Naghahanda sila Rits at Les sa kusina. “Tiya Rits, pwede ba magtanong?” nahihiyang sambit ni Les. “Ano iyon Les?” “Matagal na ba silang… ganyan?” Napatingin si Rits, ngumiti. “Siguro napakasama na ng tingin mo sa kanila ano? Pero gusto mo ba talaga malaman kung paano nagsimula?” Tumango ng ilang beses ang ulo ni Les. Umupo sila sa labas, sa hardin. “Nakikita mo ba ang ang malaking punong iyon?” tinuro ni Rits ang isang tagong puno sa kaliwa ng hardin. ” oo, ano ang meron dun?” “Diyan nagsimula ang lahat Les. Sa mismong sulok na iyan. Diyan nagpatayan ang dalawang kapatid ni Tatay Rol.”
Nanlaki ang mga mata ni Les. “Oo, Les… masaya at nagkakasunduan noon pa ang mga kapatid ni Rol, hanggang sa patagong nakikipagkita pala ang kanilang kuya Ren sa asawa ni Roger. Mahal na mahal ni Ren ang asawa, kaya nang malaman niya ang tungkol sa dalawa ay nakipagbuno ito sa kapatid hanggang sa mapatay niya ito sa sakal. Hindi matanggap ni Roger sa nagawa, nagbaril ito sa sarili pagkatapos.”
“Kaya pala, ayaw pag-usapan ni Randy kapag nagtatanong na ako sa kanyang mga nakaraan.” Tumahimik ulit si Les. Gusto niya malaman ang lahat-lahat. Pinagpatuloy iyon ni Rits. “Si Lilly ay muntik nang patayin ng mga iba pang kapatid ni Tatay Rol. Nagmakaawa si Lily, pinangakong pagsisilbihan silang lahat. Nalaman nilang buntis din siya at si Ren ang ama. Diyan mismo sa punong iyan nila natagpuan ang mga bangkay ng kanilang dalawang kapatid.”
“Magmula noon ay nagsilbi sa kanila si Lily. Pinalaki nila ang anak nito na parang tunay na anak. Lahat sila ay tumayo bilang isang ama dito. Pero hindi dun nagtapos ang problema. Buntis na naman si Lily. Sumiping na naman pala ito sa isa sa kanila. Nag usap-usap ang mga magkakapatid. Nagpasya si Rol. Mula ngayon, hinding-hindi sila magkakagulo dahil sa kanilang mga asawa. Tama na ang pagkamatay ng dalawa sa kanila. Hindi nakalimot si Lily sa kasunduan kapalit ang kapatawaran. Siya ang unang asawa ng lahat ng mga Desdado.”
Pumasok sila sa bahay. “Tiya…