Sa lahat ng sumusubaybay kay Martine and Baste and sa mga nag request ng sequel, I made this part as a Christmas and New Year gift sa lahat ng suporta nyo sa akin.
Originally, gusto ko sana na bayaan na lang si Baste sa nangyari sa kanya but then I thought na dugtungan pa ang story nya, who knows baka this time, sumaya na sya.
Merry Christmas and Happy New Year FSS!
***
“Baste!”
“Baste…” Tawag ng ermats ko habang mahinang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako para pagbuksan sya. Hindi naman ako tulog pero wala ako sa mood bumangon. Sa totoo lang, ayoko lumabas ng kwarto.
“Sasamahan mo ba ako…”
“Yes Ma. Anong oras po ba tayo aalis?” Hindi ko na sya pinatapos ng sasabihin. Huling araw ng taon ngayon. Alam ko na magpapasama sya bumili ng pang Media Noche.
“Ngayon na. Maligo ka na.” At tumalikod na sya at naglakad papunta sa kwarto nya. Napatingin ako sa wall clock, alas otso na ng umaga. Sabado.
Sabado. Pang ilang sabado na ba na hinihintay ko pa rin ang pagbusina ni Martine sa labas ng bahay namin dahil araw ng jam ng barkada. Kakain muna kami ng breakfast sa Wildflour or kung saan…
Napabuntong hininga na lang ako. Nasanay na ako na maghintay. Hanggang sa matatapos na ang araw na walang Martine na darating. Parang tanga lang na nasa gitna ako sa pakiramdam na naka-move on na ako at hindi pa nakaka-move on. Masakit pa rin, at higit sa lahat, nakakalungkot.
Halos apat na buwan na mula nang umalis ng walang personal na paalam si Martine. Apat na buwan na halos araw-araw akong naghihintay sa tawag or kahit message man lang galing sa kanya. Hindi ko naman sya mahanap dahil nag deactivate sya ng lahat ng social media nya. Ilang beses din akong nagmessage sa kapatid nya at sa parents nya sa facebook. Okay naman sila kausap pero kapag sa part na si Martine na ang tinatanong ko, seen-zoned na ako.
Dumaan ng unang Pasko na wala si Martine. Unang Pasko rin na hindi ako nagsimba dahil hindi ako dinaanan ni Martine. Dati-rati, alas siyete pa lang ng umaga, papasok na sya sa bahay namin para mag-bless kay Mama at para ibigay ang mga regalo nya sa amin. Magkasama kaming sisimba pagkatapos pupunta kami kina Brad para mag-bless sa parents nya at ganoon din kina Mico. Last stop ay sa bahay nila at doon na kami mag spend ng whole day. Darating sa gabi si Mico at Brad pagkatapos mag jam kami ng Christmas songs using our own version.
Ang Pasko ko ngayon? Pagkatapos ng noche buena, nagtulog na lang ako magdamag at maghapon. At syempre in between that, tinitingnan ko ang phone ko, nagbabakasakali na may tawag or message. Natapos ang Pasko na wala. Gusto kong magalit kay Martine pero hindi ko magawa at naiinis ako sa sarili ko sa patuloy na pag-asa.
Pumasok ako sa bathroom at mabilis na nagshower dahil I’m sure papagalitan ako ni Mommy kapag nag-bagal ako kumilos. Mabuti na rin iyon para mabilis din kami makabalik ng bahay.
Sa loob ng kotse, ilang beses hinawakan at pinisil ni Mommy ang kamay ko. Sa apat na buwan kasi na wala si Martine, nagbago ang habit ko. Iniwasan kong makipag-usap sa kahit kanino. I lived my life the way it has to be lived lalo na pagdating sa trabaho. Oo, I’m hurting pero I cannot let my work suffer. I think ako pa rin ang same na Baste sa work but personally, hindi ako ang Baste na kilala ng malalapit na tao sa buhay ko.
Nakikipag-usap ako sa kanila pero tipid lang ang sagot ko. After na umalis si Martine, hindi pa ulit ako umattend ng jam ng barkada. Balita ko pumupunta pa rin si Mico at Brad kina Martine. Ilang beses nila akong tinawagan pero hindi ko sila sinisipot hanggang sa tumigil na sila sa pag-imbita sa akin.
“Baste…” Pag-interrupt ni Mommy sa pagmumuni-muni ko.
“Hm?” Maikli kong sagot.
“Malalampasan mo rin iyan…” First time ni Mommy na magsalita tungkol dito simula nang umalis si Martine.
“Hm, opo.” Maikli kong sagot.
“Masakit, alam ko…” Pagpapatuloy nya.
“Hm.” Traffic. Badtrip, gusto ko na tumakas sa usapan na iyon.
“… Pero unti-unti rin iyan mawawala.” Kilala ako ng Ermats ko. Kapag ayaw ko pag-usapan ang isang bagay, hindi ako tumitingin sa kanya. Isa pa, ayokong tingnan sya dahil baka mapa-iyak lang ako. Masakit pa rin. Masakit dahil nami-miss ko si Martine. Masakit dahil sobrang nami-miss ko kami. Masakit dahil mahal ko sya. Mahal na mahal ko sya!
“Darating tayo dyan, Ma. Pero for now, tama na.” Nag change topic na lang sya.
**
Sa loob ng grocery, nagulat na lang ako na may tumapik sa likuran ko habang tinutulak ko ang grocery cart ni Mommy. Paglingon ko, si Brad at Mico. Inakap nila ako. Parang mga tanga! Nakaka dyahe sa ibang tao.
Nakita sila ni Mommy ay nag-kiss silang dalawa sa ermats ko. Ayaw ko man aminin, pero natuwa ako na makita sila.
“Dude, may lakad ka ba mamayang hapon?” Tanong ni Brad.
“Wala, wala ‘yan lakad mamaya!” Sagot ni Mommy sa kanila.
“Daanan ka namin mamaya. Ahm,may charity event kasi ang office. Fund raising for street kids. Nagrerequest sila na tumugtog tayo pero sinabi ko na hindi tayo kumpleto.” Si Mico.
“Ahhh… Wala akong practice!” Sagot ko.
“Huwag kayo maniwala. Linggo-linggo yang tumutugtog sa kwarto nya.” Sagot ni Mommy ko sabay ngiti sa akin.
“Tsaka when do you needed to practice! Kahit tulog ka kaya mong mag gitara!” Sambit ni Brad.
“Sino magbe-bass?” Tanong ko. Natahimik sila. Si Martine ang sa bass at alam nila na hindi ako basta basta tumutugtog kapag hindi ko gusto ang bahista.
“Si Dylan.”
Pinsan ni Martine at ni Star si Dylan. Nakaka-jam na rin namin sya before at okay naman sya, yun nga lang, marami pa syang kakaining bigas ika nga para maging kasing husay sya ni Martine.
“Sige.” Sabi ko. Na…