Natakot siya dahil maging ang damit nito ay wala sa ayos na ang isang tirante ay ni hindi nagawang i-ayos kaya labas ang isang dibdib. Kumakabog ang dibdib niya, tinititigan lang ang ayos nang asawa maging nang lapitan ay alam niya na iba ang singaw ng katawan ni Coney.
“Mahal!”
Mugto ang mata nang babae, pati ang lipstick ay nakakalat din at nang magtama ang mga mata nila ay hindi niya bakas kung ano ang nais nito. Nang tangkang yayakapin niya ay bigla itong lumayo na parang takot na takot o diring-diri.
“Binabuy nila ako! Binabuy nila ako!”
“Mahal ano ang nangyari?”
“Wag kang lalapit, wag mo akong lapitan.”
“Mahal ako ito, asawa mo.”
“Wag mo akong lapitan, wag mo akong hawakan.”
Kahit anong tulak ni Coney ay niyakap niya ito, nagwawala hanggang mapagod at tanging pag-iyak nalang ang naririnig niya. Halos isang oras bago niya bitawan pero tulala lang at hindi nagsasalita. May hinala siya kung sino ang may gawa pero imposible at paanong nagawa ito kaya ayaw niyang manghusga.
Dinala niya sa banyo ang asawa at pinaliguan, gusto niyang magmura. Gusto niyang manakit! Gusto niyang pumatay ng tao nang makita niya ang bakas ng kawalanghiyaan ng mga ito. Namumula ang pwerta ni Coney ay puno nag katas na pilit nililinis ng babae, maging ang suso ay namumula at may bakas nang panggigigil.
Puros hikbi at pagluha ang asawa, awa para dito ang nararamdaman at galit sa sarili. Muli ay niyakapniya nang mahigpit pero wala itong reaksyon maliban sa patuloy na pagkuskos sa sarili na parang ang dumi-dumi na kahit anong ligo at sabon ay hindi namaaring maging malinis.
Pagkahatid sa babae sa kwarto ay siya na din ang nagbihis dito bago hinayaang matulog, inikot niya ang buong bahay ngunit malinis at walang bakas ng kahit ano. Walang nagulo, walang nabasag at maayos lahat. Napaupo sa sofa at saka bumuhos ang galit, pigil ang sigaw upang hindi marinig ni Coney punong puno nang pagsisisi sa pagpapabaya sa asawa.
Sana ay sa bahay nalang ito kanina, sana ay bumalik na siya agad at hindi nagpadala sa tukso, sana ay hindi iniwan ang celpphone. Nuon niya nakita ang gadget na nasa side table, mabilis na sinuri ang lahat. Walang bakas kahit duon maliban sa missed calls ni Coney.
Gusto niyang sugurin ang pinaghihinalaan pero ayaw niyang iwan ang asawa dahil baka kung ano ang gawin sa sarili.
Hindi sukat akalain aabot sila sa ganito, na daranasin niya ang ganitong klaseng sitwasyon. Magulo ang isip niya, hindi alam kung sino ang hahabulin lalo na nga at hindi niya maka-usap pa si Coney.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal naidlip dahil pag gising niya ay wala na si Coney sa kwarto kaya taranta siyang bumangon para hanapin ito. Hindi naman siya nahirapan dahil sa bahay lang nang ina ito natagpuan, ngunit ang pagiging tahimik nito ay naging permanente at ang biglaang pag-luha.
Hinayaan muna niya ang asawa, wala siyang narinig dito kahit ano maging ang magulang ay hindi din kinikibo kaya nagtatanong sa kanya nang dahilan na hindi niya masagot sa dami nang ini-isip.
“Nalaman ba niya ang tungkol sa atin?”
“Ate please wag mo nang dagdagan pa ang guilt ko, marami akong ini-isip.”
“Nagtatanong lang ako dahil biglang naging iba ang asawa mo.”
“Ako ang may kasalanan kaya wag mo na kaming paki-alaman.”
Tinalikuran na niya ang kapatid dahil pag nakikita niya ito ay nagbabalik sa kanya ang katotohanang ito ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Coney.
Ang mga kaibigan niya ang pinag-iisipan pero ano ang magiging evidence niya lalo at ayaw magsalita ng asawa, sapat na ba na itong mga ito ang iniwan sa bahay? Uunahin ba niya iyon o ang pag-aaruga sa mahal na asawa?
Nagising siya isang umaga na duwal nang duwal si Coney, halos umii-yak na ito dahil sa sama ng sikmura. Gusto niya itong himasin pero may takot sa isipan niya, alam niya ang senyales nang pinagkakaganito ng asawa at base sa kwenta niya ay kasabay ito nung araw na nagahasa ng hindi niya kilalang mga tao.
Pagtingi nito sa kanya ay may lungkot at nang tangkang hahawakan para alalayan ay tinabig lang nitoang kamay saka nahiga muli sa kama. Lalong naging tahimik at hindi pala kibo ang asawa, hanggangdinatnan nalang niya na naka empake ito at sinabing gusto na niyang bumalik sa bahay nila.
Duon nagkaroon siya nang pagkakataong kausapin nang masinsinan.
“Mahal, alam kong ako ang may kasalanan. Pero tulungan mo akong hanapin kung sino ang may gawa nito.”
Umiling siya, desidido na na hindi sabihin sa asawa kung sino ang bumaboy sa kanya. Mahal na mahal niya si Marco at hindi niya kakayaning mapahamak ito. Ayaw niyang may masabi ang pamilya nito sa taong naging napakabuti sa kanya.
Napakasakit tanggapin, maraming sana sa isipan niya pero nilamon na lang lahat ng takot sa maaring maging resulta kung may gagawin siyang hakbang kaya pinili nalang na manahimik.
“Hindi ko sila kilala, wala akong matandaan.”
“Mahal, paano!”
“Hindi mo ba naiintindihan Marco! Marumi na ako!”
“Mahal kahit na ano pa ang nangyari hindi kita pababayaan!”
“Hahaha! Pinabayaan mo ako Marco!”
“Mahal!”
“Sabagay pwede mo namang saluhin ang batang ito di ba. Para makabawi ka naman sa pagsira sa buhay ko.”
“Mahal wag namang ganyan, I’m the father of that child.”
“Hahaha, paano mo masisiguro? Alam mo ba kung ilan sila ha?”
“Coney please stop!”
“Marami sila Marco, marami silang bumaboy sa katawan ko.”
“Please stop!”
“Ayaw mong marinig? Di ba ayokong magsalita! Ayan alam mo na!”
Ilan lang ito sa mga pagkakataong di sila nagkasundo at naging sanhi nang pag-aaway na minsan ay naninira na sila ng gamit. Habang lumalaki ang tiyan ni Coney ay naging lalong masalimuot ang buhay nila, ayaw nitong lumabas habang siya ay bumaba ang self esteem sa isiping nasa paligid lang ang yumurak sa pagkalalaki niya.
Kahit ayaw ni Coney ay dinala niya sa Manila nang kabuwanan na nito para duon manganak, sa isang condo muna sila tumuloy habang naghihintay sa due date nang asawa.
Paglabas ng bata ay alam niyang anak niya kahit na may agam-agam pa, nangako sa sariling ipapakita sa asawa kung paano mahalin ang sanggol kahit na sino pa ang ama nito. Nakaramdam ng tuwa at pag-asa, ini-isip na pag nakita nito ang anak ay babalik ang Coney na minahal at pinakasalan. Na…