Dalawang araw na ang lumipas matapos ang engkwentro ni Marianne sa mall. Iniisip niya ang pangyayari habang nakahiga sa kama niya sa kaniyang condo.Dito niya muna napagpasyahang tumuloy sa halip na sa bahay na pinapagawa. Andoon kasi si Berting na bumago ng buhay at gumising ng mga pantasya niya. Magkahalong inis at saya ang nararamdaman ni Marianne sa mga nangyari sa lumipas na araw. Inis dahil hindi niya alam ang magiging epekto nito sa kaniyang career. Model siya sa at ambassador ng iba’t ibang brand. Kapag kumalat ang mga ginagawa niya ay tiyak masisira nito ang kaniyang imahe. Sinigurado naman ni Marianne na walang imahe o bidyong makukuha ang mga nakatalik niya. Ngunit may saya rin siyang nadadama dahil sa excitement at pagkalutas ng uhaw niya sa kalibugan.
Nagpasiya si Marianne na i-cancel ang kaniyang UAE trip. Sa halip ay magbabakasyon na lang muna siya upang makalimutan ang lahat at makapag pahinga.
Kahapon ay nagtext si Berting sakaniya. Ipinapaaalam na tapos na ang ginagawang construction sa taas ng bahay niya. Ngunit di niya muna ito pinansin.
Kanina ay nagtext ulit ito na namimiss niya na raw si Marianne. Hindi rin pinansin ni Marianne ito. Sa halip ay sinabihan niya itong gawin ang trabaho niya at pangalagaan ang bahay. At kalimutan na ang nangyari sa kanila.
Gustong magpakalayo layo ni Marianne. Gusto niya munang lumayo at umalis sa siyudad na tila pandemonyo sa gulo at ingay. At pati na rin sa alaala niya sa mga nakatalik na lalaki.
Napagpasiyahan niyang magbook ng flight papuntang Palawan. Nais niyang magpahinga sa beach at magrelax.
El Nido sounds good. I need a good vacation. Away from the city
Ngunit wala siyang makitang direct flight papuntang El Nido. Sa halip ay nagbook na lang siya papuntang Puerto Princesa at planong mag land transfer na lang by van papuntang El Nido.
Same day booking and travel ang ginawa ni Marianne. Binook niya ng alas sais ng gabi ng flight upang makapag ayos pa siya ng gamit.
Wala namang problema sa damit at gamit si Marianne dahil kaya naman niyang bilhin ang mga kailagang damit o gamit gamit ang marami niyang pera.
Pagkatapos magimpake ay nagpahinga na lang ito. Hinintay ang dumikit ang oras sa boarding time. Atsaka nagbook ng Grab patungong airport.
Wala namang hassle ang flight ni Marianne. Nakarating na siya ng Puerto Prinsesa matapos ang isang oras na lipad.
Paglabas ng airport ay maraming nagaalokng Van Service patungong El Nido.
“Mam, Coron po or El Nido transfer? Available pa kami mam” alok ng driver na may dalang plakard
“How much po for El Nido?”
“Isa lang po kayo mam?”
“Yes. For one.”
“850 po mam. Ayun po ang van” sabi ng driver sabay turo sa isang itim na van.
Nagbayad naman na agad si Marianne.
“Ilan pa po ang kulang manong? Pupunuin pa po ba ang Van?”
“Yes mam. Wait lang po tayo. If di pa po mapuno ng 7:30 PM aalis na po tayo”
“Alright” mahinahong sagot ni Marianne. Hindi naman siya nagmamadali kung kaya’t ayos lang sakaniya maghintay. Madilim na rin kung kaya’t wala naman siyang ibang gagawin pagdating ng hotel kundi matulog.
Yung hotel ko nga pala. Wala pa akong nabobook.
Gamit ang kaniyang cellphone ay naghanap online si Marianne ng pwedeng tuluyang hotel or hostel sa kaniyang pagbabakasyon.
Habang naghahanap ng hotel ay biglang nagbukas ang sliding door ng van at nakita niyang may tatlong magkakaibigang babaeng turistang papasakay. Nasa 20’s pa lang ang mga edad nito sa tansya ni Marianne.
Tumingin siya sa paligid ng van. Trese ang kapasidad ng sasakyan ngunit 6 pa lang sila dito. Isa na siya, ang tatlong dalagang kakasakay lang, at dalawang lalaki.
Nakapag book na rin agad si Marianne sa isang 4 star hotel. Malapit ito sa beach front kung kaya’t di na rin masama. Nagbook siya for 5D and 4N.
Bumukas muli ang van. Ngayon naman ay dalawang blonde foreigner ang papasakay. Sa itsura ng mga ito ay tingin ni Marianne mga European ito. Swedish to be exact, dahil sa tingkad ng kanilang golden hair at light colored eyes. Ngumiti ang mga ito bago sumakay sa van.
“Okay okay! aalis na tayo”
Sabi ng driver matapos ikarga ang mga maleta ng huling dalawang pasahero sa likod ng van. Hindi napuno ang van kung kaya’t medyo maluwag ito. Katabi ni Marianne ang dalawang foreigner. Sa likod naman niya ang tatlong filipinong babae. At sa dulo ay ang lalaki.
Umandar na ang van. Habang lumalayo ay unti unti silang nawala sa siyudad patungo sa mapuno at magubat na daan. Tahimik naman sa van, mahinang naguusap lamang mga babae sa likod niya. Ang katabi naman niya ay parehas naka headphones at tulog.
Apat na oras ang byahe mula Puerto Prinsesa patungong El Nido. Sabi ng driver ay bandang 11 or 12 ang dating nila. Sinilip ni Marianne ang oras sa phone niya.
