LARAWAN 9

Lumapit pa ng bahagya si Marco sa selda at matamang tinitigan ang anak na halos labing-isang taong niyang hindi nakita. Ngunit sa halip na pagkasabik sa nawalay na nag-iisang anak ay parang nanumbalik ang sakit na matagal na niyang kinikimkim. Parang muling nanariwa ang sugat na kay tagal na panahon niyang pinaghilom.

“Bakit ka pa nagbalik? At ito pa ang ipapasalubong mo sakin?”

“Nagkakamali ka Mayor… Hindi ako bumalik para sayo.”

Napayuko na lang si Daniel at pilit itinago sa kanyang ama ang luhang nagbabadyang pumatak. Ipinangako niya sa kanyang sarili na di na muling luluha lalo na sa harapan ng kanyang ama. Lalong humigpit ang pagkakahawak ng mga kamay ng binata sa malamig na rehas. Pilit nagpapakatatag sa amang kaharap.

Lalo namang naningkit ang mata ni Marco sa kung paano siya tawagin ng kanyang anak. At parang nagmamalaki pa ito sa kabila ng kalagayan nito ngayon.

“Kung ganon eh bakit ka humihingi ngayon ng tulong? Akala mo ba ilalabas kita diyan sa kagaguhan mo?!”

“Ako ang humingi ng tulong sayo Kuya Marco… walang alam si Daniel sa ginawa ko.” sabat ng kanyang tiyahin.

‘Bakit?’ tanong ng mga mata ni Daniel nang magtama ang tingin nilang magtiyahin. Bakas ang pagtutol sa ginawa nitong paghingi ng tulong sa kanyang ama, dahil para kay Daniel ay mas mamatamisin pa niya na magpakulong kaysa lumapit at humingi ng tulong dito.

Kaya nga simula ng itakwil siya nito bilang anak ay minabuti na niyang wag gamitin ang apelyido nito. Tanging pangalan na lamang ng kanyang ina ang kanyang ginagamit. Kahit sa pagkakataon ito sana na alam niyang maaaring nagpakilala sya kanina sa imbestigador bilang anak ng alkalde ay di niya ginawa.

“Im so sorry Lucy, pero hindi ko tinotolerate ang ganyang mga kayabangan sa bayang ito… Nagkamali ka ng nilapitan.”

“Pero anak mo si Daniel!… Nag-iisang anak mo!… Hindi niya sinasadya ang nangyari!” Tumutulo na ang luha nito sa pakikiusap sa kanyang bayaw.

“Di sinasadya?! Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin niya sinasadya ang mga kagaguhan niya?!” tiim bagang na anas ni Marco.

“Ang tanda mo na! Puro hindi sinasadya… Yan pa rin ba ang alibi mo?! Tang ina!” dagdag pa ng alkalde habang nakakunot ang noong nakamasid kay Daniel.

Sasagot pa sana ang tiyahin ngunit pinigilan na siya ng kanyang pamangkin at pinisil ang kanyang braso.

Mi please… nakakahiya na po. Walang problema kahit bukas na ko makalabas dito… wag na ho kayo mag-alala.”

“See! Sanay ka naman makulong di ba? Kaya walang kwenta sayo to? Kahit anong parusa sayo di ka magtatanda!”

Simula kasi nang kuhanin ni Lucy ang binatilyo pa noong si Daniel sa poder ni Marco at dalhin sa Amerika ay nasangkot ito sa samu’t saring kaguluhan doon. Napasama ito sa iba’t ibang samahan ng mga out of school youth at kadalasan ay napapa-trouble.

Di rin lingid sa kaalaman ni Marco na di nito ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Naging sakit din ito ng ulo ng tiyahin sa dalawang taong pamamalagi nito sa U.S. at di rin nakaligtas sa pagkalulong sa droga ang binata.

Ngunit bago ito nagpasyang umuwi ng Pilipinas ay naipa-rehab ito ng kanyang tyahin. Sa pagtuntong nito ng disi otso ay nakuha na nito sa tiyahin ang kanyang trust fund na siya nyang ginastos upang mamuhay ng mag-isa dito sa Pilipinas.

Subalit unti-unti na ding naubos ang malaking perang iniwan ng kanyang namayapang ina sapagkat wala namang pirmihang pinagkakakitaan ito. Ang tanging pag-aari na natitira ay ang condo unit na tinutuluyan niya sa Maynila.

Maraming salamat na lang Kuya Marco… Hanggang ngayon nandiyan pa din ang galit sa puso mo.” mahinang bigkas ni Lucy sa kanyang bayaw.

