*************************
Araw ng lunes, isa na namang abalang araw sa isang sikat na unibersidad sa kalakhang Maynila. Kanya-kanyang aktibidad ang mga estudyante at guro sa loob ng campus. Mayroong mga papunta na sa kani-kanilang klase. Mayroon ding mga nakatambay at nagkukumpulan lang sa isang lugar habang hinihintay ang oras ng pagsisimula ng kanilang subject. Lahat ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
At isa na dito si Jessa, na halos hindi na sumayad ang mga paa sa sahig ng hallway dahil sa pagmamadali. Mabilis ang kanyang paglakad at hindi alintana kung may masagi man siya sa dinadaanan niya. Nang biglang may marinig siyang sumisigaw at tumatawag sa pangalan niya tsaka lang siya tumigil sa mabilis na paglalakad.
Irene: Jessa! Jessa! Jessa!
Jessa: Oh bes? Ano yun? Sabihin mo na at nagmamadali ako.
Irene: Saan ba ang punta mo bes? Nabalitaan mo na ba yung nangyari kay coach Nick?
Jessa: Oo bes, kanina ko lang nalaman nung itinawag sa’kin ni Rona. Kaya nga ako nagmamadali para pumunta sa opisina ni Mrs. Dela Cruz.
Irene: Hay naku bes! Mukhang pinulitika na naman ‘yan!
Jessa: Yun nga rin ang hinala ko eh kaya gusto ko siyang makausap. Sige bes kailangan ko ng magpunta dun malapit na din kasing magsimula first subject ko eh.
Irene: Sige bes, good luck sa iyo. Hindi na kita masasamahan kasi andiyan na rin prof namin.
Jessa: Ok lang bes. Sige kita na lang tau sa praktis mamaya?
Irene: Okay bes!
Nagpatuloy naman sa paglalakad si Jessa patungo sa opisina ni Mrs. Dela Cruz, ang Sports Director ng kanilang unibersidad.
Si Jessa ay miyembro ng varsity team sa volleyball ng campus na iyon. At hindi lang siya isang ordinaryong miyembro, siya ang libero at bagong team captain nito. Grumadweyt na kasi ang dating team captain at dahil sa angkin niyang galing at disiplina sa paglalaro ay siya ang napagkasunduan ng lahat maliban sa isa na maging susunod na captain.
Nasa ikatlong taon na siya ng kursong HRM sa unibersidad na iyon, at gusto niya na sa taong ito ay sila na ang maging kampeon sa taunang intercollegiate tournament. Iyon ang pangako nila sa kanilang coach na sobrang nirerespeto nila. Si coach Nick. Mabait kasi ito at talaga namang magaling magturo at makisama. Si coach Nick din ang nakadiskubre sa kanya sa probinsiya at humubog ng kanyang galing sa paglalaro. Ito rin and nagrekomenda at tumulong sa kanya upang makakuha ng libreng scholarship sa unibersidad.
Kaya ganun na lamang ang pagkagulat at pagkadismaya niya ng malaman ang biglaang pagkakasibak nito bilang coach at mapapalitan na pala ng iba. Wala kasi siyang alam na mabigat na dahilan para palitan ito.
Nang marating niya ang opisina ni Mrs. Dela Cruz ay huminga muna siya ng malalim bago lakas loob na kumatok sa pintuan.
Mrs. Dela Cruz: Pasok!
Dahan dahang pinihit ni Jessa ang busol ng pintuan at pumasok sa opisina. Nasa loob nito ang isang may katandaan na ring babae. Nasa late 50’s na ito.
Jessa: Good morning Mrs. Dela Cruz.
Mrs. dela Cruz: O ikaw pala Ms. Mendoza. Halika tuloy ka. Ano bang maipaglilingkod ko?
Jessa: M-ma’am…tungkol po sana kay Coach Nick…
Nahirapang ituloy ng dalaga ang sasabihin.