8:22PM. Kumalam na ang tiyan ni Marianne. Hindi pa siya naghahapunan. Sabi naman ng driver ay merong stop over na pwede silang kumain.
8:36PM.Sa puntong ito ay gising na rin ang dalawa niyang katabi. Madilim na ang paligid maliban sa mga ilaw ng poste at mga ilaw sa mga bahay sa daan. Ilang saglit pa ay bumagal ang van at pumarada sa isang karinderya.
Bumaba lahat ng pasahero. Nagunat si Marianne dahil na rin sa haba ng byahe. Bagama’t wala pa sa kalahati ang kanilang byahe. Bumili ito sa karinderya at kumain. Nagpaalam din ang kaniyang dalawang katabi kung pwede raw ba sila tumabi sakaniya dahil wala ng ibang bakanteng mesa. Puno ang karinderya dahil na rin sa ibang pasahero mula sa ibang van. Adobo ang binili ni Marianne at isang kanin. Napansin niya rin na ito rin at isang pansit ang inorder ng dalawang dayuhan.
“Where are you guys from” mabait na tanong ni Marianne
“Oh we are from Sweden” sabi ng isa sa. Na napagalaman ni Marianne na si Ella. Ang isa naman ay si Oliva.
Nagkwentuhan pa saglit ang tatlo. Nalaman din ni Marianne na galing ang dalawang Cebu, Bohol at Boracay. Last destination nila ang El Nido bago bumalik sa Sweden.
“We like it so far. Good weather. Good people”. sabi ni Oliva.
Matapos kumain ay saglit pang nagkwentuhan ang tatlo. Ang tatlong dalagang babae naman ay napansin niyang kumakain ng ice cream. Ang lalaking pasahero na kasama nila sa likod ay di kumain at tila abala sa pakikipagusap sa telepono. Ang driver nila ay abala din sa pakikipagusap sa mga kapwa driver na nasa stop over din.
Ilang saglit pa ay napansin niyang bumalik na ang driver sa van. Nagsunuran na rin ang mga pasahero sa kaniya. Nang lahat ay makasakay na, sumenyas ang driver sa kapwa niya rider na mauuna na sila.
Walang nagawa ang mga pasahero kundi matulog. Malalim na ang gabi at wala na ring makita sa daan kundi dilim ng paligid. Iilan lang sa mga bahay ang may ilaw.
10:19 PM.
Nagising si Marianne sa pagkakatulog. Tila naalimpungatan siya. Abala sa pakikipagusap sa telepono ang pasahero sa likod. Someting about oras ng pagdating ang pinaguusapan nila ng kausap niya. Ang dalawa niyang katabi ay mahimbing ang tulog. Ang isa sa tatlong babaeng magkaibigan naman ay gising at nagmamasid lang sa daan.
“Putang ina pag minamalas ka nga naman” malakas na sigaw ng driver.
“Bakit po kuya?” tanong ni Marianne.
“NPA. May checkpoint ang mga puta oh”
Sa puntong ito ay nagising na ang lahat. May ilang di pagkakaintindihan. Nagsalita ang isang pasahero sa likod niya.
“Kuya ano yan bat may mga baril sila? okay lang ba yan?”
“Kalma lang ho tayo lahat” sigaw ng driver upang marinig siya hanggang likod. “Titignan lang nila kung may mga sundalo dito o may dala tayong baril. Pag wala naman ay papadaanin namn tayo niyan”
Natakot din si Marianne sa posibleng mangyari. Tinanong siya ni Ella. “What is happening? who are they?”
“Rebels” sabi ni Marianne. “Its all good. We’re gonna be fine”
Nagsalita sa kanilang lenggwahe ang dalawa na di naintindihan ni Marianne. Bakas ang takot sakanilang mukha. Kinabahan na rin si Marianne.
Pagkahinto ng van ay lumapit ang isa sa mga rebelde sa driver. Agad namang binaba ng driver ang bintana nito
“Coron?” tanong ng rebelde
“El Nido boss” sagot ng driver
“Puta bakit dito ka dumaan? sa San roque ka sana dumaan pa-Ilungin” rinding sabi ng rebelde. Sa puntong ito ay lumapit na rin ang ibang rebelde. Nasa walo o siyang na tao ang nandito. Lahat armado ng mahahabang baril.
“Boss ginagawa daan dun. Malubak delikado sa gabi. Dito na rin kami dumadaan simula March”
“Bagong utos ni Ka-Bernabe. Bawal na passenger van dito sa daan na to kung walang bayad. Hawak namin ang San Isidro hanggang Manggahan.”
“Pasensya na boss, sige babalik na kami at don na lang dadaan.”
“Anong babalik? andito ka na. Kailangan mo magbayad para makadaan”
“Magkano boss?”
“Ilan yang karga mo?”
Tumingin sa rear view mirror ang driver. “Pito boss”
“Sampung libo kada pasahero.”
“Boss naman. walang ganiyanan alam mong di ko kaya yan. Pati na rin ng mga pasahero ko”
“Eh bat ka dumadaan dito. Dalawang buwan ka na dumadaan dito sa daan namin tas ngayon magrereklamo ka”
“Aalis na nga boss ito na”
Nagpaputok ng baril ang rebelde sa langit. Napasigaw naman ang lahat sa loob
“Walang aalis. Subukan mong paandarin yan tatadtarin ka namin ng bala. Baba lahat!”
Sigaw ng rebelde. Binuksan naman ng isa pang rebelde ang pinto ng van. Si Marianne ang pinakamalapit sa pinto kung kaya’t siya ang unang nakita.
“Baba” sabi ng rebelde.
Atsaka nagbabaan ang lahat. Nilinya sila ng rebe…