The desire to be loved is one of the primal forces that rules all that lives. But what if it’s beyond that?
-A.C.N.L
Bago lang ako dito sa Maynila. Taga probinsya talaga ako. Pero dahil nga maliit lang ang oportunidad dun, eh naisipan ko ng makipagsapalaran dito. Tawagin niyo nalang akong Eli. Nakapag tapos din naman ako sa kursong entrepreneurship sa community college ng bayan namin, at maswerte na din na nakapasok bilang admin office staff(purchasing officer) sa isang ecozone ng cavite.
Nakatira ako sa isang apartment sa Trece. Medjo may pagkaluma na yung bahay pero tahimik at maaliwalas naman. Medjo papasok din siya at lalakarin mo pa konti sa mula sa kalsada. Kung babae siguro ako, matatakot ako maglakad kasi yung isang gilid ng eskinita ay pader ng pabrika, at yung kabila naman ay matatas na talahiban. Pero dahil lalaki naman ako ay okay lang.
Madami akong ikinabigla sa lugar dito sa Luzon. Kasi nga probinsyano. Kahit pa tinuturing na din na probinsya etong Cavite. Kaya madalas pagtapos ng opisina ay diretcho na ako uwi. Pero isang araw niyaya ako magsamgyup ng mga katrabaho ko. Sa totoo lang unang beses ko makapunta sa mga ganyang klaseng kainan pero dahil pakikisama na din sumama na din ako.
Gabi na kami natapos. Alas nuwebe na din ata nun. Naenjoy ko naman sila kausap. Natatawa sila sa mga birong pang probinsya. Akala nga daw nila guard yung aapplyan kong trabaho kasi tindig ko daw pang militar.
Pagkababa ko ng jeep ay biglang buhos naman ng ulan. Swerte nalang kasi may waiting shed malapit. Hinubad ko nalang leather jacket ko habang sumisilong.
Nung nakasilong na ako napansin ko na may nakaupong babae. Nakayuko lang siya pero tiningnan niya ako saglit. Pero sa saglit na yun, naaninag ko itchura niya. Maputi yung kutis niya, tchaka may pagkameztisa. Nung inayos niya buhok niya papunta tenga, sumulyap ako ulit konti. Ang ganda ng korte ng mga mata nya. Nakadamit pajama lang siya kaya nagalala ako baka lamigin siya.
Eli: “May hinihintay kayo maam?”
Hindi lang siya kumibo. Halatang natatakot siya kaya napahiya ako ng konti.
Eli: “Sorry maam pero madalang pa naman mga tao dito. Baka gusto niyo muna umuwi.” Sabi ko sa kanya. Sabay abot ng jacket ko kasi parang nilalamig na talaga siya.
Babae: “O-okay lang. Hinihintay ko asawa ko”
Pagkasabi niya nun medjo dumistansya ako isang hakbang. Syempre mahirap na baka dumating asawa niya. Baka ano isipin. Sa puntong yun medjo tumila na din ulan.
Eli: “Ay sige po maam. Ingat po kayo dito.” Sabay taklob sa ulo ko nung jacket ko. Sisimulan ko na sana maglakad pero bigla ko siya narinig
Babae: “Wala kaba payong?”
Eli: “Wala po eh. Bago lang din kasi ako talaga dito. Hindi pa ako nakabili madaming gamit”
Babae: “Kanto ka din no? Sige sabay nalang ako sayo”
Nagsimula na kami maglakad. Habang naglalakad naaamoy ko bango niya. Kung titignan kami dalawa aakalain na magkasintahan kami. Ang cute niya maglakad medjo maliit kasi siya kesa sakin, 5’10 kasi ako.
Eli: “Ako nalang hawak sa payong” sabi ko sa kanya. Inabot niya naman agad yung payong. Aaminin ko hindi ko nga akalain na may asawa na siya. Pero sa singsing sa kamay niya naisip ko na totoo nga. Napansin ko din na parang may pasa siya sa may bandang pulso
Eli: “Eli pala pangalan ko. Pero Eleazar talaga buo” pakilala ko sa kanya.
Babae: “J-Jane” sabi niya sabay tingin sakin.
Aaminin ko. Hindi ko alam bakit pero nahypnotize ako sa ganda niya. Lalo na sa mga mata niya. Pero bakit parang ang lungkot niya.
Tumigil kami sa isang bahay. Napansin ko na saktong likod talaga siya nung nirerentahan ko. Halos magkadikit na pero may pagitan padin na kasya siguro tao.
Eli: “Ay dito ka naba?” Tanong ko.
Jane: “Oo san kaba?”
Eli: “Iikot pa ako jan sa kanan. Pero grabe ah halos magkahalikan na pala tinitirhan natin”
Napansin ko ngumiti siya. Kung alam niyo lang ano naramdamdaman ko sa ngiting yun. Pero d na siya sumagot tapos p…