Lesson Ni Lola 1: Paninimula

Episode 1

Isang binata ang kasalukuyan na nakatira sa isang sikat na condo unit by the bay o malapit sa Roxas boulevard.

Siya si Don Jaime Tan, o mas kilala sa tawag na DJ. 23 years old at recently graduate ng kursong bachelors of science in Civil Engineering.

Isang sundalo ng Us Delta Force ang kanyang ama at namatay ito sa iraq war noong 2003. Medyo malaki naman ang nakuha nilang mag mamana benepisyo mula sa Us.

Dahil dito ay nabili nila ang lupain sa probinsya nila kung saan kasama nila ang lola niya. Nag ofw din ang kanyangmamasa italy kaya nabili nila ang condo na tinutuluyan nito at ang suv na gamit ni DJ.

Graduate ito mula sa De Lasalle University. At kakatapos lamang niya kumuha ng board exam noong nakaraan linggo.

Single at available naman si DJ dahil sa study first muna ito. NGSB o no girlfriend since birth pa ang lalaki.

Marami ang nagkakagusto dito dahil sa tangkad niyang 5’10 at isa rin siyang reserve player ng Green Archers basketball team pero hindi siya nalineup kahit minsan.

Pinangako niya sa kanyang ina na study first muna siya kahit anong mangyari. At isang hakbang nalang ay matutupad nito ang pangarap.

Nakatutok ito sa kanyang tablet para sa isang balita na matagal na niyang hinihintay. Kanina pa siya refresh ng refresh sa page ng PRC para resulta ng licensure exam for Civil Engineers.

Halos di na ito mapakali dahil sa kaba kung ito ay pasado o bagsak. Ng tumunog ang telepono niya.

Mga notifications mula sa social media accounts niya.

” Parang ayaw ko basahin. Baka puro ayos lang yan” ang nilagay nila ang sabi ng lalaki na nakahiga sa sofa habang tablet nito ay nakapatong sa kanyang dibdib.

Ng biglang tumawag ang kanyang mama sa messenger at nag video call ang mag mama sa tablet nito.

” Anak ” ang bati ng kanyang ina

” Ma, sorry po. I did my best pero I guess di pa rin sapat” ang madrama at naluluha niyang usal sa ina.

” Anong, pinagsasabi mo anak” ang nagtatakang tanong nito.

” Bagsak ako di ba, kaya nga andami dumadamay sa akin sa FB at twitter. Pati na rin IG ko” ang sabi ni DJ.

” Anong bagsak ka dyan. Tignan mo nga uli” ang utos nito kay DJ at kinuha nito ang cellphone

Dito niya tinype ang website ng PRC.

” Ma, wala man ang name ko eh” ang sabi ni DJ sa kanyang Ina.

” Tignan mo ang top 10″ ang utos nito kay DJ.

” Ma, wag ka magbiro. Di pwede akong magtop 10″ ang sabi ni DJ sa kanyang ina.

” Gawin muna lang” ang medyo naiinis ng sabi ngmamaniya.

Kaya Hinanap nito ang top 10. Dahil Nasa dulo na siya ng prc list. Nag scroll up siya. Naabot na niya ang top 10.

Wala ang pangalan niya.

Top 7, wala pa rin ang pangalan niya. Parang gusto na niya tumalon dahil sa kaba.

” This is not true Ma” ang sabi ni DJ ng makita niya ang pinaka mataas na posisyon sa examinations

” Tan, Don Jaime Tatlong Hari” kasunod nito ay ang general average na nakuha niya.

” 98.76″

” Congrats anak, nagawa mo din” ang sabi ngmamani DJ

Nagtatalon naman sa tuwa ang lalaki dahil sa na achieve nito ang isang bagay na hindi lubos maisip.Habang nakapatong tablet sa lamesa.

” Ma, Nagawa ko. Ay mali. Nagawa natin” ang sabi ni DJ sa mama niya.

” Dahil diyan may habilin ang Lola Andeng mo” ang sabi ng Mama ni DJ. At ito ang simula ng ating storya.

//////////////////////////////////////////

” Dahil diyan may habilin ang Lola Andeng mo” ang sabi ng Mama sa akin.

” Ano yun ma” ang tanong ko naman dito at umupo ako sa sofa tsaka tumingin sa tablet.

” Magbakasyon ka naman daw doon at miss na miss ka na niya” ang sabi nito sa akin.

” Ay oo nga pala. Simula noong summer bago ako mag 5th year. Di pa ako muling umuwi ng Pangasinan” ang sabi ko naman kay Mama.

” Kaya nga at nagtatampo na sa iyo ang Lola Andeng mo” ang sabi ni Mama sa akin.

” Osya Ma, maghahanda na ako at para makapag biyahe na. At bibili ko pa si Lola ng mga paborito niyang duster” ang sabi ko naman kay Mama.

