Bahay na Bato
Araw ng lunes, buwan ng Oktubre, bagot na bagot si Lester sa kanyang kalagayan. Hindi na naman niya maisip kung anong klaseng paglilibang na naman ang gagawin niya matapos lang ang araw. Nakahiga pa rin siya sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame. Nakadi-kwatro habang ang dalawang kamay ay pinagsapi at nakapuwesto sa ilalim nang kanyang ulo upang dumagdag sa taas ng unan. Pang isang linggo na niya sa bahay ng kanyang lola sa La Union. Napabaling ang kanyang tingin sa bandang kanan kung saan nakasabit ang wall clock.
Mag aala-sais na ng umaga.
Pinaghiwalay niya ang kanyang kamay at itinuwid upang magkaroon nang puwersa sa pagbangon. Umupo muna siya sa gilid ng kama at uminat, bumuntong huminga at saka tumayo nang pupungas pungas na tinungo ang pinto. Pagbukas nang pinto ay uminat muli siya na may kasamang hikab. May kalakihan ang bahay ng kanyang lola. Sa harapan niya ang hagdan na papuntang ikalawang palagpag. Sa bandang kanan ay kusina na kanyang tinungo sabay mumog sa lababo. Sa bandang kaliwa ng lababo naman ay ang pintuan papuntang likod bahay. Agad siyang nagtimpla ng kape at tumayo sa gilid ng la mesa. Handa na ang almusal na natatakluban nang mga takip ng kaserola. Kahit hindi niya tingnan ay alam na niya ang laman noon, sinangag, tuyo at itlog. Ito lang naman ang paboritong iluto ng kanyang Lola Mercedes kada umaga. Kung dederetsuhin ang tingin mula sa la mesa ay ang pintuan palabas ng bahay. Munting sala sa kaliwa samantalang sa kanan naman ay isa pang kwarto na gamit ng kanyang lola. Paglabas ng pinto ay papuntang bakuran pagkatapos ay kalsada na.
Malamang nagwawalis na sa bakuran ‘yon. Naglalaro sa isip niya habang hinahalo ang kape sa maliit na tasa.
Hindi pa siya lubusang makapag adjust sa buhay probinsya. Laki siya sa siyudad ng Maynila at sanay sa ingay doon. Dito kasi ay nakakabingi ang katahimikan. Maagang matulog ang tao at maaga rin gumising. Gaya nang isang linggo na niyang ginagawa, aakyat na naman siya sa ikalawang palapag at doon tatambay sa balkonahe na nasa gilid ng bahay. Heritage house ang bahay ng kanyang lola na mangilan-ngilan pa sa probinsyang ito ay ganoon ang istilo. Dala na niya ang tasa ng kape ng mamataan niya ang kanyang lola na pumasok mula sa pinto. Nakasuot ang brown na daster na pinatungan ng sweater na itim at naka bonete.
“Apo, kanina kapa ba gising? Halika na’t mag almusal na tayo.” Habang kinikiskis ang dalawang kamay upang uminit.
Palamig na lalo ang panahon ngayong palapit nang palapit ang Disyembre. Humigop muna siya ng kape upang mabawasan ang laman at hindi tumapon sa kanyang pag akyat.
“Una na ho kayo lola, magkakape lang ako sa taas. Maya maya na ako kakain.” Garagal na boses niya habang marahan na umaakyat sa hagdan na gawa sa solidong kahoy.
Hindi na nakatugon ang kanyang lola ng mawala na siya sa paningin nito. Sa edad nito na otsenta y dos ay mabagal na ang reaksyon nito. Sa kabila ng edad ay malakas pa rin kahit papano, nakakapag walis at pamalengke pa. Marahil dahil sa mahilig itong kumain ng gulay at prutas at miminsanan lamang ang karne. Mahilig din itong mag ehersisyo sa madaling araw kasama na ang pagwawalis ng bakuran.
