Lia 9 (Masakit Na Katotohanan)

Pasensya na po at natagalan ang update.. Samalat…

“Miss” usal nang isang lalaki habang tinatapik si Kants na natutulog sa lobby ng ospital.
“Kaano ano nyo ho ba yung kasama nyong naaksidente kanina?” Tanong ng lalaki.
Kasintahan ko po. Nasaan po sya? Tulirong pagtatanong ni Kants.
“Kasalukuyang nasa ER pa ang iyong kasintahan hija”
“Ano po ang lagay nya?”
“Kritikal pa ang kondisyon nya sa mga panahong ito, tibayan mo ang iyong loob at manalig sa Panginoon” malumanay na sagot ng lalaki.
“Babalitaan kita sa progreso ng iyong kasintahan Hija”

Agad na nagtungo si Kants sa tapat ng ER, umiiyak, tuliro, hindi makahinga.. at naramdaman na lang nyang unti unti nang nanlalambot ang kanyang tuhod at tuluyan nang napaupo sa sahig habang nkahalukipkip sa kanyang tuhod.

Parang tagpo sa MTV ng Directors Cut ng Kamikazee ang tagpo sa harap ng ER.

“Poy wag naman ganito? Huwaag naman please.. Kung kelan naamin mo sakin na ako ang mahal mo, saka naman mangyayari ito? Diyos ko! Huwag nyo pong hayaang mawala ang pinakamamahal ko.. Pakiusap” mga katagang ibinubulong ni Kants sa kanyang sarili.

*Directors Cut – Kamikazee* BGM

Sa loob ng ER….
Pulse.. Negative
RR: Negative
BP: Negative
1.2 Clear…

Tiiiiiiiiiiiiiiittttt… ( Flat Line )
Time of Death: 4:15 Am usal ng doctor

Lumabas ang doktor sa loob ng ER at saktong naabutan ang nakaupo sa sahig na si Kants na nakatingin lang sa pader.
“Ikaw ba ang kasama ng pasyente?”
“Opo Dok kamusta na po sya? Ok na po ba sya? Ano na po ang lagay nya?”
Tinapik lang ng marahan sa balikat ng doktor si Kants at malungkot na sinabi ang paboritong linya ng mga doktor sa pelikulang pilipino.

“Ikinalulungkot ko. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya upang mailigtas siya ngunit hindi na nya kinaya… Ikinalulungkot ko”

Tila binuhusan ng Holcim Cement ang paa ni Kants na napako sa kanyang kinatatayuan at namilog ang mata… blangko. ngunit pumatak unti unti ang mainit na luha at lumabas ang mahinang tinig sa kanyang mga labi…. “Poy”.
Simbigat ng gravity sa loob ng blackhole ang naramdaman ni Kants sa balita ng doktor. Ang Popoy na masiyahin, makulit, mapagbiro, kwela, kaibigan at higit sa lahat ang Popoy na kanyang minahal mula noon hanggang ngayon ay nawala na lang ng isang iglap. Sa isang kisapmata ay kinuha sa kanya ang pinakamahalagang tao sa buhay nya..

Dahan dahan nyang pinasok ang ER at lumapit sa nakahigang katawan ni Popoy.

“Poy? Alam ko naririnig mo ko, mahal na mahal kita. Poy paggising mo madami pa tayong gagawin, pupunta tayo ng perya, bibili tayo ng isang kahong Pansit Canton, magkakantahan pa tayo dun sa may ilalim ng puno sa may burol. Poy!

Sumagot ka naman. Poy! naririnig mo ba ko? Poy! wala namang ganyanan. Poy!
Poy!!!!!!!!!!!!!!!!!! pasigaw ni Kants habang pinupuno ng luha ang balikat ng minamahal.
“Sino na ang kasabay kong kakain? Sino na ang magpapangiti sakin kapag badtrip ako?
Sino na ang magtetext sakin ng Good Night (“.)? Sino? Sino Poy?”

