Lihim na Liham Part 3

Maugat.

Nanlalagkit at naglalawa sa likidong tumutulo mula sa ulo.

Nakuryente ang katawan ni Magda sa nakita, agad siyang umakyat sa katawan ni Ben at yumapos ng mahigpit sa batok nito. Sinalo naman ng binata ang magkabilang puwetan ni Magda, hanggang sa ilingkis nito ang binti sa katawan ng binata. Saka itinutok ang ulo sa basang bukana. Napaungol si Magda ng lumusong paunti-unti ang titi ni Ben sa kanyang biyak. Hanggang sa maisagad. Makikita ang mga likido ng babae na tumutulo at naglalaway sa pagkakasugpong ng dalawa.

Sa pintuan, isinandal na mabuti ni Ben ang likuran ni Magda at doun, binayo niya ng malalakas ang katawan ni Magda. Wala pang walong kadyot, nangisay ang babae dahil nilabasan.

Malalakas na bayo ang ginawa ni Ben.

SHUSK.. SHUSK.. SHUSK.. SHUSK..

Maririnig na tunog ng kanilang kaselanan.

“Ang sarap Ben..” Bulong ni Magda.

“Ang libog mo Aling Magda. Masarap kang kantutin..”

“A-alisin mo na nga yang pag-galang, kinakantot mo ko eh, naiilang ako..”

Nangiti si Ben, mas lalong lumakas ang kanyang mga ulos.

“AAngggg ssrrraappp Bennnn..” Ungol ni Magda.

Mahigpit ang pagkakalingkis ng babae sa katawan ni Ben, habang nakayapos ito sa batok. Nakalapat ang katawan at tila mapiga ang dibdib ni Magda sa lakas ng mga kadyot habang nakatayo.

Sinalo ng mabuti ng binata ang katawan ni Magda upang ilakad ito papunta sa kama. At ng mailatag niya ito ng maayos, hinubad niyang t-shirt at tuluyang inalis ang pantalon. Inalis na rin ng Magda ang kanyang mga saplot, at doun — tatlong oras silang nagpa ulit ulit ng pagtatalik.

*

Nakabihis na ang dalawa at paalis na dahil alam nilang nasa labas at nag hihintay na ang tricycle na inarkila.

“Pahingi akong pera.” Sabi ni Ben.

Nakangiti si Magda pero binunot ang wallet mula sa dalang maliit na bag.

“Nadadalas na yang paghingi mo, ginagatasan mo na yata ako.”

Inabut ni Ben ang 1,000 peso bill na ibinigay ng babae. May ningning ang mata niya. Ilang oras na lang, babatak na naman siya ng bato.

“Sus ikaw naman, mahal kita. Kaya lang alam mo naman medyo mahirap ang raket ngayon. Susuli ko lang pag naka-timing ako, ha.”

Yumakap si Magda. Nakatayo na sila malapit sa pinto.

“Ok lang naman, kaya lang baka makahalata na si Kardo.”

Hinalikan ng lalake ang babae.

“Akong bahala.” Sabi ni Ben.

“Punta ka bukas, wala si Kardo.”

“Sige.”

***

CHAPTER 9: Ang Pang-Aabuso Ki Andrea

*

Isang linggo ng hindi nakikita ni Mila si Andrea. Bumaba siya minsan sa 9th floor at kumatok sa pinto nina Andrea ngunit walang nag bubukas. Dati, nagkakasabay sila tuwing umaga sa pagtapon ng basura o kaya kung ipapasyal ang kanilang mga alagang bata, ngunit nitong mga nakaraaan hindi niya makita ang kaibigan. Sa ika-sampung araw, medyo kinabahan na si Mila kaya binantayan niya ang paglabas ng mga amo ni Andrea. Ngunit walang lumalabas sa pinto.

“Andrea…” Sigaw ni Mila. “Andrea buksan mo ang pinto, nandiyan ka ba?”

Pagbalik ni Mila sa kanilang apartment, hindi siya nakatiis na ipagbigay alam sa kanyang mga amo ang pangamba sa kaibigan na nasa 9th floor. Nabahala naman ang mag-asawa kaya tumawag sila sa building security office upang alamin kung nasa loob ng silid si Andrea.

