Marahang tumayo ang babae patungo sa pinto ng cubicle ng dermatologist. Di binibitiwan ng titig ni Daniel ang kagandahang daraan sa harap niya nang sandaling iyon.
Minememorya ang hubog ng katawan sa pagkakalapat ng suot nito na sumasabay sa indayog ng balakang ang malambot na tela. Parang bumagal ang oras nang mga sandaling iyon sa binata dahil sa namalas na kagandahang papalapit sa kinaroroonan niya.
Hanggang sa napansin niyang nahulog ang panyo nitong tangan. Agad syang napabalikwas at sabay pa silang yumuko upang damputin iyon na halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Parang eksena sa isang TV commercial na magkahawak sa iisang bagay at sabay na mabagal na tumayo na hindi bumibitiw ng titig sa isa’t isa.
“Miss Diane…” tanging nasambit ng binata sa kaharap na babae habang inaabot ang panyo nito.
“Eheem! Excuse me?… Magkakilala pala kayo?” tanong ng doktora na kalalabas lamang ng pinto at nasaktuhan ang tagpong nakahawak sa magkabilang sulok ng panyo ang dalawa.
“Ah no Doc Kath… ah eh…” di malaman ng pasyente ang isasagot sa doktora.
“Tinulungan ko lang Doc.” singit naman ni Daniel.
“Sa panyo? Hahaha… Anyway… Ah Grace, paki-assist mo na si Mrs. Aguinaldo sa loob.” utos nito sa isang staff sabay tapik sa braso ni Daniel at yaya dito na humakbang palayo kay Diane.
Ngunit bago pumasok ang babae sa loob ng cubicle ay muli itong napalingon sa binata na nanatiling nakapako din ang tingin sa kanya kahit kausap na nito ang doktora. At sa huling sandali ay muling nagtama ang kanilang mga mata.
“Mata mo Mr. Ramirez!” sita ni Doc Kath sa binata nang nakataas ang isang kilay.
“Oh? Ano? Hahaha… Masyado ka naman haha”
“Iba ka din noh? Hmmp… Oh eto…” sabay kuha nito sa kamay ng lalaki at may inabot dito na nakatuping sobre.
“Wait ano to?” nagtatakang tanong ni Daniel sa doktora.
“Basta sayo yan… you need that.” mahinang tugon nito sa binata.
“Tawagan na lang kita ulit pag free ako ha.” sabay talikod na nito sa kausap na parang walang anumang namamagitan sa kanila ng lalake.
Di na tiningnan ni Daniel ang laman ng sobre ngunit nakasisiguro siyang pera ang laman nun. Nahihiya man siya at gusto sana iyong ihabol upang isoli, mas nakakahiya namang makipagpilitan pa sya sa doktora lalo’t parang nakatingin na sa kanya ang naiwang staff sa reception.
Tumalikod na lang siya at tuluyan nang lumabas ng clinic.
————————-
Rosario Batangas Municipal Hall
Umaga ng Lunes ding iyon, habang ginaganap ang flag ceremony ay nakahanay sa harapan ng munisipyo ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng kanilang butihing mayor. Kasunod naman ang hanay ng mga kapulisan at ibang mga kawani ng munisipyo.
Matapos kantahin ang pambansang awit ay nalumpati ang kanilang punongbayan ukol sa mga nais niyang bigyang prayoridad na mga gawain sa buong linggo na darating. Lahat ay alertong nakatingin at nakikinig sa kanilang alkalde nang may paghanga at respeto.
Habang nananalumpati si Marco sa harap ng mga tao ay nahagip na sa wakas ng kanyang paningin ang kanina pa hinahanap ng kanyang mga mata nang magsimula ang pambansang awit. Nakatayo na ito sa bandang gitna kasama ang iba pang mga kawani ng kanilang munisipyo.
Di maiwasang kumunot ang kanyang nuo sa kanyang napansing biglang pagbabago ng kanyang sekretarya na dalawang buwan mula ngayon ay magiging ‘mayora’ na ng kanilang bayan.
Ang dating simple at konserbatibong manamit na si Trisha na karaniwan ay slacks at blazer ang sinusuot sa pagpasok sa opisina mula nang magtrabaho ito sa kanya, ngayon ay tila naging mas daring ang imahe nito.
