Lihim II

This is A work of fiction

kasalalukuyan…


“Sorry Ara pero hindi ka pwede umattend ng Grad ball na yan gastos lang yan.” may diin na pagkakasabi ni tita sa akin.

Masama ang loob ko sa desisyon ni tita sa akin na Hindi pag Attend sa Gradball.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni tito june dahil tahimik lang siya habang nakikinig sa kagaspangan ng pag-uugali ng mag-iina niya.

Tahimik na niligpit ko ang mga pinagkainan nila. Badtrip!

“Kunting tiis na lang Ara makakaalis ka na sa Impyernong bahay na to”bulong ko sa sarili ko.

Sa dirty kitchen na lang ako nagpasyang kumain. Nakatayo lang ako sa tabi ng pintuan habang hawak-hawak ko sa isang kamay ang plato ko na naglalaman ng maraming kanin at sabaw ng nilagang baka ay Mabuti na lang at marasap ang sabaw.

Habang kumakain ay masamang masama pa rin ang loob ko. Gusto kong maka-attend ng Gradball dahil hindi ko pa naranasan kahit JSprom ay pinag kait sa akin.

Nalungkot talaga ako sa isiping ‘yon. Balak ko pa naman ay humingi kay Manong carlos ng pera para registration fee at rerenta na lang ako ng gown para naman kahit papaano ay maganda ako sa gabing ‘yon.

Pagkatapos kong gawin ang mga gawain ko ay pumunta na ko sa tinutuluyan ko. Pasalampak na umupo ako sa gitna ng papag at saka nangalumbaba.

Ilang minuto pa lang ako sa ganoong posisyon ay may narinig na akong kumakatok. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si tito boyet. hawak siyang sigarilyo sa isang kamay.

Bago pa man ako makapagtanong kung anong kailangan niya ay pumasok na siya sa loob. Bigla akong kinabahan dahil baka kung ano ang isipin ni tita azon kapag nakita niya ang asawa niya dito sa tinutulugan ko.

“Gusto mo ba talagang pumunta sa Prom niyo?” tanong ni tito Carlos sa mahinang boses.

Humarap ako sa kanya. “Opo, Tito.”

“Isara mo muna ‘yang pinto tapos umupo ka dito sa tabi ko. May sasabihin ako sa ‘yo para payagan ka ng tita Azon mo.”

Kahit nagdadalawang-isip ay hinila ko pasara ang pinto—pero hindi ko ni-lock—at naupo ako sa tabi niya.

“Alam mo, pwede ko namang kumbinsihi…