paano nya hahanapin si Kants kaya minabuti na lang nyang kontakin ang mga kaibigan nito upang malaman kung saang lupalop ito nagsuot.
Inilabas ko ang aking walang kamatayang Nokia 6600 at…
Popoy (nagdadial) : Suzanne alam mo ba kung san nagpunta si Anne? Kinokonta ko kasi di sumasagot
Suzanne: Ay sori Poy di naman sinabi sakin ni Anne kung san sya pupunta.
Popoy: Ahh ganun ba sige salamat ah. Keep the Faith!
(Syet 1 down) sa isip nya
Popoy: Sinead, Alam mo ba kung nagpunta si Anne?
Sinead: Hmmmm… ahhhh di ko alam sorry Poy.
Popoy: Sige, Salamat ah.
(2 down)
Popoy: Connor, Alam mo ba kung san nagpunta si Anne?
Connor: Ang alam ko lang sa Villa Bong, yun lang.
Popoy: Ahh ganun ba!! Salamat ng marami!!!!
Villa Bong? Punyeta sang lupalop ba ng mapa yun?
Sinubukan kong mag google para hanapin ang nasabing lugar ngunit puro imahe ng mga swimming at diving apparel ang lumabas. Kaya nagpasya na lang akong makipagsapalaran at magbakasakaling alam ng mga tsuper ang lugar.
Dali dali akong naghanap ng masasakyan papunta sa kinalalagyan ni Kants nang biglang may dumaan na tricycle at agad ko itong pinara.
“Manong wait.. i need a ride”
“Ha?” huminto ang tsuper at inalis ang kanyang pekeng Beats Studio Headphones
“Sabi ko sasakay ako manong at ihatid nyo ko sa Villa Bong.
“Malayo yun ato at wala na ko sakay pabalik dun dahil dis oras na ng gabi”
“Magbabayad ako manong kahit magkano”
Agad kuminang ang mata ng tsuper at sinabing.. “Kahit magkano?”
“Oo may dalawang daan pa ko dito manong”
“Tara sakay na.. palag palag na yan!!! SAKAY!”
Daglian akong sumakay sa tricycle at sabay padyak naman ni Manong Pepe Pasada Member sa Kick Start!
Sinuot pabaligatad ang Acid wash na Jacket na puno ng patches ng agila, faded club roman jeans at
maluwang na leeg na puting Hanes T-shirt ….
“RENG-DENG-DENG-DENG-DENG” sabay labas ang makapal at maputing usok sa tambutso ng motor na animo may OPLAN PATAY DENGUE.
Anong oras na ato at wala namang tao dun sa lugar na pupuntahan mo, patanong ng tsuper.
Manong bilisan nyo at baka hindi ako umabot.
Di ambulansya ang sinakyan mo ato relax ka lang. sambit ng tsuper
“Manong pag hindi tayo umabot, mawawala sakin ang mahal ko, may sasagutin syang iba.”
“Ah ganun ba, pagibig pala ang pinag uusapan natin dito ato” nakangiting salita ng tsuper at nakangisi
“Oo manong oras at pagibig ang nakasalalay dito”
“Kung magkaganon.. Times like this you need Juicy Fruit Gum” sabay abot sakin
Di ako nagbibiro manong. painis kong sagot
Ng makita ng drayber ang itsura ko ay agad nyang sinabi na “Kapit bata, sa mga ganitong pagkakataon Boy Scout ako”
Blangko ang isipan ko sa sinabi ni manong.
“Kapit sabi.. sabay may pinindot na buton sa silinyador ang drayber at biglang parang naging Jet sa
bilis ang aming arangkada at umangat pa nga ang harapan ng tricycle sa unang bomba nya ng silinyador”
“Wooooo ayos manong may NITROS pala ang tricycle mo” turan ko
“Aba ako lang ang meron nito, ginawa ko talaga to para sa emergency, special occasions at crunch times”
“Naks manong. astig. salamat ah”
“Ayos lang bata, nararamdaman ko ang nararamdaman mo dahil pinagdaanan ko din yan, nangyari din sakin yan pero hindi ako umabot, nang dumating ako sa simbahan ay kinasal na ang mahal ko dahil sa mabagal ang tricycle na sinakyan ko.Kaya mula noon ay tumatak na sa isip ko na pag hiningi ng pagkakataon na may humingi sakin ng ganoong klase ng pabor ay hindi ko sya bibiguin at 30 taon na ang
nakakaraan ay ikaw pa lang ang taong nakaenkwentro ko na may parehas na pagsubok na hinaharap”
“Ayos manong ah, may Nitros na tricycle..”
