Mang Banong- Pangahas Ka

Sa mga followers ko lalo na sa sumusubaybay sa PAGSUBOK, sa ngayon ay hindiko muna maitutuloy ang kwento ko dahil nasira ang ginagamit kong
PC, na reformat ang hard disk ko kaya nawala lahat ng files ko, ang
malungkot lang ay wala man lang akong back up, bukod sa PAGSUBOK ay gumawa din ako ng maiikling kwento pero kasama din iyon sa mga nawala kong files, nagpahinga ako ng ilang buwan dahil nawalang bigla ang
pinaghirapan ko ng ilang gabi.

Hayaan nyong bumawi ako sa inyo ngayon at sisikapin kong ipagpatuloy
ang naudlot kong kwento.

Maulan na hapon ang muling tumambad sa akin pagkalabas ko ng aking silid, malamig na simoy na hangin at panaka nakang pag ambon. Kape, kape ang aking laging kasama tuwing hapon, kahit ano pang panahon. Pumunta ako sa aking kusina para mag init ng tubig para sa aking kapeng barako. Nung matapos ay binitbit ko
na ito sa balkonahe at duon nag muni muni. Kumusta na kaya ang aking mga anak at mga apo, sana man lang ay makapunta sila dito sa linggo, sa aking kaarawan, sabi ko sa aking sarili.

Banong, yan ang aking palayaw, Mang Banong sa aking mga ka baranggay at sa aking mga tenant, 60 anyos at balo(biyudo) na ng halos 15 taon.Namatay ang aking mabuting maybahay sa sakit na Cancer sa bituka, may anak
naman akong tatlong babae at dalawang lalake na lahat ay may kanya kanya ngmga pamilya at naninirahan sa ibang probinsya kayat heto akong mag isa
sa aking malaking tahanan kasama ang aking alagang aso na si putol. Kung ilalarawan ko ang aking sarili ay isang akong ordinaryong matanda lamang, puro puti na ang aking manipis buhok, sa itsura naman ay ayaw ko mang mag buhat ng sariling bangko, may itsura naman ako lalo na nung kabataan ko,sa katawan ko naman ay hindi ako nagpabaya, kagaya ng bilin ng aking yumaong asawa, na wag kong pabayaan ang aking kalusugan.Limang beses sa isang linggo kung akoy mag ehersisyo, lahat ng pagkain ko ay masusustansya kaya napanatili
ko ang aking tindig, dahil na rin sa aking naging propesyon noon. Sa pinansyal na aspeto naman ay wala na akong mahihiling pa, malaki ang aking dalawang palapag nabahay, dalawang kwarto sa ibaba at tatlo naman sa taas, may dalawang kotse
din akong regalo ng aking mga anak, may paupahan din ako sa tapat lang mismo ng aking bahay,dalawang palapag din ito at may limang butas sa parehong palapag. Kungtutuusin ay nasa akin na ang lahat pero tila malungkot pa rin ang aking
buhay.

Habang humihigop ng mainit na kapeng barako at nagmumuni muni sa aking balkon ay
may taong tumatawag sa aking pangalan sa labas, nang marinig iyon ay kumuhaako ng payong para tignan, nang masiguro ko kung sino ay pinagbuksan ko agad
ito ng gate. “magandang hapon hoMang Banong” si Elmer pala, isa sa aking mga tenant.“oh Elmer ikaw pala, anong atin?”iaabot ko langho sana itong bayad namin sa
apartment
sabay abot sa akin ng pera .“Mang Banong pasensya naho kayo at dalawang
libo lamang ang maiaabot ko ngayon, gagawan ko na lang ho ng paraan ang kulang”.
ayos lang yon iho,kahit sa pag sahod mo na lang ibigay ang kakulangan, kaysa mangutang ka pa sa mga may patubo” .”maraming salamat ho Mang Banong, hayaan nyo ho at pagkasahod na pagkasahod ko ay ibibigay ko ho agad ang kakulangan” .”walang anuman Elmer, naiintindihan ko naman at ngayon lang naman kayo nagkukulang sa bayad dahil sa pandemya” “oo nga ho Mang Banong, simula ho nung nagka pandemic eh talagang naapektuhan na ho ang kabuhayan namin, maige nga ho ngayon at nakakabangon na kahitpapano” “oh siya, pumasok ka muna sa loob kaysa naman dito tayo nag
huhuntahan sa labas, para makapag kape na ka na rin” “kahiya hiya man hong tanggihan ang alok nyo eh may pasok pa ho kasi ako, hayaan nyo ho at sa linggo ay pupuntahan ko kayo dito sa bahay nyo para madayo ko kayo ng inuman” “ah ganunba, ay siya sige at sa linggo na lang kita aantayin, aasahan kita”
“wag kayong mag alala Mang Banong, hindi ako mawawala, lulutuan ko kayo ng masarap na
pulutan. sige ho at mauna na ako” “ahh sige sige”.

