Ang kuwentong inyong matutunghayan ay alinsunod sa mapanuksong imahinasyon nang may akda. Ang mga pangalan nang mga tauhan na mababanggit ay pawang kathang-isip. At ang bawat eksena o kaganapan, kung may pagkakahalintulad man sa tunay na mga pangyayari ay hindi sinasadya.
Sa pagpapatuloy……
Bisperas nang kapaskuhan, sa pagsapit nga ng araw na iyon ay naging abala ang mag-ina sa ihahanda nilang pang noche buena. May halong pagkasabik at pag-aalala si Wena, sabik sa pagtatapat nila ni Daniel sa kanilang balak. At pag-aalala sa kung ano ang maaaring maging reaksyon nang anak. Kaya nga habang abala ang dalawa ay hindi maiwasan ni Wena na masdan ang anak at umaasa na lamang ito na magiging maayos ang kanilang magiging paghaharap.
Hanggang sa sumapit ang alas otso nang gabi, habang tahimik na nakaharap sa kaniyang laptop ang dalaga. Isang bisita ang dumating, agad na tinungo ni Daphne ang pintuan upang alamin ang nasabing bisita. At nang makaharap na nga niya ang lalake na si Daniel ay agad niyang inalam kung ano ang pakay nito.
Daphne: ano pong kailangan nila?/(tanong nito)
Daniel: magandang gabi… (paunang tugon niya) andyan ba mommy mo?
Wena: sige sandali ho… (pagpapaalam nito at tinawag ang ina)
Nagtungo sa may pintuan si Wena at agad na nagbigay ng isang halik sa pisngj sa lalake at pinatuloy niya ito. Nagtataka naman si Daphne sapagkat sa walang binabanggit ang ina na mayroon silang panauhin sa gabing iyon. Ganoon pa man ay tuloy lang ito sa ginagawa niya, sandali pa ay dito na siya tinawag ng ina. Sandali pa munang hindi kumilos ang dalaga na tila tinapos muna nito ang ginagawa. At sa pagkakataong iyon nang tuluyan nang makalapit at makaharap ang dalawa, dito’y tila nagdadalawang-isip si Wena sa pagtatapat niyang gagawin.
Wena: anak, si.Daniel.nga pala… (halatang kabado ito) uhm… si Daniel, boyfriend ko! (ang tuluyan niyang pag-amin)
Tila natigilan si Daphne sa kaniyang narinig sapagkat hindi niya alam na may karelasyon ang ina. Sa pagkakaalam nito ay abala lamang ito sa tindahan at wala rin siyang nakitang lalake na umakyat ng ligaw.
Daphne: hindi ko alam na may boyfrien…