“Hello Marco!”
“Hello Tol!”
“Kumusta?”
“Ayus naman! May balita ba?”
“Hmmm, nagpunta na dito si Ms. Alberto.”
“Ms. Alberto?”
Ang unang pumasok sa isipan niya ay si Ms. Alberto na teacher nila, matagal na ding walang balita dito buhat nung nagka-ayos sila ni Coney. Nag-resign ito at ang balita niya ay nag Dubai ata pero wala namang na kwento sa kanya ang nasirang asawa.
“Si Alice, nagpunta na dito.”
“Okay!”
“May lead na kami, i-confirm lang naming para concrete ang report at magawan nang action.”
“Wala ka bang kahit anong pwedeng sabihin or anything pa.”
“Basta tol malapit sayo ang mga gumawa sa asawa mo.”
Gustong gumuho nang mundo niya dahil sa ganuong statement ay alam na niya kung sino ang sinasabi ni Rom.
“Okay tol, uwi ka na lang as soon as you can. Bye!”
Pagbaba ng telepono ni Rom ay may isang taong matamang na nakikinig sa usapan nila ni Marco. Agad nag padala ng mensahe sa tatlong tao para magkita sila sa isang resthouse kung saan sila madalas magtagpo.
Naunang dumating ang tatlo sa lugar kaya napagkasunduang uminom at tumira ng drogang ang kausap nila ang nag-susupply.
“Oh babe ang tagal mo naman!”
“Mga gago!”
“Cecille relax, ano ba ang problema?”
Naupo sa isang sofa ang babae, nanakit ang ulo niya sa sobrang pag-iisip. Naging napakasakit sa kanya nang bigla nalang siyang talikuran ni Marco matapos makilala si Coney, kahit na wala silang unawaan at kahit para-usan lang siya ng lalaki ay naging masidhi ang pagmamahal dito.
Para siyang basura na bigla nalang itinapon ni Marco, ni ha o ho ay wala. Basta nalang hindi pumunta sa kanila at pag nagkakasalubong sila ay para lang siyang hangin. Nagtanim siya ng galit at nangakong gaganti kahit na anong mangyari.
Nang mapansin niya minsan na nag-uusap-usap ang magkakaibigan dahil sa inggit kay Marco ay nakakuha siya ng paraan kung paano makaganti sa lalaki. Lihim na nakipaglapit sa mga kaibigan ni Marco. Ibinigay ang sarili kahit na nga ni hindi niya naranasan kahit minsan ang makarating sa climax at pinagamit nang bawal na gamot para mapasunod sa gusto niya.
Nag magkaroon ng pagkakataon ay kasabwat siya at nakabantay sa labas para sabihan ang mga ito kung dadating ang lalaki hanggang mag silabasan ito na tingin niya ay lango sa alak at sa droga. Gusto sana niyang pabalikin ang mga lalaki para patayin na ng tuluyan si Coney pero nakita niya ang ilaw ng sasakyang paparating at alam niyang si Marco ito kaya napilitan silang umalis na.
Nang magpakamatay si Coney ay sinubaybayan niya lalo na nang malamang isang matinik na imbestigador ang hahawak sa kaso. Pumasok siya bilang secretary kay Rom upang magkaroon ng update dahil alam niya na sasabit siya pag nalamang ang kaibigan ni Marco ang mga nagsamantala sa asawa. Ilang beses sinubukang makuha ang mga gamit ni Coney pero mahigpit ang pagkakasecure kaya nang ipakuha sa kanya ay todo kaba siya nang makitang dala na ng isa pang detective ang box.
“Ako na ang magdala.”
“Sorry Cecille, di pwede.”
“Ah okay!”
Nang matapos ang meeting ay alam na niya na may lead na kung sino ang nang halay kay Coney dahil sa pagtawag ni Rom kay Marco.
“Mga gunggong kayo, alam na ni Marco kung sino ang nang rape kay Coney kaya bilang na ang araw nyo.”
“Hahaha! May magagawa pa ba siya, wala na!”
“Ako meron pa!”
Mabilis na pinagbabaril ang tatlo, bulagta at duguan. Walang nakarinig dahil may silencer ang baril na ginamit niya. Mabilis na lumabas para kunin ang gasolina sa kotse, kailangang walang ebidensya sa pagpatay sa tatlo dahil siguradong ma-lilink siya sa krimen.
Ibinuhos niya sa katawan ng mga binaril saka inihanda ang lighter para sindihan na isang maling hakbang. Bago pa niya mahawak ang seradura ng pinto ay nahagip na ni Nico ang paa niya. Pilit niyang sinipa ang lalaki ngunit mahigpit at kapit kaya nang kumalat ang apoy ay nagpanic. Sa pagpipilit makawala ay natapakan ang dugo na naging sanhi para mabuwal at tumama ang ulo sa isang side table.
Unti-unting nilamon nang apoy ang kabuoan ng silid, hanggang ang kabuoan ng resthouse ay maging abo.
Paglapag na paglapag ng eroplano sa airport ay tawag agad ni Rom ang natanggap niya, dahil kinabukasan pa sila makaka-uwi sa San Vicente kaya sinabi nalang dito na kinabukasan magkita.
“Pare andito ako sa Manila, baka gusto mong magkita na tayo mamaya?”
“Sige, sa Sofitel kami.”
“Okay dun nalang kita puntahan.”
Sa coffee shop nalang sila nag-usap para hindi na hassle pa sa kanya.
“Pare hindi ko alam kung matutuwa ka o hind isa balita ko sayo.” Naipadala na niya sa lalaki ang kopyang sulat ni Coney kay Alice.
“Bakit?”
“Siguro sa ngayun alam mo na kung sino ang lumapastangan sa asawa mo.”
“Oo pero gusto kong kumpirmahin buhat sayo.”
“Si Mark, Nico at Nash.”
Nakuyom niya ang kamao sa sobrang galit na nararamdaman, handa na siya para ma-ipaghiganti si Coney.
“Siguro niloob na nang diyos na hindi mo ilagay sa palad mo ang hustisya.”
“Pare wala ka na dun, sakin na to.”
“Di mo nai-intindihan,” pagpapaliwanag nito.
“Ikaw ang hindi nakaka-intindi.”
“Pare wala na sila.”
“Mga hayup na yun, kahit saan sila magtago!”…