Halos sampung taon ko na ring tenant ang mag asawang Elmer at Celia kasama ang dalawanganak nilang babae na edad kinse at katorse. Isang security guard sa
isang ospital si Elmer at si Celia naman ay factory worker.

Kinaumagahan, menos kinse sa alas kwatro ay gising na ako, nagsimula na akong mag linis ng aking bakuran, kahit pa may katulong akong pumupunta sa araw ay mas gusto kongkumikilos sa bahay. Alas siyete pasado, habang ako ay nasa balkonahe at
humihigop ng kape ay nakarinig muli ako ng pagtawag sa labas ng gate, boses babaeat alam ko na kung sino iyon, si Celia. Agad akong tumayo para pagbuksan
siya ng gate. “magandang umagaho Mang Banongbati sa akin ng ginang. Maigi na lang at walang laman ang aking bibig dahil kung nagkataon ay baka naibuga ko iyon, mula sa paang malilinis ang mga kuko paakyat sa hitang malalaman at mapuputi at sa kanyang matambok na harap na kahit natatakpan ng hapit na cotton shorts ay halata ang alsa, paakyat sa kanyang tiyan na bagaman may kauting laman
ay bumabagay pa rin sa kanyang katawan paakyat sa isang pares ng dibdib na kita ang hiwa nito sa gitna at talaga namang alam mong may ipagmamalaki at kahit pa may panloob ito ay hindi maitatago ang kayamanang iyon,umakayat pa ang tingin ko sa kanyang leeg na kay puti at parang kay sarap samyuhin,sa nakaka akit na mukha, may katangusan na ilong, labing kahit walang lipstick ay
sadyang mapupula at mga matang malamlam pero parang laging nakangiti sa sino mang makakakita, sa dalawang segundong iyon ay parang kay tagal, parang tumigil ang oras saaking paligid, siguro ay dala ito ng aking pagkatigang ng napakahabang panahon.
Sa sampung taon ay halos araw-araw ko itong nakikita ay tila ba hindi ako nasasanay, tila ba araw araw din akong nagkakasala sa aking asawa. Wala ng arte si Celia kanyang mga isinusuot kahit pa nasa loob siya ng aking bahay, marahil ay akala nya nawala lang sa akin iyon pero iba sa akin, iyon ang nakakapag pabuhay lagi ng
aking dugo.

Oo at matagal na akong walang kabiyak ngunit kailanman ay hindi sumagi sa isip ko ang kumuha ng bayarang mga babae, bukod sa inaalagaan kong reputasyon sa aming bayan ay takot akong makakuha ng malubhang sakin, narito naman si maria para ako ay damayan isahanggang dalawang beses sa isang araw.

“oh Celia, ano bang atin?” “iaabot ko lang sana itong niluto kong ulam, paborito nyo ito Mang Banong, sinigang na bangus” “nako nag abala ka pa, maraming salamat dito”sabay kuha ng malaking mangkok na may saping pinggan. Hindi ko maiwasan na hindi mahawakan ang kamay ngginang sa pagkuha ko ng kanyang iaabot, dinama ko muna saglit ang kanyang malambot na
kamay at pagkatapos ay sinapo ko na ang ilalim ng plato. “maramingsalamat Celia“. Naka ngiti lang sa akin ang ginang. Suskopo, para akong aatakihin, kay ganda ng maybahay ni Elmer, kung akoy garapal ang pag uugali ay matagal ko ng ikinama itong babaeng nasa harap ko, dangan lamang. Ramdam ko ang unti unting pagkabuhay ng aking pinagmamalaking alaga kaya
mabilis akong nagpaalam sa ginang, sa pagmamadali ko ang naiwan ko pang bukas ang aking
gate, pagbalik ko naman ay wala na rin si Celia kaya ako na rin ang nagsara ng gate mula sa loob.

