“Anywhere except F1. Maliliit lang ang rooms doon.” Nakapikit si Star.
Napatitig ako kay Star. Maganda naman talaga sya, pero masyadong sophisticated ang dating. Parang si Sophie. Hindi kagaya ni Martine na walang kaartehan sa katawan except sa kanyang mahabang seremonyas for skin care.
Ibinalik ko ang tingin sa daan.
“Bam!”
Nabangga ng paparating na sasakyan sa may intersection ang kotse na nasa harapan namin. Mabuti at malayo kami kaya naka preno ako at buti hindi ako nabangga sa nasa may harapan namin.
“Holy shit!” Sigaw ko. Sabay hinawakan ko ang balikat ni Star just to make sure na hindi sya mauntog.
“Baammm!”
“What the fuck!” Sigaw ni Star habang mabilis syang tumingin sa may likuran.
“Shit!”
“Did they hit my car?” Nagpapanic na si Star.
“Stay here. Let me check.” Pero bago ko pa matapos sabihin ang statement ko, nauna na syang bumaba ng SUV.
Mga dalawang dangkal lang halos ang layo ng kotse sa likuran ng SUV ni Star. Kung medyo napalakas pa ang bangga ng isa pang kotse sa likuran noon, malamang ay nabangga rin ang sasakyan si Star.
“That was close!” Napasandal si Star sa sasakyan nya.
Mabilis syang bumalik sa driver’s seat at ilang minuto lang ay nasa tabi ko na ulit sya. Hawak nya ang kanyang telepono. Sa kabilang kamay ay isang kaha ng Marlboro.
Sinindihan nya ang kanyang sigarilyo pagkatapos ay may kung anong tiningnan sa phone nya.
“I think it will be best if umuwi ka na.” nakatingin sya sa akin, sabay hithit ng sigarilyo.
“I’ll call home. Not sure if Dad will come but, it’s best na hindi nila makita na magkasama tayo.”
“Will you be fine?” Nilapitan ko sya at kinabig ang bewang nya. Hindi ko alam kung dahil ba marami akong nainom kaya medyo malakas ang loob ko na maging touchy sa kanya. Hindi naman ako ganito sa kahit na sino, well maybe except for Martine.
“I will be fine. I’ll just go inside the car and wait. Maybe play with myself muna if I get bored.” Natatawa nyang sagot.
“Gusto kong gawin yun sa’yo.” Bulong ko sa kanya.
“Next time. Mukhang may pumipigil na may mangyari sa atin.” Irritable ang boses nya. Kung ako man, masakit din magka blue balls ano! Kantot na, nagging bato pa.
Naglakad ako ng mga ilang minuto pagkatapos doon ako naghanap kung may available ba na Uber or Grab. Hindi naman nagtagal at nakahanap rin ako. Pagdating sa bahay, mabilis akong naghubad at nagshower.
Nagcheck muna ako ng phone ko bago ako ako mahiga. Saka ko lang napansin na nasa 20+ na ang messages sa whatsapp. Anim ang galing kay Marie, the rest ay kay Star.
“Hi Baste, Marie here. Nakarating na ako ng bahay.”
“Thank you ulit.”
“It was great meeting you, finally.”
“Ikaw ba? Nasa bahay ka na rin?”
“Ingat, if in case wala pa.”
“Goodmornight.”
Saka ko lang naalala na sinabihan ko pala si Marie na mag chat kapag nasa bahay na. Halos 3:30 na rin ng umaga pala.
“Just got home, Marie. Thanks. Glad you’re safe.” Send. Iko-close ko na sana ang app pero nakita ko na typing pa si Marie.
“Sleep tight, Baste. See you again soon.” Napangiti naman ako sa ‘See you again soon.’ Feeling ko ang gwapo ko, kahit well, medyo totoo naman iyon.
“Likewise, Martine.” Send.
“Martine?” Reply nya.
“Marie. Sorry, hindi ko alam saan galing ang Martine, my bad.” Send.
“Hahaha! Baka ex mo.” May devil emoji pa na kasama.
“Baka nga.” Send. Pagkatapos ay isinara ko na ang app.
Ipinikit ko ang aking mata, pinilit na makatulog. Ang daming thoughts na tumatakbo sa isip ko, hindi ko alam kung naiisip ko nga ba or kung nanaginip lang ako. Hanggang sa hindi ko napigilan, kinuha ko ulit ang phone ko.
Ini-open ko ang Facebook app ko. Naglog-in ako as per normal at muling na-activate ang account ko. Nag shift ako sa messenger app at binuksan ko ang message ni Martine.
“Mate…”
You are no longer allowed to respond to this message.
Bumalik ako sa Facebook app at tinype ko ang palangalan nya. Wala na rin. Nag deactivate na rin siguro ng account nya. After a few tries, idineactivate ko na rin ang account ko.
**
Isang buwan na ang lumipas. Apat na beses na rin kaming nagkikita ni Marie every weekend sa bar na tinutugtugan namin. Pagkatapos ng gig namin ay tumatambay kami sa kahit saang coffee shop na bukas pa. Umaga na kapag naghihiwalay kami.