Magsasalita pa sana si Marco ng mapansin niyang lahat ng naroroon sa presinto ay sa kanila nakatingin. Pinigil na nito ang ano mang sasabihin pa sana sa magtiyahin na ngayon lang niya muling nakita matapos ang matagal na panahon.

Walang sabi-sabing tumalikod na lamang ito at humakbang palayo sa kanyang nag-iisang anak. Pilit pinigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Bakit sa halip na yakapin ang nag-iisang alaala ng yumaong pinakamamahal na asawa ay mas pinili niyang makipagmatigasan dito.

Pilit pinatatag ni Marco ang kanyang loob. Pinakita sa mga nakasaksi na di niya kukunsitihin ang maling ginawa ni Daniel. Diretso itong naglakad palabas ng presinto nang di gumaganti ng bati sa mga nakasalubong.

“Ah Mayor… Mayor… Pwede po ba kayo makausap saglit?” habol ni Hepe kasama ang complainant na traffic enforcer na kasamang nakasaksi sa nangyaring paghaharap ng mag-ama.

Ano yun Hepe?… Ah Delos Reyes… Kamusta ka naman, nagpatingin ka na ba sa doktor?” magalang na bati ni Marco sa traffic enforcer na nagreklamo sa kanyang anak.

Kilala ito ni Marco dahil nang maupo siya bilang alkalde ay lumapit ito at humingi ng tulong. At sa kabila ng edad nito ay nabigyan niya ito ng trabaho sa munisipyo. Halos lahat nga yata ng kawani ng munisipyo ay kilala ni Marco kahit ang nasa pinakamababang pwesto.

“Ok na po ako Mayor… Medyo nahilo lang po ako sa pagkakatumba ko kanina pero wala na po ito.”

“Patingin ka pa din para sure ha? Ako na bahala sa magagastos.” paniniguro nito sa pobreng matanda.

Ah Mayor… Napagpasyahan nga pala ni Delos Reyes na iatras na lang ang reklamo sa anak mo.” sabat ng Hepe ng Pulisya sa alkalde.

Kumunot ang noo ni Marco sa narinig. Para bang kaya lang iaatras ang demanda ay dahil nalaman ng mga ito na anak pala niya ang nakaperwisyo sa enforcer.

“Narinig nyo naman siguro sinabi ko kanina di ba Hepe? Delos Reyes?”

“Opo.” sabay pang tugon ng dalawang kausap.

“Uulitin ko… Hindi ako kumukunsinti ng kagaguhan dito sa bayan natin. Kung nagkasala ka, pagbabayaran mo. At wala akong pakialam kung kadugo ko pa ang sangkot!” seryosong pahayag ng alkalde sa mga kausap na panay tango lamang sa sinasabi nito.

“Kung wala na kayong sasabihin, maiwan ko na kayo. Again kung nais mong siyang kasuhan Delos Reyes, hindi ako hahadlang.” baling ulit nito sa matanda sabay talikod na ni Marco pabalik sa kanyang opisina.

“Oh punta ka na lang dun at ipabago mo na statement mo kung desidido ka na talaga na iurong ang demanda. Saka mag-leave ka muna kahit mga ilang araw para maobserbahan mo yan, patingin ka sa doktor.” payo ni Hepe sa enforcer.

Opo sir, ganun na nga lang po.”

Lingid sa kaalaman ng magtiyahin na kasalukuyang nag-uusap kahit napagigitnaan ng rehas ay nagbigay ulit ng panibagong pahayag ang traffic enforcer. Kusang-loob nitong inuurong ang reklamo laban kay Daniel ng walang hinihinging kapalit.

Matapos malagdaan ang salaysay ay agad na pinuntahan ng imbestigador ang magtiyahin at sinabihang makakalaya na si Daniel. Laking gulat ng dalawa sa biglaang pagpapalaya sa binata.

“Sabi ko naman sayo anak hindi ka pababayaan ng papa mo!” tuwang-tuwang pahayag ni Lucy sa kanyang pamangkin na itinuring na nyang anak. Hindi na kasi ito nakapag-asawa at inilaan na lang ang buhay sa pagtulong sa kanyang mga pamangkin.

Mi… Sana hindi na lang… lalo lang ako napasama sa paningin niya.”

“Dan tama na yan! Ang importante makakalabas ka na agad dito… At ikaw ha, ayaw ko din kung paano mo tawagin ang papa mo kanina!” sita nito sa pamangkin.