Pumayag naman ang security na buksan ito sa usapang mananagot sila sakaling mag reklamo ang may-ari ng unit.

Nang tuluyan mabuksan, nagulantang silang lahat sa nasaksihan sa loob.

Wasak na wasak ang paligid na tila dinaanan ng ipo-ipo. Sa loob ng isang silid, may narinig silang ungol kaya mabilis na binuksan ito.

Naiyak si Mila ng makita si Andrea. Nakaposas sa kama. Hubo’t hubad. Magang maga ang mukha nito na halos hindi na makikilala dahil sa mga sugat at pasa nito. May mga bakat pagkapaso ng plantsa sa likod at binti at dumudugo ang buong katawan sa mga palo ng sinturon.

“Dios ko, Andrea..anong nangyari sa’yo” Lumuluhang napaluhod si Mila sa tabi niya. Umuungol ang kaibigan sa hapdi at pag hihirap.

Kaagad nilang tinakpan ng kumot ang katawan ng dalaga at ikinalas sa pagkakaposas. Tumawag ng ambulansiya upang dinala sa ospital.

Kalaunan, nalaman ni Mila kung bakit nangyari it kay Andrea. Dahil daw aksidente niyang nalaglag ang batang ina-alagaan. Dahil nung oras na iyon sinasabay niya ang pagluto ng makakain ng mag-asawang sigaw ng sigaw dahil nagugutom. Dahil banggag sa cocaine ang mag-asawa. At dahil hindi siya pumayag sa kumbidang sex threesome na anyaya ng among lalake. At dahil doon, ipinosas ang dalaga at tatlong araw na ginahasa, habang pinanonood ng among babae. Hinahalay habang dinuduruhan, sinasampal, at hinahagupit ng sintoron.

At dahil hindi makatulog ang among babae sa gabi sa mga ungol ng naghihirap na kasambahay ininit ng babaeng amo ang planta at pinaso ito. Matapos ang lahat, ikinandado si Andrea ng mag-asawa. Mabilis na tumakas matapos makatanggap ng tawag na magiging madugo ang gulo sa Syria sa susunod na mga araw.

Wala silang paki-alam sa ikinulong na katulong kaya iniwan itong parang aso, habang nakaposas sa nakakandadong silid.

****

Na-confine si Andrea dahil bukod sa dehydration, may mga fractures ang buto nito sa ibat ibang bahagi ng katawan. Inabunuhan ng amo ni Mila ang gasto na walang pag-aalangan o kundisyon.

Tumawag si Mila sa Philippine Embassy sa Damascus, ngunit ng makitang wala sa opisyal na listahan si Andrea, hindi na muling bumalik sa telepono ang kausap niya. Nung tumawag muli ang dalaga, iba na ang nakausap. Muling idinetalye ang kalagayan ni Andrea, ngunit sigaw ang inabut niya sa babaeng nasa kabilang linya.

“Ano ba naman kasi kayo! Pupunta kayo dito walang dokumento, pagkatapos ngayong me problema hihingi kayo ng tulong! Aba ang tanga-tanga niyo! Wala kayong binayaran sa gobyerno natin kaya magdusa kayo diyan.”

Naluha si Mila sa narinig saka marahang ibinaba ang telepono. Naisip ni Mila, sa ibang bansa, kahit kapwa Pilipino hindi minsan naituturing na kababayan at kakampi ang mga ito.

Buti pa minsan ang hindi kakulay. Makatao.

Pansamantalang kinupkop nina Mila sa unit nila ang kaibigan. Tunay ngang mabait ang mga amo niya, dahil pumayag ito na kahit pansamantala lang mamalagi sa kanila si Andrea habang hindi pa sila nakakahanap ng tulong.

****

SA BAHAY NILA SA MASBATE, Nakangiti si Maricar ng mahanap nito ang maliit na notebook ni Mila. Nakahiga siya sa kama habang pinag aaralan ang ilang mga mathematical equations ng kapatid. At sa bandang ibaba, kung saan may nakalagay na smiley nakita niya ang isang solution.

