LARAWAN 21

Nagpaikot-ikot ang matanda sa katawan ng dalawang nakasibilyang pulis na nakahandusay sa labas ng bodega. Sinusuri kung mayroon siyang makukuha na mapapakinabangan mula sa mga ito.

Tila ba sanay na sanay na ang matanda na makakita ng mga labi ng tao sa paraan nito ng pagkapkap sa mga bangkay na walang bakas ng pag-aalinlangan. Dinukot nito ang mga bulsa at pinagkukuha ang lamang pera ng mga pitaka nito. Ni hindi man lang nagitla nang makita ang mga tsapa na naroroon.

Nakatalungko ito ng upo habang nangangapkap sa mga bangkay nang may madinig na kaluskos ang matanda at mapalingon sa direksiyong pinagtataguan ni Daniel. Napamulagat ang mga mata nito sa kanyang nasipat.

Kabadong nakakubli si Daniel sa likod ng mga drum sa tabi ng dalawang nakahigang katawan ng mga kasapi ng grupo. Batid niyang kapag nakita siya ng matanda ay madali nitong matitimbrehan ang mga kasama nito na nasa loob.

Lalo pang kinabahan ang binata nang makita niyang hinugot ng matanda ang itak na nakasuksok sa baywang nito at dahan-dahan itong lumapit sa kanyang pinagtataguan.

Inihanda na ni Daniel ang kalibre .45 na nakuha niya sa ikalawang lalaki. Maingat niya iyong ikinasa upang huwag lumagitik at iniumang sa papalapit na matanda. Napalingon din siya sa nakahandusay na lalaki sa kanyang tabi na kumikislot at tila unti-unti nang nagkakamalay.

Hindi malaman ni Daniel ang gagawin. Hindi maaaring magkaroon ng kumosyon sa labas na magiging sanhi upang maalarma ang mga kalaban sa itaas. Maaari nilang gamitin ang mga bihag upang mapalabas siya at tuluyan nang mawawalan ng pagkakataong maisalba niya ang mga mahal sa buhay.

Alam niyang wala siyang laban sa mga taong dumukot sa kanyang ama at kay Trisha. Ngunit wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang sumugal. Kailangan niyang lumaban.

Marahang humakbang ang matanda patungo sa pinagtataguan ni Daniel habang mahigpit na nakakapit sa itak nito. Habang papalapit ito ng papalapit ay matamang nakamasid sa kanya ang binata ngunit muli siyang napalingon sa lalaki sa kanyang tabi. Gumagalaw na ang mga daliri sa kamay nito at napapakunot ang noo senyales na binabalikan na ito ng ulirat.

Pigil-hininga si Daniel na nakahanda na ang daliring unti-unting dumidiin sa gatilyo ng nakaumang na baril. Nang biglang iniangat ng matanda ang matalas nitong itak sa ere.

Patuloy na tumataas ang paggapang ng kamay ni John kasabay ng lalong paglilis ng laylayan ng damit pangkasal. Panay naman ang kislot ng babaeng nakahiga sa ibabaw ng papag sa gawing kanan ng silid. Nakalantad na ang kabuuan ng mga hita nito at umabot na ang paghimas ng kamay sa singit ng dalaga.

Pilit na inipit ni Trisha ang kanyang mga hita. Diring-diri ito sa mga kamay na hayok na humahagod sa kanyang balat na ang daliri ngayo’y sumisiksik na sa kanyang panty. Isama pa dito ang mga nanlilisik na mata ng mga lalaking tila mga gutom na leon na handa nang sumagpang sa kanilang biktima.

Nagkakandahaba ang leeg ng mga tauhan sa pagmamasid sa umiinit na palabas. Bahagya pang napalapit ang dalawang nakapwesto sa may pinto na nakatanaw mula sa gilid ng higaan. Nais masipat ang kinakapa ng kanilang amo sa pagitan ng mga hita ng dilag.

