Magkatapat Na Bintana 6

“Hindi mali ang magmahal, ang mali lang ay ang oras na bigay ni kapalaran”
:ELEAZAR REGALA

_____________________________

“Sir pangkain lang pooooo” sambit ng pulubi habang inaalog yung baso sa harap ng motor. Nakastop yung traffic light at medjo madami kaming mga nakamotor na nasa harapan ng crossing.

“Sir” ngiti sakin ng pulubi. Hindi ko napansin na nakangiti din pala ako at sinasalamin niya lang expression ko sa mukha. Kumuha na ako ng mga barya sa bulsa. Matapos kong dukutin ay tinignan ko sa palad ko. Medjo nagulat yung pulubi sa nakita niya sa palad ko pero hindi lang siya gumalaw at tumitig lang sakin. Inabot ko na yung nadakot kong mga barya sa pulubi.

“Sir!” sabay abot niya sakin na para bang may hindi siya tatangapin sa mga inabot ko sa kanya. Kinuha ko yung inabot niya.

Eli: “Basyo pala to.” bulong ko sa sarili. Pero sa halip na mag-alala ay tuloy parin ako sa pagngiti.

“Amoy nyo ba yung parang sobrang tapang na polbora!” sabi ng babaeng angkas sa katabi kong motor. Hindi ko na pinansin yung ingay ng paligid at mga sinasabi nila. Sa halip ay puno parin ako ng ngiting tumingin sa traffic light.

Flashback [Ilang Linggo ang Nakalipas]

*Tok…tok….tok*

Bumukas yung pintoan sa kwarto. Pagkabukas ng pintuan, nakatingin palang ako sa baba ay kita ko agad yung makikinis na kamay na may dalang makakapal na kurtina. Hindi man ako nakatingin sa itsura ng may-ari ng kamay na yun ay kilalang-kilala ko kung kanino yun. Hinawakan ko kaagad yung kamay na yun at hinila papasok ng kwarto.

“BAT KA NANDITO!!!” mariin niyang sinabi matapos malaglag sa sahig yung mga dala niyang kurtina.

Eli: “Hindi ko na kaya…..
……….
……….
………
Jane” hindi ko na napigil sarili ko at niyakap ko siya.

Jane: “Pleaseeee. Makikita tayo ni mama” sambit niya habang nasa ilalim ng mga braso ko at nagsasalita sa dibdib ko

Jane: “Kalma kalang okay” kumawala siya sa yakap ko at tumingin pataas sakin. Ang puro talaga ng ngiti niya, nakakahawa. Kaya kahit hindi ko alam ay napangiti na din ako.

Jane: “Upo muna tayo. Dito tayo magusap” Umupo ako sa higaan habang siya naman ay pinulot muna yung kurtinang nakakumpol sa sahig bago umupo sa tabi ko.

Eli: “Para san ba yan?”

Jane: “Hayyyy” buntong-hininga niya ng malalim.

Jane: “Balak kong isara na talaga tong bintana at lagyan ng makapal na kurtina. Dahil nga sa…..” pansin kong nahihiya siyang ituloy sasabihin niya sana.

Eli: “Bakit ba hinahayaan mo din siyang gawin sayo yun” hindi din ako makatingin sa kanya at binaling nalang ang tingin sa pader. Kita ko na kahit pala maayos tong kwarto kung titignan sa labas, pero kung mula sa loob ay kita na nakatuklap na yung ibang bahagi ng pintura.

Jane: “Mahirap sabihin. Parang ayoko din” sagot ni Jane

Eli: “Grabe ano paba ikakahiya mo eh nakita na nga kitang-“ napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya ako hinampas sa balikat.

Eli: “Ay sorry naman! Ganun talaga dapat. Gawin nalang na biro mga nangyayaring hindi maganda sa buhay natin. Natutunan ko yun sa Corps”

Jane: “EWAN KO SAYO!”

Eli: “Sige na nga sorry na” sabay harap sa kanya pero iniiwas niya tingin niya sakin.

Tumayo siya para ipagpag yung kurtina. Sa pagpapagpag niya ay may nakarinig siguro sa labas ng kwarto. Bigla naming narinig yung kaluskus mula sa labas.

