Mahilig Sumugal (Superpower) Chapter 2

Paalala: Ang kwentong ito ay pagmamay – ari ni Hymen, nawa’y magustuhan ninyo ang obra ni Hymen. 🙂

Ang simula ng pag – gamit.
Hymen’s POV:
Ilang gabi na din akong hindi makatulog dahil paulit – ulit ko napapanaginipan yung matandang tinulungan kong tumawid bago maganap ang operasyon. Pinaalalahanan pa nga akong huwag ng tumuloy pero sa kabaitan ko sa among kong intsik, tinuloy ko pa din. Natatakot din ako sa sinabi nung matanda na ipapasa niya ang kapangyarihan niya sakin.

Upang ipagpatuloy ang kanyang gawi na magsugal ako sa casino at yung 50% na kikitain e itabi ko para makapagpatayo ng bahay ampunan.

Gusto nang matanda na sa kabutihan ko lamang gagamitin ang 100% na kapangyarihan. Kung magamit ko man daw sa hindi maganda ang kapangyarihan ipagkakaloob niya sa akin e dapat sa pansariling kapilyuhan lamang.

Dahil wala naman daw kasing perpektong tao na pagnabiyayaan ng kapangyarihan e imposibleng hindi ka mapapaisip ng gumawa ngmasama.

Matutulog na ako upang magkalakas ako bukas na hanapin siya magpapasama nalang ako kay Beverly bukas para hindi ako mahirapan sa paghahanap ng matandang hinahanap ko para masagot ang katanungan ko sa matanda alam kong hindi nagbibiro ang matanda sa panaginip ko dahil nakikita ko sa mata niya ang pagkaseryoso niya…..

Kinabukasan: Natakot si Hymen ng may marinig si Hymen na kaluskos pero ng maamoy ang sariling pabango ni Beverly. Nawala ang kaba niya

Hymen: Beverly nandiyan ka ba? Beverly? Wag mo naman ako takutin magsalita ka naman Beverly.

Beverly: Opo. Hindi na kita tatakutin ikaw pa ba e loves na loves kita hymen. (Sabay kurot sa pisngi ni Hymen)

Hymen: Hahaha! Tama na baka lumaki pa yang pisngi ko. Pangit na nga ako dahil wala nakong mata so iniingatan ko pisngi ko para hindi ako pumanget ng husto kahit wala nakong mata.

Beverly: Wushooo ang pinakamamahal kong tampo siya. Kiss kita sa cheeks. Mua :*

Hymen: Yuck d ka pa nagtoothbrush e. Anyway may gagawin ka mamaya? Samahan moko punta tayo Rotonda. Mag babakasakali ako na mahanap ko ang kasagutan kung bakit paulit – ulit sa panaginip ko yung magandang niligtas ko noon.

Beverly: Sige, uuwi muna ako sa amin para makapagayos makapagpaalam na din sa parents ko na may pupuntahan tayo. Wait moko ha.

Hymen: (snooze)

Beverly: Ang bilis naman netong makatulog. (Paalis na sana si Beverly ng marinig niya ang pangalan niya sa bibig ni Hymen)

Hymen: Beverly. Huwaaaaaag! Huwaaaaag mo akong iiwan Please. Natatakot ako na iwan moko

Beverly: (Napangiti si Beverly ng marinig niya ang pangalan niya. Nagulat pa nga ito nung ayaw siyang paalisin! Akala niya nagising na si Hymen pero pag lapit niya) Nananaginip lang pala akala ko totoo na lahat ng sinasabi niya. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga no Hymen sabay sabing. Lumipas na nga ang panahon pero yung damdamin ko para sayo e hindi padin nagbabago. Darating din ang araw na makakakita kang muli.
( Nakita niyang tumulo ang luha sa mata ni Hymen! Kaya dali – dali siyang naglakad pa uwi para makapagpaalam at makaligo nadin)

Hymen’s POV
Makalipas ang ilang minuto nang umalis si Beverly.
Hymen: (Hingal na hingal at pawisan si Hymen ng siya’y nagising) Ano kaya ang ibig sabihin ng matanda na matagal niya na akong sinusubaybayan….. Ang tagal naman bumalik ni Beverly para mahanap na namin yung matanda sa panaginip ko.

Makalipas ang ilang minuto simula ng mabanggit ni Hymen ang pangalan ni Beverly.

Beverly: (Excited si Beverly na lumakad pabalik kay Hymen dahil pinayagan siya ng magulang niyang pumunta sa labas kasama si Hymen. Kahit strikto ang magulang ko pinapayagan ako kapag si Hymen ang kasama ko. Nagtataka na nga ako dahil nagaalala pa sila kay Hymen kaysa sa akin pero ayos lang mahal ko naman si Hymen).

Nakabalik na si Beverly sa tinitirhan ni Hymen pero natakot siya ng makitang nakabukas ang bahay ni Hymen. Nagmadali siyang pumasok sa loob ng tirahan ni Hymen kung maayos lang ba siya or baka may nawawala.

Beverly: (Pinasok niya ang kwarto ni Hymen pero hindi niya makita ang miski anino ni Hymen) Nadaanan niya ang cr. Nakita niya sa sahig na nakakalat ang mga damit ni Hymen. Nilagay niya ang mga sinuot ni Hymen sa laundry basket na binili niya sa Divisoria hindi ko ineexpect na kaya palang makarating ni Hymen dito sa CR ng siya lang magisa. (Makapaghanap nga muna ng mga damit na isusuot ni Hymen para makaalis na kami)

Nakahanap si Beverly ng damit ni Hymen terno sa suot nito ang nahanap niya. Hindi niya pa nakitang nagsuot si Hymen ng color pink kaya tinerno ng dalaga ang susuotin ng binata.

Beverly: (Bumalik sa CR at tinanong si Hymen) Hindi ka pa ba tapos maligo ? Bilisan muna jan para makaalis na tayo.

Hyme…