Ang isa namang nakatutok ang baril sa alkalde ay napapadukwang palihis sa nakatalikod niyang amo. Nasa kaliwang sulok sa gawing paanan ng papag ang kanilang kinaroroonan ni Marco. Pilit nitong sinisilip ang babaeng ginagapang ni John lalo na ang hiyas nitong natatakpan ng kapirasong telang kulay puti.

Sa kanyang pagkakalugmok sa sahig ay hindi tanaw ni Marco ang nagaganap sa ibabaw ng papag. Tanging naririnig niya lamang ay ang paghikbi ng kaawa-awang kasintahan.

Halos mamilipit pa rin ito sa malalakas na tadyak sa katawan na kanyang tinamo. Maging siya ay pinanghihinaan na ng loob at nawawalan na din ng pag-asa kung paano sila makakaligtas sa kuko ng mga halimaw na iyon.

Damang-dama ni John ang init ng singaw ng pagkababae ni Trisha sa kanyang kanang kamay na nakaipit sa malambot na mga hita nito. Sarap na sarap siyang pagmasdang nakahain sa kanyang harapan ang alindog ng babaeng pakakasalan ng alkaldeng may atraso sa kanya. Maging ang panginginig ng dibdib at katawan ng dilag suot ang puti nitong trahe.

Wala nang sinayang na sandali ang hayok na lalaki. Yumukod ito at tinangkang sunggaban ang mga labi ng umiiyak na babae. Mabilis namang iniwas ng dalaga ang kanyang mukha sa halik na iyon kaya’t ang kanyang leeg naman ang pinuntirya nito.

Hindi malaman ni Trisha kung ano ang pipigilin. Ang malikot na kamay na ngayon ay marahas na humihimas sa ibabaw ng kanyang katambukan, o ang dila nito na kasalukuyang humihimod sa kanyang leeg.

“Tangina… Uubusin ko bango ng babae mo Vargaaas!… Uhmm…” hayok na pagdila nito sa malasutlang leeg at ngayon ay bumaba na ang mga labi sa punong suso ng dilag.

Pigil-pigil naman ng dalaga ang mga balikat ni John at pilit itong itinutulak palayo subalit sadyang napakalakas nito. Hangga’t pumapalag siya ay tila lalo pang dumidiin ang mga halik nito na may kasamang kagat ng mga labi sa kanyang balat.

Puwersahang hinaltak ni John pababa ang bahagi ng traheng tumatabon sa may dibdib na ikinatastas ng isang manggas sa may balikat ng dalaga na nakakabit doon. Dinig ang pagkapunit ng pinong tela at nagtalsikan ang mga puting sequins at beads ng trahe dahil sa pagkakahiklat.

Lalo namang naulol ang tatlong tauhan sa masarap na palabas na kanilang namamalas. Nakaluwa na ang mga suso ng babae at halos sumungaw na ang mga utong nito. Tanaw din nila ang matambok na kipay ng namamaluktot na dalaga. Kahit natatakpan pa ng manipis na tela ay maaaninag ang hiwa nito.

Isang malakas na taga lamang ang ginawa ng matanda at agad niyang napuruhan ang namataang kalaban. Napangisi ito nang matagpas ang ulo ng kanyang pakay. Ilang-araw na rin niya iyong hinahanap dahil ito ang umuubos sa mga sisiw ng kanyang mga pinagagalang manok.

Nang mapatay ang ahas ay binitbit iyon ng matanda pabalik sa gate na kanyang binabantayan. Balak ibida kapag naparaan ang kanyang kumpare dahil mayroon na silang ipamumulutan.

Pansamantalang nakahinga ng maluwag si Daniel. Akala niya ay siya ang pakay na tagain ng matanda kaya’t montikan na nga rin niya itong mabaril. Nang makalayo ito ay agad niyang binalingan ang lalaki sa kanyang gilid na tila nagkakamalay na.