Naka pencil cut skirt na bagama’t pantay-tuhod ay hakab na hakab naman ito sa hita at balakang ng dalaga. Tinernuhan nito ng kulay itim na V-neck blouse na nagpalutang lalo sa kaputian nito. Katulad ng kanyang pambaba ay hapit din sa kanyang katawan ngunit di man lang nito pinatungan ng blazer o cardigan na dati naman nitong ginagawa.
Lalong kumunot ang noo ni Marco nang mapansin ang dalawang lalaking nagbubulungan habang siya’y nagtatalumpati. Bukod kasi sa hindi nakikinig ang dalawa ay alam niyang si Trisha ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakapwesto sila sa likod ng dalaga at humahagod ang mga tingin nito sa likuran ng dilag. Mga matang nagnanasa sa magandang tanawing kanilang nakikita.
Natapos ang kanyang pagbibigay ng mensahe nang umagang iyon nang di na nya napapansin, lito at di sigurado kung tama nga ba ang kanyang mga nasabi. Inagaw ang kanyang isipan ng nakitang pagbabago sa babaeng matagal nyang inalagaan at kanyang minamahal.
Kanya-kanya nang nagkalasan ang lahat ng umattend ng umagang iyon, nagpuntahan na sa kani-kanilang opisina ang bawat isa para sa pagsisimula ng araw. Nauna nang tumungo si Marco sa kanyang opisina na nasa ikalawang palapag ng gusali.
Moderno ang pakaka-disenyo ng opisina nito mula sa light gray walls na kinumbinahan ng puti kaya’t maaliwalas ang paligid nito. Lalakeng-lalake ang dating ng mga itim na furniture na lalong bumagay sa personalidad ng kanilang mayor.
May dalawang lamesa ang nasa loob ng malawak na silid. Nasa gitna ang L-shape na malaking mahogany desk ng mayor at sa kanang bahagi ng silid naman ang mesa ni Trisha. Meron din itong modernong sala set sa gawing kaliwa na may sliding door palabas ng malaking balkonahe.
Pagpasok ni Trisha sa opisina ni Marco ay nagulat siya na nasa loob na ang kanilang alkalde. Nakatayo ito pasandal sa kanyang lamesa nang nakapamulsa ang mga kamay at waring inaabangan ang kanyang pagdating nang mga sandaling iyon.
Napabuntong-hininga si Trisha. Inakala nya kasing may karugtong pa ang mahabang paliwanagan nila at diskusyon kahapon sa telepono tungkol sa biglaang overnight nyang lakad nung Sabado nang hindi man lang nagsabi.
“Good morning Trisha.” bati nito habang pinagmamasadan ang bagong anyo ng dalaga.
“Good morning din Si– ahh Marco.”
Sumalubong sa kanya ang lamig na nanggagaling sa aircon at ang di maaninag na ekspresyon ng mukha ng alkalde dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa likod nito buhat sa floor to ceiling glass wall ng opisina.
Ibinaba lamang ng dalaga sa kanyang lamesa ang bitbit na bag at iba pang gamit upang tunguin sana ang roller blinds nang malimitahan ang sinag ng araw na pumapasok sa silid. Ngunit laking gulat ng dilag nang biglang humarang si Marco sa kanyang daraanan.
Kinabig sya nito sa baywang at akmang hahalikan sana ang kanyang labi, ngunit naging maagap ang dalaga sa pag-ilag kaya’t sa kaliwang pisngi lamang niya dumapo ang halik na igagawad ni Marco.
“Miss you babe…” wika nito nang hindi umaalis sa daraanan ni Trisha.
“Excuse me sandali nakakasilaw yung liwanag.” tugon ng umiwas na dilag at nagtungo na ito upang isara ang blinds.
Nangingiti naman si Marco sa tila pag-iwas ng dalaga sa kanya, alam naman niya na hindi ito easy-to-get. Lalo pa siyang humanga sa angking kapinuhan nito. Kung ikukumpara kasi ito sa iba niyang nakarelasyon, lahat ay parang napakadali nyang nakuha na siya niyang kinadidismaya.