Aabutan pa niya ang lolang kumakain pagkatapos niyang magkape. Nasa isip niya. Sa isang linggong pananatili ay kabisado na niya ang itinatagal nito sa la mesa.
Sinapit niya ang balkonahe at umupo sa rocking chair na ratan. Ipinatong ang isang tasang kape at dala niyang smartphone sa lamesita. Papasikat palang ang araw kung saan nakatapat sa silangan ang balkonahe. Mahamog pa ng mga oras na iyon at may kalamigan. Ito ang panahon na mahaba ang gabi at maikli ang araw.
Aantayin niya munang sumikat ang araw bago kumain. habang nakatitig sa malayo.
Nais niyang madampian ng sikat ng araw ang kanyang balat bago na naman siya mabagot ng isang buong araw. Sumandal siya at bahagyang umuga-uga na ang upuan. Iniatang niya ang kanang paa sa ilalim na bahagi ng barandilyang balustre upang magkaroon ng kontra at maka pwersa kapag ginusto niyang umuga-uga.
Bakit ba siya nandito? Sabay ng buntong hininga na may hamog pang nagmula sa kanyang bibig at ilong.
Ang kanyang tiyuhin na matandang binata talaga ang kasama ng kanyang lola at taga alaga nito. Napadpad lamang siya rito dahil sa puro bulakbol at gulo lang ang pinapasok niya sa siyudad. Tanging nakatatandang babaeng kapatid ang kasama niya sa bahay nila sa Maynila at ang kaniyang Yaya Dhalia na naging pangalawa na niyang magulang. Ang kanyang tunay na mga magulang ay parehong nasa ibang bansa. Ina niya sa Italy at sa Middle East naman ang kanyang ama. Marahil kulang siya sa gabay at pangaral kaya siya nagka ganito. Ito ang kanyang parusa sa mga kasalanang nagawa niya na hindi niya pinag-isipang mabuti. Tiyempo pa na umalis ang kanyang tiyuhin at maiiwan ang kanyang lola na mag-isa kaya napag pasyahan na siya ang ipadala dito at magbantay. Sa edad na desi-otso ay dapat nasa kolehiyo na siya ngunit mas inuna niya ang barkada. Gimik dito at gimik doon ang kaniyang inatupag. Ngunit sa kabila noon ay may takot pa rin siya sa kanyang magulang, hanggang bulakbol lang siya. Alak at sigarilyo lang ang kanyang natitikman. Droga at babae ay wala pa siyang karanasan. Ang panghuli sana ang kanyang pangarap ngunit lalo ng hindi matutupad dahil sa sinapit niya ngayon. Sa tulak ng barkada ay dapat matagal na niya itong naranasan ngunit natatalo siya ng banta ng kanyang mga magulang na baka siya maka buntis. Hindi niya alam kung anong magiging parusa niya kapag nagkataon at ayaw niya rin itong alamin pa. Siguradong mabigat at kahindik hindi ang parusang iyon. Turing tuloy sa kanya ng barkada ay takot sa babae at tyope.
Pinailaw niya ang cellphone habang humigop ng kape. Wala pa ring signal. Sa pagdilim ng screen ng cellphone ay naaninag niya ang kanyang itsura. Oblong na mukha na may matangos na ilong. May hati ang buhok sa gitna na kapantay ng kilay. May payat na pangangatawan na di lalagpas ng isang daan at dalampung libra. Matangkad para sa edad niya na nasa limang talampakan at walong pulgada. Hindi itsura ang dahilan kung bakit wala pa siyang karanasan sa babae kundi ang takot sa kaparusahan na matatanggap niya galing sa magulang kung sakaling maka disgrasya siya.