9x – 7i > 3 (3x -7u)

9x – 7i > 9x – 21u

-7i > -21u

7i < 21u 'Ang galing ni Ate. Hindi halata, pero napaka-sweet ang message' Bulong niya sa sarili. Nagmamadali siyang kumuha ng papel at ballpen upang sulatan ang kapatid. Ate Mila, Good news. First honor ako Ate. Sana tuloy tuloy na. Salamat sa mga payo mo at sa mga itinuro mo sa akin. Wala na ngang tatalo kahit sino, pagmagaling ang command sa English at marunong ng pasikot-sikot sa Math. Daig ko pa ang nasa alapaap dahil napakadali na lang ng iba. Ang isa pang good news Ate, marami na rin akong pa-order na mga tusino. Ako lang ang may gawa nun Ate, at nilagay ko sa magandang packaging. Pero may bad news ako Ate. Sana huwag kang mabibigla. Nahuli ko si Ina at si Ben sa likuran natin nag-hahalikan noong isang gabi. Totoo ang kutob ko Ate, may relasyon silang dalawa, at parang matagal na. Hindi ko magawang isumbong si Ina ki Ama dahil natatakot ako. Ano ang dapat kung gawin? Sana huwag na lang si Ben ang inibig mo, hindi siya karapat dapat sa'yo. Tungkol naman ki Ama, lagi akong may kutsilyo sa aking unan. Huwag kang mag-alala, kaya ko ang sarili ko. Ate, me naririnig akong mga balita na medyo mainit na ang mga protesta sa Syria, okey ka lang ba diyan? Lagi kang mag iingat at lagi kitang ipagdadasal na sana'y ligtas ka lagi. Siyangapala, nakita ko na ang solutions sa equation mo. Nakaka enjoy naman tingnan hehehe. 9x - 7i > 3 (3x -7u)

9x – 7i > 9x – 21u

-7i > -21u

7i < 21u i <3u Ang sagot ko = 'I love you' I love you din Ate. Sana huwag kang magbabago. Huwag mo na akong bilhan ng cellphone, nakabili na ako yung mura lang. Ipunin mo na lang yan, para pag dating mo, makapagpatuloy ka rin ng pag-aaral. Nagmamahal, Maricar 9x - 7i > 3 (3x -7u) — Ayan nilagay ko na rin para pareho tayo.

***

CHAPTER 10: Ang Digmaan Sa Syria

*

March 9, 2011 ng matanggap ni Mila ang sulat mula sa kanyang kapatid. Masikip ang dibdib niya sa ibinalita ni Maricar tungkol ki Ben at sa kanyang ina. Halos hindi siya makapaniwala. Ngunit alam niyang hindi gagawa ng kwento ang kanyang kapatid. Ipinasadiyos na lang niya ang dalawa.

Naniniwala siyang baka masaktan lang ang kanyang ina sa ginagawa nito dahil mahigit labing tatlong taon ang agwat nila ni Ben.

Sumunod na araw, kinausap ng mag-asawa si Mila at si Andrea dahil kailangan nilang lisanin ang Homs papuntang Jordan. May mga kapatid doon si Yusuf at pansamantalang titira sila doun. Pwede na rin nilang idaan si Andrea sa embassy sa Jordan. Delikado na kasi ang mga key cities ng Syria dahil sa umiigting na ang Arab Spring. Protesta ito ng mga sibilyan dahil sa pang aabuso ng mga military sa kapwa sa mga ordinaryong sibilyan. Pero mas naging mabangis pa rin ang mga pulis at militar.

March 11. Mag-aalas sais ng umaga, kumalabog ang mga malalakas na pagsabog malapit sa tinitirhan nina Mila na nag hahanda na sana sa kanilang pag lisan. Maririnig ang sigawan ng mga tao, at iyakan ng mga bata — habang lumalakas ang maingay na komosyon sa buong paligid. Itinaas na ang red alert at nag utos na ng force evacuation dahil hindi inaasahan ng Ba’ath Government na sumasakalakay na ang anti-government alliance. Umaatake na maging ang Mujahedeen sa lahat na mga lalawigan at ciudad ng Syria.

