HAPPY HALLOWEEN
~~~~~~~~
“Bess asan na tayo huhu natatakot ako, ano bang lugar to bat walang katao-tao at gutom na gutom na ako.”
Sabi ng kaibigan ko habang naiiyak.Mag p-pitong oras na kaming palakad-lakad sa lugar na to. Nang sumakay kami ng bus pauwi ay bigla na lang may nang hold up sa amin kaya lahat ng gamit namin ay kinuha at pinababa kami sa lugar na hindi kami pamilyar.
” Wag ka ngang umiyak dyan para kang bata, tsaka gutom na din ako no san tayo kakain nyan wala tayong kapera-pera.” Yamot kong sabi.
“Pisti kasing tulisan nanyon eh sabi ng mag iwan ng tig p-pipti satin para may pambili tayong pagkain. Kala mo gwapo eh mukha namang si ‘Pano mo nasabe’ ang kingina.”
Kung wala lang siguro kami sa ganitong sitwasyon kanina pa ako humahagalpak ng tawa sa kabaliwan nya. Hmp! Raulo talaga.
Patuloy lang kami sa paglalakad ng may nakita kaming mga kabahayan pero mga wala silang ilaw.
“Bat wala silang kuryente dito parang taghirap yong mga tao dito.” Sabi nya habang kumakapit sa braso ko.
“Tumahimik ka nga dyan, dun muna tayo pagod na ako eh.”
May nakita akong mahabang upuan na gawa sa kahoy kaya dun kami umupo. Tiningnan ko yong kaibigan ko yamot na yamot sa mga lamok at todo kamot.
“Bess namn baka pag uwi ko samin di na ko makilala ng parents ko, mangangayat ako dito. Wala pa nga tayong kain tas sipsip pa ng sipsip tong lamok”
Dahil sa marami talaga ang lamok ay naglakad-lakad na lang kami habang wala syang tigil sa kakadada at kakareklamo.
Wala pa ring mga ilaw sa ibang kabahayan kaya madilim ang daan dahil na rin sa mag a-alas 11 na ng gabi.
Bess makapaghapunan na tayo hihi don tayo oh makikikain, so ano tara?”
Turo nya don sa may lamay na di kalayuan sa amin at agad ko naman syang binatukan.
“Siraulo ka ba? Kita mong may lamay don kilaka mo ba yon ha? Kahiya ka. Kakain na nga sa may patay pa.”
“Eh anong gusto mo mamatay tayo sa gutom dito ha? Akong bahala halaika na basta umarte ka lang gayahin mo lang ako.”
Pagkasabi nya non ay hinila nya ang kamay ko palapit don sa may lamay. Marami ang taong nakiramay, lahat matatanda at nakaitim habang kami nakapulang damit at white short.
Naloka ako ng patakbo syang lumapit sa kabaong habang humihiyaw kaya napasunod ako para sana pigilan sya pero huli na nakalapit na sya sa kabong at niyakap habang umiiyak.
“Tatay huhuhu bakit mo ako iniwan. Pasensya na kung ngayon lang ako dumating tay” Hiyaw nya habang yakap ang kabaong.
“Sana noon pa pinatawad na kita huhu tay patawarin mo rin ako huhu please tatay bumangon ka dyan”
Ako ang nahiya sa pinagsasabi nya. Tumingin ako sa palibot at lahat ng tao ay nagtatakang nakatingin samin.
Kaya bumuntong hininga ako at lumapit sa kaibigan ko hinimas ko ang likod nya at pumekeng umiyak.
“Huhu bess masaya na ang tatay mo kung nasan man sya ngayon tumahan ka na dyan alam nyang napatawad mo na sya” sabi ko pa habang hinihimas likod nya.
Kita ko yong pagyugyog ng mga balikat nya at mas lalo syang sumubsob sa kabaong. Rinig ko yong mahinang hagikhik nya.
Bwesit!
“Alam ko yon bess huhu tatay ko po mahal na mahal kita” Sabi nya pero bumungisngis ng mahina.
Baliw talaga.
Best actress may luha pa talaga ang galing pagdating sa kalokohan.
Pasimple akong tumingin sa paligid lahat ay nakatingin pa rin sa amin at nagtaka kaya ginalingan ko pa ang acting ko.
“Bess huhu tulungan mo ako” Mahina at hirap nyang sabi habang mahigpit ang kapit sa kabaong.
“Bakit?” Pagtataka ko.
“Yongkabaong mahuhulog, puta ang bigat napapadausdos” Hirap nyang sabi habang nakahawak sa kabaong at pasimpleng tinulak para bumalik sa dati nitong pwesto.
Kinagat ako ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa kita kong hirap syang ibalik sa pwesto kaya lumapit pa ako at humawak sa kabaong at pasimple ko ring tinutulak habang umiiyak.
Buti na lang bago pa may lumapit sa amin ay naibalik na namin sa ayos ang kabaong.
“Ineng kilaka nyo ba si aling Pasing?” Takang tanong ng matanda sa amin.
Nagkatinginan naman kami ng kaibigan ko. Lagot na!
“H-hindi po sya si tatay?” Lumapit pa sya sa kabaong at nilapit ang mukha malapit sa salamin.
“Oh my god si nanay pala to huhu diyos ko nan-“
Bago pa sya humiyaw ay hinila ko na sya palabas. Takbo lang ako ng takbo habang hila-hila ko ang kamay nya.
“Ano ka ba naman bess. Kainis ka naman eh gutom na ako. May nakita akongg nag served ng kape at biskwit dun kanina eh” Inis nyang sabi sa akin.
“Seryoso ka ba talaga do…