Mara

Sampung taong gulang pa lamang ako ng pumanaw si mama sa sakit na kanser. Wala akong kapatid dahil nasa huling byahe na si mama ng magkakilala at kinasal sila ni Papa. Kaya naman isang milagro na ng ako ay ipinanganak. Nasa lahi daw din ksi nila nila mama na hirap magbuntis. Halos walong taon na din naman ang lumipas kaya naman hindi ko na din masyadong hinahanap hanap ang kalinga ng isang ina. Si Papa naman ay isang kawani ni gobyerno. Apatnaput tatlong taon gulang. Dahil nag-iisa lamang akong anak at hindi naman pasaway kaya naman mukha pa ring bata si Papa. Aakalain mong nasa early thirties lamang ito. Hindi naman gaanong macho si Papa. Matangkad ito at medyo lean ang katawan. Sakto lamang ang laki ng mga muscles.
“Pa, wala ka bang lakad this weekend?”
“Wala. Manood lang ng basketball at matulog lang maghapon. Why anak? You wanna go out?” Tanong ni Papa.
“No. Just wanna know if you’ll go on a date this time.” Sobrang mahal ko Papa. Madalas kong iminumungkahi sa kanya na muling makipag date. Alam ko ang hirap ni Papa bilang isang single Parent. Sa loob ng walong taon siya ang naging Tatay at Nanay ko kaya naman hindi sasama ang loob ko kung muli siyang magmamahal at mag-aasawa.
“How many times do I have to tell you to not worry about me, anak. I promise myself to love only your mom. Kaya okay lang ako.” Nakangiting sagot ni Papa.
“Sayang naman ang genes, Papa. Ang pogi pogi mo kaya. Kung may popormahan ka sigurado oo agad ang sagot. Aba! Baka magkaroon pa ako ng gwapo o magandang kapatid. Ako kaya ang number 1 fan mo.” Pagbibida ko dito.

********

Natutuwa na nalulungkot ako para sa aking anak na si Mara. Nakikita ko ang kagustuhan nito na magkaroon ng isang ina. Nag aalala ako na kung sakaling pumanaw ako ay walang maiiwan upang alagaan ang aking anak. Lalo pa at wala itong kapatid. Parehas naman kaming only child ng aking asawa kaya wala siyang mga pinsan o tita at tito. Maganda ang aking anak. Kamukha nito ang aking mahal na esposa. Nakaramdam naman ako ng lungkot pagka alala sa aking asawa.
“Hayaan mo. If someone really caught my attention, I will immediately ask her out, okay?” Sabi ko upang mapahinuhod ang aking dalaga. Tuwang-tuwa naman ito kaya naman gumaan na din ang aking pakiramdam.
*****
Isang gabi habang naghahanda sa pagtulog bumaba ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Pabalik na ako ng makita ko na nakaawang ang pinto ng kwarto ni Papa. Dahan-dahan akong lumapit at sinilip ito. Nakita ko si Papa na nakatitig sa larawan ni Mama. Maya maya ay yumugyug ito at tipong umiiyak. Naluha naman ako sa pagkaawa kay Papa. Dahan-dahan ko naman isinarado ang pinto ng kwarto at bumalik sa aking silid dala ang pangako na pasasayahin at ihahanap ng babaeng magugustuhan nito.