May mga times na muntik na naming i-cross ang pagiging magkaibigan. Pero kapag nangyayari iyon, naaalala ko na hindi ko na dapat gawin kay Marie ang ginawa ko kay Martine. Kahit saglit pa lang kaming magkakilala, ramdam ko na mabuting tao si Marie. Simpleng tao lang sya na kagaya ko, naghahanap lang din ng makakausap.
Sabado na naman at magkikita na naman kami mamaya. Nasanay na ako at sa totoo lang, nilu-look forward ko ang pagkikita namin. Hindi ko alam, pero sa tingin ko naman ay okay na ako. Ayoko lang din madaliin dahil gusto ko sure ako sa nararamdaman ko. Parang tanga lang ano? Pakiramdam ko natotorpe na naman ako!
Wala kaming tugtog ngayon dahil wala si Brad. Nag-aayos kasi sila para sa preparation ng kasal nila. Kita mo nga naman,inumpisahan na ni Brad magpasakal. Sigurado ako na unti-unti na rin magbabago ang mga lakad namin. Three months na lang.
Problema ko pa nga kung sino ang isasama ko sa Batangas. May +1 ako sa reception pero baka sasabay na lang ako kay Mico para walang hassle. Naalala ko rin na sinabihan ako ni Brad na pipilitin nyang hanapin si Martine. Gusto nya kumpleto kami sa araw ng kasal nya.
Tinanong pa nya ako kung may problema daw ba sa akin kung sakaling mapapayag nya na umuwi si Martine. Sinabi ko na sya ang ikakasal, sya ang magdedecide. Sinabi ko na wala namang problema sa akin, baka maging awkward lang. Hindi na ulit namin napag-usapan iyon after that.
Alas nuwebe ng gabi nang dumating ako sa bar sa BGC. Dumiretso ako sa same table na pinupwestuhan ng band ni Marie. Kagaya ng dati, mag-isa syang naka upo doon, hinihintay na magumpisa ang jamming.
Tinabihan ko sya at hinalikan ko ang pisngi nya. Nasanay lang, walang ibang kahulugan. Nginitian nya ako at ibinaling nya ang tingin nya sa stage. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Hindi maikakaila na kamuka nya talaga si Martine kapag naka side view. Para bang kinukurot ang puso ko kapag sumasagi sa isip ko iyon.
Lumapit ako kay Marie at inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya. Inihilig naman nya ang side ng ulo nya sa akin.
“Ready?” Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtango nya.
Hinawakan ko ang kamay nya na nakapatong sa hita nya. Pinisil ko iyon. Hindi ko alam, para bang ready na ako sa anong pwedeng puntahan ng relasyon namin. Lumapit ang mga ka-banda nya. Nakipag kamay at apir pa ako sa iba. Maya-maya ay tinawag na rin sila sa stage.
Marami na silang natugtog. Yung unang dalawa ay old school. Ang totoo nyan ay hindi ko talaga matandaan ang title noon kahit pa alam ko ang ibang parts ng kanta. I made a mental note na itatanong ko kay Marie pagkatapos kung ano ang title ng mga iyon.
Ang pangatlong kanta ay mula sa request ng nasa crowd. Nang matapos ay lumapit sa table si Marie at uminom sa beer na nabawasan ko na. Nagkalad sya pabalik sa gitna ng stage. Tumugtog ang banda ng intro. Nag-umpisang kumabog ang dibdib ko.
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang humarap sa akin si Marie.
‘Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta
Ngumiti sya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Unti-unting kumalma ang pagtibok ng aking puso.
Ba’t di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga’t kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo
Hindi ko napigilan, naramdaman ko na lang na nag-iinit ang paligid ng luha ko.
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
“Huwag dito Baste, huwag dito!” Paulit-ulit kong ibinubulong sa sarili ko pero hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Ba’t ‘di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba ‘to sa hangin
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig sayo
Pasimple kong pinunasan iyon. Nagsigawan ang mga tao. Ang iba ay nagpalakpakan.
Tumingin ako kay Marie, kanina pa siguro syang nakatingin sa akin. Pumalakpak na rin ako, maya-maya’y masayang lumapit si Marie sa kinauupuan ko. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at hinalikan nya ang labi ko.
Gaganti pa lang ako sa paghalik nang bumitaw sya. Naupo sya sa bakanteng chair sa tabi ko.
“Good job!” Sabi ko. Yung lang ang nasabi ko habang tinatapik ko ang likod nya.
“Okay ba?” Hindi sya tumitingin sa akin.
“Oo naman!” Inakbayan ko sya.
“Kain tayo?” Maikli nyang tanong. Alam ko na may gusto pa sana syang marinog from me. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Let’s go! Saan mo gusto? Army Navy? Pizza? Chicken?” Tumayo kami at nagpaalamnsa mga ka banda nya.
“Sa bahay, gusto mo?” Unang beses nya akong inaya sa bahay nila.
“Ha? Hindi ba dyahe? Dito na lang sa area, pero ihahatid kita sa inyo mamaya.” …