Magaling Na Kamay

“Ate Agnes, pasensiya ka na sa abala ha.” wika ng hipag niyang si Glenda, isang bente otso anyos na babae.

“Ilang araw lang namang makikituloy ang pinsan kong si Greg. Inaayos kasi yung bar na pinagtatrabahuhan niya, kasama na dun yung barracks nila.” Dagdag niya habang ipinapakisuyo sa hipag ang pansamantalang paninirahan ng isang trenta’y uno anyos na lalake.

“Okey lang Glenda. Maliit na bagay lang yan, maigi na din na me kasama kami dito habang wala ang kuya Carlito mo.” tugon ni Agnes, isang trenta’y sais anyos na ginang.

“Salamat Ate Agnes. Siyangapala, bakit pala wala si kuya Carlito ngayon?”

“Pinuntahan kasi nya kahapon yung nabili naming bahay sa ikapitong bayan. Sa isang linggo na ang uwi ng kuya mo dito.” sagot ni Agnes,”Ipinapa-renovate kasi namin yung mga kisame at flooring ng bahay pati na ang pagpapapintura. Nagustuhan namin yung lugar. Ibebenta din namin tong bahay para dun na kami titira.”

“Talaga Ate? Ang galing naman! Nakakatuwa naman. Big-time na pala kayo.”

“Hindi naman. Nabili kasi namin yung lupa’t-bahay sa murang halaga sa nagsangla sa’min. Kesa daw mapunta sa iba eh kami na daw ang makinabang.”

“Ang galing naman. So, okey nang iwan ko muna dito si Greg ha? Ilang araw lang naman Ate.”

“Oo. Okey na okey lang, Glenda. Naiintindihan ko naman, sa iisang kwarto lang kayong mag-anak nakatira. Nandun na lahat sa iisang kwarto.”

“Salamat talaga Ate Agnes. Paano aalis na’ko. Utus-utusan mo na lang yang si Greg habang nandito siya, marunong sa gawaing bahay yang pinsan ko.”

Iyon ang huling bilin ni Glenda sa kanyang hipag bago umuwi sa kanilang bahay sa kabilang bayan.

Gabi na at naghahanda ng makakain si Agnes. Nakasuot siya ng isang medyo maluwag na duster. Maalinsangan kasi ang panahon. Sa loob ng kaniyang suot ay mapapansin ang magandang hubog ng kaniyang nakatakip na alindog.

“Anak, pakitawag na si Tiyo Greg mo at kakain na kamo.” wika ni Agnes sa anim na taong gulang na anak na lalake.

Sumunod ang bata at tinawag ang kanilang panauhin. Lumabas ng kwarto si Greg. Naka-sando lamang at maikling shorts ang lalake. Napansin ni Agnes ang malaking umbok sa loob ng shorts ni Greg.

“Greg, saluhan mo na kaming mag-ina. Sumabay ka na sa pagkain.”

Umupo ang lalake sa maliit na lamesa. Katabi niya ang anak ni Agnes. Magkaharap sila ni Agnes habang kumakain. Di maiwasang magdikit ang kanilang mga binti sa ilalim ng lamesa. Ramdam ni Agnes ang init ng balat ni Greg sa kaniyang binti.

Napapansin din ng ginang ang pagsulyap ng lalake sa kaniyang malusog na dibdib.

“Greg, ano nga palang trabaho mo?” walang malisyang tanong ni Agnes. Para lamang mawala ang tensyon sa kanila.

“A-eh…kwan…sa club…isa akong waiter.” tugon ng lalake.

“Ahhhh. Bale ginagawa pala yung pinapasukan mo ngayon?”

“Oo Agnes. Ipinaayos kasi ng management dahil medyo luma na daw yung interior ng bar.”

“Pano yun Greg? Wala muna kayong kita habang inaayos yung bar nyo?”

“Mabait naman yung boss namin. Bayad yung ilang araw na di kami makakapagtrabaho.”

“Mabuti naman pala kung ganun.”

Habang kumakain sila ay nakikita ni Agnes sa lalake ang kakisigan ng katawan nito sa moreno nitong balat.

“Tito Greg, usog po kayo ng konti.” pakiusap ng anak ni Agnes. Nasisikipan sa puwesto nito ang bata habang kumakain.

Umusog ang lalaki at mas nagdikit pa ang balat nina Greg at Agnes. Nalislis paitaas ng bahagya ang laylayan ng duster ni Agnes. Ang tuhod ng lalake ay umabot na sa makinis na hita ng ginang.

Natapos na silang kumain at inayos ni Agnes ang kanilang mga pinagkainan. Dinala niya iyon sa lababo upang hugasan.

Habang naghuhugas ay naramdaman niya ang pagdikit ni Greg sa likod niya.

“Ako na ang maghuhugas niyan.”

Sa pagkabigla ay napaharap si Agnes sa lalake. Dumikit sa lalake ang malusog niyang dibdib sa suot niya.

Naramdaman din ni Agnes ang matigas na laman ng lalake sa suot nitong shorts na dumikit sa ibaba ng kaniyang puson…dumikit iyon sa ibabaw ng kaniyang pagkababae.

Nakatingin sa kanya si Greg.

“A-ako na Greg. O-okey lang ako.”

“Sige. Tawagin mo lang ako sa kuwarto pag me ipapagawa ka Agnes.”

Makalipas ang ilang oras, himbing ng natutulog ang anak ni Agnes sa kanilang kwarto. Siya naman ay hindi dalawin ng antok. Naisip niya ang nangyari sa kanila ni Greg sa upuan at lalo na sa lababo.

Hindi niya maintindihan ang sarili. Iba ang pakiramdam niya habang magkadikit ang kanilang mga balat.

Iba ang naramdaman niya nang dumikit ang matigas na laman na iyon sa kaniya.

Nakadama ng kakaibang init sa katawan si Agnes mula doon. Parang may gustong lumabas na init sa kaniyang pagkababae.

Naglalaro sa kaniyang isipan ang isang bagay, “Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Nalilibugan ba ako kay Greg?” aniya.

Nanuyot ang lalamunan ni Agnes. Lumabas siya ng silid upang uminom ng malamig na tubig sa ref.

Pages: 1 2 3 4