Martine – Part 13

(Another) Author’s note:

Life happened and damn! 4 years later, here I am continuing this story.

Thanks to old and new supporters (meron pa ba? :D) who are still following this story regardless of how long it has been put on hold.

I’ve been busy with work which has gotten very demanding especially pandemic happened (and still happening).

I aim to finish this story but again please bear with me, I am juggling so many things.

A little draggy but I hope “papunta na sa exciting part”.

Please refer to the previous chapter for the recap of the story.

Thanks so much!

**
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya.

Si Marc, kuya ni Martine. Senior sa amin ng 3 years at pinaka hindi ko kinakausap sa lahat ng kapatid nya. Masyadong arogante dahil artistahin ang dating.

More than 15 years na syang nasa States and if Iremember correctly, wala pang limang beses na nagbakasyon dito sa Pinas.

“I said, she’s not here.” Mayabang pa rin sya as usual.

“Alright, thank you.”

Tumalikod ako at naglakad pabalik sa Kotse.

“Baste!”

Humarap ako kay Marc.

“It will be best if you just leave her alone.”

Wala akong nasabi, napa kibit-balikat na lang ako at naglakad pabalik sa kotse ko.

“Don’t be rude, I’m still talking to you! “

Sumakay ako sa kotse, pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Hindi dahil sa ayaw kong kausapin si Marc, but I’d rather not get myself into trouble. I know that he is testing me.

Pero hindi pa rin sya tumigil, tumayo pa sya sa may labas ng sasakyan ko. Ibinaba ko ang window ng auto ko.

“Look, Marc. I intend to speak with Martine and since you said she wasn’t home, babalik na lang ako mamaya.”

“Hindi mo ba narining ang sinabi ko kanina? I told you to leave her alone!” Tumataas na ang boses ni Marc.

And since ayokong ma-eskandalo, maayos ko syang sinagot. “I will leave it to Martine to decide if she wanted me to leave her alone. Salamat, pare.” At pinaandar ko ang kotse ko palayo.

Mga ilang minuto rin akong nagpaikot-ikot sa village namin. Nadaanan ko na ang bahay ni Dylan at ni Mico. Naisip ko rin na dumaan ulit sa bahay nina Martine pero I shoved the ideaoff.

Bukas ang gate namin nang dumating ako pero hindi ko ipinasok ang auto ko sa driveway. Aalis din naman ako maya-maya. Pagpasok ko sa loob ng bahay, nagulat ako nang madatnan ko si Mamey sa salas, kausap ang Mommy ko.

“Look who’s here!!!” Patakbo akong lumapit sa kanya at bigla ko syang inakap.

“Na-miss kita, Mamey!”

“Ang gwapo mo pa rin, Baste, hijo.”

“Syempre naman, ako pa ba?” Hinalikan ko sya sa pisngi. Lumapit si Mommy sa amin at tinapik ang likod ko.

“Maiwan ko na muna kayo, may tatapusin lang ako sa kitchen.”

Nang makalayo si Mommy, hinawakan ni Mamey ang kamay ko. Wala syang sinabi, pinisil lang nya nang mahigpit ito. Nagkatinginan kami, parehong hindi alam kung ano angsasabihin. Bigla na lang nangilid ang luha ni Mamey, kinabahan ako.

“Baste…”

“Ma-mamey…?” Mas lalong humigpit ang hawak nya sa akin.

“Hindi ko rin alam, Baste… Hindi ko rin alam.” Napaiyak sya nang tuluyan.

Inakap ko sya, mahigpit. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Hindi ko alam ano ang sasabihin sa kanya. Gusto ko syang I-comfort, pero wala akong mahanap na comfort kahit para sa sarili ko.

“Pumunta ako doon kasi ang sabi ng Daddy nya, nahihirapan daw mag-adjust si Martine. Ayoko pa nga noong una, kasi sabi ko, ito na ang panahon para matuto sya mabuhay mag-isa.”

Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ni Mamey pero patuloy lang syang nagkwento.

“Pagdating ko doon, sa ospital kami dumiretso. Ang sabi sa akin ng Daddy nya, masama lang daw ang pakiramdam ni Martine. Ilang araw na raw hindi kumakain. Mabuti na daw na bisitahin ko at sabihin ko raw na umuwi na kami…”

“… pagdating ko, wala syang malay. Maputlang maputla sya…”

Doon na sya napahagulhol.

“Nagpilit lang yan, alam mo naman na matigas ang ulo nyan. Andito kami, kasama si Marc. Saglit lang din kami, kailangan nya ulit bumalik agad sa Amerika.”

Dumating si Mommy na may dalang tubig para kay Mamey. Hinagod nya ang likod ni Mamey, gayun din ang sa akin.

Kahit gusto ko itanong ano ba nangyari, gulong-gulo pa rin ang utak ko. Ang daming kong tanong pero hindi ko alam ano uunahin.

“Nasaan sya, Mamey?” ito lang ang nasabi ko. “Wala daw sya doon, sabi ni Marc.”

“Nasa bahay lang sya, tulog pa sya noong umalis ako.”

“Sorry to intrude Mamey, maari ba namin malaman kung ano ang nangyari?” Mahinang tanong ni Mommy.