Mrs. dela Cruz: O bakit iha? Ano ba yung tungkol kay Mr. Reyes?
Jessa: T-totoo po ba na hindi na siya ang coach namin?
Mrs. Dela Cruz: Ah yun ba? Oo Ms. Mendoza. Simula ngayon hindi na siya ang coach ng women’s volleyball team.
Jessa: Pero ma’am bakit naman po?
Mrs. Dela Cruz: Well, I don’t think I have to explain because it’s the decision of the whole committee.
Jessa: Pero ma’am hindi ba karapatan din po naming malaman na mga players? At saka di ba dapat kinonsulta niyo rin po muna kami tungkol dito?
Mrs. Dela Cruz: Are you questioning our decision Ms. Mendoza? Have you forgotten kung sino ang nasa harapan mo ngayon?
Jessa: Sinasabi ko lang ma’am ang karapatan namin bilang players. Wala po akong intensyong kuwestiyunin kayo.
Mrs. Dela Cruz: Well, being the Sports Director of this university I have the right to decide what I think will be for the better of our sports programs. And as for Mr. Reyes we decided to replace him because we think that he is no longer capable of carrying our team to the championships.
Jessa: H-ha? Pero ma’am we’re doing good with him. Muntik na kaming nakaabot sa semi-finals last year.
Mrs. Dela Cruz: Well, that’s the point Ms. Mendoza! Ni hindi nga kayo makaabot ng semi-finals eh. Ilang taon na ring hindi nakakatikim ng kampeonato ang university natin. That’s why we made the call to replace him effective immediately.
Jessa: P-pero ma’am…
Mrs. Dela Cruz: Enough of this nonsense Ms. Mendoza! It has been already decided and we won’t change our decision!
Jessa: Then we will not practice without him ma’am.
Mrs. Dela Cruz: Kinakalaban mo ba ako Ms. Mendoza?!
Jessa: No ma’am. Pero kailangan kong ipaglaban ang karapatan ng team ko.
Tumalikod na si Jessa at tinungo ang pintuan ng muling magsalita ang Sports Director.
Mrs. Dela Cruz: Well, Ms. Mendoza I think we are having a misunderstanding here. And you are forgetting something! Remember, I am also the one in charge of the scholarships of all varsity players in this university.
Natigilan si Jessa sa narinig. Nanlamig ang buo niyang katawan.
Mrs. Dela Cruz: Well, what do we have here? Kabago-bago mo pa lang na naging team captain may attitude ka na. I wonder where you will go once na marevoke ang full scholarship mo.
Jessa: Y-you can’t do this ma’am..
Bumaba na ang tono ng boses ng dalaga. Halatang natakot ito sa mga sinabi ng Sports Director nila.
Mrs. Dela Cruz: I heard hindi ka ganun kagaling sa academics mo. So basically, dito ka lang sa varsity scholarship pwedeng umasa. And based also from your background, walang kakayahan ang mga magulang mo na pag-aralin ka sa magandang unibersidad gaya dito dahil sa kakarampot lang na kinikita nila.
Hindi nakapagsalita si Jessa. Totoo kasi ang sinasabi ng matanda. Halos isang kahig isang tuka lamang ang pamilya niya na nasa probinsiya. Kaya lamang siya nakapag-aral dito ay dahil sa full scholarship na nakuha mula nang makapasok siya sa varsity team.
Mrs. Dela Cruz: So what will it be Ms. Mendoza? Will you risk your full scholarship for the sake of your so-called “right of your team”? Siguro may relasyon kayo ni Mr. Reyes ano? Napapansin ko masyado ka ata niyang pinapaboran since dumating ka rito. Well, I could make a headline out of that. And worse, matatanggal ka na as a member of varsity team maeexpel pa sa university na ‘to ang idol mong coach.
Jessa: H-hindi totoo yan ma’am! Wala kaming relasyon ni coach Nick.