Huli na sina Mila.

****

Malakas ang ugong ng serena sa buong Homs City. Hudyat na dapat mabilisang pagtago at paglisan ng lahat ng mga residente. Nagpang-abut ang mga rebelde at tropa ng mga militar sa Tamam Street, Central Business District ng Homs.

Mainit ang bakbakan at halos malapitan ang dalawang grupo. Litong-lito ang mga sibilyan kung saan magtatago dahil hindi inaasahan na mismong sa gitna kung saan maraming mga tao magaganap ang unang silakbo ng digmaan. Naka-pangingilabot ang bawat tagpo dahil ang frontmen ng Mujahedeen ay parang handang mamatay. Naglalakad papalapit sa mga kalaban ang dalawang pangkat sa gitna ng kalsada. Walang humpay na umuusok ang dalang tig-iisang Bushmaster-AR15 Semi-Automatic rifle na karaniwang gamit ng Navy Seals.

Sa kanan, malapit sa department store kung saan umuusok ang nakatagilid na bus, pilit na nagkukubli ang American Journalist na si John Collins. Nasa likod nito ang malaking military bag, sout ang camouflage at sinisipat ng kanyang 300 milimeter digital Canon Stills ang bawat tagpo ng bakbakan. Malapit sa may poste, nakatago rin ang kanyang alalay na si Jamal, habang pasan ang Panasonic P2 video camera. Naihi na siya sa pantalon sa takot. Takot na takot na baka makita sila at paulanan ng bala o kaya’y tapunan ng granada.

Habang abala si John sa palipat lipat na pag pitik ng bawat eksena sa magkabilang panig, nakita niya sa camera ang tila isang pamilya na sumasakay sa van. Parang Syrian couple na may dalawang maliit na bata at isa pang babae. Sa building, may isa pang pasunod na babae. Tila dayuhan din.

Nung ibaling niya sa mga anti-government forces ang camera, natakot siya sa eksena. Isang atake ang tiyak tutunaw sa van, dahil nakatutok ito malapit sa condominium entrance hawak ang Rocket Propelled Grenade (RPG). Hindi niya magawang sigawan ang mga sibilyang nakikita dahil baka makita ang kinalalagyan nila.

Ilang segundo lang, kumawala ang bala ng RPG papunta sa building, at sumabog.

KABOOM.

Tumilapon ang babae. Duguan.

Pilit naman na umalis ang van mula sa may bukana ng building. Ngunit ng mapalapit ito sa mga armadong grupo ng mga anti-government forces, pina-ulanan sila ng bala sa pag-aakalang mga militar ang nasa loob. Bumaliktad ang van ng pumihit ito ng pabalik.

Hindi pa nakuntento ang mga armado, nilapitan at pinalibutan nila ang sasakyan. Muling inispray ng kanilang Bushmaster at AK-47, upang masiguro na walang matirang buhay sa loob ng sasakyan.

Gumanti ang militar ng kanilang RPG sa protesters kaya medyo napa-atras ito. Hanggang sa sumugod ang tropa ng gobyerno, upang itaboy ang mga kalaban.

Lahat na ito naidukumento ni John sa mahabang lente ng kanyang Nikkon digital camera, at nakunan din ng video ng alalay niyang si Jamal.

****

Mag-aalas dyes ng umaga, makapal na usok ang iniwanang bakas ng magkabilang panig sa halos dalawang oras na bakbakan sa lugar na iyon. Saka lang tumayo sina John at Jamal. Palinga-linga silang nilapitan ang van upang tingnan kung ano ang kalagayan ng mga pasahero. Bukod dito, nagkalat ang mga bangkay mula sa magkabilang panig.