*GINAAAAA* tawag ng isang babae sa labas ng kwarto sabay katok sa pinto

Jane: “Shh! sa baba dali!” sabay turo niya sa ilalim ng kama

Nagmadali akong pumailalim ng kama. Hindi kita mula sa pinto yung baba ng kama kaya okay lang na pagtagoan dun. Dahil di nakalock yung pinto ay bigla nalang binuksan nung kumakatok. Mabuti nalang at nakatago na ako ng maayos. Nakatayo sa gilid ng kama si Jane at nilapag ulit sa sahig sa may paananan niya yung kurtina.

Babae: “Iha napakuloan mo na yung tsaa ko?”

Jane: “Opo Ma”

Babae: “O sha, para san yang mga kurtinang yan?”

Jane: “Ilalagay ko sana sa bintana Ma”

Babae: “Bakit naman? ayaw mo mailawan dito sa loob?”

Jane: “Hindi naman Ma. Parang naninilip kasi yung tenant nina manang Tess sa tapat” sabi ni Jane sabay tadyak kurtina papunta sakin sa ilalim ng higaan.

Babae: “Sige sige. Ikaw bahala. Baba ka mamaya hah para mahanda yung ligoan ko” sabi nung babae sabay sara ng pinto.

Agad agad namang pumunta si Jane sa pinto para ilock. Bumalik siya sa gilid ng kama sabay upo sa sahig patagilid. Hinila niya yung kurtina na nakatakip sakin.

Jane: “Malalagot ako sa ginagawa mo dito sa kwarto”

Eli: “Naninilip daw”

Eli: “Kita mo ba ako nun eh may kurtina naman tchaka madilim”

Jane: “Alam ko yan no. Kayo pa mga lalaki. Pag may pagkakataon” pinulupot niya yung kurtina at humiga na din siya sa sahig. Humarap siya sakin habang nakahiga. Yung pinagkaiba namin, nasa ilalim ako ng kama at siya naman nasa labas.

Habang natatamaan si Jane ng liwanag ng bintana ay kita ko yung repleksyon ng puting liwanag sa dibdib niya, yung mapupula niyang labi, yung makinis niyang pisngi, yung malugay niyang mga buhok, yung madamdamin niyang mga mata. Sa puntong yun hindi ko namalayan na nakatitig lang ako sa kanya. Bigla ako ngumiti.

Jane: “Ngiti ngiti ka jan”

Eli: “Ang ganda mo kasi”

Jane: “Sus! Naninilip ka na nga, bolero kapa” sabay ikot niya ng mata.

Eli: “Grabe naman to ayaw makapaniwala”

Jane: “Hindi na kasi ako sinasabihan niyan ni Jake. Kaya baka hindi totoo”

Eli: “Bakit ka kasi nagtitiis sa kanya. Sinasaktan kalang naman. O baka gusto mo din ginagawa niya sayo”

Jane: “Hindi mo lang kasi naiintindihan” nakasimangot na siya nung sumagot sakin

Eli: “Bakit ayaw mo kasi ipaintindi”

Jane: “Basta!”

Jane: “Nga pala. Bat ayaw mo dun sa kwarto ni Celine tumambay?”

Eli: “Celine?”

Jane: “Oo Celine. Yung anak nina manong Manuel at manang Tess”

Jane: “Kunwari pa siyang hindi kilala”

Eli: “Eh gusto ko dito”

Jane: “Dun ka nalang. Maganda din naman yun ah. Tchaka nagpapageant yun alam ko”

Eli: “Ay ganun? Eh kahit na, dito nalang ako”

Jane: “Bakit?”

Eli: “Hindi mo lang kasi naiintindihan”

Jane: “Edi itry mong ipaintindi sakin”

Eli: “Basta!”

Jane: “HOY! LOKO KA AH-“ sabay abot sakin para hampasin balikat ko

Eli: “Oh bakit? Ano na naman ginawa ko?”

Jane: “Ginagaya mo linyahan ko!”

Eli: “hahahaha. Pag ikaw pwede tapos ako hindi”

Nagtatawanan lang kami habang naguusap ng ganun. Hindi namin namalayan na matagal na pala kami dun naguusap.

Eli: “Uy yung inutos sayo ng mama mo”

Jane: “Byenan. Ay oo nga pala!”

Jane: “Sige alis kana. Buti malabo na paningin ni mama. Hindi niya nakita yang hagdan mo”

Eli: “Buti nga eh. Nga pala!”

