i know not
how to express
my dismay over
how I’ve squandered
my chance
to have you…
squandering the
lovely moments
when the dulcet
monotones of the wind
was inspiring
the sullen blades
of uncaring grasses
to compose
their one last sonata…
I’ve squandered them all–
losing you….”
Nagising si Tim na masakit ang kanyang ulo mula sa naparaming pag-inom nang nagdaang gabi. Black out siya at pasulpot-sulpot lang ang pag-gitaw sa kanyang ala-ala ng nagdaang magdamag. Nagtaka siya, bakit naririto siya sa kwartong kinagisnan at walang saplot na naka-higa sa malambot na kama. Pinakiramdaman nya ang sarili. May malagkit pa na bagay na natuyo sa kanyang kaselanan. Nagsasalit-salitan sa kanyang isip ang ala-ala ng nagdaang gabi.” Make love to me Lyn… I need you hon…I miss you so much.” Malabo ang eksenang iyon sa utak nya. Pero dama nya yung dialogue nung lalaki sa kanyang balintataw. Isinapo nya ang kanyang ulo sa dalawang palad. At maramdaman nya ang pangungulila, sa kanyang si Lyn. Sa kanyang ‘lihim’ na maybahay.
Nagulat pa si Tim ng sumungaw sa pinto ang magandang mukha ni Leah. ” Gising ka na pala,” Sabi nito na ang tingin ay sinadyang humaplos sa kanyang harapan na natatabingan ng manipis na kumot. “Pinagod mo ako kagabi, mahal…” Idinugtong nito na parang ipinagmamalaki ang nangyari nang nagdaang magdamag. Nakadama ng panlulumo ang batang propesor. Ano ang nagawa nya sa nagdaang magdamag sa kanyang kalasingan? Anong kumplikasyon ang nasuongan niya?
” Bangon ka na, may bihisan ka na dyan sa shower room,” Inginuso ng dalaga ang nasa di kalayuang banyo. ” Nakahanda na ang almusal. Gusto ka makasalo ng Daddy.”
Nakatalikod na si Leah, parang hindi pa ganap na malinaw kay Tim ang naganap at magaganap. Ang sumisigid sa kanyang pandama ay si Lyn. Ang katotohanang hanggang sa mga oras na iyon ay wala pang malinaw na lead kung nasaan ito at ano ang nangyari dito. At heto siya sa isang kumplikasyong hindi nya gusto pero ginawa nya.
Lumipas ang anim na buwan malaki na ang tiyan ni Lyn. Nasa Switzerland sila ng kanyang ‘asawa’ na si Arnulfo Alcantara. Nagtataka siya sa sarili. Bakit parang hindi siya masaya ng ‘ikinasal’ sila. Engrande ang kasalan na ginanap sa bayan ni Arnulfo Alcantara. Halos nandoon ang mga makapangyarihang pulitiko sa bansa. Mayroon ding mga foreign dignitaries na mga dumalo. Pero bakit parang ‘duda’ si Lyn sa kwento ni Arnie na fianceesiya nito. Ang sabi nito, siya ay ulilang lubos na pinagtapos ng kanyang amang dating senador sa pagka doktor. At nabihag si Arnie ng kagandahan ni Lyn. At kasalukuyang nilang binabagtas ang daan patungong airport ng maganap ang sakuna na nagpawala sa kanyang ala-ala.
At bakit parang hindi rin masaya ang ‘asawa’ nya sa kanyang pagbubuntis? At bakit nakadarama si Lyn ng di maipaliwanag na ‘takot’ sa tuwing tatangkain ni Arnie na sipingan siya? Maraming’bakit’ at maraming sari-saring katanungan ang gumugulo sa kanyang isip. Marami siyang panaginip na bumabalisa sa kanya. Madalas kumikirot ang kanyang ulo, at pumapasok sa kanyang imahinasyong ang larawan ng isang lalaking kagalang-galang. At bakit masaya siya pag sumasagi ito sa kanyang gunita. Sino ang lalaking ito?
Natatakot siya kay Arnulfo Alcantara. Pero ipinapakita naman nito ang sobrang pagmamahal sa kanya. Pagmamahal na parang sumasakal kay Lyn. Nangako ito na pagka panganak nya babalik sila sa Pilipinas.
Galing si Arnie sa isang klinika kung saan ang doktor doon ay kinikilalang dalubhasa sa larangan ng rehabilitasyon para sa mga katulad nyang nagkaroon ng spinal cord injury. Hindi nya matanggap na ang pagiging inutil ng ‘alaga’ nya ang maging kabayaran ng ginawa nyang pagdukot kay Lyn. At ang higit na masakit, naunahan na pala siya ng propesor Artemio Domingo na yun!
At ang kanyang plano na mapa-ibig ang babaeng bumihag sa kanyang puso, ay madali na sanang magkakaroon ng kaganapan. Nagka-amnesya ang doktora. Sa pagkalimot nito sa kanyang nakaraan, malaki ang tsansa na mabaling sa kanya, kay Arnie ang kalooban ni Lynn, at mapa-ibig nya ito. Sana, pero kasalukuyang nagdadalang-tao ito. Paano kung yung bata ang magbalik sa ala-ala nito kung sino talaga siya?
Nagulat pa si Arnie sa kanyang pagmumuni-muni ng biglang sumibad ang dala-dala nyang sasakyan. Natapakan nya pala ang silinyador habang iniisip nya ang kanyang sitwasyon. Bigla nyang tinapakan ang preno ng sasakyan kumamot ito sa aspaltadong daan. Itinabi nya ang kanyang sasakyan at napa buntung-hininga.Lumabas siya sa kotse. Malamig ang nagyeyelong kapaligiran. Parang umuusok ang kanyang bibig. At higit na maginaw ang kanyang nararamdaman. Sa bawat gabi na katabi nya si Lynn, pakiramdamdam ni Arnie ay tino-torture siya. Ang alindog ni Lyn ay parang masarap na putaheng nakahain sa kanyang harapan. Subalit inalisan naman siya ng panlasa. Anong kaparusahan pa ang hihigit sa gabi-gabing pagtatangka nya na sipingan ang magandang doktora, para lamang manlumo sa mala-gulay na alaga nya. Sinipa nya ng sinipa ang gulong ng kanyang sasakyan hanggang sa naramdaman ni Arnie ang kirot sa kanyang paa. Gusto niyang sumigaw. Walang tinig na lumabas sa kanyang bibig. “Kasalanan ba ang magmahal? Kasalanan ba ang umibig?” Pumasok siyang muli sa kanyang sasakyan. Umaandar ang heater nito. Sumubsob siya sa manibela, at hinayaan nyang malayang tumulo ang kanyang mga luha.
“Anong iniisip ng gwapo kong mister?” Tanong ni Leah. Nasa veranda sila sa isang suit sa sikat na Carlton Hotel sa St. Moritz, Switzerland. Regalo ito ng kanyang amang gobernador sa hone…