Lihim Ng Kahapon 1

May mga dumadating sa buhay natin ang di inaasahan mga pagsubok na kailangan natin pasanin at malampasan.

Chapter 1: muling pagkikita

Ako si mikaela 29 years old, 5’5 ang height. may kaputian, mahaba ang buhok medyo singit ang mata. maraming nagsasabi may hawig ako kay dawn zulueta. hindi ako masyadong gimikera mula ng ikasal ako kay marlon sampong taon na ang nakakaraan.

si marlon 32 years old , 5’6 lang height nya hindi kaputian, medyo chubby sya pero kahit paano may itsura naman. masipag sya pagdating sa trabaho. sa bahay maaasahan mo sya na makakatulong sayo hindi porket lalake sya hindi na kikilos. sampong taon na kami nagsasama pero hindi pa din kami nabibiyaan ng supling na anak

Weekends parehas kaming walang pasok ng asawa kong si marlon, nag grocery kami sa isang shopping mall. pagkatapos namin makapamili nagpaiwan ako sandali dahil may nakaligtaan akong kunin sa package counter na diniposit kong gamit. naunang bumaba si marlon sa parking area bitbit ang aming pinamili.

Makalipas ang ilang minuto, sumunod na akong bumaba pagkakuha ko ng gamit. nasa elevator ako ng may nakasabay akong isang matangkad na lalake at ubod ng kisig ang pangangatawan..napakabango , maganda ang tindig , magaling magdala ng pananamit at sa palagay ko gwapo

” Hmm ! Ang bango naman nitong katabi ko mukang mamahalin ang pabango!..sa isip isip ko habang sinisinghot ko amoy nya. habang pababa ang elavator bahagyang napatingin ako sa glass kung saan kami nakaharap ng katabi kong lalake..hihi curious ako kung anu itsura nya

“Oh my..!Totoo ba itong nakikita ko o namamalik mata lang ako..!” tanong ko sa aking sarili… ipinikit ko ang mga mata ko at napapailing ako..shit imposibleng ! baka nakakamuka lang nya. pero nagulat ako nang bigla syang nagsalita

“Kamusta mikaela..?!” Wika ng katabi kong lalake na nangangamusta. nanlaki ang mga mata ko habang tinitigan sya

“Eden ikaw ba talaga yan? My god Eden ikaw nga..!”bulalas ng bibig ko na may halong pagkabigla

“Oo mikaela ako nga ito ” sagot ni eden habang nakangiti lang sa akin. si eden ang ex boyfriend ko at kababata ko sa probinsya

“Ang laki ng pinagbago mo buhat ng huli tayong magkita..sa itsura mo ngayon muntik na kitang hindi makilala..” sambit ko habang pinagmamasdan ko sya mula ulo hanggang paa

“Ganun ba…”maiksing tugon ni eden..marami pa sana akong gustong itanong sa kanya pero biglang bumukas ang pintuan ng elevator sa basement ng parking lot. nakita ko agad ang asawa kong nag aabang sa akin at sinalubong para kunin ang aking bitbit

“Hon kanina pa ako naghihintay dito saan ka ba nagpunta “..wika ng aking asawa na kanina pa pala naghihintay

“Ah..Eh..! kasi..”Naudlot kong salita nang biglang mapalingon ang asawa kong si marlon sa lalakeng katabi ko..shocks binati nya si eden

“Boss ikaw pala yan, goodmorning po..” pagbati ni marlon sa kanya

“Goodmorning..good to see you here marlon..”sagot ni eden

“Boss?..Boss mo sya?!” maiksi kong tanong kay marlon

“Boss ed asawa ko nga po pala si mikaela..hon si boss ed..” pagpapakilala ni marlon sa akin. Inabot naman ni eden ang kamay sa akin para makipag shake hands na tila nagpapanggap nalang na hindi kami magkakilala at ngayon lang nagkita. natutulala ako at halos di na makapagsalita kaya hindi ko na nagawang makipag kamay sakanya.