Hindi sumagot si Mamey, and that’s when I knew na it’s something serious. Nakita ko na lang na tumutulo na rin ang luha ni Mommy.

Inihatid ko si Mamey sa bahay nila Martine. Pinagpe-pray ko na sana wala si Marc para makapasok ako, gusto ko lang makita si Martine. By some stroke of luck, wala nga si Marc. Si Marla ang naabutan namin, pataas sya papunta sa kwarto ni Martine.

Hindi na ako na nakapagsalita, tumingin lang ako kay Mamey at Marla, mga mata ko na lang ang nagtanong ng mga salita na di ko kayang tanungin.

“Nasa kwarto sya. Kakatapos lang nya mag breakfast.” Sabi ni Marla.

Mabilis akong tumaas ng hagdan. Pagtapat ko sa pinto ng kwarto nya, nakita kong nakaupo sya sa harapan ng vanity table nya. Kumatok ako kahit bukas naman ang pinto.

“Come in, Baste.”

Baste. Ni hindi man lang Basterd. Hindi ako sanay.

Hindi sya gumalaw sa pagkakaupo nya, ni hindi sya lumingon. Nakatitig lang sya sa sarili lang reflection sa salamin.

Humakbang ako palapit sa kanya, mabagal, pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Naka hoodie sya na puti, at sa tingin ko naka joggers din sya na puti. Suot nya ang favorite nyang bedroon slippers yung may malaking ulo ng lion. Naalala ko one time na nagpunta kami sa BGC na naka pyjama lang sya ay yung bedroom slippers na yun.

“Happy ako para sayo, you found yourself a girlfriend!”

Nakaharap pa rin sya sa salamin. This time, katabi ko na sya, nakatingin din sa salamin. Nag-katinginan kami. Matagal na walang nagsalita. Gusto ko sya hawakan, pero itinaas nya ang kamay nya, pagsenyas na “huwag, hanggang dyan ka lang.”

“Happy ako na nakita ulit kita.” Nagpapakatatag ako pero parang nanginginig na ang salita ko.

Ngumiti sya, matipid na ngiti. Ngiti na walang spark sa mata. Ngiting malungkot.

“What a way to see each other ‘noh?” She was fidgeting her fingers. Kinakabahan sya, alam ko.

“Oo nga eh…” medyo awkward kaya napakamot ako sa batok ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Gusto ko na sya yakapin.

“I’m always left in awe na when it’s between the two of us, the world seems so small, isn’t it?”

Mabagal nyang sabi, unlike yung usual tone nya pero kahit ganun, ito yung Martine na kilala ko, sarcastic pero seryoso.

“I’m sorry, Mate.” Sabi ko.

“Sorry for what?”

“Hindi ko nasagot ang mga tawag mo.”

“Hindi mo sinagot ang mga tawag ko. There was a difference.” Mas lalong lumungkot ang kanyang mga mata. Wala ako naisagot kasi tama naman sya.

“That’s right, it was my bad.” Sinubukan ko ulit hawakan ang balikat nya pero sumenyas na naman sya na huwag.

“It’s alright, Baste. I understand.” Tumungo sya. “And it was nice to see you.”

Hindi naman siguro ako nag-iimagine when I heard her sniffle. Nakatungo pa rin sya.

“You should go, Kuya will be back soon. I heard he was shouting at you kanina.”

“He can shout at me for as long as he want. Try nya lang ulit.”

And this time, hindi ko na napigilan. Mabilis ko syang nilapitan at niyakap. Mahigpit na mahigpit.

“I missed you so much, Martine. You have no idea…”

Itinulak nya ako palayo pero hindi ko inalis ang pagkayakap ko sa kanya. Nararamdaman ko ang init ng hininga nya sa dibdib ko. Ang pagtibok ng puso nya at ang marahan nyang paghinga.

“Please let me go, Baste. Please.” Itinulak nya ako palayo. Wala akong nagawa kundi kumalas sa pagkakayakap sa kanya. I stepped back a few steps.

Ngayon ko lang nakita na sobrang putla ng mukha nya, malaki rin talaga ang ipinayat nya.

Dahan-dahan syang tumayo, humarap sa akin. May luha sa mga mata nya. Nagtitigan kami for a while, sabay bigla nyang inalis ang hoodie nya.

“Chronic Myeloid Leukemia, Baste.” At doon na sya napaiyak. Hindi na ako nagulat na wala na syang buhok, I kind of know noong kasal pa lang ni Brad. Hindi kasi ganoon ang kulay ng buhok ni Martine and it was a giveaway.

Mabilis ko syang nilapitan at inakap ko sya ulit. Hinawakan ko ang ulo nya, habang hinahagod ko ang likod nya.

Wala akong masabi, hindi ko mahanap ang tamang words for that moment.

“I’m scared Baste! I am so, so scared!”

“Shhh, you will get through this. I will be here with you. We will get through this.”

I kissed her lips. Smack lang pero matagal. Ilang beses kong inulit hanggang sa hindi ko na kaya, I kissed her passionately and longingly.

She kissed me back. Matagal rin kaming naghalikan, long, deep french kiss. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Nang maghiwalay ang mga labi namin, itinulak nya ako palayo.

“We can’t be together, Baste. Do not waste your life with me.”

This story mag not be reposted, reproduced or distributed, in whole or in part, without prior written approval of the author by any means available.