Pero parang maiiyak si John sa nasaksihan ng tingnan niya ng malapitan ang mga nasa sasakyan. Wala ng buhay ang mga ito. Tadtad ng tama ng mga bala sa ulo at katawan ang mga biktima. Kabilang na ang dalawang bata na halos hindi makilala ang itsura. Patay ang buong mag-anak na Al-Kudsi na sana’y tatakas papuntang Jordan. Sa likuran ng upuan, tadtad rin ng tama ng bala ang katawan ng isang babae na tila isang asian. Hindi halos makilala ang mukha. Lumapit pa si John, at sinikwat ang papel malapit sa bangkay ng babae. Inabut niya ang passport, binuklat at binasa.

MILA B. AGONCILLO, San Isidro, San Pascual, Masbate. Philippines.

Naawa ang amerikano sa sinapit ng dalaga. Napailing dahil alam niyang walang kinalaman ang mga biktimang ito sa alitan dahil lang sa pulitika.

Naramdaman niya ang kalabit sa balikat ng kasamang si Jamal.

“Over there..” Nakaturo ito sa may bukana ng building.

Nakita ni John ang isa pang babae, pasuray-suray naglalakad papalayo. Duguan at warak ang suot na damit.

***

Dinala ni John at Jamal ang duguang babae sa refugee camp sa isang industrial site, sa western area ng Homs City. Marami na ang sugatang sibilyan ang naipon dito dahil sa mahigit pitong oras ng bakbakan sa Homs. Ganito na rin ang sitwasyon sa ibang panig ng Syria nung araw na yun. Wala ng malay ang babae ng lapatan ng medisina ng mga volunteer doctors. Umalis muna sina John at Jamal habang ginagamot ang babae upang makikabit ng YMAX link sa satellite facility sa nakita nilang streamer na Red Cross International, malapit sa temporary hospital shelter. Walang nakakaalam kahit si John na ang pasilidad ay pag-aari ng Central Intelligence Agency.

Bago pa man lumabas ang videos at photos ni John sa international media, pinag-aaralan na ng mga analyst sa operations center sa Langley, Virginia ang scenario at probabilities kung hanggang saan tatagal ang nag umpisang giyera sa Syria.

May mga lihim na nakangiti sa tabi habang nanonood ng video sa situational room ng CIA building. Malaki na naman ang kikitain nila sa suplay ng armas, bala at mga medisina tulad ng antibiotics, cottons, rubbing alcohols at cadaver bags sa mga susunod na buwan at taon.

Negosyo ang giyera.

***

Nagumpisa si John magsulat ng kanyang situational news brief, habang sunod sunod na nag-uupload ng mga bagong kuhang letrato at video sa YMAX. Kaagad nag-umpisa ang bidding sa bilihan ng material niya sa AP Headquarters sa New York. At dahil exclusive ang mga larawan at videos, two thousand dollars ang kaagad ini-offer ng BBC.

Tinapatan ito ng CNN ng five thousand dollars. Ilang minuto pa, nag-uulat na nang breaking story si Wolf Blitzer sa CNN News Center sa Atlanta. Lumalabas na rin ang exclusive photos at videos, kung saan naka lagay sa downstream char-gen sa baba ng logo ng CNN:

John Collins, Senior Correspondent

Associated Press, Homs, Syria.

Tumawag ang CNN Atlanta sa satellite phone at nag ulat ng audio report si John ng situationer. Ang nasaksihan niyang masaker sa isang pamilya at kasamang Filipina. Hindi niya muna pinangalanan ang mga biktima ngunit idinetalye niya ang buong pangyayari. Bago siya nagpaalam, inulit niyang isang Filipina ang kasamang nasawi.

Matapos ang lahat, muli niyang binalikan ang pagsulat ng ilang news brief. At mula sa kanyang likuran, tinapik siya ni Jamal at ibiginay nakuha niya sa bag ng babaeng kasama nila ngayon at ginagamot. Kagyat na natigil si John sa sinusulat at binasa ang passport.

ANDREA R. BUENAFE. San Nicolas, Borongan, Eastern Samar, Philippines.