Likas lang talaga ang kabaitan ng coach nila pero natakot siya sa kayang gawin ng matanda sa harapan niya. Mataas ang katungkulan nito at maimpluwensiya. Napagtanto niyang wala siya sa lugar upang kontrahin ito. At isa pa, malaki ang utang na loob niya sa kanyang coach. Baka ikapahamak pa nito kung hindi niya titigilan ang pagkontra sa Sports Director nila. Ayaw niyang ma-expel ang coach nila dahil lang sa kanya.
Mrs. Dela Cruz: So what now, Ms. Mendoza?
Jessa: I-I’m sorry ma’am..nadala lang po ako ng emosyon..
Mrs. Dela Cruz: Well, you better be! Sige na makakaalis ka na. Your new coach will meet you in this afternoon’s practice.
Iyon lang at tumalikod na si Jessa at nanlulumong lumabas ng opisinang iyon. Pagkasara ng pintuan ay lumabas naman mula sa isang maliit na silid sa loob ng kwartong iyon ang isang matangkad na lalaki. Nasa late early 50’s na ito ngunit matipuno pa rin ang pangangatawan. Narinig nito ang buong pag-uusap ng kaaalis lamang na estudyante at ng sports director.
Mr. Bustos: And who’s that fierce young tiger?
Mrs. Dela Cruz: Well, she will be one of your girls. Siya si Jessa Mendoza. Ang team captain ng volleyball team na hahawakan mo simula ngayon.
Mr. Bustos: Oh is that so? Mukhang mapapalaban yata ako sa estudyanteng yun ah.
Mrs. Dela Cruz: You don’t have to worry about that. I know how to tame her. May hawak akong alas laban sa kanya.
Mr. Bustos: Nah! I won’t need that. I have my own way of turning such wild animals into a pussycat.
Mrs. Dela Cruz: Sige nga. Better teach that girl a lesson. Akalain mo bang sagut-sagutin at takutin ako!
Mr. Bustos: I’ll make sure to do that. Don’t worry darling…
At nagtungo ito sa likuran ng matanda at inilagay ang dalawang kamay nito sa magkabilang balikat ng matanda at hinimas-himas iyon. Si Mr. Bustos ang bagong coach ng women’s volleyball team. At tama nga ang hinala ni Jessa na may nangyaring anomalya tungkol dito. May lihim na relasyon ang matandang sports director sa bagong coach kung kaya’t ginamit nito ang kapangyarihan upang maipasok ang lalaki bilang coach ng varsity team.
Sa isip naman ni Mr. Bustos ay mukhang mag-eenjoy siya sa magiging bagong trabaho. Mga naggagandahan at nagseseksihang dilag ang halos araw-araw niyang makakasama. Nanggaling siya sa isang private school na kung saan muntik na siyang ma-expel. Inakusahan siya ng pangmomolestiya ng isa sa kanyang naging estudyante sa kolehiyo. Nagawa naman niya itong aregluhin bago pa man masira ang kanyang pangalan ngunit kinailangan niyang mag-voluntary resignation dahil na rin sa utos ng pamunuan ng paaralang iyon. May ilang buwan din siyang nawalan ng trabaho hanggang sa magkita sila ni Mrs. Dela Cruz sa isang pagtitipon.
Magkababata sila ng matandang sports director at patay na patay ito sa kanya noong kabataan nila. At dahil nga dito ay madali itong nabola ni Mr. Bustos hanggang sa magkaroon sila ng lihim na relasyon. Iyon din ang naging daan kung kaya’t tinulungan ni Mrs. Dela Cruz ang lalaki na makapasok sa unibersidad.
_______________
Lunch Break. Sa loob ng isang kilalang fast food sa labas lang ng unibersidad ay kasalukuyang kumakain ng pananghalian si Jessa kasama ang kasintahan nitong si Jim. Magkatabi silang nakaupo sa isang sulok ng kainang iyon.
Jessa: Hay naku! Nakakainis talaga yung matandang ‘yun! Ansarap sabunutan!
