Note: Ang babae sa picture ay ang totoong Monic.
Enjoy reading.
Taong 2009..
“Puta pare stun mo naman.. gangbang na yun e.”
“Ohh ito middle may kasama sa gilid ha.. abang lang.”
“Bro ka-clash yan sila abangan wag magdikit-dikit matatalunan tayo ng ES!”
Kainitan ng larong DOTA Ver.1 ..online game sa desktop na kinabaliwan ng napakaraming kabataan.. babae man o lalaki.May kaidaran o bata.Isa na kaming magbabarkada ang nahumaling dito.Halos gabi-gabi kaming naglalaro.Kapag araw ng Biyernes dahil walang pasok sa trabaho kinabukasan ay overnight ang laruan nito sa isang kilalang computer shop na malapit sa aming barangay.
Kapag picking pa lamang ng mga heroes ay kanya-kanya kaming ALT-TAB at nagse-search sa google,makinig ng kanta o manuod ng video sa Youtube o kaya naman ay manood ng porn sa mga pornographic websites.. pero pinakamadalas naming ginagawa ay ang mag-FB!Bahala si Captain pumili ng aming mga heroes na gagamitin sa laro.Dito kadalasang badtrip ang tropa na nakatoka sa pagpili ng mga heroes.Paano ba naman.. tutok sya sa picking at hindi makagawa ng iba sa kanyang desktop ng basta-basta.Hindi kagaya namin.
“Taena!” bulalas ko.
“Ganda na nitong kabatch ko nun high school ah.. ano nakain nito?” dugtong ko.
“Patingin?!” halos sabay-sabay ang tropa.
Basta babae ang paguusapan e tila mga KURIMAW ang mga itong akala mo e lalantakan agad ang babaeng aming nakikita sa FB.
“Oo nga ano.. bakit hindi ba yan maganda dati pare?” tanong ni Jimmy.
“Hindi e.. dito may mga lumang larawan ito malamang.Stalk natin.”
“Tara,tingnan natin!” nasasabik na sabi ni Jimmy.
“Ito pre.. hindi ba?Sakto lang naman.Hindi naman siya pangit.” saad ko.
“Ahh oo,mas maganda lang talaga siya sa ngayon.” halos sabay na pagkakasabi ni Jimmy at Jonas.
“Pre.. pasipat naman niyan daya ninyo ako ginawa ninyong captain sa laro e.” saad ng isa pa naming tropa na si Perry.
“Makisipat ka na lang pre.. libre naman hehehe.” sagot ko.
Patuloy ako sa pagtingin ng mga larawan nito sa kanyang mga photo albums sa FB.
“Ahhh kaya!Nagjajapan pala ito!” saad ko.
“Kaya pala pre e.. talagang magiimprove itsura niyan.” sagot ni Jonas.
Ilang saglit pa ng pag-stalk sa mga pictures nito ay..
“Panalo ito ah?Sino to?” bulalas ko.
“Panalo pre..sino kaya yan?” tanong ni Kenneth.
“Di hamak na mas maganda yan pre kaysa doon sa kabatch mo!” dugtong nito.
“Oo pre,panalo ito!”
“Oi mga pre!Game na!Balik na sa laro!” sigaw ni Perry.
Nag-save photo ako sa desktop na gamit ko that time ng babae na yun na pumukaw ng aking atensiyon.Sobrang panalo.Aakalain mong artista.Ni wala sa 1/4 nito ang aking batchmate noon highschool na namangha din ako dahil sa pagibayo ng kagandahan nito.The ugly ducklinh turned into a beautiful swan ika nga.Pero iba talaga ang level nitong isa niyang kasama sa picture.
So sa madaling salita ay click ADD AS A FRIEND ako.. oo talagang kada tapos ng laro namin ay pilit kong hinanap ang pangalan nito doon sa mga pictures ng kabatch ko na kasama siya.Hindi naman ako nabigo.. may nakita akong picture na naka-tag siya.Sa madaling salita nakita ko ang pangalan niya.. I stalked her account.Di makita kung taken ito o single.Hindi pa naman kami friend sa FB that time.
So,siya si Monic.Panalo talaga.Yung ngiti,kutis at appeal e pang derbihan talaga.Tipong kapag kasama mo e kaiingitan ka ng mga kabaro mong makasasalubong.Natapos ang magdamag naming laro ng DOTA.Umuwi kami ng bahay,laman ng isip ko itong si Monic.Na-starstruck ako.. hindi ko man inaasahan na i-confirm niya ang friend request ko e nagbakasakali na din ako.Nakatulog akong iniisip ko ang babaeng tila pantasya lamang na maging girlfriend ko.
Lumipas ang ilang araw sa pagbukas ko ng FB account ko ay nakita kong nagconfirm ito sa aking friend request.Laking tuwa ko.Sinubukan kong magchat.Hindi naman sa seen ako pero hindi nya ito nababasa.Halos isang linggo na akong naghihintay ng reply niya.. wala talaga.Hindi naman ito fake account panigurado dahil kasamahan siya ng kabatch ko sa Japan.Alam kong totoo ito.. legit sabi nga.Pero ayun nga lang.. sa itsura nito hindi malayong gwapo din ang hanap.
Nagstalk ulit ako ng fb account nito.. dito nakita ko ang isang larawan ng lalaki na tila modelo.Hawig ito ng isang male sexy star noong dekada 90.Nabasa ko din ang mga palitan nila ng comments.. boyfriend pala ito ni Monic.Single lang pala nakalagay na relationship status nito pero sa totoo ay nasa isang relasyon pala.
Sa paglipas ng ilang linggo ay halos nalimutan ko na si Monic ng dahil sa aking nakita o nalaman.Sino ba naman ako para tangapin nito kahit isang chatmate lamang?Napakasimple ko.Hindi ako yung tipong boyfriend na pang-display.But despite of that e masasabi kong hindi naman ako pangit.Pero ayun nga,base sa itsura ni Monic e ika nga.. hindi ka-level.
Patuloy lamang ang paglipas ng mga araw.. unti-unti ay nalilimutan ko na ng tuluyan si Monic.Hindi rin naman kasi ito pala-post sa FB.Medyo privy din itong tao,yan ay base sa obserbasyon ko.Sa hindi inaasahanh pagkakataon ay nakatangap ako ng reply mula dito.
“Hi,walang ano man po.” sagot niya sa chat message kong nagpapasalamat sa pagconfirm niya ng aking friend request.
Nakita ko na onlinr ito.Naglakas loob akong i-chat ulit.
“Ganda ninyo po miss.Okay lang ba makipagfriend o chatmate?”
“Oo ba.” sagot nito.
Nagsimula ang aming paguusap via FB chat.Nagkakilanlan ng bahagya.Totoong pangalan,edad,trabaho etc ilan sa mga bagay na napagusapan namin.
“Naku miss salamat pero baka magalit boyfriend mo na magkachat tayo.” saad ko.
“Hindi yun,alam niya naman na palakaibigan ako.Tska siya la…