****

CHAPTER 11: Ang Pagkamatay Mila

*

Isang araw makalipas nito, nagulantang ang buong Pilipinas ng pangalanan na sa local news ang pinay na nasawi sa giyera sa Syria. Biglang nag-ipon ipon hindi lang ang barangay kundi halos buong lalawigan sa bahay ng mga Agoncillo sa San Pascual, Masbate. Nung mainterview ang mga pulitiko, ipinakita nila sa video na binibigyan nila ng tulong pinansial si Aling Magda at Kardo, na kapwa umiiyak sa sinapit ng anak.

Hindi matanggap ni Maricar ang balita. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya makakain, hindi makatulog. Maghapong umiyak sa kanyang silid at halos mag wala dahil sa balitang ito.

Pero ang mas nakakalungkot, hindi yata nila makikita agad ang bangkay ng anak, dahil nagtuturuan ang mga opisyal sa Philippine Embasssy sa Syria, kasama na ang mga labor attaches kung sino ang gagastos sa transport ng bangkay. Dahil hindi dokumentado si Mila sa lista ng OWWA at DFA wala itong maliwanag na benipisyo kahit ganitong sitwasyon.

Malaki ang naitulong ng mabugbog sa Philippine Media ang problemang ito, dahil nagalit ang pangulo. Saka lang gumalaw ang mga opisyal na Pilipino sa Middle East na magtulong tulong na maiuwi ang bangkay ni Mila, kasama ang libo-libong OFW sa Syria na pilit pinauuwi ng pamahalaan.

At sa pangkalahatang hakbang, ang pinakamabilis na aksion ng Philippine officials sa Syria, Beirut at Jordan na nagtutulong sa repatriation process kasabay ng bangkay na iu-uwi sa Pilipinas ay— tatlong linggo.

Bakit? Kulang daw kasi ang pamasahe. At hindi hindi daw sila baliw na mag-aambag ng sarili nilang pera.

***

Inabutan ni John sa loob ng malaking tent ang maraming mga pasyenteng tinamaan ng shrap nails, bala at mga falling debris sa bakbakan. Sa isang tabi, sa bandang kanan nilapitan nila ang babaeng tinulungan nila ni Jamal. Sinusubuan ito ng isang volunteer nurse.

“Hi, how are you?” Tanong ni John.

Hindi siya matandaan ng babae. Nakatingin lang ito ki John at sa kasama nito, kaya ang nurse ng nag aaruga ang nagpaliwanag sa kanya.

“He was the one who helped you get here..”

Tiningnan siya ng babae. Ngumiti at umusal..

“Thank you. Thank you, very much.”

Ngumiti si John.

“I’m, John, this is my friend Jamal.” Pakilala nito. Nasa likuran niya si Jamal.

“Oh, by the way we got your passport..” Inaabut ni John ang passport.

“You’re Andrea right? I’ve been trying to locate Filipino officials to report your situation, but I can’t get a line to Damascus.”

Napatitig muli ang babae ki John, binuksan niya ang passport at binasa. At ibinaling ang mga mata sa iba pang mga pasyenteng katabi nito. Ang iba, umuungol sa sakit na nararamdaman. Maraming mga bata ang nagiiyakan sa mga lapnos na sugat sa katawan. Kalunos lunos ang kundisyon ng mga babae at mga bata.

Inisip niya ang kundisyon niya. Ang kanyang pamilya. Ano ang mga mangyayari. Muli niyang narinig si John.

“Don’t worry, as soon as you are ready and well, we will help you get home. Would you like that, Andrea?” Nakangiti si John sa kanya.

ANDREA.

Tama, siya si Andrea. Tumulo ang luha nito. Nabahala tuloy si John kaya hinawakan ang kamay ng dalaga at naupo sa tabi.

“Don’t cry. It’s fine. You’re safe.”

Napahigpit ang pagkakahawak niya ki John. Umiiyak at umusal.

“I- I don’t wanna go home. Please. Help me. I don’t wanna go back..”

Napatingin si John sa kasamang si Jamal at sa Nurse na nasa tabi nila. Saka muling ibinaling ang mata ki Andrea. Dalawang kamay na ang nakahawak sa babae. Mas mahigpit ang kanilang pagkakahawak.