Taranta ang binata kung ano ang gagawin nang bahagya na itong mapadilat. Iniiwasan niyang gamitan ito ng armas dahil tiyak na maaalarma na ang mga kalaban sa loob.

Napamulagat ang lalaki nang magtama ang kanilang mga mata. Agad itong sinampahan ni Daniel at tinakpan ng mga kamay ang bibig nito upang hindi makalikha ng ingay.

Sa kanyang pagkakakubabaw dito ay nagkakawag ang mga paa’t kamay ng lalaki sa kagustuhan nitong bumangon. Habang nakatuon siya sa bibig nito ay inaabot naman ng lalaking nakahiga ang kanyang mukha at pilit iyong sinusubukang lamukusin at itulak palayo.

Nawalan na ng pagpipilian ang binata. Ang mga kamay na nakatakip lamang sa bibig ay mariing nakakapit na ngayon sa leeg ng lalaki. Todo pwersa ang ginawang pagsakal sa nagwawalang lalaking nagpipilit humiyaw ngunit hindi magawa pagkat kinakapos na ng hininga.

“Arrkk! Ahhkkk!!”

Titig na titig si Daniel sa mga mata ng lalaking kanyang sinasakal. Kita nya ang pamumula ng ugat sa mga mata nitong waring naipunan ng dugo habang tuloy ito sa pagkakawag. Hanggang sa ang mga kamay na pilit tumutulak at humahampas sa kanya ay bigla na lang bumagsak.

Hingal na hingal si Daniel na agad napagilid matapos niyang makitang mamatay nang harapan ang lalaking iyon. Kitang-kita niya sa mga mata nito nang panawan ito ng buhay.

Nakaluhod ang binata habang minamasdan ang nanginginig niyang mga kamay. Sa ilang saglit lang ay dalawang buhay na ang kinitil ng mga iyon. Mga buhay ng dalawang taong hindi niya kilala at hindi alam kung may mga pamilyang naghihintay sa pag-uwi ng mga ito.

Para siyang masusuka nang muling tapunan ng tingin ang dalawang bangkay sa kanyang tabi. Napalamukos sa kanyang mukha si Daniel. Batid na hindi makakatulong sa sitwasyon kung iisipin pa niya iyon. Ang mahalaga ay mailigtas niya ang kanyang ama lalo na ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Kahit hinang-hina ay pinilit niyang makatayo. Dinampot ang maigsing armas at muling iginala ang mga mata sa paligid kung mayroon pa bang ibang kalaban na naroroon.

Halos di kumukurap ang mga nasa silid at nanlalaki pa ang mga mata habang nakamasid sa ginagawa ni John sa magandang babae. Maliban kay Marco na walang kalaban-labang nakahandusay sa lapag.

Pilit niyang kinakalagan ang pagkakagapos ng mga kamay na kanyang nahihigaan ngunit sadyang hindi niya magawang kalagan ang mga iyon. Nawawalan na ng pag-asang maililigtas pa si Trisha mula sa mga demonyo.

Di na nakatiis sa pagkatakam ang buhong amo nang bigla nitong haltakin pababa ang itaas ng trahe kasabay ang strapless bra ng dalaga. Pilit pang tinakpan ni Trisha ng mga braso ang kanyang dibdib ngunit hinawi lamang ni John ang mga iyon.

Nakapaling sa kabilang gilid ng higaan ang mukha ni Trisha na patuloy sa paghagulgol. Lihim na nananalangin na sana ay makaligtas pa sila ni Marco sa kamay ng mga walang kaluluwang iyon.

Parang asong ulol na nakakita ng lalapain ang hayok na anak ng kongresista. Muli niyang nasilayan ng buo ang mapuputing susong may maliliit na utong na kulay mapusyaw na rosas.

Kung dati ay nabosohan lamang niya ang dilag kasama ang alkalde sa kadiliman ng gabi, ngayon ay sa liwanag niya namamasdan ang mga susong iyon at sa mas malapitan.

