Sa kasalukuyan, nakatayo ako sa taas ng mataas na tulay, nahandang tumalon para itigil ang sakit na aking nararamdaman. Tila nagsiwalat na mga daga na handang talikuran ako sa aking mga pinakamahihirap na sandali.
Nadawit ako sa isang mundo ng mga masamang impluwensiya at maling landas. Ang mga tao na aking pinagkatiwalaan at pinaniwalaan, sila rin pala ang mga naghasik ng lagim sa aking buhay. Nalimutan ko ang aking mga prinsipyo at nilamon ng kadiliman ng mga bisyo at kasamaan.
Naging malapit ako sa mga bagay na alam kong mali, mga gawain na lalong nagpapalubha sa aking pagkalungkot. Sa bawat araw na nagdaan, unti-unti akong nalulunod sa kawalan ng pag-asa. Nawala ang tiwala ko sa sarili at pati na rin sa ibang tao. Hindi ko na makita ang halaga ng aking sarili, na tila nawala na sa isang malaking kweba na puno ng kadiliman.
Sa pagkakataong tatalon na ako, inalala ko ang panahon kung kailan nagsimulang nagbago ang lahat.
—–
Abigail: Ahhh. Good morning. Where’s my phone? Here!
Abigail: Good morning Beb! Happy Birthday! I love you so much!
I have to get up and prepare for school. Hi I’m Abigail Dela Cruz. 4th year Marketing Student. May mahabang itim na buhok, petite ang katawan, 5’4 ang tangkad at may katamtamang laki lang ng hinaharap.
Lydia: Wala ka na ngang trabaho, di ka pa makaambag dito sa bahay at ang kalat naman dito, wala ring makain. Puyat
na ako kakaovertime para matustusan mga pangagailangan natin dito sa bahay!
Marjun: Pasensya talaga hon! Pinagsisikapan ko naman makahanap ng bagong trabaho. Sisiguraduhin ko na magagawa ko ng maayos mga trabaho dito sa bahay, pansamantala na wala akong trabaho.
Abigail: Good morning, Ma and Pa!
Lydia: Good morning, Anak, Sana hindi ka gutom. Sunog na naman ang niluto ng tatay mo.
Abigail: Okay lang po, Ma. Pwede gumawa na lang tayo ng iba pa.
Marjun: Pupunta ako sa tindahan para bumili ng ibang pagkain bago pumunta sa job fair ngayon.
Lydia: Job fair? Tatlo na ang dinaanan mong job fair pero wala ka pa ring trabaho!
Abigail: Ma, nagsisikap po si Papa.
Lydia: Oh, sigurado akong nagpapakahirap siya.
Abigail: Huwag kang mag-alala, Pa. Alam kong makakahanap ka ng trabaho sa lalong madaling panahon.
Marjun: Salamat, Abby. Malaking tulong sa akin ang mga sinabi mo.
Si Abigail ay pumunta sa kusina upang kumuha ng almusal, ngunit huminto siya nang makita ang maruming mga pinggan at magulong lababo.
Parang ang kalat nga ng kusina ngayon. Sa isip ko.
Abigail: Ma, pwede ba nating linisin ang kusina? Medyo mahirap humanap ng mga bagay dito.
Lydia: Wala akong oras para diyan. Kailangan kong pumunta sa trabaho.
Abigail: Naiintindihan ko po iyon, pero baka puwedeng lahat tayo ay magtulungan? Hindi lang naman iyon responsibilidad ng isang tao.
Marjun: Ako na bahala dito anak bago ako umalis.
Napapangiti si Abigail dahil sa ginawa ng kanyang ama, ngunit si Lydia ay nagmamadaling lumabas ng kusina upang maghanda para sa trabaho.
Abigail: Salamat, Pa. Pagbutihin mo mamaya sa job fair. Ingat
Marjun: Ikaw rin naman, Anak.
Humalik na ako sa pisngi ni Papa at lumabas na ng bahay. Sumakay na ako diretso sa sasakyan at hinatid ni Mama sa School.
Ito po ang aking ina, si Lydia Dela Cruz. Kahit sa kanyang edad, tila ba’t mas sexy pa siya ngayon. Ang kanyang maliit na pangangatawan ay dagdag na nakakawindang sa kanyang ganda. Ang aking ina ay nagmula sa may kayang pamilya at pinaghirapan niya ang kanyang katayuan sa buhay. Siya ay isang marketing manager sa isang kumpaya dito sa amin. Ngunit kahit sa lahat ng kanyang tagumpay, nananatiling mabait at nakatuon sa pamilya ang aking ina. Palaging nandyan para sa akin, nag-aalok ng pagmamahal, at suporta kapag kailangan namin.
Ito naman ang aking ama, si Marjun Dela Cruz, dating comptroller sa isang manufacturing plant dito sa amin. Noong kabataan niya, naging modelo ito. Siya ay matiyaga sa kanyang trabaho. Pinagsikapan niya na magbigay ng sapat na pangangailangan sa aming pamilya. Si Papa ay isang mapagmahal at pasensyosong ama. Ang problema lang sa aking ama sa sobrang matrabahuso ito halos wala na itong oras para sa pamilya.