Flashback (Sephia)

Habang masayang nakaupo sa sofa at nagkakantahan si Popoy at Kants.
“Hoy Kants gusto ko pag namatay ako kakantahin mo yung favorite song ko ha”
“Tarantado! Bakit ka naman mamamatay? at ang dami mo peborit, alin dun?” natatawang tanong ni Kants.
“Yung kanta ni Adele
Tamano?” tanong ni Kants
“Ungas PLM yun!” Bwahahahhaha
“Ang daming kanta ni Adele, alin dun?”
“Yung Make you Feel my Love”
“Bwahahahah ang emo mo Poy”
“Oo nga pangako mo Kants”
“Oo na! Oo na! pero di mo naman maririnig yun! patay ka na e hahahaha”
“Maririnig ko yun, mayroong 40 days ang kaluluwa pag namatay + 9 pa e di may 49 days pa ko para dalawin kita pag natutulog ka. Bwahahahahah!”
“Gago wag mo gagawin yun at tatawag ako ng Ghostbusters”

Balik Colored na ulit tayo ( Filtered + Cs6 )

“Poy.. When the rain is blowing in your face,
And the whole world is on your case,
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love.

Tumutulo na ang luha ni Kants sa bawat salitang kanyang binibitawan.

When the evening shadows and the stars appear,
And there is no one there to dry your tears,
I could hold you for a million years
To make you feel my love.

“Poy…. mahal na mahal kita… Huwag na huwag mong kakalimutan yun.”

I could make you happy, make your dreams come true.
Nothing that I wouldn’t do.
Go to the ends of the Earth for you,
To make you feel my love

Niyakap ni Kants si Popoy at bago maibulong ang mga huling kataga ng kanta.

ay….

“Miss” usal nang isang lalaki habang tinatapik si Kants na natutulog sa lobby ng ospital.
“Kaano ano nyo ho ba yung kasama nyong naaksidente kanina?” tanong ng lalaki
Kasintahan ko po. Nasaan po sya? Tulirong pagtatanong ni Kants.
“Kasalukuyang nasa ER pa ang iyong kasintahan hija”
“Ano po ang lagay nya?”
“Kritikal pa ang kondisyon nya sa mga panahong ito, tibayan mo ang iyong loob at manalig sa Panginoon” malumanay na sagot ng lalaki.

Litong lito si Kants sa nangyari, eksaktong tagpo, eksaktong lugar… Isa palang panaginip.. Masamang panaginip

“Salamat po Diyos ko at isang panaginip lang ang aking nasaksihan” bulong ni Kants sa sarili.

Naglakad ng dahan dahan papuntang ER si Kants at naupo sa bench na malapit sa pader. Sumandal, tumingala huminga ng malalim at saktong napasulyap sya sa relo ng lobby na may oras na “4:15 AM”. Biglang kinabahan si Kants tumindig ang kanyang balahibo sa di nya maipalawanag na kadahilanan at sa saktong pagtayo nya sa kanyang kinauuupuan ay biglang bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doktor.

Nanlaki ang mata ni Kants dahil ang doktor na tumambad sa kanyang harapan ay ang doktor sa kanyang panaginip.
Alam na ni Kants sa isip nya ang tagpo na ito at ang kanyang isasagot sa tanong ng doktor.

“Ikaw ba ang kasama ng pasyente?”
“Opo Dok kamusta na po sya? Ok na po ba sya? Ano na po ang lagay nya?”
“Kritikal pa ang lagay ng pasyente, ngunit gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang siyay mailigtas. Kailangan pa naming obserbahan ang kanyang kalagayan”
“Dok, pakiusap gawin nyo po ang lahat para mailigtas sya”
Tumango lang ang doktor sabay tapik sa kanyang bakilat at tuluyan na ring umalis.

Sabay naman ang paglapit ng isang nurse na singtingkad ng ChocoButternut ang blush on kay Kants.
“Miss Anne, eto nga po pala ang mga gamit ng kasama nyo”
“Salamat ah, ano nga pala ang pangalan mo?”
“Stacey po,”
“Ahh ok Salamat Stacey ah”
“Walang anuman mam. Byers” habang naglalakad pabalik sa reception area na kumekendeng.