“syempre naman, dont underestimate my baby here” sabay kindat na nakalabas pa ang incisors nya na kulay gold.
Di ako pinansin ng drayber at tila focused and steady sya sa kanyang pagmamaneho at humahampas sa pisngi ko ang malakas at malamig na hangin dahil na rin sa bilis ng takbo ng tricycle.
“Intayin mo ko Lia.. Intayin mo ko.. Im almost there” pabulong ko sa sarili ko
Rengggg!!! maingay na angal ng makina ng X4 na motor ni manong ng biglang bumagal ang takbo nito at nakaamoy ako ng nasusunog na bagay..
“Manong anong nangyari?”
“Pasensya na ato, di kinaya ng makina ko at bumigay” pailing na sagot ng tsuper
Nakanangteteng pag minamalas ka talaga… nangingiyak kong sagot
“Ato bagtasin mo ang deretsong daan na ito at tutumbukin mo ang Villa Bong.. bilisan mo ato at….
May the Force Be With You.
Wala akong sinayang na saglit at agad na tinahak ang malamig at madilim na kalsada na tanging buwan lang ang nagbibigay ng liwanang nung gabing iyon.
Makita lang kita Kants at kakanta tayo ng…. ( sa isip ko)
“Kapanahunan na naman ng paglalambingan
At kasama kitang mamasyal sa kung saan
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag
Pagmamahalan lang naman ang mararanasan
Sa sariling mundong tayo lang ang may alam
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag”
-APO
“Anong lupalop ba tong pinuntahan mo Kants, gagawa ka ba ng horror movie?” sa isip isip ko habang
tumatakbo sa mahabang kalsada na parang wala nang bukas
Habang tumatakbo ako ay naaalala ko ang mga pinagdaanan namin ni Kants, mga masasayang alaala, mga tawanan namin, mga kulitan, tampuhan at di ko namalayan na may puamtak pala na luha saking mga mata. (Sephia lahat)
Naisip ko na maaaring mawala si Kants sa gabing ito. Mawawala sya dahil sa katangahan ko, dahil sa kapabayaan ko. Bente minutos din akong tumatakbo hanggang narating ko ang parang isang animoy resort o pavillion, dulo ito ng kalsada. Dead End kumbaga.
“Will you love me again
Like you loved me before
This time I want you to love me much more
This time instead
Just come to my bed
And baby just don’t let me go
Although we’ve come
To the end of the road
Still I can’t let go
It’s unnatural
You belong to me
I belong to you
Although we’ve come
To the end of the road
Still I can’t let go
It’s unnatural
You belong to me
I belong to you”
– End of the Road Boyz2Men
Maganda ang lugar, parang EK(Enchanted Kingdom) pero walang rides, parang mini park, medyo may ilaw sa paligid.
Wala akong nakitang tao dun, malamig ang gabi na yon, mga huni ng kuliglig lang ang
naririnig ko kasama ng ihip ng malamig na hangin na nanunuot sa aking kalamnan at kabiguan na hindi ko na inabutan doon ang aking mahal na si Kants.
Naglakad lakad ako sa paligid at marahang binabanggit ang pangalan ni Kants ng paulit ulit na parang sirang plaka. Di ko namalayan na nangangatal na pala ang aking boses at tila may mainit na bagay na nanggaling sa aking mga mata kasabay ng pagtigil ng aking mga paa at napaluhod sabay yuko na tila nawalan ng chakra at nanghina..
“Kants patawarin mo ako, ive been so dumb and numb all this time. Never i realized or come to a point in my life that youre the one that i love” habang naluluha at kinakausap ang sarili.
Sa isang madilim na lugar ay may narinig akong kaluskos na tila papalapit sakin. kung tao man yon, hayop, engkanto, maligno o kung ano pa man ay hindi ko alam. Papalapit na sakin ang yabag ng at ng inaninaw ko ng mabuti ay isa itong babae,.
“Kants???”
“A-a-a-nong ginagawa mo dito Poy? patakang tanong nya
“Pinuntahan kita, gusto kong ma…