(MaGNuS)
This is not a love story but this is a story about love on how between two individuals whom started from hatred and regained the longed kept love inside their hearts.
Dekada 80, isang mainit na tag-araw, isinama ako ng aking tiyahin para bisitahin si nanay, sa isang hacienda na pinapasukan ng aking ina bilang isang punong katiwala at yaya ng isa sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa aming nayon.
Unang pagkakataon kong nasilayan ang isang napakagandang batang babae. Siya ay walang iba kundi si Maxene ang batang inaalagaan ng aking pinakakamahal na ina na si Dolores. Buhat nuon ay tumatak na siya sa aking puso at isipan, isang pangarap na pag-ibig sa murang edad ngunit sa isang gunita ito ay isa lamang suntok sa buwan.
Katatapos ko lang ng Grade 6 nuon nang ako ay ganap na nanirahan sa Hacienda Montefalco. Isinama ako ng aking ina upang tumulong na manilbihan para makapagpatuloy at makapagtapos sa pag-aaral kahit na High School man lamang.
Ako nga pala si Donato, Dondon ang palayaw ko, isang batang nasunog sa araw ang balat ngunit di talaga ako maitim, batak ang katawan dahil sa trabaho at sanay sa kahirapan, anak ng isang magbubukid at katiwala.
Nanilbihan ako bilang hardinero, taga-linis ng mansyon, sasakyan at swimming pool. Minsan ako din ang tagapagtanggol at personal na alila este alalay ni Maxene sa bahay man o sa paaralan.
Suplada’t mapagmataas si Maxene dahil na din siguro sa kinagisnang estado sa buhay. Napakaganda nya at kumikinang ang kaputian ng kutis na alaga sa mga mamahaling sabon at lotion. May mahabang buhok na lagpas sa kanyang balikat na nakadagdag sa mapang-akit niyang alindog at personalidad kahit siya ay magha-high school pa lamang tulad ko.
Sa aking pagtira sa mansyon, malimit akong pagbalingan ng topak ni Maxene. Hindi nya rin ako tinatawag sa aking pangalan o palayaw man lang bagkus ay binansagan nya akong “Negro“. Andyan na magkalat ng dumi matapos akong maglinis ng bahay, sirain ang mga bulaklaking halaman na matagal kong pinagyabong sa kanilang hardin, bilang sabunutan ng walang dahilan at ang pinakamalala ay lagi nya rin aking pinapahiya sa paaralan na aming pinapasukan. Lahat ng ito ay pinalilipas ko na lang dahil sa laki ng utang na loob naming pamilya sa kanila. Di ko na din ito sinasabi pa sa aking ina.
Parehas kami ng paaralan ni Maxene, duon ako pinapasok nang kanyang ama na si Don Facundo. Tanging anak ng medyo nakaka-angat o may kaya sa buhay ang karamihang nakakapasok sa pribadong paaralan na ito. Meron din naman ibang mag-aaral na nasa mababang antas ng pamumuhay na nabiyayaang maging iskolar ng paaralan.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ng aming kamag-aral na akoy isang tagasilbi lamang sa kanilang pamilya at pinalad na makapsok sa paaralan na ito gawa ng kanyang mabutihing ama. Ang masaklap ay naging magkaklase pa kami. Dito nagsimula ang pagiging personal alila ko kay Maxene pero okey lang sakin dahil pansin ko na parang naiinggit pa nga yung ibang mga binatang kasing edad namin at yung mga nasa mas mataas na antas na sa aming paaralan.
Ako ang taga-bitbit nya ng mga gamit sa school; taga-bili ng meryenda nya at ng kanyang mga kaibigang katulad nyang may mga kaya sa buhay; taga gawa ng mga assignment at project.
“Hoy negro bitbitin mo nga to…..”
“Hoy negro ibili mo nga kami……”
“Hoy negro gawin mo nga to……”
“Opo senyorita Maxene” ang aking laging tugon sa kanya.