” Bye anak. Ingat sa pagmamaneho at Love you” ang sabi ni Mama sa akin at saka nito pinatay ang tawag.

Agad naman ako nag impake. Isang malaking back pack lang dala ko dahil may damit naman ako doon. Simula kasi ng mag college ako ay every sembreak at summer vacation ay umuwi ako doon.

Pero natigil lamang ito ng mag 5th year ako dahil sa dami ng ginagawa at ayaw din ako mastress ni Mama at Lola sa biyahe.

Sinuot ko na ang backpack habang ang tablet ay nasa kanan kamay ko. Ang telepono ko naman ay nasa bulsa ng aking board shorts. Ganun lamang pormahan ko . Polo shirt na dark blue na bukas ang mga butones at salmon na board shorts.

Tinernohan ko na lang ito ng puting running shoes at ready na ako pauwi sa probinsya namin.

Kinuha ko ang susi sa sabitan malapit sa tv at lumabas na ako ng condo.

” Congrats Engr” ang bati sa akin ng isang staff

” Salamat manong” ang sabi ko naman dito. Kakilala ko na ang staff ng condo dahil sa mahilig ako makihalobilo sa mga ito.

Paglabas ko ng elevator ay dumaan muna ako sa Front Desk.

” Ate, uwi muna ako sa probinsya. Wala ako expect na bisita ah” ang bilin ko dito.

” Yes Sir, ay mali. Yes Engr” ang sabi nito sa akin.

Ngumiti naman ako dito lumabas na ako sa parking ng condo. Pinuntahan ko ang itim kong montero sport at nilagay sa tabi ng driver seat ang aking back pack.

Pinatong ko naman ang tablet ko sa tabi ng kambyo habang ang telepono ko ay nilagay ko cell holder sa may gitna.

” Pangasinan, here I come” ang sabi ko at nilagay ko na sa reverse ang matic kong sasakyan.

Dumaan muna ako sa divisoria at namili ako ng mga duster ng tumawag si Mama.

” Nak, bili ka din ng panty at bra ni Lola Andeng Mo” ang sabi nito sa akin.

” Seryoso ka ma” ang tanong ko dito dahil nahihiya ako at baka ano pa ang isipin ng tindera.

” Basta sabihin mo 38F sa bra at large sa panty” ang sabi nito sa akin at binaba na ang tawag.

” Ate, pabili nga din po ng panty at bra” ang bulong ko dito.

” Anong size sir?” ang tanong nito.

” 38F sa bra at large sa panty” ang sabi ko dito.

” May lace po ba o simple lang” ang tanong nito sa akin.

” ikaw na bahala ate” ang sabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nito.

” Sir meron kami set of 10 na mixed variety. 700 un. Pero dahil pogi ka. 650 na lang” ang sabi nito sa akin.

Kaagad ko naman ito binayaran at inabot sa akin ang plastic na may dalawang box na parang lalagyan ng brownies ang size.

Sumakay na ako ng sasakyan at nagbiyahe na.

” Mag alas onse na pala” ang sabi ko na makaalis ako ng divisoria.

Nagbiyahe na ako tungo sa aming bayan ng Alaminos. Mag ala una kwarenta y singko ay kasalukuyan na ako nakapili sa Urdaneta exit ng TPLEX.

Nakaramdam ako ng gutom kaya kumain muna ako saglit at mag alas dos y media ay nag biyahe na ako muli.

At mag alas singko na ng marating ko huling kanto sa bolo beach RD.Nakita ko ang malaking gate na bamboo sa gilid ng kalsada. Tinanaw ko ang mga naglalakihang puno ng mangga at naalala ko ang mga panahon ng paglalaro namin sa itaas ng puno.

Tinabi ko muna sa gilid ng daan ang aking sasakyan at binuksan ko ang bamboo na gate. May susi kasi ako nito kaya nabuksan ko ang padlock at kadena.

Sumakay muli ako sa aking sasakyan at pinasok ko ito. Bumaba muli ako at sinara muli ng maayos ang kawayan na gate.

Sumakay muli ako at ilang metro lang ang aking biyahe ay nakita ko na ang isang simpleng bungalow. Pinarada ko sa gilid ang aking sasakyan.

Bumaba ako dala dala ang gamit ko at pasalubong kay Lola.

Pagpasok ko sa bahay halos walang pinag bago ito pa rin yung inuuwian namin dati, may 2 kwarto at yung kusina sa likod bahay, yung banyo naman naka pwesto sa gilid ng kusina

” Lola, andito po ako” ang sabi ko at parang walang tao sa bahay. Sinilip ko ang kwarto ni Lola sa unahan ay wala siya rito.

Sinilip ko ang aking kwarto. Wala rin siya dito. Binaba ko muna ang aking bag at mga dalang pasalubong at nagsimula ako lumibot sa bahay para hanapin si Lola.

Wala ito sa kusina, wala rin ito sa banyo at naisipan ko na pumunta sa likod bahay at baka nasa…