Life happened and damn! 4 years later, here I am continuing this story.
Thanks to old and new supporters (meron pa ba? :D) who are still following this story regardless of how long it has been put on hold.
I’ve been busy with work which has gotten very demanding especially pandemic happened (and still happening).
I aim to finish this story but again please bear with me, I am juggling so many things.
A little draggy but I hope “papunta na sa exciting part”.
Please refer to the previous chapter for the recap of the story.
Thanks so much!
**
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya.
Si Marc, kuya ni Martine. Senior sa amin ng 3 years at pinaka hindi ko kinakausap sa lahat ng kapatid nya. Masyadong arogante dahil artistahin ang dating.
More than 15 years na syang nasa States and if Iremember correctly, wala pang limang beses na nagbakasyon dito sa Pinas.
“I said, she’s not here.” Mayabang pa rin sya as usual.
“Alright, thank you.”
Tumalikod ako at naglakad pabalik sa Kotse.
“Baste!”
Humarap ako kay Marc.
“It will be best if you just leave her alone.”
Wala akong nasabi, napa kibit-balikat na lang ako at naglakad pabalik sa kotse ko.
“Don’t be rude, I’m still talking to you! “
Sumakay ako sa kotse, pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Hindi dahil sa ayaw kong kausapin si Marc, but I’d rather not get myself into trouble. I know that he is testing me.
Pero hindi pa rin sya tumigil, tumayo pa sya sa may labas ng sasakyan ko. Ibinaba ko ang window ng auto ko.
“Look, Marc. I intend to speak with Martine and since you said she wasn’t home, babalik na lang ako mamaya.”
“Hindi mo ba narining ang sinabi ko kanina? I told you to leave her alone!” Tumataas na ang boses ni Marc.
And since ayokong ma-eskandalo, maayos ko syang sinagot. “I will leave it to Martine to decide if she wanted me to leave her alone. Salamat, pare.” At pinaandar ko ang kotse ko palayo.
Mga ilang minuto rin akong nagpaikot-ikot sa village namin. Nadaanan ko na ang bahay ni Dylan at ni Mico. Naisip ko rin na dumaan ulit sa bahay nina Martine pero I shoved the ideaoff.
Bukas ang gate namin nang dumating ako pero hindi ko ipinasok ang auto ko sa driveway. Aalis din naman ako maya-maya. Pagpasok ko sa loob ng bahay, nagulat ako nang madatnan ko si Mamey sa salas, kausap ang Mommy ko.
“Look who’s here!!!” Patakbo akong lumapit sa kanya at bigla ko syang inakap.
“Na-miss kita, Mamey!”
“Ang gwapo mo pa rin, Baste, hijo.”
“Syempre naman, ako pa ba?” Hinalikan ko sya sa pisngi. Lumapit si Mommy sa amin at tinapik ang likod ko.
“Maiwan ko na muna kayo, may tatapusin lang ako sa kitchen.”
Nang makalayo si Mommy, hinawakan ni Mamey ang kamay ko. Wala syang sinabi, pinisil lang nya nang mahigpit ito. Nagkatinginan kami, parehong hindi alam kung ano angsasabihin. Bigla na lang nangilid ang luha ni Mamey, kinabahan ako.
“Baste…”
“Ma-mamey…?” Mas lalong humigpit ang hawak nya sa akin.
“Hindi ko rin alam, Baste… Hindi ko rin alam.” Napaiyak sya nang tuluyan.
Inakap ko sya, mahigpit. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Hindi ko alam ano ang sasabihin sa kanya. Gusto ko syang I-comfort, pero wala akong mahanap na comfort kahit para sa sarili ko.
“Pumunta ako doon kasi ang sabi ng Daddy nya, nahihirapan daw mag-adjust si Martine. Ayoko pa nga noong una, kasi sabi ko, ito na ang panahon para matuto sya mabuhay mag-isa.”
Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ni Mamey pero patuloy lang syang nagkwento.
“Pagdating ko doon, sa ospital kami dumiretso. Ang sabi sa akin ng Daddy nya, masama lang daw ang pakiramdam ni Martine. Ilang araw na raw hindi kumakain. Mabuti na daw na bisitahin ko at sabihin ko raw na umuwi na kami…”
“… pagdating ko, wala syang malay. Maputlang maputla sya…”
Doon na sya napahagulhol.
“Nagpilit lang yan, alam mo naman na matigas ang ulo nyan. Andito kami, kasama si Marc. Saglit lang din kami, kailangan nya ulit bumalik agad sa Amerika.”
Dumating si Mommy na may dalang tubig para kay Mamey. Hinagod nya ang likod ni Mamey, gayun din ang sa akin.
Kahit gusto ko itanong ano ba nangyari, gulong-gulo pa rin ang utak ko. Ang daming kong tanong pero hindi ko alam ano uunahin.
“Nasaan sya, Mamey?” ito lang ang nasabi ko. “Wala daw sya doon, sabi ni Marc.”
“Nasa bahay lang sya, tulog pa sya noong umalis ako.”
“Sorry to intrude Mamey, maari ba namin malaman kung ano ang nangyari?” Mahinang tanong ni Mommy.
Hindi sumagot si Mamey, and that’s when I knew na it’s something serious. Nak…