Walang pag-aatubili nitong agad na isinubo ang isang utong at sinuso ng husto na akala mo batang uhaw na uhaw sa gatas ng ina. Matunog ang pagsupsop nito at nilalaro-laro pa ng dila ang mumunting utong. Dito na nagpapalag ang dilag. Pilit kumakawala sa mga kamay na mariing nakakapit sa magkabila niyang braso.

“WOOOO!!!”

Sabay-sabay naghiyawan ang mga tauhan na parang mga lobong nagsialulong. Napapangiwi naman ang labi ng babae sa kirot ng marahas na pagsupsop ng amo ng mga ito sa magkabila niyang utong.

“TAMAAA NA POOO!!! HUHUHU!!” hinagpis at pagmamakaawa ni Trisha sa hayok na lalaki.

Parang sinisilaban sa galit si Marco sa nangyayari at sa naririnig na panaghoy ng kasintahan. Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakahandusay at parang toro nitong sinuro ang nakabantay sa kanya na abala na sa panonood sa nagaganap sa papag.

“TANG INA MO JOOOHHNNNNN!!!”

Nang mapasalampak ang sinuwag na bantay ay akmang sunod na susugurin na sana ni Marco si John ngunit isang malakas na palo ng baril sa kanyang batok ang tinamo nito mula sa isa pang tauhan. Una mukhang bumagsak ito sa maalikabok na sahig at tuluyang nawalan ng malay.

Napalingon si John sa kumosyon. Kitang-kita din ni Trisha ang sinapit ni Marco. Dahil sa nangyari ay pilit nitong pinwersa ang kanyang mga kamay na makalaya sa pagkakagapos ni John at bigla nitong pinagsasampal ang lalaki.

“MGA HAYUP KAYO!!! ANG SASAMA NIYO!!!” hagulgol ni Trisha habang patuloy na pinaghahampas sa mukha ang lalaking nakakubabaw sa kanya.

“AHH PUTAAA!!!” at isang malakas na sampal din ang iginanti nito sa kanya na ikinayanig ng dalaga.

Pabalik na si Daniel sa loob ng bodega nang makarinig siya ng mga kalabog mula sa likod ng puting kotse. Payukong pinuntahan ng binata ang sasakyan at paupong sumandal roon. Narinig niyang parang may taong nasa loob ng trunk at humihingi ng tulong.

Sinipat ni Daniel ang manibela mula sa bintana ng passenger door sa harap. Maingat niyang binuksan ang pinto at agad na kinuha ang susi sa manibela. Gamit ang kaliwang kamay ay binuksan niya ang trunk sabay tutok ng baril sa lalaking nasa loob nito.

“Boss… Boss… wag po!” takot na pakiusap ng lalaki nang makita ang tangan niyang baril na nakatutok dito.

Sinenyasan ito ni Daniel na huwag maingay at hinayaan itong makababa.

“Nasaan ga ako? Sino ka? Nasaan yung ihahatid kong ikakasal?!” sunod-sunod na pabulong na tanong ng lalaki habang kapwa sila nagtatago sa likod ng sasakyan.

Napagtanto ni Daniel base sa suot nitong uniporme na ito ang driver ng vintage bridal car na iyon. Nanlilimahid ang suot nitong puting coat dahil sa maalikabok na trunk at may bahid pa ng natuyong dugo mula sa sugat nito sa mukha.

“Kailangan mong makalabas dito at makahingi ng tulong… Nanganganib sila Mayor!”

Itinuro ni Daniel sa lalaki ang gate palabas ng malaking bakuran at ibinigay ang susi ng kanyang motor. Binalaan din niya ito na mag-ingat sa matandang nagbabantay sa labas ng gate. Tumango-tango lamang ang lalaki sa kanyang mga habilin dito.

