Martine – Part 11

A/N:
– Firstly, I would like to apologize that it took me a while to update this story (again, I know!). Life has been so busy lately wih work leaving me no time to actually write.

– Secondly, when I decided to continue this story, I have laid out the plans for Baste and Martine, it was all good stuff but I think I will not have enough time to finish the story that’s why I’m cutting the story shorter as planned. I could go on, but I get too pressured when there are people asking me “asan na po otor ang kasunod?” It’s flattering but at the same time, nakakapressure. 🙂

– And since I am wrapping up the story, this chapter will not have any erotic scene. I hope you guys can bear with me.

Cheers!

**

Tinabihan ko ulit si Marie sa kama. Inakap ko sya.

“Tara na, dinner time na maya-maya.” Bulong ko sa kanya. Hindi sya sumagot pero alam ko na narinig nya ako.

Bumangon ako at naghanap ng maisusuot na damit. Dahil malinis pa naman ang hinuhad ko kanina, iyon na rin ang isinuot ko. Bumangon na rin si Marie nang makita nya na nagbibihis na ako. Pumasok sya sa CR at mabilis na nagshower.

Mag-aalas siyete ng bumaba kami sa cottage na nakareserve para sa group namin. Naka serve na ang dinner, andoon na si Dylan at Mico at ang iba pang family members ni Brad. Mga bandang alas otso y medya nang matapos kaming kumain. Sakto naman na dumating ang ermats ni Brad. Nagrereklamo na masyado daw ma-traffic.

Lumapit ang ermats ni Brad sa table namin, saglit syang nagpahinga habang wala pa ring tigil sa pagreklamo sa iba pang bagay. “First world problems” lalo ng mga babae. Napatingin sya kay Marie pagkatapos ay sa akin, at ibinalik ulit nya ang tingin nya kay Marie. Nakataas ang kilay nya sabay talikod at pumunta sa kabilang table. Mabuti na lang at hindi naman nakatingin si Marie sa kanya. Maya-maya ay lumapit ulit sya sa table namin.

“Dylan, hijo. May balita ka ba kung makakauwi si Martine?” Magkatabi kami ni Dylan. Hindi naman ako ang tinatanong nya pero sa akin sya nakatingin.

“I’m not sure, Tita. Matagal na po kaming hindi nagkakausap.” Napatingin din sa akin si Dylan.

“How about you, Baste? Do you know…?” Hindi na nya natapos ang kanyang tanong dahil dumating si Brad.

“She can’t make it, Mom. Busy sya with work.” Si Brad na ang sumagot sa tanong nya.

“Very well…” napatingin ulit sya kay Marie at nagtaas ng isang kilay. Tumingin din sya sa akin bago tuluyang tumalikod.

“Sorry guys ha, medyo pagod lang si Mommy sa byahe.” Pagpapaumanhin ni Brad. Tumayo ako para tapikin sya sa balikat. At nagkaintindihan na kami.

Maaga rin nagsipag-alisan ang mga tao sa cottage. Maaga daw silang magpapahinga para makapag beauty rest pa for tomorrow. Nang magpaalam si Dylan ay sumunod na rin kami ni Marie. Naglakad-lakad muna kami sa may clubhouse at pinanood ang mga bata na naghahabulan sa may kiddie pool. Alas-diyes na rin nang makarating kami sa aming kwarto.

Saglit kaming nagpahinga, after a while ay nagdecide na si Marie na magshower. Inayos ko ang isusuot ko bukas, buti nadeliver din ng laundry department ang request namin for ironing. Hindi rin nagtagal at lumabas na si Marie ng bathroom. Naka oversized T-shirt sya na may print ng pangalan ng company na pinagtatrabahuhan nya. Dahil hindi naman ako masyadong pinawisan ay mabilis lang din ako nakatapos mag shower at toothbrush.

Nahiga ako sa tabi ni Marie. Naglalaro sya ng kung ano sa phone nya. Humarap ako sa kanya, ibinaba nya ang phone nya, ini-lock nya iyon at ipinatong sa bedside table. Ilang minuto din kaming nagtitigan. Maganda si Marie, pero hindi ko sya gustong mahalin dahil sa kamukha sya ng taong minahal ko, at aamin ko, na mahal ko pa rin hanggang ngayon. Alam ko na marami pa akong gustong makilala about her and gusto ko na ganoon din sya sa akin.

“Goodnight na…” Dinampian ko ng halik ang kanyang labi.

“Goodnight.” Ngumiti sya sa akin.

“Bakit?” Tanong ko.

“Wala naman…”

“Bakit nga? What’s bothering you?” Hinila ko sya papalapit sa akin.

“Medyo scary yung nanay ng kaibigan mo.”

Natawa lang ako dahil masungit talaga ang ermats ni Brad. And totoo nyan, wala syang kinakausap masyado sa amin bukod kay Martine. Ilang beses din nyang sinabi sa harapan namin na gusto nya daw si Martine para kay Brad kahit pa daw ganoon ang naging gender preference ni Martine.

“Ahh, huwag mo na pansinin ‘yon. Ganun talaga sya sa amin. Nasanay na lang kami.”

“Hindi mo naman kasi sinabi na yayamanin lahat ng andito. Hindi ako sanay.” Medyo natawa sya sa sinabi nya, pero na sense ko ang awkwardness sa boses nya.