Hanggang sa makalabas ang binata sa kulungang iyon ay hindi na nila nakaharap pa ang matandang enforcer na nauna nang makaalis ng presinto. Sabay nang umalis ang dalawang sasakyan ng magtiyahin palayo sa munisipyo. Hindi na nagpasalamat si Daniel sa alkalde na inaakala nilang tumulong upang siya ay makalaya.

************************

Hangos na bumalik si Marco sa kanyang opisina sa kabilang gusali na parang lutang ang kanyang isip sa muling paghaharap nila ng kanyang nag-iisang anak. Nanumbalik ang kanyang poot at muling pagkalumbay ng makita ito. Muli niyang naalala ang matagal nang namayapang kabiyak nang muling makita si Daniel sapagkat kuhang-kuha nito ang wangis ng kanyang dating asawa lalo na ang mga mata nito.

Gusto man niyang kausapin ito ay mas pinili niyang magmatigas. Mas nangibabaw ang pagkamuhi sa nakaraang kay tagal bago nya nalimutan, ngunit ngayon ay muling nanariwa ng makita niya ang kalagayan ng kanyang anak.

Pagpasok pa lamang sa opisina ay muli niyang nilapitan ang kanyang kasintahan. Agad hinagkan ito sa labi at mahigpit na niyakap. Tila pilit tinatabunan ng ibang damdamin ang kanyang dibdib at isip sa pamamagitan ng dalaga.

“Let’s go… come with me.” sabay hawak nito sa kamay ng dalaga at inakay ito palabas ng opisina na agad namang pinaunlakan ni Trisha.

Sabay pang napatayo ang dalawang bodyguard na nakatambay sa lobby ng makita ang kanilang alkalde na pababa ng hagdan kasama ang sekretarya nito. Ngayon lamang nakita ng mga tao duon na magkahawak ng kamay ang dalawa simula ng malaman nila ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng mga ito.

“Sir… lakad po tayo?”

“No. Maiwan na kayo dito. Tatawagan ko na lang kayo.” Diretso na itong lumakad papunta sa nakapark na sasakyan.

“Lam na this buddy hehehe” bulong ng isang bodyguard sa kanyang kasama.

Agang mapapalaban ni Mayor!” tugon naman ng isa.

************************

Samantala, nakarating na sila Daniel sa bahay ng kanyang Momi Lucy sa katabing bayan lamang ng kanyang ama. Masaya siyang sinalubong ng mga kaanak sa side ng kanyang ina. Talagang pinaghandaan nila ang kanyang pagdating dahil ngayon lang din ito nakauwi kung di pa dahil sa pagbabalik-bayan ng tiyahin na kumupkop sa kanya.

Lahat ay namangha sa malaking pagbabago ng binata. Magmula kasi ng lisanin ni Daniel ang Batangas ay di man lang ito nagpopost ng mga litrato kahit nang nauso na ang social media. Mayroon man itong account ay pawang mga likhang sketches at paintings lamang ang kanyang pinopost ngunit kailanman ay di ito nagpost ng sarili niyang larawan.

“Ala eh! Kakisig ni utoy ah! Ala’y di kita nakilala!” salubong agad ng kanyang tiyuhin na panganay sa magkakapatid.

Ke lapit ng Maynila ay di ka man lang nagawi rine!” Niyakap nito ang nag-iisang anak ng kanyang kapatid na namayapa na.

“Nako Tyong narumihan na kayo, putikan na ‘tong suot ko eh!” nahihiyang tugon ni Daniel sa magiliw na yakap ng kanyang tiyuhin.

Kitang-kita sa mga kaanak ang saya na muli nilang makita si Daniel, halos lahat ay gulat na gulat sa malaking pagbabago nito. Ngunit sa kabila ng kasiyahan ay mababakas ang malalim na pag-iisip ng binata. Napapailing na lang ang kanyang ulo sa biro ng tadhana.

Parang sinasadya ng pagkakataon na kung sino pa yung gumulo sa kanyang isip sa nagdaang mahigit isang linggo ay siya pang nakita niya kanina sa may crossing. At kung di dahil dito, di niya makakaharap ang amang tiniis niyang di makita ng mahigit isang dekada.

Muli silang nagkita kung saan naroon siya sa pinakamiserableng kalagayan. Ipinangako pa man din niya sa kanyang sarili na di haharap sa kanyang ama nang di niya kayang ipagmalaki ang kanyang sarili ngunit kabaligtaran ang nangyari. Lalo lamang bumaba ang tingin nito sa kanya.