“Hmmm… mukhang may iba sayo ngayon Trisha ah.” ani nito habang pinagmasmasdan ang dalagang abala sa pag-aayos ng kanyang mga gamit at pagse-set-up ng laptop.
“Ha? Ano kakaiba?” balik tanong nito sa kausap.
“Ahhh never mind… nanibago lang yata ako sa looks mo ngayon.”
Di na pinansin pa ng dalaga ang komento ni Marco at ipinagpatuloy na lamang ang pagprepara sa kanyang mga gawain. Ngunit sa sulok ng kanyang mata ay kita niya na pinagmamasdan pa rin siya ni Mayor. Alam niyang kitang-kita nito ang hubog ng kanyang katawan dahil sa napiling isuot nang araw na iyon, maging ang puno ng kanyang mga suso na bahagyang sumisilip sa kanyang neckline.
Maging siya ay parang di mawari sa kanyang sarili ang biglaang pagbabago sa kanyang pagkababae. Dating walang kamuwang-muwang, inosente, ngayon ay parang may kiliting dulot ang bawat pagtitig ng mga kalalakihang nakakasalamuha nya.
Kagagawan ba ito ng estrangherong lalaking nakaniig niya? Na kahit sa pagtulog nang nagdaang gabi ay parang nananariwa pa din sa kanyang alaala ang mga pinagsaluhan nila. Tagpong kahit sa panaginip ay dala-dala ng dalaga.
Naputol ang pag-iisip nya nang maramdaman ang dampi ng palad sa kanyang kanang kamay na nakahawak sa mouse.
“Ayyy!… Nakakagulat ka naman!” wika ni Trisha kay Marco na nakadukwang at tila may hahanaping files sa kanya.
“Mukhang absent-minded ka ngayon ah?” tanong nito at ipinagpatuloy lang ang pag-browse sa kanyang laptop.
Dama ni Trisha ang init ng katawan ni Marco habang nakatayo ito sa likuran ng nakaupong dalaga. Bahagya itong nakayukod at nakahawak ang kabilang kamay sa kaliwang braso ng dilag. Ramdam ng dalaga ang mabango at mainit na hininga ni Mayor sa gilid ng kanyang leeg at kanang pisngi, napakalapit kaya’t hindi siya halos makakilos nang mga sandaling iyon.
Bukod sa paghahanap ng files sa computer ng dalaga ay abala din ang mga mata ni Marco na sumisipat sa harapan ng suot na fitted blouse ng dilag. Kita niya ang puno ng mapuputing suso hanggang sa sugpungan ng itim na bra nito sa loob.
Amoy na amoy ni Marco ang halimuyak ni Trisha dahil sa lapit niya sa dalaga. Dama niya sa kaliwang kamay ang kakinisan at lambot ng kutis nito. May kakaibang init na mabilis namumuo sa kanyang katawan. Init na kay tagal niyang tiniis at pilit na ibinaling sa iba.
Di lingid kay Trisha kung saan nakatitig ang lalaking halos nakayakap na sa kanyang katawan. Kita niya iyon sa repleksyon ng tinted na bintana sa kabilang bahagi ng silid. Alam niyang sa kanyang dibdib ito nakasilip at hindi sa screen sa kanyang harapan.
May kung anong kaba ang lumukob sa kanya ng mga sandaling yon. Naghihintay ng anumang susunod na gagawin ng lalaking nakatayo sa kanyang likod.
“Lalo kang gumaganda Trisha.” bulong ng alkalde sa dalaga.
“Ha?” dahan-dahang napalingon ang dalaga sa kanyang kanan na sinamantala naman ni Marco.
Agad na ginawaran ng halik ng nakayukong alkalde ang kanyang sekretarya, ang babaeng aalayan nya ng kanyang apelyido. Sa unang pagkakataon ay nangahas syang tikman ang mga labi nito.
Di na nakaiwas pa ang dalaga ngunit di siya tumugon sa mainit na halik ni Marco at nanatili lamang na nakatikom ang kanyang mga labi.