“Ah boss pagpasensyahan mo na ang asawa ko ganyan talaga yan mahiyain”..pagpapaliwanag ni marlon

“its okay marlon..anyway mauna na ako sa inyo mag asawa..nice meeting you mikaela..”wika ni eden

” Ah sige po boss ingat po..” sagot ni marlon

“hon pinahiya mo naman ako ke boss..Hon?hon are you okay?anu ba..may kausap ba ako? “wika ni marlon na medyo nadismaya

“Im sorry hon..anu nga ulit ang sabi mo?..” sumagot ako ng bahagyang nanumbalik ang diwa ko

“What?Kanina pa ako salita ng salita dito hindi mo pa pala ako naririnig, anu ba nangyayari sayo hon?” wika ni marlon na halatang naiinis sa akin

“Hon pasensya ka na masama lang talaga ang pakiramdam ko”paliwanag ko sa aking asawa

“Ah ganun ba..halika na umuwi na tayo para makapagpahinga ka na”sagot ni marlon

Habang nagmamaneho si marlon palinga linga ito sa akin..marahil napansin nyang tulala ako at malalim ang iniisip kaya siguro sinimulan nya ako kausapin at kwentuhan tungkol sa kanilang mga trabaho sa opisina..sa totoo lang wala akong ganang makipag usap dahil nasa utak ko pa rin si eden ng mga oras na yun pero since about sa trabaho ang topic nya. nakinig ako baka sakali may malaman ako tungkol kay eden, ang tagal ko naghintay siguro inabot ng kalahating oras bago nya maopen ang about sa boss nyang si eden

“sanga pala hon , natatandaan mo yung kinukwento ko sayo. si boss ed sya yung CEO namin sa kumpanya. Sya yung dating mahirap lang noon na nagsumikap para maabot lang kanyang mga pangarap. ngayon isa na sya sa pinakamayaman negosyante dito sa pilipinas. pero alam mo ba hon sa kabila ng kanyang tagumpay. mayroon itong masaklap na karanasan na sinapit sa pamilya ng kanyang kasintahan. ang mas masakit pa dun alam mo ba? iniwan sya ng babaeng pinakamamahal nya ” kwento ni marlon

Nagulat ako ng marinig ko sa asawa ko na si eden pala ang tinutukoy nito sa kanyang kwento noon. dyos ko hindi ako makapaniwala na ang isang tulad ni eden ay isa na ngayon respetadong tao at kilalang tanyag na negosyante sa bansa. Palaisipan pa rin talaga sa akin kung sa papaanong paraan nakatungtong si eden sa ganoong antas na pamumuhay

Nang makarating kami sa bahay tumawag si inay para ibalita sa akin na winasak ng bagyo ang malaking palayan namin sa probinsya na pangunahin pinagkukunan nila inay ng ikabubuhay. dagdag pa dyan ang magkakasunod na pagkandamatay ng mga baka na pagmamay ari naman ni kuya

“Inay naman , kakapadala lang po namin sa inyo ng pera nakakahiya kay marlon.” wika ko kay inay

“pasensya ka na anak , wala na kaming ibang malapitan. ang mga dapat sana na aanihin ay hindi na natin mapapakinabangan. patong patong ang aming mga utang, at ang iyong ama naman ay kailangan ngayon ng pang pyansa inay..” wika ni inay

“Inay hindi pa ba kayo Nadadala kay itay, lulong na si itay sa bisyo at pagsusugal ” wika ko na naiinis

” anak intindihin mo nalang ang iyong ama , libangan nya lang naman ang pagsasabong. nagkataon lang na napasama sya sa mga nahuli ” paliwanag ni inay sa akin

“dyos ko naman inay , hanggang ngayon kinukunsinte nyo pa din si itay ” wika ko

“anak parang awa muna , ako na ang nakikiusap sayo dahil wala na kaming ibang mauutangan ” pakiusap ni inay sa akin

sige inay susubukan ko kausapin si marlon mamaya pero hindi po ako mapapak…