Muli niyang pinagmasdan ang paligid. Napagtanto niya na hindi naman masama mamuhay dito. Tahimik, sariwa ang hangin, malayong malayo sa siyudad. Simple lang kung tutuusin. Natuon ang kanyang pansin sa katabing bahay ng kanyang lola. Nasa sampung metro ang layo nito mula sa balkonahe. Makaluma rin ito at dalawang palapag din. Ang bahay ay nakaharap din sa kalsada kagaya nang sa kanila. Gilid sa gilid ng dalawang bahay ay mag katapatan. Napaghihiwalay ito ng bakod na yari sa hollowblocks. Bahay na bato o heritage house kung tawagin ang ganitong uri. Katapat ng balkonahe nila ay isang ventanilla. Sa kanang bahagi naman ng bahay ay bintanang capiz na ini-slide. Hindi gaya ng bahay ng kanyang lola na laging na rerenovate, ang kabilang bahay ay napanatili ang kalumaan. Lalo pang nagpamukhang luma dito ay ang malaking puno ng mangga na nasa kaliwang bahagi na halos umabot na sa kanilang balkon ang sanga. May manaka-naka pa itong bunga at napagtripan niya itong kainin kahapon ng walang nakatingin. Kumuha siya ng ilang piraso at iyon ang napagbalingan niya ng bagot kahapon.
Napadako muli ang kanyang paningin sa smartphone na nasa lamesita habang kinuha ang kape at muling higupin.
Eto na nga lang libangan lagi pang walang signal. Maktolniya sa sarili habang ibinababa ang tasa ng kape. Halos lahat na ng sulok ng kanilang bahay ay napwestuhan na niya at wala talaga siyang masagap na signal upang makapag internet. Maging ang libangan niyang manood ng mga porno ay hindi niya magawa. Tanging text at tawag lang ang naging silbi ng kanyang mamahaling smartphone.
Kung alam niya lang, nag download na sana siya ng madaming porn sa Maynila.
Hindi nagtagal ay namataan niya ang isang may edad na lalaki na naglalakad sa kalsada. Ibinubuga nito ang usok na nagmumula sa hawak nitong sigarilyo. Kahit malayo ay parang naaamoy niya ang aroma nito na nagpabalik sa kanyang ala-ala nang hatulan siya ng mga magulang na ipadala sa lugar na ito. Nakatambay sila noon sa kwarto niya kasama ang limang barkada ng tumawag ang kanyang ama. Ang mga usok ng sigarilyo ay umiikot na lang sa aircon niyang kwarto.
“Doon muna kayo sa malayo, tumatawag si Papa! Puta! Wag kayong maingay ha!” Taranta niyang utos sa mga kaibigan na nagtatawanan pang lumayo muna at umupo sa kama niya, habang siya ay pumuwesto sa isang sulok ng kwarto at umupo sa semento habang dinikdik sa ashtray ang hawak na sigarilyo. Sinagot ang tawag at nagbukas ng videocall.
“Hello Pa!”
“Hello, anak kamusta kayo diyan ng ate mo?”
“Okay naman Pa. Kayo po ba?” Pagbabalik niya ngunit hindi pa nakakatugon ang kanyang ama ng may sumali sa kanilang videocall.
“Hoy! Lester anak. Ano na naman ang ginawa mong katarantaduhan ha?”tinig ng kanyang galit na ina. Hindi pa siya makahuma sa mga sunod sunod na litanya nito habang nakikita niya ang mga kaibigan na tuwang tuwa na siya ay nasesermunan. Ang iba ay abalang naglalaro ng kanyang console habang ang iba ay inaantay ang mga sasabihin ng kanyang magulang.
“Ikinuwento na sakin lahat ng Ate Lara mo kaya wala kanang lusot pa, kung ang tatay mo ay pinagbibigayan ka palagi ay sakin ay hindi pupuwede na yan.” Napapakamot siya ng ulo. Siguradong ang nangyaring rambol sa isang maliit na bar ang tinutukoy nito.
“Tama na yan Linda, hayaan mo na yang anak mo at nagbibinata na yan.”
“Tumigil ka Larry, kaya lumalaki ang ulo niyang anak mo dahil sa pangungunsinti mo!”