Dahan-dahang ipinihit ni Marco ang office chair na kinauupuan ng dalaga paharap sa kanya ng di inaalis ang pagkakahinang ng kanyang mga labi dito. Ninanamnam ang lambot niyon na kay tagal din niyang inasam na mahalikan.
“Uhhhmmn… ang lambot ng labi mo Trisha.” sambit nito sa pagitan ng mga padampi-damping halik na parang inaaya ang dalaga na tumugon din sa kanya.
Unti-unting nakaramdam ng init ang dilag, init mula sa mapangahas na labi ng alkalde na tumutuksong makipaglaro sa kanyang mga labi. At di na napigilan ni Trisha ang bahagyang gumanti sa masuyong halik ni Marco sa kanya.
Kung kailan naman naramdaman ni Marco ang sukling ginagawad na sa kanya ng dalaga ay saka ito huminto at kumalas. Tinitigan nya ang magandang dilag na nanatiling nakapikit at bahagyang nakabuka ang mga labi.
“Salamat Trisha.” wika nito na ikinagulat ng dalaga na agad ipinihit ang kanyang upuan pabalik sa harap ng kanyang lamesa.
Nakaramdam ng kaunting pagkapahiya si Trisha sa kanyang sarili. Di niya malaman kung bakit ang dali siyang ipinagkanulo ng kanyang katawan. Kaninang hinahalikan siya ni Marco, parang nanumbalik ang alaala ng lalaking iyon. Ang lalaking nakauna sa kanya. Ang lalaking laman ng kanyang panaginip nang nagdaang gabi.
Kahit anong pilit niyang ibasura mula sa kanyang isip ang imahe ng lalaki ay hindi nya iyon magawa. Alam naman niyang malabo nang makita pa niya itong muli. Alam niyang ang nangyari sa kanilang dalawa ay balewala lamang sa ganoong klase ng lalake. Gayon pa man ay pilit pa rin itong sumisiksik sa kanyang isip.
“Hmm… Before I forget… I was invited by Congressman Umali to his birthday and I want you to come with me.” basag ni Marco sa pananahimik ni Trisha.
“Kailan yun? And where?” matipid na sagot ng dilag.
“Mamayang gabi… Resort sa katabing bayan lang pero medyo malayo din byahihin.”
“Ha?! Mamayang gabi na?!” gulat na tanong ng dalaga sa alkalde.
“Yup! Exclusive. Mga matataas na kapartido lang ang invited. Pag-uusapan din dun ang plans about the next elections.”
“Eh bakit sasama pa ko? Pulitika pala pag-uusapan niyo?”
“Hmm… Gusto ko ding makilala nila ang magiging mayora ng bayan na to.” sagot nito habang nakatitig sa litong mukha ng dalaga.
Nanatiling tahimik si Trisha sa mga sinasabi ni Marco. Parang lalo siyang naawa sa sarili. Hanggang ngayon kasi, kahit tungkol sa simpleng pag-attend sa functions ni Marco ay di siya pwedeng magdesisyon kung ano ang gusto niya. Parang may malaking tanikalang nakatali sa kanyang leeg.
“Magpapaalam muna ko kay tatay, baka di siya pwede, masama kasi pakiramdam niya kanina.” pag-a-alibi nito kay Marco.
“Ahh… Nasabihan ko na nga pala si Bert about that. He doesn’t need to come with us. Yung isang bodyguard ko ang magdadrive.”
Lalong nainis ang dalaga na mas nauna pa ang kanyang ama na makaalam ng tungkol sa lakad na iyon. Tingin niya sa kanyang sarili ay parang tau-tauhan na lang na walang karapatan at kalayaan na makapagpasya.
“Pwede bang mag-skip na lang muna ko? Wala naman kasi akong na-prepare na isusuot.” katwiran nya habang pilit kinakalma ang kanyang pagsasalita kahit nagpupuyos ang dibdib.
“Ah no problem. Tawagan ko si Helga at nang masamahan ka niya mamili ng isusuot mamaya. Maghalf day ka na lang ha.”
Si Helga ang beking events coordinator sa munisipyo na yun. Ito ang nag-o-organisa at namamahala sa mga palatuntunan at iba pang activities na ginaganap sa kanilang bayan.