“Okay lang yan. Hindi naman payamanan ang contest dito. Besides, bukas mo lang naman sila makikita. And you’ll be with me naman most of the time, kaya don’t worry.” Hinalikan ko sya sa pisngi.

“Let’s go to sleep na.” Sabi ko, at ipinikit ko na ang mata ko. Maya-maya…

“Baste…?”

“Hm?” Mahina kong sagot. Hindi ko na minulat ang mata ko.

“Sino si Martine?” Hindi ako nakasagot kaagad. Pinakiramdaman ko kung eepekto ba ang pagtutulug-tulugan ko kay Marie.

“Baste!” Tinapik nya ang braso ko. Iminulat ko ang isa kong mata. Kunyari pang naghikab ako.

“Ano ulit? Sorry, napaidlip na ako.”

“Sabi ko, sino si Martine?”

“Ahhh. Barkada namin ‘yon simula pa noong bata kami. Ka-banda rin namin, basist. Si Dylan ang pumalit sa kanya.”

“Nasaan na sya?” Diretso ang tingin sa akin ni Marie.

“Nagpunta sya sa US. Last year lang.”

“Sya ba yung Martine na nabanggit mo dati?”

“Ha?! Kelan?” This time napahikab na talaga ako nang totoo.

“Dati…noong nagchat tayo after natin mag hamg out one time sa bar.”

“Ahhhh! Oo, sya yun. Sorry ah, nasanay lang. wala naman kasi masyadong difference ang Marie sa Martine.”

“Kaya pala hinahanap sya ng nanay ni Brad.”

“Yeah. Cream of the crop sya sa amin. Unang-una, sya lang ang babae kaya sya ang unang napapansin and aside from that, talented sya tapos mabait din.” Ipinikit ko ang aking mata. Para bang nag flash ang mukha ni Martine at ang iba’t-ibang scenes sa buhay ko na kasama sya habang idine-describe ko sya kay Marie.

Hindi ko na narinig kung may sinabi pa ba sya. Nagulat na lang ako sa alarm ng telepono ko. Alas sais na ng umaga. Ginising ko si Marie pagkatapos ay naghilamos at nagtoothbrush kami, mabilis kaming bumaba para mag breakfast at dali-dali ring bumalik sa kwarto para mag prepare para sa alas nuwebe na kasal.

Dahil isa ako sa mga groomsmen, mas maaga ang call time namin. Sinabi ko na lang kay Marie na magkita kami sa location ng ceremony sa beachfront, na icha-chat ko sya kapag papunta na ako doon.

**
Alas otso ng umaga nang mag chat ako kay Marie na pababa na kami sa may beachfront. Magkakaroon muna kami ng kaunting photoshoot kasama si Brad. Eto ang sa totoo lang, nakakapagod na part sa kasal, ang mag picture.

Bandang 8:30 nang matapos ang photoshoot. Pumunta na rin kami sa may entrance ng isle na dinecorate-an ng magandang arch ng bulaklak. Ito rin ang pinaka entrance ng lahat ng bisita. Maliit na celebration lamang iyon. Sa tantya ko ay wala pang 200 na seats ang naroon.

Umusod kami ni Marie sa may bandang likuran pa ng entrance. Andoon kasi ang family ni Brad na bumabati sa mga bisita na kakilala nila kahit pa ilang beses na sila sinabihan ng wedding coordinator na huwag mag-stay doon at lumayo ng kaunti. Sumunod naman sila, umusod sila nang mga isang metro lang.

“Ayyyyyyy!”

Nagulat ako nang biglang napasigaw si Marie at tumakbo para salubungin ang dalawang babae na naglalakad papalapit sa amin. Nagsigawan sila at nagyakapan. Nang marealize nila na medyo gumagawa sila ng eksena, natahimik sila pareho at natatawang nagbulungan na lang. Patakbong lumapit sa akin si Marie at hinila nya ako papalapit sa dalawang babae.

Para akong natuklaw ng ahas sa nakita ko. Maayos nang nakatayo ang dalawang babae habang papalapit kami sa kanila. May ibinubulong ang isang babae sa isa na unang tingin ko pa lang ay alam ko na kung sino sya sa buhay ni Marie.

Halos ilang hakbang na lang ang pagitan namin sa kanila pero hindi ko alam kung tatakbo ba ako papalapit o babalik sa kinatatayuan ko or tatakbo na lang palayo. Hindi ko alam.

“Baste, eto pala yung Ate ko. Si Marla. Ate, this is Baste, ahm, boyfriend ko.”

Mabilis akong napalingon kay Marie right after nya sabihin na “boyfriend” nya ako. Wait, wait, wait, teka lang! Kailan pa kami naging magkarelasyon? Napatingin ako kay Marla. Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay.

“Baste. Nice meeting you.” Ngumiti lang ako.

“Nice to see you here.” Mabait na bati naman ni Marla. Medyo hawig sila ni Marie, lamang ay mas matangos ang ilong ni Marla at mas lighter ang kulay ng balat nito.

“Ma’am, this is my younger sister, Marie. Pasensya na po kasi naexcite sya. Hindi rin po kasi namin ineexpect na magkikita kami dito.” Sabi ni Marla sa katabi nya.

Ngumiti ang kasama ni Marla. Kilala ko ang ngiti na iyon. Pero hindi ko masigurado dahil masyadong iba rin ang hitsura nya sa taong…