Maraming mga pagkakataon din na ako ay naging tagasalo ng kanyang mga kasalanan. Minsang gumala sila ng kanyang mga kaibigan at isinama ako sa isang malaking pamilihan para gawin tagasunod at tagadala ng kanilang pinamili. Hindi ko alam na inudyukan pala si Maxene ng mga kaibigan kung kaya niya bang magpuslit ng mamahaling lipstick sa tindahan ng hindi nahuhuli.
Sumunod naman si Maxene sa hamon, naunang lumabas ang dalawa niyang kaibigan at ako naman ay bumuntot sa kanya papunta sa mga sari-saring nakadisplay na mga pangbabaeng pangkolorete sa mukha. Napansin kong para siyang balisa at panay ikot ng tingin. Dumampot ng lipstick sa estante at mabilis nyang isinilid sa bulsa na akin namang nasaksihan. “Masama yan senyorita, baka mahuli kayo” saway ko sa kanya. “Manahimik ka diyan Negro at huwag kang pahalata” pabulong na may halong banta ng pandidilat ng mata at taas ng kaliwang kilay. Pinili kong manahimik at pabayaan siya.
Sa kasamaan palad bago pa man kami makalabas ay hinarang kami ng dalawang guwardya sa tindahan, isang babae at lalake na guwardiya. Huli na mapagtanto na meron palang nakamasid sa amin. Maagap kong dinikitan agad si Maxene at dinukot ko yung lipstick na kanyang kinuha at isinilid ko sa aking bulsa ng pantalon. Hindi naman napansin ng mga guwardiya ang aking ginawa dahil natakpan ito ng aking mga bitbit na pinamili.
Alam kong naramdaman ng aking senyorita ang aking kamay na pumasok sa bulsa ng kanyang palda ngunit di na siya halos nakakilos sa kaba at pamumutla mula sa kanyang kintatayuan buhat ng kami ay pahintuin ng guwardya. Batid niya ang malaking eskandalo at kahihiyan na maaring mangyayari. Nakita din kami ng kasama naming kaibigan niya ngunit nuong nagkaroon ng konting komosyon ay nagsialisan ito at iniwan kami para di madamay sa gulo.
“Tigil saglit, nais po sana namin kayo makausap at imbitahan sa opisina” wika ng guwardiya sa aming dalawa.
“Sa anong dahilan po?” sagot ko naman.
“Nakita po kasi yung kasama mo ng isa sa aming mga tagabantay ng tindahan sa pagkuha at pagpuslit ng bagay na hindi dinaan sa kahera para bayaran” sabi ulet ng guwardiya at agad na hinatak si Maxene sa gilid ng babaeng guwardiya upang suriin ang kanyang bulsa. Kinapkapan siya ngunit walang nakitang bagay na pinuslit nya.
Hinila naman ako ng lalaking guwardiya at nabitawan ko pa halos yung mga bitbit ko. Ipinalapag sa akin sa may tabi ang aking dalahin at ipinataas ang kamay para akoy ganap na mainspeksiyon. Nakuha sa bulsa ko ang lipstick na tinutukoy nila. Agad akong humingi ng tawad sa aking nagawa ngunit di ako pinagbigyan, dinala kami pareho ni Maxene sa kanilang opisina.
“Sir nagawa ko lang naman lahat ng iyon dahil nais ko pong regaluhan ang aking ina ngunit wala po akong pera” pagdadahilan kong paliwanag sa kanila.
“Maari po bang pakawalan nyo na po si senyorita Maxene dahil wala po siyang kasalanan malalagot po ako ng husto nito o di kaya ay mapapatay ni Don Facundo, please maawa na po kayo sir” pagsusumamo ko sa kanila na di madamay si Maxene.
“Don Facundo Montefalco ba yang tinutukoy mo?” tanong ng lalakeng guwardiya sa akin.
“Opo yun po at anak nya po itong kasama ko. Ako po ay katiwala nila at nautusang samahan si senyorita sa kanyang pamimili. Naalala ko po ang aking ina na bigyan siya ng ganito ngunit wala po akong pera kaya naiisipan kong ibulsa… sana ay mapatawad nyo po ako” sinserong kong hingi ng tawad kasama sa din ang pagluha upang ganap kong mapagtakpan si Maxene.
