyo ni Trisha. “Marami siguro siyang kakilala dito noh kaya takot kang makita na kasama mo ko?”
“Ha? Hinde. Busog pa kasi ko kaya di din kita masasabayan kumain.”
Minabuti na lamang ni Trisha na magdahilan. Parang hindi pa niya kayang aminin kay Daniel na ang kanyang mapapangasawa ay ang pinakamaimpluwensiyang tao doon sa kanilang bayan. Nangangamba siya na baka kapag nalaman ito ni Daniel ay tuluyan na siyang layuan ng binata.
Alam ng…