Malalim na napabuntong-hiniga na lang si Daniel sa mga nangyari. Pilit pinasasaya ang sarili sa pakikipagkumustahan sa mga kaanak na naroroon.

“Maigi naman at sinalo ka ng papa mo, Dandan… Sana naman ay magkalimutan na kayo ng samaan ng loob. Lalo ngay-on na matunog ang balita na ikakasal na siya ulit.” bungad ng asawa ng kanyang tiyuhin.

Napamaang si Daniel sa ibinalita nito. Bagama’t nakarating sa kanya ang mga naabot nito hanggang sa maging alkalde ng bayan ay wala siyang nalalaman sa personal na buhay nito. Nagulat man siya ngunit mas nanaig sa kanya ang saya na malamang muli na itong mag-aasawa. Siguro ay panahon na din para makahanap ito muli ng makakatuwang sa buhay.

“Ala’y kay bata ng mapapangasawa ga ni bayaw! Matinik talaga eh!” banat ng kanyang tiyuhin.

Ganun?” Doon napakunot ang noo ni Daniel sa kanyang nalaman.

“Ay oo! Daig ka pa lintek ka… Dinale yata yung sikretarya niya ba yun ineng?” baling ng kanyang tiyuhin sa isa nyang pinsang babae.

“Oho Itay… Nakita ko na ho iyon nang maparoon ako sa bayan! Ke ganda Kuya Dandan.”

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Daniel ang balita tungkol sa kanyang ama. Nagpasyang maligo at nang makapagpalit muna ng damit bago humarap sa mga pinsang lalaki na naghahanda na ng lamesa sa bakuran para sa inuman.

************************

Nang makarating ang magkasintahan sa mansyon ay iniwan muna ni Marco ang dalaga sa receiving area at kinausap muna nito ang mayordoma na nasa kusina. Di marinig ng dalaga ang sinabi ng alkalde sa kausap ngunit dinig niya ang kagalakan nito sa sinabi ni Marco. Umaalingawngaw ang boses nito sa mataas na ceiling ng kabahayan.

“Talaga po sir? Pwede ko ba siya puntahan?!”

“Sige tawagan ko si Bert, magpahatid ka dun.”

Walang mapagsidlan ang tuwa ni Manang Sabel na malamang umuwi ang kanyang alaga. Sa tagal na niyang nagsisilbi sa mga Vargas ay sya na din ang nakalakhang yaya ni Daniel. Kaya naman ganoon na lang ang tuwa nito na muli nyang makikita ang binata makalipas ang ilang mga taon.

“Ay nandito pala si Ma’am Trisha…” bulalas nito nang matanaw ang sekretarya ng kanyang amo.

“Yaya please. Sige na sa labas na kayo maghintay.” sawata ni Marco sa kasambahay.

Ngumiti lamang ang dalaga kay Manang Sabel ng makita siya nito. Hindi na din iba ang pamilya ni Trisha sa matandang kasambahay dahil dalagita pa lang ito ay nakagawian na ni Marco na ayain ang pamilya ni Bert sa mansyon sa tuwing may espesyal na okasyon.

Sinamahan pa ni Marco ang manang hanggang sa gate kung saan ito dinaanan ni Bert. Kinausap muli ng alkalde ang matanda at waring pinagbilinan pa ito.

Habang naghihintay ay inilibot muna ni Trisha ang kanyang paningin. Matagal-tagal na din mula nang huli syang mapunta sa bahay ni Mayor at pansin nya ang pinagbago ng pagkakaayos ng ibang kagamitan maging ang mga frame na nakadisplay sa mga dingding.

Naglakad-lakad siya at pinagmasdan ang magagandang portrait na nakasabit sa paligid. Manghang-mangha siya sa ganda ng mga nakasabit na obra.

Hanggang sa mapadako ang mata niya sa isang maliit na sketch drawing na nakasabit malapit sa isang sulok. Tila ngayon lamang niya iyon napansin. Larawan iyon ng dalagitang nakaupo sa duyan na nakatali sa sanga ng malaking puno sa tuktok ng burol.

Napakunot ang noo ni Trisha habang tinititigan ang dalagitang nakatalikod at nakakapit ang mga kamay sa lubid ng duyan. Parang pamilyar sa kanya ang lokasyon ng iginuhit na larawang iyon.

Lalapit pa sana ang dilag upang lalong siyasatin ang larawang nasa sulok nang maramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng alkalde mula sa likod. Yakap na sinabayan pa ng madiing halik sa kanyang kaliwang pisngi.

