Ngunit totoo nga yata ang kasabihan ng iba. Ang sabi nila, mararamdaman ng isang tao, kapag may nakatingin sa kanila. Kaya nung napagtanto kong biglang nakapako na ang tingin mo sa’kin, mga tinginan mong tila pilit inaalala kung sino nga ba ako sa buhay mo. Naku! Matatalo ang mga nagkakarera sa bilis ng pagtibok nitong puso ko, nung humahakbang ka na papalapit sa akin.
At ayan ka na nga, buong buo. Walang labis, walang kulang. Tila tumigil ang pagdaloy ng mundo, may halos tatlong minuto rin siguro tayong nagkatitigan, parehong walang mabigkas na salita o sadyang sapat na ang katahimikan at mga mata na lamang natin and nagkakaintindihan.
Napaka tikas ng iyong tindig at kakaiba ang mga ngiting ibinibida mo sa aki.
Hmmmm, mukhang naalala mo yata ang sinabi ko sa’yo noon na… paborito ko ang klase ng mga matang mayroon ka lalo na kapag ika’y nakangiti; na ang makita kang nakangiti ay nakapagdudulot sa akin ng kapayapaan, ng saya at oo na nga, pati na rin ng kilig— Sobrang kilig. Hays.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga braso mo na niyayakap ako. O kay tagal kong hinintay ang pagkakat…