Buhat sa pagkakaupo sa kanyang mesa ay tumayo si Mayor at lumapit ulit sa nakatulalang dalaga.
“I want you to look gorgeous tonight baby… Gusto ko kainggitan nila ko.” bulong nito sabay dampi ng halik sa kaliwang pisngi ng dilag.
“I have to go… bisitahin ko lang mga projects, okay sweetheart?” kindat pa ni Marco sa dalaga habang papalabas ng opisina.
“Oh and bring some extra clothes, stay na tayo dun overnight. See you later.”
Naiwang tulala ang dalaga at tuluyan nang sumara ang pinto ng silid sa paglabas ni Marco. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata sa bilis ng mga pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay. Mga kaganapang di niya hawak at tila wala siyang kontrol.
Ganito ba talaga ang magiging papel niya, sunud-sunuran kay Marco sa lahat? Bakit tila yata hindi siya makaramdam ng anumang pagmamahal mula dito, na para lamang siyang gamit na ipinagmamalaki. Isang pag-aaring ipinang-iinggit.
Unti-unting dumaloy ang luha mula sa kanyang mga mata. Nagmadali niyang binuksan ang kanyang bag para kumuha sana ng tissue ngunit bumungad sa kanya ang bead bracelet na kay tagal na nyang iniingatan. Kinuha nya iyon at nilaro ng mga daliri mga beads nito kung saan naka-ukit ang mga letrang ILY ISHIE.
Sa tuwing makikita ng dalaga ang pulseras na iyon ay di niya mapigilang mapangiti. Dahil sa kabila ng mga nangyayari sa kanya ngayon, alam nyang kahit minsan ay may isang taong minahal siya ng totoo sa kabila ng kanilang kamusmusan. Naramdaman niyang naging espesyal siya sa taong nagkaloob nito.
Ngunit sa kabila ng lahat ng masasayang alaalang kalakip ng bagay na iyon, alam din nyang huli na ang lahat ngayong malapit na siyang ikasal. Lalo lamang siyang malulungkot kung patuloy pa din nyang ikakadena ang isip sa nakaraan.
Gusto na niyang tanggapin ang lahat ng pagbabago sa kanyang buhay at harapin ang realidad. Realidad na hindi na siya ang dating Ishie na umaasang balang araw ay matutupad ang kanyang simpleng pangarap. Pangarap na tila sandaling natupad nang gabing nakipagniig siya sa lalaking iyon. Lalaking alam nyang imposibleng makita pa nyang muli.
Kinapa ng paa ni Trisha ang basurahan na nasa ilalim ng kanyang mesa at tinapakan ang pindutan niyon upang bumukas. Hawak nya ang pulseras na lagi niyang dala kahit saan man siya magpunta, tumutulo ang luha habang tinititigan iyon. Sa mahigit na sampung taon na nya iyong iniingatan, siguro ay oras na upang pakawalan nya ito.
“Paalam na… hindi na yata kita mahihintay pa.” may mapait na ngiting gumuhit sa kanyang labi habang namamaybay ang luha sa kanyang pisngi.
“Ako na lang ata ang umaasa na makikita ka pa… na magpaparamdam ka ulit…”
Akmang bibitawan na niya ang bracelet nang biglang mag-ring ang kanyang telepono. Nagulantang ang dalaga sa malakas na tunog niyon at agad nyang sinagot ang tawag.
“Hello Helga… Ah oo nga eh, nagkausap na pala kayo… Sige teh daanan mo na lang ako dito mamayang 12…”
————————-
I’m going under and this time I fear there’s no one to save me…
This all or nothing really got a way of driving me crazy…
Pumapailanlang sa buong unit ang emosyonal na tugtuging ito habang marahang humahagod ang hawak na pinsel ng binata. Matamang nakatitig sa canvas sa kanyang harapan at tila hinahalungkat sa kanyang memorya ang kagandahan ng mukha na kanyang ipinipinta.
I need somebody to heal… somebody to know…
Somebody to have… somebody to hold…
It’s easy to say… but it’s never the same…
I guess I kinda liked the way you numbed all the pain…
Pilit nyang isinisiksik sa kanyang isip ang magandang babaeng nakita nya kanina lang sa clinic. Isang perfec…