“Namiss kita baby ko… Lagi kitang naiisip habang nasa Cebu ako. Hmm ako ba namiss mo din?” lambing ni Marco sa batang kasintahan.

Uhmm… ewan hahaha”

Tara dun sa kwarto ko, para malaman natin kung namiss mo nga ako.” sabay akay nito sa dalaga papunta sa hagdan.

Nilampasan nila ang round foyer table na may malaking flower arrangement katapat ng crystal chandelier na nakakabit sa mataas na ceiling. Sa magkabilang gilid ay ang paanan ng eleganteng twin staircase papunta sa ikalawang palapag.

Pagbungad sa itaas ay naroon pa rin at nakasabit sa gitna ang malaking wedding portrait ni Marco at ng namayapang asawa nito. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang si Trisha nang muling mamasdan ang larawan kaya’t inilihis na lang nya ang paningin at dumeretso na sila patungo sa kwarto ng alkalde.

Pagbukas ng double door ay namangha ang dalaga sa laki ng master bedroom ni Marco na ngayon lamang nya napasok. Parang mas maluwang pa ito sa buong kabahayan nila kung tutuusin. Napakaaliwalas ng loob dahil sa malalaking bintana na nakabukas at pinapasukan ng preskong hangin. Tanaw din dito ang malaking swimming pool sa gilid ng bahay at ang luntiang damo sa paligid nito.

Ang ganda ng room mo…” di napigilang sambit ng dilag. “Dami mo na sigurong nadalang babae mo dito noh?”

Nangiti lamang ang isinagot ni Marco sa tinuran ng dalaga na abalang inililibot amg paningin sa loob ng kanyang malawak na silid. Nagbukas ng bote ng red wine ang alkalde at nilagyan ang dalawang kopita na naroroon. Lumapit siya sa dalaga na parang napako na ang mga paa sa pagkakatayo sa gitna ng silid habang lumilinga sa paligid.

Drink this baby para marelax ka.”

Tinanggap naman agad ng dalaga ang alak na inabot ni Marco. Mukhang kailangan niya talaga iyon sa kabang nararamdaman. Agad niyang tinungga at inubos ang laman niyon.

“Want more baby?” Tumango lamang si Trisha sa tanong ng kasintahan.

Matapos maiabot ang panibagong salin sa dilag ay muli iyong ininom ni Trisha na para bang tensyon na tensyon sa maaaring maganap sa pagitan nila ng alkalde.

Pero bago pa niya ito tuluyang malagok lahat ay kinuha na ni Marco sa kamay ng dalaga ang hawak nitong baso at agad sinibasib ng halik sa labi ang dilag na di pa nalululon ang alak na nasa kanyang bibig.

Inilapag ng alkalde ang baso sa kalapit na console table habang hinigop ni Marco ang natitirang alak sa bibig ni Trisha na siya niyang nilulon. Sa kanyang paghigop ay di maiwasang tumulo ng pulang alak sa bibig ng dalaga na bumaybay sa maputing leeg nito na walang pag-aatubiling dinilaan ni Marco.

“Wait… ahhh… mababasa ako…”

Ngunit patuloy lang si Marco sa pagsimsim sa leeg ng dilag na sinabayan ng sabik na pagkalas ng nobyo sa mga butones ng long sleeve blouse ni Trisha.

“Ang bango mo babe… ang kinis mo pa…” ngayon ay mas kita niya ang kakinisan ng balat ng batam-batang nobya dahil sa liwanag ng paligid.

Patalikod na napahakbang ang dalaga habang wala pa ding tigil si Marco sa pagdila sa puno ng kanyang mga suso. Nang makaabot sila sa paanan ng malaking kama ay dahan-dahan siyang inihiga nito. Hinawi ng alkalde pabukas ang polo nito at pinagmasdan ang magandang hubog ng suso na natatakpan ng skintone na bra.

Sunod na kinalas ni Marco ang butones ng khaki slacks nito at hinawakan ang magkabilang gilid ng bewang at hinatak pababa hanggang tuluyan iyong mahubad at makalas sa mga paa ng dalaga. Di na din nag-atubili pa ang dilag at siya na mismo ang kusang naghubad ng kanyang blusa.

Shit… parang kailan lang Trisha… Neneng-nene ka pa pag dumadalaw ako sa inyo… Di ko akalain magiging ganito ka kaganda… kasarap…”

Pinili na lang ng dilag na manahimik at namnamin ang mga haplos ng kamay ni Marco sa ka…