Duon lang parang nakabawi ng huwestiyo sa pag-iisip si Maxene at bigla na lang niya akong sinabunutan ng husto sa harap ng mga guwardiya at taga opisina. “Walang hiya kang negro ka idadamay mo pa ko sa katarantaduhan mo, di ka na lang nagsabi sa akin nang sa gayun di na ako naabala pa at nakaladkad sa ganitong pangyayari” mataas na boses nyang sabi sakin na sinabayan ng sampal at hampas pa sa akin.
Umiyak na lang ako at nagsawalang kibo, tinanggap ko ang lahat ng dahil sa aking labis na pagtangi kay Maxene na aking senyorita at para maprotektahan ko siya sa anomang kapamahakan. Inako ko lahat ng kasalanan at tinanggap ko ang kanyang pang-aalipusta sa harap ng ibang tao.
“Pwede ho bang bayaran ko na lang ang ninakaw nitong negro na ito at baka mapatay pa ito ni Daddy kapag nalaman kahit doblehin nyo na ang halaga” wikang pakiusap nya sa taga-opisina. “Ah opo maam, sige po pahingi na lang po kami ng ID at mga katunayan na anak kayo ni Don Facundo” wika ng manager sa kanya.
Pumayag naman ang pamunuan ng tindahan dahil sa impluwensiya ng kanyang ama. Pinayagan na kaming makaalis at akoy nag-ayos ng konti ng aking sarile. Sumakay kami pauwi ng kanilang magarang sasakyan. Wala kaming kibuan parehas habang nasa biyahe.
Nakarating kami sa mansyon. Bumaba ako agad upang pagbuksan si Maxene at upang maipasok na din ang mga napamili. Dinala koi to sa kanyang silid at pinasok. Naghihintay lamang si Maxene sa may pinto at inaantay akong makalabas ng silid. Bago ako ganap na makalabas narining kong nagsalita si senyorita “Hoy Negro salamat sa pagpapakabayani mo“. Nilingon ko siya at sinagot ko lang sa mapagkumbabang boses “sana hindi na maulet muli senyorita”.
“Bakit sinabi ko bang gawin mo yun negro, tseh umalis ka na nga diyan, ang tanga-tanga mo” padabog nyang wika sabay serado ng malakas ang pinto. Naglikha ito ng malakas na kalabaog. Napasilip tuloy si inay sa aming gawi.
“Ano yun anak? Sanay pagpasensiyahan mo na ang senyorita mo. May mga pinagdadaanan lamang yan” wika sakin ni nanay. Tumango na lamang ako ng payuko bilang pagsang-ayon at pumunta na din ako saking silid upang makapagpalit ng baro upang makapagpahinga matapos makakain.
At dumaan pa ang mga araw na walang pagbabago sa ugali ng aking senyorita Maxene. Palagi pa din akong pinapahiya sa paaralan, naging kasiyahan na yata nya ang makita akong nagdudusa ng walang kasalanan.
Ang aking paghanga at pagsinta kay Maxene ay isinantabi ko na lamang sa aking sarile. Hanggang sa makilala ko ang isang binibining nakakuha ng aking atensiyon. Gaya ko din siyang galing sa mahirap na pamilya. Isa siyang iskolar na mag-aaral sa paaralan na ito.
Si Jasmine isang simple at payak na babae, walang arte sa katawan at napakabait. Nagkakilala kami nung minsan nagkaroon ng programa sa paaralan. Simula nuon ay lagi na kaming nag-kakausap at nagkakasama.
Iniwasan ko na din hanggat maari si Maxene sa paaralan. Napansin naman eto ni senyorita. Hanggang isang araw ay nakita nya kaming masayang magkasama at kumakain ni Jasmine sa bilihan ng mga kakanin sa bayan. Lagi ko na kasing hinahatid si Jasmine kung uwian matapos kong maihatid ang gamit ni senyorita sa kanyang sasakyan.
