Ipinakilala siya sa mga kapitbahay at ang iba ay nagtatanong kung boyfriend daw ba siya ni Coney, hindi din pala nagbibiro si Alice na may pa-pansit siya at ang iba ay may dala pang pagkain. Ganoon kasimple ang buhay ni Coney at nang pinsan nito, simple pero masaya. Duon din niya nalaman na iniwan pala sila sa ampunan nang magkapatid na ni-rape nang sariling ama. Matanda lang ng konti si Alice kay Coney pero aminado ang huli na dependent siya sa pinsan dahil mas malakas ang loob nito.
Kaya nang sinabi ng tiyahin nila ma kapatid ng umampon sa kanila na pag-aaralin ang isa ay agad na sinabi nito na si Coney nalang dahil si Alice ay madiskarte sa buhay. Katulad din ni Ms. Alberto, matandang dalaga na namatay sa cancer nuong isang taon lang.
Napaka simple lang ng buhay ng mga ito, ang pagkain ay nuon lang niya natikman at kahit na walang magagarbong sahog ay marami siyang nakakain. Sa ilang araw na pagtigil sa probinsya ay hindi siya nainip, aliw na aliw sa pinsan ni Alice at may mga ilang kabataan din na naging kaibigan at nakakasamang mag basketball sa kanto.
Alam niya na dadating ang araw na babalik siya sa lugar, lalong naging matindi ang paghanga niya sa kaibigan at umaasang dadating ang panahon na maari niyang ihayag ang pagmamahal na tuluyang yumabong sa dibdib.
Ang pasko sa mga ito ay napakasaya kahit na limitado lang ang handa, kina-ilangan pa niyang maki-usap kay Coney para lang makabili siya ng dalawang lechong baboy para maging mas masaya ang pagdiriwang nila.
“Sige, pero baboy nalang ang bilin mo tapos dito nalang natin i-lechon para mas masaya.”
“Huh, merong marunong mag lechon dito?”
“Hahaha, oo naman!”
Nang katayin ang baboy ay gulat na gulat siya, parang gusto niyang pigilan ang mga ito kung di lang nakakahiya. Dahilan para hindi niya makain nang maluto na, pinagtatawanan tuloy siya ni Alice at Coney.
Makabagong taon na nang umuwi sila sa San Vicente, pati siya ay nalungkot dahil sa paglalayo ng magpinsan at halos lahat ata ng kapitbahay ng mga ito ay kasamang naghatid sa kanila sa bus station. Habang biyahe ay malungkot ang babae, hindi naman niya na confort at kahit siya ay nalulungkot din.
“Promise sa summer vacation babalik tayo dito, mas matagal.”
“Talaga?”
“Cross my heart!”
Nuon naman niya nakitang ang ngiti nito na parang hinawi ang lahat ng agam-agam niya. Kung pwede lang niyang siilin nang halik ang babae ay baka ginawa na niya. Pero dahil sa respeto sa babae kaya pinipigilan ang sarili at handang maghintay sa tamang pagkakataon. Inihatid lang niya ang babae sabahay ng tita nito bago umuwi na din sa kanila.
Kahit sa pagtulog ay naiisip pa din niya ang babae, sa ilang araw na kasama ay nagkaruon ng malaking puwang sa puso kaya hindi na din napigilan ang sariling tawagan ito.
‘Oh Marco?’
‘Patulog ka na ba?’
‘Hindi pa, tinutulungan ko si Titang mag ayus ng gamit.’
‘Bakit?’
‘Bumili kasi siya nang bagong cabinet at kama namin, medyo mabigat eh.’
‘Punta ako diyan.’
‘Huh? Bakit?’
‘Tulungan ko kayo.’
‘Wag na… Marco!’
Nawala na sa linya ang lalaki, ilang minuto lang ay kumakatok na ito sa harap ng apartment nila, napatingin tuloy sa kanya ang tiyahin.
“Tita si Marco ata yun.”
“Ay mainam naman at nang may makatulong tayo mag lipat. Sige papasukin mo na.”
May excitement din sa kanya na puntahan ang lalaki dahil na miss naman niya talaga ito. Laking gulat niya dahil may dala-dala pang chichirya at softdrinks.
“Wala na akong madaanang bilihan kaya eto nalang.”
“Naku nag-abala ka pa, pasok ka.”
Kakababa pa lang nang dala nito ay narinig na nila ang tiyahin.
“Marco halika nga, tulungan mo kami.”
“Sige po Ma’am.”
Bahagyang natigilan si Marco na makita ang guro, ngayun lang nagkaroon nang pagkakataon na nakita niya ang babae na walang salamin at hindi naka uniporme. Pati ang suot nito ay nagpatindig sa balahibo niya dahil sa hapit na leggings at sport sando na hapit din sa katawan.
Wala sa hinagap niya na ganito ito ka sexy at mukhang manika ang mukha na pati ang baywang ay napakaliit pala.
“Patulong naman kami na ilipat ito sa gawi dun.”
“Ah eh sige po Ma’am.”
Nagbigay lang ng instruction ang babae kung paano at kung ano-a…