Bago umalis ang driver ay may kinuha itong tubo sa loob ng sasakyan. Mabuti nang may dala siyang magagamit na panlaban sa sinabi ng lalaki na bantay ng gate sa labas. Laking pasalamat pa nito sa binata bago ito tuluyang umalis.

Lalong napahagulgol si Trisha sa malakas na sampal na tinamo. Tila wala naman siyang magagawa na upang pigilan ang lalaki sa balak nito sa kanila ni Marco dahil lalo lamang siyang nasasaktan.

Muli nang binalikan ni John ang suso ng babae at halinhinan iyong sinupsop. Napapanganga ang mga alagad at napapadila sa labi habang minamasdan kung paano paliguan ng laway ng kanilang amo ang masarap na katawan ng dilag.

“Hoy!” batok ng kanang kamay ni John sa isa nitong kasama.

“Kumuha ka nga ng beer sa baba… para mas masarap manood.”

“Tsk! Wag na tayo uminom!” reklamo nito dahil ayaw maantala ang panonood sa magandang palabas.

Tinignan lamang siya ng masama ng nag-utos. Hindi na nito kinailangang magdalawang-salita at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Isinandal niya ang mahabang baril sa isang sulok at patakbo itong bumaba ng hagdan upang kumuha ng maiinom.

Sa pagmamadali ay natabig pa nito ang bugkos ng mga pantulos na kawayan na kanya namang nasapo at muling itinayo at isinandal sa patong-patong na mga crate. At taranta nitong tinungo na ang lumang kinakalawang na ref na nakapwesto sa ilalim ng silong ng silid.

Pabalik na sana siya sa itaas nang mapansin nitong tahimik na tahimik sa may pinto ng kamalig at tila wala ang dalawang kasamang ipinaiwan upang magbantay doon.

“Bogart?… Kadyo?” tawag nito sa mga kasama.

Ibinaba na muna nito ang malamig na mga bote ng serbesa upang hanapin ang kanyang mga kasamahan. Kampante lang itong naglakad papunta sa pinto at ni walang kaide-ideya na napasok na sila at naitumba na ang kanyang mga kasama.

Ngunit hindi pa siya nakalalabas ng pinto ng bodega ay natanaw na niyang nakabukas ang trunk ng puting kotse. Nagduda na siya na baka nagising at nakawala ang driver na binambo niya ng baril kanina.

Nakita niyang parang may taong nakaupo sa likod niyon at nagkukubli. Napangisi pa ito na parang pusang aatake sa nagtatagong bubwit habang dahan-dahan niya itong nilalapitan.

Nasilip niya ang isang pares ng paa na tila nakaupo sa likod ng sasakyan. Naiwan niya sa itaas ang kanyang armas at tanging balisong lamang ang hinugot nito mula sa kanyang bulsa at iniumang habang siya ay papalapit.

Sa takot na makaistorbo sa kanilang amo ay hindi na ito nag-aksaya pang timbrehan ang mga nasa itaas o hanapin ang mga kasamang dapat ay nagbabantay doon. Alam niyang kayang-kaya naman niyang mag-isa ang driver na iyon.

Walang kamalay-malay si Daniel sa kalabang papalapit. Nagulat na lamang siya nang sa kanyang pagtayo ay bumulaga ang isang lalaking may hawak na patalim at itinarak iyon sa kanyang tagiliran.

Mabuti na lamang at bahagya siyang nakaiwas ngunit bumaon pa din ang bahagi ng blade niyon. Napahiga si Daniel na sinamantala naman ng tauhan ni John. Niluhuran pa nito ang kanyang sugat nang sampahan siya ng lalaki at akmang uundayan siya ng saksak sa dibdib.

Ganoon na lang ang pagtataka ng lalaki dahil alam niyang hindi iyon ang driver na isinilid nila sa trunk kanina. Gayon pa man ay nanginginig ang kanyang laman sa pagkahayok na mapatay ang lalaking iyon na alam niyang may masamang pakay sa kanilang grupo.