Hindi nakatugon ang kanyang ama. Sa kanyang magulang ay ang kanilang ina ang talagang malupit. Wala siyang maikakatwiran dito kapag ito ay nag umpisa ng mag litanya.
“Kaya kami nagpunta sa abroad ng ama mo ay para bigyan kayo nang ate mo ng magandang buhay, hindi kami nagpapakahirap dito para ipang piyansa mo lang sa tuwing napapasama ka sa gulo.” Nanginginig ang boses ng kanyang ina sa galit at sama ng loob. Nakikita niya rin ang mga nangingilid na luha sa mata nito. Ang kanyang mga barkada sa likuran ay nagtigil na rin sa paghahagikgikan.
“Sorry na Ma. Hindi na po mauulit.”
“Anong hindi? Pang ilang beses mo ng sinabi yan anak. Halos ginawa na tayong hanapbuhay ng mga pulis ah? Linggo linggo na lang ata tayong nag aareglo.” habang pinapahid ng kanyang ina ang luha sa mata.
“Nag-usap na kami ng tatay mo. Dahil sa ayaw mo din namang pumasok ng kolehiyo, napag-usapan namin na doon ka muna sa Lola Mercedes mo sa La Union. Sinabi kasi sa akin ni Kuya Joey na aalis muna siya at ihanap ko muna ng makakasama si nanay.” Pag bubulgar nito na may otoridad na tono.
“Pero Ma! Pa!” Tugon niya na napatingin siya sa kanyang ama na parang humihingi ng saklolo. Tanging ama niya lang ang nagtatanggol sa kanya sa tuwing mabubulyawan siya ng kanyang ina ngunit sa pagkakataong iyon ay parang walang ganap ang kanyang ama at nakita niya ang pagtango nito na sinasabi na pumayag na siya at huwag kumontra.
“Wala ng pero. Kung hindi ka papayag ay ipapabenta ko lahat ng luho mo diyan. Computer, console, cellphone, at kahit iyang motor ay iaalis ko at higit sa lahat wala ka nang matatanggap na allowance mula samin ng Papa mo. Tapos ang usapan.” Pagtutuldok nito na sinasabi na huwag na siyang tumutol. Hindi siya makahuma sa kanyang ina na parang batas militar.
“Ipinaayos ko na ang lahat kay Kuya Joey at may susundo sa iyo diyan para ihatid ka doon. Eto lang ang sinasabi ko sayo Lester, huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan doon at malilintikan ka talaga sa akin.” Banta nito sabay ibinaba ang tawag. Naiwan ang kanyang ama na parang natulala rin na akala mo na ito ang may kasalanan at sinesermunan.
“Sige na anak at huwag ka ng kumontra sa Mama mo. Kayo lang naman ng ate mo ang iniisip niya kaya pumayag kana. Ako na ang bahala humanap ng makakasama ng ate mo diyan para may kasama sila ng Yaya Dhalia niyo.” Alo nito sa kanya. “Sige na Anak at tapos na ang breaktime.” Paalam nito na tinungunan niya ng tango sabay baba ng video call.
Idinako niya ang paningin sa mga barkada na nagpatay malisya sa mga narinig at kunwaring naglalaro ng console. Sa kanyang pagtuon sa semento ay nadaganan niya ang ashtray dahilan para tumapon ang lamang mga filter.
Iyon ang hudyat na nagbalik siya sa kanyang ulirat nang makita rin ang lalaki na inihagis ang filter ng sigarilyo sa lupa at tangka ng papasok sa kabilang bahay. Halos kasing laki rin ng kanilang bakuran ang bakuran ng mga ito at marami ring tanim na mga halaman. Tanaw niya mula sa balkon ang pagpasok ng lalake sa loob ng bahay. Lagi niya itong nakikita kada ikalawang araw, mga isa o dalawang oras lang ay aalis na rin at hindi na niya makikita maghapon. Hindi niya mawari kung ano ang ginagawa nito sa loob at nagbigay ito sa kanya ng misteryo. Wala siyang kilalang mga kapitbahay nila kaya wala rin siyang ideya kung nakatira ba ang lalaking iyon o hindi. Hindi niya rin kilala ang mga nakatira sa naturang bahay na iyon at sa loob ng isang linggo na niya dito ay hindi man lang niya mamataan.
