“Talagang hindi ka pa din nagbabago eden suplado ka pa din hanggang ngayon. Well nabago mo man ang anyo mo at kasuutan hindi mo parin maitatago sakin ang tunay mong pagkatao.”sambit ko sa akingisip habang tinititigan ko si eden na nagmamaneho. hindi ko din napigilan ang mapahagikhik ng tawa habang sinasariwa ang mga alaala namin ni eden.
—-
pag gunita ko sa nakaraan . . .
bata pa lang ako ay mayroon na akong pagtingin kay eden. ewan ko ba magaan talaga ang loob ko sakanya. palagi akong nakabuntot sa kanya kung saan man sya magpunta. siguro dahil hindi kami naging malapit ng nakakatanda kong kapatid. at kay eden ko nakita ang isang nagmamalasakit na kuya na dapat si kuya israel. kaya ganun nalang siguro ang pagkasabik ko na magkaroon ng isang kuya. isang kuya na aalalay sa akin. isang kuya na makikipaglaro sa akin at isang kuya na magtatanggol sa akin.
nagmistulang playground naman sa akin ang malawak na palayan na pagmamay ari ng aking ama’t ina kung saan nagttrabaho din si eden at ang kanyang ama para kay itay.tatlong taon ang tanda ni eden sakin kaya pagmagkasama kami ay madalas kaming mapagkamalan magkuya.
paminsan minsan palihim kong dinadalhan si eden ng makakain sa palayan habang nag ttrabaho. hihi hindi alam nila itay.
“Psst! kuyahh! wag ka maingay. itago mo ito.”mahinangbigkas ko. habang inaabot ko ang isang supot ng kakanin
“Naku! Mikaela baka mapagalitan ka sa ginagawa mo. pati ako malilintikan sa tatay mo “wika ni eden na palinga linga sa paligid
“Hihi..! Huwag ka magalala kuya.. hindi naman nila ako mahuhuli “sagot ko
—-
Paglipas ng mga taon . . .
para kelan lang naglalaro pa ako ng bahay bahayan kasama si eden. at nagtatakbuhan sa malawak na palayang ito. ngayonhindi ko na namalayan na mag dedese-otsong na ako at si eden naman ay mag bebente-uno na. nakakatuwang isipin na sabay pa kami ng birthday.
Ibang iba na ang aming itsura ni eden. maging ako ay nabago na ng panahon. magtatapos ba ako sa kolehiyo. dumarami na ang manliligaw ko sa school maging sa aming bahay ay panay ang mga dalaw. ngunit isa lamang ang tinitibok ng puso ko. si eden wala ng iba pa
nagmamahalan kami at wala nang sinumang ang makakahadlang. pero si itay at inay ay tutol sa pag iibigan naming dalawa. ayaw nila kay eden para sa akin. nasasaktan ako sa tuwing pinamumuka nila sa akin na wala akong magiging kinabukasan sa piling ni eden.
Isang araw pag uwi ko ng bahay galing school nadatnan ko si itay na umiinom mag isa.
“Hoy! mikaela tigilan muna ang pakikipagmabutihan mo dyan sa lalakeng yan wala syang maibibigay sayo na magandang buhay” wika ni itay
“Tama na ho itay! Ayoko na pong marinig ang mga sasabihin nyo “sagot ko kay itay.
“Hoy! Maneng Pagsabihan mo nga itong anak mo”pasigaw ni itay kay inay
“Anak ! Tama ang itay mo wala kang kinabukasan kay eden”wika ni inay sa akin
“Inay ! pati ba naman kayo! “sagot ko kay inay nang bigla akong tumakbo palabas ng bahay
“Anak! Sandali saan ka pupunta “wika ni inay
kumaripas ako ng takbo hindi ko matanggap ang mga sinasabi nila, ayoko ni isa sakanila ang makausap. gusto kong mapag isa.sobrang sakit. ang sakit sakit pag pumapasok sa utak ko ang mga salitang pangmamaliit nila kay eden.
nagtungo ako kay eden. hinanap ko sya kung saan saan. nandito lang pala sya’ nagbubungkal ng lupa. dahan dahan akong lumapit habang nakatalikod sya. tinakpan ko ang mga mata nya gamit ng aking palad
“Hulaan mo sino ako” wika ko na pabirong iniiba ko ang boses ko
“hmm…bulagaaa hahaha”pang gugulat ni eden na bumalikwas paharap sa kasintahan
“Ahh ! Eiii.. tama na nakikiliti ako eden hihihi “napatili ako pa pala ang nagulat
“Mahal na mahal kita mikaela “wika ni eden habang yumayakap sakin
“Mahal na mahal din kita eden”tugon ko kay eden
sandaling nagyakap at naghalikan kami. pagkatapos ay pinasan ako ni eden sa kanyang likod. hihi tulad ng dati alam nyang paboritong paborito ko na ginagawa nya sa akin. pakiramdam ko bumabalik kami sa pagkabata. nagtungo naman kami sa ilog kung saan kami lamang ang dalawa. naghubad ng pangtaas si eden
at nagsimulang magtanggal na din ako ng aking kasuutan bagama’t nahihiya pa rin ako sakanya. hayss bahala na.Batid ko nga na hindi na kami tulad ng dati na mga bata pa.!pagkat ang aming muwang ay malinaw na.malinaw na sa aking isipan ang katotohanang na ganap na akong isang dalaga. alam na rin namin ang salitang malisya. ngunit para kay eden ay wala itong importansya dahil mangmang sya sa kamunduhan.
“Halika na..anu pang hinihintay mo talon na”utos ni eden
Tumalon ako sa ilog para sundan sya. nakapant…