Naupo ulit sa bench si Kants habang tinitingnan ang mga gamit ni Popoy at kanyang napansin ang “Ultimate Cellphone sa buong Universe”. Pagtingin nya ay meron itong 69 miscols from Lia. Napagdesisyunan nya sa kanyang sarili na makatarungan lamang na malaman ni Lia kung ano ang nangyari kay Popoy kayat kaagad nyang tinawagan si Lia.

Ngunit imbis na boses ni Lia ang marinig sa kabilang linya..
“You do not have enough balance to make this call”
“Fuck!”
Minabuti na lang ni Kants na pumunta sa reception para makitawag
“Stacey right?”
“Yes po!(lalong pumula ang pisngi na singtingkad ng chocobutternut) Bakit Ms Anne?”
“Pede bang makigamit ng phone?”
“Sure mam, go ahead”
Nagdidial na si Kants ng biglang tumunog ang 6600 ni Popoy..

“Walang sagoat. sa tanowng kung bakit ka mahalaga…”

“Poy! Nasaan ka na ba? Kanina pa ko nagaaalala sayo? Sang lupalop ka ba nag suot? pagalit na boses sa kabilang linya
“Poy! Hoy! Nasaan ka?”
Hindi pa makasingit sa galit sa kabilang linya. Isang tingala, mariing pikit at buntong hininga na animoy gagawa ng isang delikadong stunt ang ginawa ni Kants sabay sabing..
“Hi Lia si Anne ito”
“Huh? Bakit nasayo ang phone ni Popoy? Nasan kayo? Nasaan sya?”
“Lia… naaksidente kami ni Popoy”
“Ha? anong nangyari? Nasaan kayo? Nasaan si Popoy at pakausap sa kanya”
“Nailipat na siya ngayon sa ICU Lia, Sorry” maiiyak na salita ni Kants
“Nasan kayo? Saang Ospital yan? Pupunta ko dyan” pagaalalang tanong ni Lia
“Dito kami sa St.Looks sa Libis”
“Papunta na ko dyan..” sabay baba ng telepono.

*Sa kabilang banda*

Habang nagdadrive gamit ang Porsche Carrera GT sa kahabaan ng NTSCLEX
“Shit! Poy. Stay put! Nandyan na ko.”
Inapakan ang gas! Madiin!
Voooooooooooooooooovvv!
Syento kwarenta ang takbo ng sports car ni Lia sa kahaban ng kalsada upang makarating sa ospital sa lalong madaling panahon.
Makaraan ang bente minutos ay nakarating na sya sa St.Looks at agad pinark ang sasakyan na animoy Jason Statham sa Transporter Franchise.
Bumaba sa sasakyan at dumeretso sa reception.
Bago pa nya maitanong sa nurse kung saan ang kwarto ni Popoy ay sinalubong na sya ni Kants.

“Pak!” malakas na sampal ni Lia kay Kants.
“How dare you!! Anong ginawa mo kay Poy?”
“Im sorry Lia… Im really..”
“Pak!” isang sampal pa ulit ang inabot ni Kants sa kamay ni Lia
“Sorry? Do you think your sorry is enough to mitigate the anger and worries that im feeling right now? (LightnHue 2.5%)
“Lia, sorry. Wala namang may gusto sa nangyari. Aksidente ang lahat”
“Accident? Oh cmon worthless whore! Lets not talk blonde!” (Lightnhue 20%)
“Lia…”
“Get Lost bitch!” pasigaw ni Lia

Agad silang nilapitan ni Stacey at “Mam pasintabi lang po, pero may mga pasyente po tayo dito at mga taong dumadalaw sa ospital”

“I dont care! isa ka pa! Saan ba ang room nya?”
“Room 804 po!”
Tinabig ni Lia si Stacey(mapula ang pisngi) at Kants at agad na pumunta sa elavator para magtungo sa kwarto ni Popoy.
Paglapag sa 8th floor ay bumukas na ang pinto ng elevator at binati si Lia ng isang nurse.
“Good morning mam”
“Fuck off!”
At napayuko na lang ang nurse na tila empleyado ng Sogo.
“Wheres 804?”
“Doon po” sabay turo habang nakayuko pa rin.

Pagkatapat sa room room 804 ay tila nakaramdam sya ng pagtindig…