Naagaw ang kanyang pansin ng magbukas ang ventanilla sa kanyang tapat. Bumungad ang lalaking kaninang pumasok sa bahay. Nagkatamaan ang kanilang paningin saka tumalikod ito. Sinundan niya nang tingin ang lalaki na papagawi sa kabilang bintanang capiz. Inislide ang kabilang bahagi at bahagyang tanaw niya ang loob ng bahay. May mga muwebles na mukhang antigo at mga litratong nakasabit sa dingding. Pagkuwa’y biglang umalis ang lalaki, mga ilang sandali lang ay narinig niya ang pagbukas ng mga bintanang capiz mula naman sa unang palapag ng bahay. Doon natuon ang kanyang paningin at bahagyang kita na niya ang loob. Muling siyang napabalik sa ventanilla ng may maaninag na may gumalaw dito. Hindi niya inalis ang mata sa ventanilla hangga’t hindi niya nakukumpirma ang kaninang gumalaw mula sa gilid ng kanyang paningin. Tanging antigong salamin lang ang kanyang nakikita. Saglit niyang tinanaw ang lalaki sa ilalim na nagwawalis sa loob ng bahay at muling ibinalik ang mata sa itaas. Kumalabog ang kaniyang dibdib ng makita ang isang babae na nagsusuklay sa harapan ng salamin. Mahaba ang buhok at mestisa na aninag niya sa batok at likod nito habang nakahawi ang buhok na sinusuklay. Nakasuot ito ng puting kamison at mukhang kagigising lang. Kahit nakatalikod ito ay ramdam niya na napakaganda nito. Hindi siya kumakurap at titig na titig sa babae, bahagya pang nakanganga ang kaniyang bibig sa paghanga rito. Napaumang siya sa pagkakaupo sa rocking chair at nailapat ang dalawang paa sa sahig. Ayaw niyang malingat at mawala sa paningin niya ang babae. Pilit na inaantay na humarap, kulang nalang ay tawagin niya ito para lang lumingon. Kutob niya ay kwarto ng babae ang kaharap niya ngayon. Naputol ang kanyang pag-hihinuha nang marinig ang tinig ng kanyang lola mula sa loob ng kanilang bahay.
“Lester, apo, bumaba kana dito at kumain pupunta ako sa talipapa at bibili ng maiuulam natin.”
Tumugon siya nang hindi inaalis ang mata sa ventanilla.
“Pababa na po lola!” Sinadya niyang lakasan ang boses na nagbabakasakaling makuha ang atensyon ng babae sa kabilang bahay.
Hindi nga siya nabigo at humarap ang babae na tinutungo ang ventanilla. Parang may nagtatakbuhang kabayo sa kaniyang dibdib ng lubusang makita ang itsura ng babae. Hindi siya nagkamali ng pakiramdam. Napakaganda nito at wala siyang maihalintulad na kamukha. Kahit mga artista sa tingin niya ay walang panama dito. Hindi pa siya nakakita ng gantong kaganda sa siyudad. Namimilog ang kanyang mga mata at napapanganga. Para siyang naging estatwa na nanigas sa pagkakaupo. Sa tantsa niya ay nasa edad beinte na ito. Maamo ang mukha na may makakapal na hugis ng kilay. Malalim ang bilugang mata na may matangos na ilong. Ang mga labi nito ay kulay rosas na maninipis at may hugis ng mukha na parang puso. Sinapit nito ang ventanilla at sumulyap sa kaniya. Parang nanikip ang kaniyang dibdib nang tamaan siya nang paningin nito. Bago pa man siya makatugon ng ngiti ay ipininid na nito ang ventanilla. Nakaramdam siya ng panghihinayang sa mabagal niyang reaksyon.