Halos araw araw akong dalhan ng ulam ni Celia na ikinasisiya ko naman dahil araw araw ko
siyang nakikita, hindi man laging maiigsi ang suot nya ay ayos na sa aking, masaya na rin ako, masaya akong nakikita ko siya, hindi na bago itong nararamdaman ko, alam kong matagal na akong nahulog kay Celia pero mali, sa maling tao. Alam kong ito rin ang dahilan kung bakitmas malapit ako sa kanilang mag anak kaysa sa iba ko pang mga tenant.

Sumapit ang linggo, alas singko pasado na nung akoy magising, alam kong kaarawan ko ngayon
pero parang ordinaryong araw lang ito para sa akin, kagaya lang din ng mga nagdaang taon. Kagaya ng nakagawian, naglinis ako ng bakuran pagkatapos ay nagkape na ako sa balkon. Wala pa akong isang minuto sa aking kinauupuan ay may tumatawag na sa labas kaya agad akong tumayo para pagbuksan kung sino man iyon, si Merla pala ang tumatawag,ang aking kasambahay, alas otso ang pasok nya at alas singko naman ang uwi, ngayon ay napaaga yata ng pasok dahil alam nyang kaarawan ko ngayon. Masyado na yata akong nag nag iisip, ang akala ko ay ibang taona babati sa akin.

Alas sais ay pumunta na ako ng bayan para makabili ng handa na maipapamigay sa aking mga kapitbahay at mga tenant, napapa iling na lang ako dahil ang sampung libo ko ay gasino lamang ang nabili, hindi kagaya nung araw na ang limang libo ay kasya na para sa isang handaan, sadyang
kay taas na ng bilihin ngayon. Nung matapos ko ang pamimili ay agad akong umuwi sa bahay,
menos diyes para sa alas otso na ako nakarating sa amin, ang pinagtatakhan ko lang ay andami
atang nakaparadang sasakyan malapit sa amin, ni hindi ko maipasok ang aking sasakyan kaya ipinarada ko ng ayos ang sasakyan at agad na bumaba para pumasok sa bahay, pabukas ng gate aynakita ko si Elmer, nakangiti ito sa akin at agad na bumatihappy birthday Mang Banong”“salamat Elmer” “pano ba yan Mang Banong, nakapag luto naako ng pulutan, toma na ba?”
“ikaw naman Elmer masyado kang maaga, mamaya nyan tulugan mo ulit ako” “ay hindi na mauulit
yon Mang Banong” “pero maiba nga ako, bakit andaming sasakyan sa labas, hindi ko tuloy maipasokang sasakyan ko” “tara sa loob Mang Banong para malaman nyo”.

Pagpasok ko sa loob ng aking bahay ay halos maluha ako sa akig nakita, lahat ng anak ko ay
naroroon, pati ang kanilang mga asawa at ang aking mga apo ay naroon din. Walang mapag sidlan ang kagalakan na nadarama ko, pinigil ko na lang ang lumuha dahil ayokong maging masyadongemosyonal lalot hindi nila ako kilalang ganoon.

Isa isang lumapit sa akin ang aking mga anak at mga apo para humalik, magmano at bumati sa
akin ganun din ang aking mga manugang. “ano Tay? masaya kaba ngayon?tanong ni Joey, ang
panganay kong anak na lalakinaku mga anak, masyado nyoakong pinasaya” “kailangan din
naming bumawi sayo Tay, tagal na nating hindi nagkakasama sama
ang bunso ko naman, si Jino.
hayaan nyo Tay, dadalasan na namin ang pagbisita dito, gumawa na rin kami ng schedule para
naman lagi kayong may kasama dito, mahirap na”
si Jessa, ang pangalawa sa panganay.

Umaga pa lang ay masyado ng abala ang mga anak ko sa bahay, wala na halos akong ginawa dahil
ayaw nila akong pakilusin dahil nga kaarawan ko naman daw, pati si Elmer ay abala din, siya nadin ang naging tiga bili ng mga kailangan sa mga lulutuin. Lumabas ako para pumunta sa
aking mga tenant para yayain silang kumain mamayang t…