Tulog na tulog pa rin ang panganay na anak nila ni Tinoy na katabi niya sa tulugan. May isang taong gulang pa lang ang bata. Walang kamuwang-muwang sa nagawa niyang kaimbian. Nakahiga na muli si Miriam ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang namagitan sa kanila ni Nando. Humanga rin siya sa sa kabilisan nito. Gayong kung kanyang titingnan ay tila di makabasag-pinggan man lang si Nando. Iyon pala nasa loob ang kulo.
Nang sumunod na gabi, muling pinanhik ni Nando ang bahay ni Miriam. Wala ulit si Tinoy. Bumiyahe na naman.. Kaya nga malayang-malaya na naman nilang magagawa ang magpakalunod sa kaligayahan. Sabik na siyang hinihintay ni Miriam. Handa na ito. Bagong paligo. Mabangung-mabango. Nang tabihan ito ni Nando ay ito na ang kusang yumakap at pumupog ng halik sa binata. Noon naman, hindi natulog sa pagbibiyahe si Tinoy. Sinamaan ito ng katawan at naipasiyang umuwi na lang. Natutop ang mga taksil pero hindi inilagay ni Tinoy ang batas sa kanyang mga kamay.