Nagsimula magkalamat ang relasyon nilang dalawa, mula nang mawalan ng trabaho si papa. Nawala ang lahat ng benefits at naubos rin ang naipon nito dahil sa nangyaring eskandalo sa kanilang kumpanya. Sinipa siya ng kanyang mga boss at naging mainit na ang pangalan ni Papa kahit sa ibang kumpanya dahilan kung bakit bumaba ang kumpiyansa nito sa sarili.
Habang sa biyahe.
Abigail: Ma sana dahan-dahan ka naman sa mga salita mo kay Papa. Pinagsikapan naman ni Papa kung ano meron tayo ngayon.
Lydia: Alam ko naman na si Papa mo ang kakampihan mo.
Abigail: Ma hindi naman sa ganyan. Mahal ko kayo pareho pero hindi naman dapat na pagsalitaan mo si Papa ng masama palagi.
Lydia: Pasensya na sa ugali ko kanina. Grabe lang talaga ang stress ko nitong mga nakaraang araw.
Abigail: Alam ko, Ma. Pare-pareho naman tayong nahihirapan ngayon.
Inilapit ko ang kamay ko sa balikat ni Mama.
Abigail: Ginagawa mo na lahat ng makakaya mo. Kailangan lang nating suportahan ang isa’t isa.
Huminto ang sasakyan sa harap ng paaralan at niyakap ko si mama bago bumaba.
Abigail: Salamat sa paghatid, Ma. Mahal kita.
Lydia: Mahal din kita, Anak. Have a great day at school.
—–
Nandito na ako ngayon sa hallway ng school nang makita ko ang bestfriend ko. Si Judy. Mas maliit nang kaunti sa akin, pero ang laki ng dibdib. She’s chinita look na short hair at 5’0 ang height.
Abigail: Girl, hey!
Judy: Kamusta ka girl?
Abigail: Okay lang. Sinusubukan pa rin maka-survive sa semester.
Judy: Ako rin. Alam mo ba yung tungkol sa bagong propesor natin sa klase?
Abigail: Hindi, anong meron sa kanila?
Judy: Parang sobrang strikto daw sila. Hindi daw sila papayag sa anumang kalokohan.
Abigail: Perfect. Yan ang kailangan natin para tumino tayo Haha
Naglalakad kami papunta sa classroom, nag-uusap at nagtatawanan sa daan.
Abigail: Alam mo, Girl, masaya ako at nakilala kita noong orientation ng first year natin. Hindi ko alam kung paano ako makakasurvive kung wala ka.
Judy: Oo nga, alam ko yung feeling. Click tayo agad, di ba?
Abigail: Syempre. Pakipot ka at maloko.
Judy: Masaya ako sa pagiging ganun ko.
Abigail: Girl, may gagawin ka ba mamaya? Samahan mo naman ako. Birthday ni Beb today. Hindi pa ako nakabili ng regalo. Nabusy ako sa mga projects natin.
Judy: Sige girl. Gusto ko yan. Basta treat mo ako ng Starbucks ha.
Abigail: Hays nagtitipid sana ako ei. pero sige na nga.
Nakikinig ako sa aming propesor na nagtuturo tungkol sa aralin ng araw. Biglang may kaklase akong pumasok sa silid at bumulong sa akin
Kaklase: Abby, kailangan mong pumunta agad. Si Carlo ay pinagtitripan na naman ni Dwayne.
Abigail: Ano? Nasaan siya?
Kaklase: Nasa heroes park siya
Tumakbo ako papunta sa park nang makasalubong ko si Dwayne.
Abigail: Dwayne, ano ginagawa mo dito? Sabi ko na, wag mo na guluhin si Carlo.
Dwayne: Sino ka ba para sabihan ako kung ano gagawin ko?
Abigail: Boyfriend ko si Carlo, at hindi ko papayagan na guluhin mo pa siya.
Dwayne: Oh, ganun ba. Eh, hindi ko iyon problema. Gagawin ko pa rin gusto ko.
Umalis na si Dwayne, tumungo na rin ako papunta sa park at nakita ko si Carlo na may dugo sa kanyang bibig
Abigail: Omg! Carlo. Anong nangyari? May dugo pa yong bibig mo. Sandali punasan ko muna.
Carlo: Wala lang, Beb. Huwag ka nang mag-alala.
Abigail: Huwag ka ng mag-alala? Sinaktan ka niya! Hahanapin ko si Dwayne at susuntukin ko siya.
Carlo: Abby, tigilan mo na. Pumunta tayo sa klinika at para makabalik na tayo sa klase.
Inalalayan ko si Carlo papunta sa clinic.
Nurse: Ito ang gamot para sa sakit. Hintayin mo muna umepekto ang gamot at okay ka na. Pwede ka na bumalik sa klase mo.
Galit na galit ako sa nangyari kay Carlo
Abigail: Hindi ako makapaniwala na gagawin ni Dwayne ang ganito!
Carlo: Alam ko Beb, pero okay lang. Masaya ako na nandito ka sa akin.
Huminga ako ng malalim si Abigail at sinubukang kumalma Hindi ko lang talaga matiis ang bully na ito. Hindi tama ito.
Abigail: Galit na galit ako kay Dwayne dahil sa ginawa niya sa’yo, Beb.
Carlo: Alam ko, Beb, pero unahin natin ang pagpagaling ko.
Biglang nagsalita ang Nurse na pinapatawag siya ng principal at iwanan ni…