Nagbalik siya sa huwisyo nang masilaw siya sa sumisikat na araw. Pakiramdam niya ay kay tagal niyang minasdan ang babae kahit na sa kabila nito ay iilang minuto lang. Dinampot niya ang kanyang smartphone at tasa ng kape na nakalimutan na niyang ubusin sabay bumaba ng kusina. Inabutan niya ang kanyang lola na nag aayos ng pinagkainan nito sa lababo.
“Lola ako na ho diyan.”
“Siya sige apo at ako ay mamimili lang sa talipapa.”
Inilapag niya ang smartphone sa la mesa at ibinuhos sa lababo ang kapeng hindi naubos pagkatapos ay bumalik sa la mesa at umupo. Binuksan ang mga pagkaing natatakpan ng takip ng kaserola.
“Ubusuin mo na yan apo at wala namang kakain na niyan.” Wika nito habang kinukuha ang sisidlan ng mga bibilhin.
“Samahan ko na kayo lola.”
“Nako wag na at baka mainip ka lang lalo. Kaya ko na naman ito at sasakay naman ako ng tricycle.” Kontra nito.
“Ahm lola. Sino iyong—” habang hinihiwa ang hotdog gamit ang kutsara at tinidor. Hindi niya ma ideretso ang tanong at nag aalangan. Iniisip na bigyan ng kahulugan ng lola niya ang kanyang itatanong tungkol sa babae sa kabila at isumbong siya sa kanyang ina.
“Ano ‘yun apo? May sinasabi ka ba?”
“Ah! wala naman lola. Sino po ba ‘yung lalaki napunta diyan sa kabilang bahay?”
“Si Mando? Baka si Mando? May edad na lalaki at maitim?”sunod sunod na tanong nito.
“Iyon nga lola.”
“Ah, tagalinis ‘yun diyan sa kabilang bahay.”kumpirma nito.”Siya at ako ay aalis na ha.? Diyan ka muna.” Paalam nito na sinagot niya ng tango habang kumakain.
Ngayong nalaman niya na hindi nakatira ang lalaki sa kabilang bahay ay parang may maduming bagay na pumasok sa isip niya.
Napaka swerte naman no’ ng Mando na ‘yun at nakakasama ang magandang babae na ‘yun.Sabiniya sa isipan na may halong inggit. Agad niyang tinapos ang pagkain at iniligpit ang pinagkainan nila. Pakiramdam niya ay hindi siya mababagot ngayong araw dahil aabangan niya ang babae sa kabilang bahay.
Dumiretso siya sa taas at tumambay uli sa balkon. Inaantay na muling makita ang magandang babae ngunit parang mabibigo siya. Sarado na ang mga bintanang capiz taas man o sa baba. Mga ilang sandali pa siyang nag antay at nabuhayan ng marinig ang langitngit ng pinto na binuksan. Pigil ang hininga niyang nag aantay ng lalabas sa pinto. Nanlumo siya ng makita na si Mando ang lumabas at diretsong umalis. Muli na naman nademonyo ang kanyang isipan na kung ano pa kaya ang ginawa ni Mando bukod sa paglilinis. Hindi niya mawari kung bakit lagi ‘yung bagay na iyon ang laging umuukilkil sa kanyang isipan sa kabila ng madaming tanong na naglalaro.
May asawa na kaya?
Sino pa kaya ang tao sa loob ng bahay?
Bakit kailangang kumuha pa ng tagalinis? Baka nasa abroad ang asawa?
Nakakaboso kaya si Mando sa babae?