Jim: Relax ka lang babe. Hayaan mo na lang yun. Wala ka na rin namang magagawa dun.
Jessa: ‘Yun na nga eh! Wala man lang akong nagawa. Alam mo bang demoralized ang buong team dahil sa nangyari?
Jim: Eh sa ganun na talaga eh. Tanggapin nyo na lang na may ibang coach na kayo. Malay mo mas magaling yun. At totoo naman yung sinabi ni Mrs. Dela Cruz eh. Ni hindi nga kayo makayang dalhin ng dating coach nyo sa Final Four.
Jessa: Hmp! Isa ka pa eh!
Inirapan ng dalaga ang nobyo.
Jim: Nagsasabi lang ako ng totoo babe. Tingnan mo kami 3-time defending champion na!
Si Jim ay isa ring varsity player sa kaparehong unibersidad. Miyembro siya ng men’s basketball team. Ngunit di gaya kay Jessa ay madalas na nababangko lang ito. Matangkad kasi ito at malakas ang karisma sa kababaihan kung kaya’t lagi itong may spot sa line-up ng team. May taas itong 5’10” at may katamtamang pangangatawan. Gwapo ito kung kaya’t maraming nahuhumaling na kolehiyala dito. Wala namang pakialam si Jessa sa mga ito dahil malaki ang tiwala niya sa kasintahan. Alam din kasi niyang habulin talaga ang nobyo niya kahit nung nililigawan pa lamang siya nito. Kung kaya’t minarapat na lamang niyang tanggapin ang pagkatao nito.
Jessa: Kampihan pa ba ‘yung matandang yun!
Naiinis nang lalo si Jessa nang mga sandaling iyon. Agad naman itong niyakap ng binata at nilambing.
Jim: O sorry na babe. ‘Wag ka nang magalit.
Jessa: Umayos ka nga! Pinagtitinginan tayo ng mga tao oh!
Jim: Eh ano naman ngayon babe? Magsyota naman tayo ah.
Jessa: Alam mo namang hindi ako mahilig sa PDA no. Kaya umayos ka na muna.
Pilit na inaalis ng dalaga ang mga kamay ni Jim na nakayapos sa kanya. Wala namang nagawa ang binata kundi sundin na lang ang gusto ni Jessa kesa madagdagan pa ang inis nito sa kanya.
Jim: Ok sige na kumain na lang tayo. I’m sorry ulit.
Jessa: Ok.
Halata ng lalaking may inis pa rin sa kanya ang dalaga.
Jim: Siyanga pala babe, don’t forget yung lakad natin next week ha?
Jessa: Ha? Meron ba? Ano na nga ba yun?
Jim: O tingnan mo ‘to. Nakalimutan na pala. Birthday ni Alex, remember? Di ba sabi mo this time sasama ka na sa jamming namin?
Jessa: Kailangan ba talagang kasama pa ako dun? Di ba pwedeng kayo na lang. Tsaka isa pa inuman lang naman ‘yon, hindi naman ako umiinom.
Jim: Oh c’mon babe! Nagpromise ka na nun eh. At tsaka matagal ka na din nila gustong maka-jamming.
Jessa: At kelan naman ako nagpromise na sasama dun?
Jim: When we had our last sex!
Siniko ng dalaga ang nobyo. Medyo napalalakas kasi ang naging pagkakasabi nito. Hindi niya alam sinadya ba ito ng binta o hindi.
Jessa: Can’t you minimize your voice?? Nakakahiya!
Pabulong at naiiritang saway nito sa nobyo. Namumula sa hiya si Jessa dahil tiyak niyang may mga nakarinig niyon
Jim: Babe, it’s a common thing that lovers do. Bakit ka naman mahihiya?
Jessa: Kahit na! Hindi ako showy na babae alam mo yan.
Jim: Okay sorry na. But a promise is a promise.
Jessa: Pucha naman babe, nagdedeliryo ako sa sarap nung sin…