Jane: “Bakit? Katakot naman tong nga pala nga pala neto”

Eli: “Magpipintura kasi ako ng pader sunod na weekend. Sabay ko na kaya yung dito sa inyo”

Jane: “hmmmm…Sige sige, akin nalang paint. Daliiiii naaaaaa!” sabi niya sakin habang tinutulak ako mula likoran papuntang bintana.

Pero tumigil ako at humarap ako sa kanya, niyumakap ko siya ulit. Hindi siya lumaban sa yakap ko, sa halip ay hinimas himas niya lang likod ko.

Jane: “Sige na sige na. Balik kana sa kabila. Nang aakyat bahay kapa eh”

Nagsimula na akong gumapang dahan dahan sa hagdan papunta unit ko. Lumingon lingon pa ako sa direksyon ni Jane habang nakatayo lang siya sa may bintana. Nagaakma pa siyang galawin yung hagdan.

Eli: “Hoy!” sambit ko ng madiin pero hindi malakas. Napatawa lang siya sa pagkataranta ko. Aaminin ko siguro nahuhulog na ako——pero hindi sa kung ano—–kundi sa kung sino.

Nagdaan ang mga araw sa linggong yun at naging ritwal ko na ang pagkauwi ay pumupunta ng bintana. Nakikita ko siyang nakadantay lang sa bintana.

Eli: “Inaabangan moko no” sabi ko sa kanya isang beses

Jane: “Hindi no. As if” sambit niya. Habang nakatingin lang siya sakin naghubad ako ng longsleeve at sando sa harap niya.

Eli: “Sino ngayon naninilip?” sabi ko sa kanya ng nakangiti

Jane: “Dun ka sa kwarto mo magbihis uy. Exhibisionist lang”

Minsan hindi ko natitiis at pinupuntahan ko siya para makatabi ng malapitan. At bago umalis ay mayakap man lang siya. Kahit ganun lang, yakap. Hindi ko alam bakit parang ang sarap sa pakiramdam. Maski dun palang sobrang nagpapasalamat na ako

Dumating na ang araw ng sabado. Umaga palang ay nandun na ako sa kwarto ng bahay nina Jane tapat sa unit ko. Maski siya ay nagulat nung nandun na ako.

Jane: “Ang aga mo naman” sambit niya habang sinasara pinto.

Eli: “Wala din magawa tapos magjogging eh”

Eli: “Bakit maaga ka din gumising?”

Jane: “Inaakyat ko dito mga pintura eh. Kakatapos ko lang din”

Eli: “Kawawa ka naman pala”

Jane: “Paakyat ko sana siya kay Jake. Kaso hindi talaga siya umuwi ngayong week. Hindi din siya nagchat or message samin ni mama niya”

Medjo napalunok ako ng laway nung binanggit ni Jane si Jake. Hindi ko alam isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung——sasabihin ko ba.

Jane: “May brush ka din pala na dala no?”

Eli: “Ahh- huh!?”

Jane: “Okay kalang?”

Eli: “Iniisip ko lang yung- yung kulay kung bagay” nagsimula nalang akong magpintura.

Habang nagpipintura kami ay hindi sadyang matalsikan kami ng pintura. Pareho kaming nakasando kaya yung mga mantsa ay halos sa balat lang namin dumidikit. Napatingin ako sa kanya nung may nakita akong dumikit sa dibdib niya.

Jane: “Enjoying the view?” sabi ni Jane sabay pitik sa noo ko.

Eli: “Hindi! Grabe ganun ba talaga tingin mo sakin. May pintura oh.” sabay turo ko.

Jane: “Ahh hayaan mo yan. Maliligo naman ako mamaya.”

Mabilis din kami natapos magpintura ng kwarto. Patapos na sana kaming magligpit ng gamit ng biglang may kumatok ulit.

*Toktok….*

Dali dali akong nagtago sa ilalim ng higaan. Pero nagulat ako kasi sumunod din si Jane. Magkaharap lang kami habang nasa ilalim ng kama. Naghahagikhik lang kami habang nasa ilalim.

“Ginaaaaaa”

“Janneeee”

“Anjan kaba sa loob?” sigaw ng byenan ni Jane.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at tumingin sa loob. Dahil siguro matanda na siya, naging sensitibo na siya sa amoy ng pintur…