Hindi napigilang ng kanyang pagkalalake na manigas mula sa ilalim ng kanyang basketball short dahil sa pag-iisip. Dagdag pa na labis isang linggo ng naiipon ang kanyang init sa katawan. Napagpasyahan niyang bumaba at tinatawag siya ng kalikasan. Diretsong tinungo ang kubeta na nasa likod bahay na ang daan din ay sa kusina. Hindi niya namalayan na nakaipit pa pala sa short niya ang smartphone sabay na umupo sa toilet. Magbabawas sana siya ngunit nawala na ang tawag ng kalikasan ng makita na may 4g signal ang kanyang cellphone. Dali dali siyang tumayo at naghubo’t hubad sabay isinampay ang mga damit pagkatapos ay muling umupo sa toilet. Muling binuksan ang smartphone at may signal pa rin para makapag internet.
Yes! Dito lang pala makakakuha ng signal. May galak niyang sabi sa sarili.
Agad na nag browse sa paboritong niyang porn site, pilit na hinahanapan ng katipo ang babae sa kapitbahay ngunit wala siyang mapili. Sa mga thumbnails palang ay tumigas na nang husto ang kanyang alaga. Sa pag aalala na mawala ang signal ay pinindot nalang ang unang video. Mga latina at latinong nagbabanatan sa sofa. Agad niyang hinimas ang sarili at may kiliti ng nararamdaman. Dahil siguro sa tagal ng hindi lumalabas ng kanyang init at dagdag pa ang magandang babae sa kabila na iniisip niya na iyon ang bida sa kaniyang pinapanood at siya ang lalaki. Muli niyang minasdan ang mga foreigner na nag sesex sa sofa. Tinitira na parang aso na kung minsan ay mababaw at minsan ay madiin ang pagbayo. Ganun din ang ginagawa niyang himas sa kanyang pagkalalake. Napapahalinghing ang latina sa laki ng batuta ng lalaki. Halos nasa kalahati lang ang kaniya sa laki nito. Nakaramdam siya ng inggit ngunit mas inuuna niya ang init ng katawan. Ang mga suso ng babae ay nag iindayog sa bawat kadyot ng lalaki. Pinapalu-palo pa nito ang malalaking puwet sabay lamas habang ang isa ay nakakapit sa balakang. Napapatili naman ang babae sa tuwing ginagawa iyon ng lalake. Palakas ng palakas ang mga bayo at pabilis ng pabilis. Ang halinghing din nang babae ay sumasabay sa indayog pati ang malalaking dibdib nito. Waring lalabasan na ang lalaki at humawak na sa dalawang bahagi ng balakang at sa bawat bayong madiin ay hinihila nito ang balakang ng babae papunta sa lalaki. Napapasigaw na ang babae kasabay ng mga tunog ng nagsasalpukang laman. Maging ang kanyang pag salsal ay isinasabay niya sa bilis ng dalawa. Palakas na ng palakas ang kiliti na nagmumula sa kanyang bayag.
San ipuputok? Sa loob kaya?, Sa dede? Sa mukha? sabi niya sa isipan na parang hinihingal na rin.
Pabilis ng pabilis ang dalawa sa sasapitin na orgasmo pati siya ay di na mapigilan pa ang pagkawala ng libog. Mabilis na mabilis na ang taas baba ng kanyang kanang kamay na nasasamahan na niya ng mahinang ungol habang ang mga mata ay nakatutok sa pinapanood, inaantay ang pagsambulat ng tamod ng dalawa. Sasapitin na niya ang rurok ng umi stuck ang video at mag iikot ang loading screen.
“Shet!” Nasambit niya habang patuloy sa pagsalsal at wala na siyang kakayahan pang pigilan ang nararamdaman. Nanigas ang kanyang mga kalamanan. Napapikit nalang siya sabay sumambulat ang kanyang katas na hindi na niya nasundan kung saan tumalsik. Muli niyang sinilip ang cellphone at nag loloading pa rin ngunit kita na niya ang mga tamod ng lalaki na nasa mukha ng latina. Agad niyang pinatay ang smartphone at nag diretso na ng ligo habang iniisip na kung kailan kaya niya mararanasan ang kagaya sa kanyang napanood.