Maagap na nasapo ni Daniel ang pulsuhan ng lalaking may hawak na balisong na nasa kanyang ibabaw. Para itong demonyong nakangisi pa nang makitang napapangiwi sa sakit ang lalaking kanyang papatayin habang dinidiinan niya ang pagkakaluhod sa sugat sa tagiliran nito.

Dalawang kamay pa nitong pilit idinidiin ang hawak na balisong sa dibdib ng nanlalabang lalaki. Ibinuhos naman ng binata ang kanyang buong lakas upang pigilan ang braso nito.

Ngunit nanginginig na ang kanyang mga brasong nakatukod dito. At dala ng panghihina ay unti-unti nang bumibigay ang kanyang pagsagka at pababa ng pababa ang blade ng balisong na tangan nito habang sila’y nagpapambuno.

Parang wala na siyang lakas na kayang ibigay upang pigilan pa ito. At unti-unting naramdaman ng binata ang sakit ng pagtukod ng dulo ng talim ng balisong na dahan-dahang tumatarak sa kanyang dibdib.

“Putangina mo… Papatayin kita!” wika nito habang nakatitig sa mga mata ng binatang unti-unti nang nanghihina sa sakit na nararamdaman.

“AHHHH!!!…” huling daing ni Daniel.

Patuloy ang pagpapasasa ni John sa katawan ni Trisha. Halos magmarka ang mga gigil na sipsip nito sa maputing balat ng dalaga.

Walang tigil ang pagbukal ng luha sa mga mata ng dilag. Hindi matanggap ng kanyang puso’t isip kung bakit niya kailangang sapitin ang bagay na iyon.

“Sluuurrp… ang sarap mo… Aariin na kita hangga’t hindi kami nagsasawa sayo!” wika ng hayok na lalaki sa pagitan ng mga pagsupsop sa kanyang namumula nang mga utong.

Napaigtad si Trisha nang muling balikan ng kamay nito ang kanyang pagkababae. Hindi na niya napigil nang ipasok ng hayok na lalaki ang mapangahas nitong kamay sa loob ng kanyang panty.

“Huhuhuhu… Tama na pooo!” muling pakiusap niya.

Tila naman musika sa tainga ng grupo ang naririnig na palahaw at pagsusumamo ng kaawa-awang dilag. Mas lalo pang nasabik ang dalawang tauhan sa susunod na gagawin ng kanilang amo sa nakatraheng babae.

Unti-unti nang napapapikit si Daniel kasabay ng panghihina ng kanyang mga kamay upang pigilan ang lalaking na itarak nang tuluyan ang hawak na balisong sa gitna ng kanyang dibdib.

“Tumingin ka sa mata ko!… Ako na ang huli mong– ARRGHH!

Hindi na naituloy ng lalaking nasa ibabaw ni Daniel ang sasabihin nito at isang malakas na palo sa ulo mula sa matigas na bagay ang nagpabulagta dito. Makailang-ulit pa itong hinataw ng driver sa mukha gamit ang bitbit na bakal na tubo at duguan na nang kanyang lubayan.

“PUTANG INA MO!!!” humihingal at galit na galit na wika nito sa lalaking siyang bumayo ng baril kanina sa kanya nang harangin sila ng mga ito.

Mabuti na lamang at muling lumingon ang driver na pinatakas ni Daniel. Nakita niya ang ginawang pagsaksak ng lalaki sa taong tumulong sa kanyang makatakas kaya’y hindi ito nag-atubiling balikan ang binata upang tulungan din ito.

“Pare may tama ka… Halika sumama ka na sakin!” mungkahi nito sa sugatang lalaki habang inaalalayan ito na makbangon.

“No! Hindi ko sila pwedeng iwan… Humingi ka na ng tulong… bilisan mo!”

Tumango ang driver at…