Huminto ang kanyang sasakyan at sabay biglang sigaw ni Maxene sakin “hoy negro umuwi ka na agad at may iuutos ako sayo, ang sweet nyo bagay kayo hahaha”. Sinabi ko na lang kay Jasmine na pasensiya na, ganyan talaga ugali ng aking amo.
“Grabe talaga yan si Maxene, buti natitiis mo Don” wikang may pag-aalala sakin ni Jasmine. “Hayaan mo na, nasanay na ako dyan” sagot ko na lang kay Jasmine. Hinatid ko na din agad si Jasmine sa kanila matapos namin kumain at umuwi na din ako agad ng mansiyon upang gawin ang utos ng aking senyorita.
Medyo madilim na nung ako ay nakauwi ng mansiyon. Hinanap ko agad si Maxene para sa kanyang ipag-uutos, inakyat ko ito sa kanyang silid, kinatok para pagbuksan nya. “Bukas yan negro” sigaw nya. Inawang ko ng konti ang pinto at nakita ko siyang nakatalikod suot lamang ay isang roba. Senyorita ano po yung ipagagawa nyo? tanong ko kay Maxene. “Negro linisin mo ang pool at maliligo ako” utos sakin ni senyorita. “oho” sagot ko sa kanya sabay talikod at sara ng pinto upang tunguhin ang pool.
Makalipas ang higit sampung minuto, nakita ko si Maxene sa aking likuran na nag-aalis ng kanyang roba. Tumambad sa akin ang kanyang seksing katawan na natatakpan lamang ng isang saplot na pulang swimsuit. Halos malaglag ang panga ko sa aking nasaksihan. Tumingin siya sa akin nagsalitang “hoy ang manyak mo negro makatingin“. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agad sana akong aalis nang muli siyang magsalita “oh saan ka pupunta, pinaalis na ba kita negro, ikuha mo ako ng juice sa loob, paki sabi kay yaya Dolor“. Tumango na lamang ako at humayo na sa kusina upang sundin ang utos ni senyorita.
Pagbalik ko ay kakaahon lang ni Maxene, lalong humulma sa kanyang katawan ang suot nyang swimsuit, halos di ako makatingin sa kanya. “Negro abot mo nga sakin yung tuwalya at ilapag mo na lang dyan yung juice ko“. Nakatayo parin ako malapit sa kanya, tinitingnan ang bawat haplos at dampi nya ng towel sa kanyang katawan. Di ko napansin na nakatingin sakin si Maxene habang ginagawa nya ito at nakataas ang kaliwang kilay. “Shheeetttt” huli na naman ako nito usal ko sa aking isip sabay talikod na upang umalis.
“Siguro may gusto at pagnanasa ka sa akin negro noh, hahaha asa ka pa, swerte mo lang makita akong ganito dahil dito ka nakatira” sambit nya habang akoy naglalakad papalayo upang pumasok sa loob para makatulong sa ibang gawain. Sobrang nanliit ako sa mga narinig buhat sa kanya.
Lalo pang naging malapit kami sa isa’t-isa ni Jasmine hanggang sa sagutin na nya ako. Nalaman ito ni Maxene, sa kagustuhang saktan ako at paghiwalayin kami ni Jasmine ay gumawa ito ng paraan kasama ng kanyang mga kaibigan. Kinausap nila si Jasmine. Pinapipili kung ano uunahin nya ang pagmamahal nya para sa akin o ang iskolarship nya sa school. Isa sa mga benefactors ng foundation sa iskolarship nya ang mga pamilya nila Maxene gayun din sa mga kaibigan nito.
Di ko nabatid ang biglang pag-iwas sakin ni Jasmine ng walang dahilan. Nakipaghiwalay na rin siya sa akin kahit wala na man kaming pagtatalong namagitan sa akin. Ang masakit pa ay makalipas ng ilang buwan ay may bago na siyang kasintahan. Sobrang nadurog ang aking puso.
