Kaya heto ako ngayon sa tapat nang isang malaking bahay na pag-aari ng mga Lamsen.
Pano ako napunta dito? Dito nagtratrabaho si tita Mel. At sabi niya mayaman daw ang Lamsen ngunit siya lang ang katulong at ung isang driver. Dahil laging nasa abroad ang mga Lamsen kaya sila lang ang katiwala sa bahay.
Dahil may emergency si tita at kinelangan umuwi sa probinsya. Sinabi niya na ako muna ang papalit sa kanya tutal kelangan ko din ng pera. At yun na nga pumayag ako.
Ang problema ko pano ba ako papasok dito? Jusko baka pag bigla akong pumasok pagkamalan akong magnanakaw ng mga multo sa loob. Don’t get me wrong syempre walang tao sa loob edi multo ang huhuli sa akin sa pagiging trespassing ko.
Nako Nako naman. Si tita kasi eh. Hays. Ahh. Matawagan nga si mang toto.
Magpapasundo na lang ako kay mang toto para di ako matrespassing. Jusko mahirap na. Madagdagan pa problema ko ulit. Tutal nasa akin na number ni mang toto, binigay ni tita para incase na mawala daw ako.
Dialing Mang Toto. . .
Elise: Mang Toto, si elise po to. Pamangkin ni Tita Carmen.
Mang Toto: Asan ka na ba. Nako nandito na si Sir. Kanina pa nagagalit.
Elise: Ha? Ahh ehh. Andito po ako sa labas ng bahay. Di po ako makapasok. Baka po matrespassing ako.
Sabi ko habang iniisip kung anong pwedeng ipalusot kung sakali mang tanungin ako. Pero teka sabi ni tita nasa abroad ang buong pamilya. PATAY AKO NETO nubayaan. Anjan pala si Sir Xander.
Siya si Xander Chase Lamsen ang nag-iisang anak at COO ng kompanya nila. Ayon kay tita carmen. 25 years old si Sir. At tama nga ang sabi matangkad siya at may matipunong katawan. Sabi ni tita iwasan ko siya dahil may ugali siyang di ko nanaisin. PERO PATAY TALAGA!!
Mang Toto: Ano ka ba naman na bata ka! Pumasok ka na. Andito ako sa building ng Lamsen at may pinakuha sa akin. Sige na pasok na.
Elise: Kasi. . .
NAMAN. . Pinatayan talaga ako. Badtrip oh. Wala pang nagpapatay ng tawag sa akin. Sa ganda kong to. Gash!!
Bahala na nga. Papasok na ako. Kelangan pa impress agad kay Sir kung sino mang sir yan. Si Tita naman kasi.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng gate habang ingat na ingat na di makagawa ng ingay. Kelangan kong makapasok sa kusina. Dumaan ako sa likod bahay baka sa kaling bukas ang pinto. Sinasabi ko na nga ba para akong magnanakaw neto bwisit. Dadaan ako sa likod ng bahay di ko nga alam pasikot sikot. Bahala na talaga!!
Nakarating ako sa likod at may nakita akong pintuan. Siguro naman eto ung sinabi dati ni tita na pinto sa likod.
Pinihit ko ung door knob habang nagdadasal na sana bukas. At sa kasamaang palad bukas ngay. YES! Iniwan ko muna mga gamit ko sa likod at pumasok.
Magluluto na muna ako pampaimpress. Tutal wala naman uniform na kelangan isuot dito.
Hinanap at kinuha ko na ang mga kelangan ko sa pagluluto habang dahan-dahan pa rin para walang ingay.
Habang nagluluto ako may naramdaman akong nakatingin sa akin. Pero di ko pinansin. Ayokong isipin na multo un. Gusto kong magsurvive dito.
Elise: WAHHH MULTOO. . .
Sa sobrang gulat ko napasigaw n…