Kinabukasan. Inabangan na naman niyang muling masilayan ang babae. Maging buong maghapon kahapon ay wala siyang patid sa pagsubaybay ngunit bigo. Lumipas pa ang araw ngunit sadyang mailap ang babae at hindi naglalalabas ng bahay. Kahit sa ventanilla lang sana ang kanyang panalangin. Umulan man o umaraw ay pabalik-balik siya sa balkon. Tanging si Mang Mando lang ang kanyang nakikita.
Eksaktong isang linggo ng una niyang makita ang babae. Muli siyang umasa na masulyapan ito. Nakaupo siyang muli sa rocking chair na ratan. Ang mga bintana ng kabilang bahay ay pirming nakapinid pa rin. Masid niya ang kalangitan na nag kukulay orange sa oras ng dapit hapon na iyon. May mumunting patak ng ambon na nagmumula sa langit na nag uumpisa ng dumilim. Halos ang sanga ng malaking puno ng mangga ay sasapit na sa kanilang balkon. Tumayo siya at pilit niyang inaabot ang sanga ngunit may kalayuan pa pala. Ang haba ng kanyang kalis ay kapos pa rin kahit nakasaklang na siya sa mga balustre. Kita niya kasi ang mga iilang pirasong bunga na naglambitin dito. Pumasok siya sa loob ng bahay at pagbalik sa balkon ay dala niya ang panungkit ng damit. Ginamit niya ito para mapalapit ang sanga at maabot ang pinakamalapit na bunga. Tagumpay siyang makuha ang pakay at agad na kinagat ang mangga ng walang hugas hugas. Sa pagbalik niya sa ratang upuan bago pa man siya makaupo ay nakasilip na sa bintanang capiz ang babaeng lagi niyang inaabangan. Pirming nakatitig sa kanya na ang kanang kamay ay nakahawak sa capiz. Ang bukas ng bintana ay kasya lang ang katawan ng babae. Ang ilalim na hangganan ng bintana ay hanggang balakang nito. Hindi niya masabi kung gaano na katagal itong nakamasid sa kanya. Malamang inabot nito na nagpapakahirap siya na kunin ang bunga ng mangga na hindi naman nila pag mamay ari. May kaunting hiya siyang naramdaman ngunit wala na siyang inaksayang pagkakataon at agad na kinawayan ang babae. Lumundag ang puso niya sa tuwa nang suklian siya nito ng pinong mga ngiti sabay nitong isinara ang bintana.
Ganito ba talaga ang mga babae sa probinsya? Sobrang mahiyain at palaging sa bahay lang, o baka naman natatangi lang talaga ang babaeng ito.
Ganunpaman. Masaya na siya sa simpleng ngiti na iyon. Itinuloy niya ang pagpapantasya habang nakaupo sa ratan na pilit inuubos ang isang pirasong mangga. Madilim na ang paligid na agad agad nagsindi ang mga ilaw ng streetlights. Sinag lang din ng mga ilaw na ito ang nagbibigay ng liwanag sa bakuran ng kabilang bahay. Ngunit sa maliliit na siwang sa ilalim ng bahay ay may naaninag siyang liwanag. Liwanag na sigurado siyang hindi sa makabagong ilaw gaya ng LED ito nagmumula sapagkat kulay dilaw. Hindi siya mapakali ng pumasok sa isipan niya na banyo ang lugar na iyon at ang babaeng maganda ang nasa loob noon. Parang may demonyong nag uudyok sa kanya na silipin iyon. Mula sa balkon ay luminga linga siya sa kalsada at wala namang dumaraan. Manaka naka rin ang mga tricycle na mabilis lang rin naman ang pagpapatakbo. Sinilip niya ang oras mula sa kanyang cellphone. Pasado alas siyete na at ang paligid ay tuluyan ng nilamon ng kadiliman. Kasabay rin ng kanyang isipan na inuudyukan ng demonyo sa kanyang pagnanasa sa babae.
Agad…