Tuwang-tuwa si Maxene na makita akong nagdadalamhati sa nangyari. Inaasar pa ako na ang pangit ko daw bagay sa pagiging negro ko. Hindi ko na lamang siya pinansin.
Pinalipas ko na lang ang sama ng loob ko sa pamamagitan ng pag-aaral magmaneho at pagkumpuni ng sasakyan kapag wala akong pasok sa paaralan. Di naman nagdamot sa akin ang kasamahang mga driver at mekaniko dito sa mansiyon. Nalibang ako at tuluyan nang nakalimot sa aking unang kasintahan.
Isang pagkakataon nagkita kami muli ni Jasmine, pinilit kong malaman ang dahilan. Inamin nya sa akin lahat. Nagpuyos ako sa galit. Umuwi ako para komprontahin si Maxene sa kanyang ginawa at pangingi-alam sa aming relasyon.
“Hindi ka na ba magbabago Maxene, napakasama nang ugali mo, pati relasyon namin ni Jasmine sinira mo. Tinanggap ko lahat ng mga pang-aalipusta mo at pinagtatanggol ka sa lahat na pwedeng ikasama mo, pero ano, ano ang iginanti sa lahat ng mga kabutihan at pagtitiis na inalay ko para sayo” malakas kong sigaw sa kanya sa di mapigilang bugso ng damdamin.
“Kung anong ganda mo ay siya naman pangit ng ugali mo, sayang nung una pa lang kitang nakita humanga na sana ako sayo, nagkaroon ako ng sikretong pagtangi. Tiniiis kong lahat at umasang mapapalapit ako sayo kahit pagiging kaibigan lang ngunit sadyang wala kang pake sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka na lang umasta at ituring ako na parng hindi tao o kakilala man lang” sunod kong sabi sa kanya habang siyay di makagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa gulat.
Nasaksihan ni Don Facundo ang aking nagawang pagsigaw sa kanyang unica-hija. Pinalayas ako sa mansiyon. Wala daw akong utang na loob. Pinigilan ako ng aking ina na huwag nang umalis at pakikiusapan na lang nya si Don Facundo at ihihingi ako ng tawad ngunit buo na ang aking desisyon na umalis na dito na dapat ay matagal ko nang ginawa.
Inayos ko na ang aking mga kagamitan, lumabas ng mansiyon at nilingon ko pabalik muna ang kabuuan bago ako lumabas ng gate, nakita ko si Maxene sa teresa ng kanyang kwarto, nakatanaw sa akin at humihikbi’t lumuluha, kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Hanggang sa tuluyan na akong nakalayo. Napagpasyahan ko na sa Maynila na ako makikipagsapalaran dala ang aking kakaunting ipon at pangarap na makaahon.
Ibat-ibang uri ng trabaho ang aking pinasok sa Maynila para mabuhay. Nang medyo makaipon ay nag-bukas ako ng maliit na talyer. Dito ko na rin dahan-dahang tinapos ang aking pag-aaral at kumuha ako ng kursong auto-mechanic.
Pinalad akong makarating ng amerika at nakapasok ako sa isang auto-mechanic shop na pagmamay-ari ng isang matandang amerikanong walang asawa na si David Foust. Ang boss ko ay mabait at maalaga sa kanyang mga trabahante. Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masipag at matiyaga sa trabaho. Ang dati nyang palubog na negosyo ay unti-unting umunlad. Na promote ako bilang manager ng maliit na kumpanya sa loob ng pitong taon ko sa Amerika. Pinagkatiwalaan nya ako ng labis sa pagpapatakbo nito at mismo duon na ako naninirahan sa kanyang tahanan upang siya ay may nakakasama at maalagaan.
Sa kasamaang palad ay di rin nagtagal ang buhay ng mabait kong Boss. Nagulat na lamang ako matapos ang libing ay lumapit sa akin ang isang attorney upang ibalita sa akin na meron akong matatanggap na mana galing sa aking dating boss David. Ibinigay sa akin ang shop, bahay at ibang pera sa account nya. Di ko inaasahan at di rin makapan…