Martine – Part 6

“Baste!”

“Baste!”

Pinunasan ko ang luha ko, saka ko lang nakita nang malinaw na tinatawag na ako nina Brad at Dylan pabalik sa backstage. Napatingin ako sa babae na nasa harapan ko. Nakangiti sya sa akin at hinawakan nya ulit ang pisngi ko.

Matagal ko syang tinitigan. Gaano na ba ako ka-grabe para mag hallucinate? Medyo napahiya tuloy ako sa crowd.

“Baste! Let’s go!” Hinila na ako ni Brad papuntang backstage. Parang wala ako sa sarili ko na sumunod na lang. Nakatingin pa rin ako sa babae na nagsimula nang magsalita sa stage.

“Ano ba, Baste! Alam ko ang iniisip mo.” Medyo may inis sa tono ng boses ni Brad. “Hindi sya iyon!”

Mabilis akong nag pack up ng gamit ko. Walang sali-salita na nag-ayos na rin sila ng kanilang gamit. Napaupo ako sa isang sulok, nakatungo ako habang salo ng dalawa kong palad ang noo ko. Naramdaman ko na naman na umiinit ang paligid ng mata ko. Namumuo na naman ang nga luha ko.

Tumabi sa akin si Brad at tinapik-tapik nya ang likod ko pagkatapos ay inakbayan nya ako. Wala syang sinabi, pero naintindihan ko. Maya-maya, lumapit na si Mico. Inaya na nya kami sa kotse. Mabilis kong kinuha ang gitara ko pati na ang backpack ko.

Sa loob ng kotse, wala pa rin naglalakas ng loob na magsalita. Nakaupo kami ni Brad sa backseat, si Mico ang nagda-drive at nasa passenger seat naman si Dylan. Nagulat sila nang bigla akong nagsalita.

“Dylan, wala ka bang balita kay Martine?”

“Sorry Pare, pero wala talaga. Sasabihan naman kita kung meron.” Maikli nyang sagot. Hindi sya lumingon sa akin, diretso lang tingin nya sa daan.

“Sa Facebook, sa Instagram, sa Twitter…”

“Wala. Hindi sya nagpopost.” Hindi na pinatapos ni Dylan ang tanong ko at mabilis syang sumagot.

“Baste, pabayaan mo na muna si Martine.” Si Mico.

“Ang dali nyong sabihin ang mga ganyan kasi hindi naman kayo ang nasa sitwasyon ko, dude.” Nakatingin ako sa labas ng bintana.

“Pare, hindi lang ikaw ang nakaka-miss sa kanya. Oo, iba ang level ng closeness nyo pero kaibigan rin namin sya.” Si Brad.

“Hindi nyo naiintindihan…” Ayoko tumingin dahil ayokong makita nila na sobrang vulnerable ko na. Para na akong bakla sa ina-asal ko.

“… pero masakit. Dahil hindi ko maintindihan!” Napasuntok ako sa hita ko. Natahimik ang lahat.

Matagal na katahimikan. At dahil matagal na kami magkakaibigan, alam nila na mataas na masyado ang tensyon kaya mas mabuti na tumahimik na lang sila. Alam nila na si Martine lang ang may kayang makapagpakalma sa akin pero nasaan si Martine? Wala!!

Papasok na kami sa village namin, pagtingin ko sa wrist watch ko, mag 9:30 na ng gabi. Inuna namin ihatid si Dylan at napadaan kami sa bahay nina Martine. Bukas ang lahat ng ilaw sa bahay nila.

“Dude, pahinto ng sasakyan. Dito na muna ako.” Itinigil naman ni Mico ang kotse.

“Dadalawin ko si Mamey.” Tinapik ko ang balikat ni Mico at Dylan pati na rin hita ni Brad pagkatapos ay bumaba na ako ng sasakyan.

“Daan din kami kay Mamey mamaya. Ihatid na muna namin si Dylan tapos balikan ka namin dito.” Si Mico.

“Sige.” Isinara ko ang pinto. At humarurot na sila palayo.

Kakaiba ang nararamdaman ko. Mabigat pero masaya pero kinakabahan ako. Wala naman akong ine-expect kundi ang makita lang si Mamey. Huli kaming nagkita noong araw na umalis si Martine.

Pinindot ko ang doorbell. Narinig kong may naglalakad papalapit ng gate. Pagbukas noon, nakita ko si Mamey. Nginitian ko sya at mabilis nya akong niyakap.

“Baste! Kamusta ka na Hijo? Bakit naman ngayon mo lang ako dinalaw dito? Halika! Pasok ka dali!” Dire-diretsong tanong ni Mamey. Naglakad na kami papasok ng bahay nila.

“Halika, dito tayo sa kitchen kasi darating mga kaibigan ko mamaya. May kaunti kaming salu-salo hindi pa nga ako tapos magluto.”

“Palagi ka naman busy pag new year, Mamey. Palagi naman andito mga friends mo eh.” Kumuha ako ng baso at pinuno ko ng tubig mula sa dispenser.

Inilibot ko ang mata ko sa buong kitchen. Napansin naman ni Mamey na nagmamasid ako.

“Okay ka na ba, Baste?”

“Mamey naman… anong klaseng tanong naman iyan?”

“Eh… Dahil alam ko na hindi ka pa okay.”

“Wala Mamey eh… ganun talaga. Makaka-adjust din ako.”

“Huwag mo alalahanin si Martine. Ayos lang sya doon. Nakausap ko sya noong Pasko. Umiiyak nga kasi hindi daw sya sanay. Masaya daw sya kasi buo sila pero nalulungkot daw sya kasi wala ako kasama.”

Taimtiim akong nakinig sa kwento ni Mamey. Para bang gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na maayos lang ang lagay ni Martine.

“Sinabi ko na dinadalaw nyo naman ako dito kaya huwag sya mag-alala.”

“Mamey sorry kasi ngayon lang kita nadalaw.” Lumapit ako kay Mamey at inakap ko ulit sya. Para bang lalong gumaan ang pakiramdam ko.

“Ah. Gets ko na ano!” Sabay hampas ni Mamey sa braso ko. Bigla na naman ako naiyak.

“Ambigat lang sa loob Mamey…” marahang hinagod ni Mamey ang likod ko.

“Ayos lang iyan. Pero Baste, huwag mo na sana patagalin iyan. Iniwan ka na nya, at hindi tayo sigurado kung kailan sya babalik or kung babalik pa sya. Huwag mo sayangin ang luha mo kapag paulit-ulit lang ang reason ng iniiyak mo.”

Oo nga naman, may point nga naman si Mamey.

“Mamey, hindi ba ako tinanong ni Martine… noong… tumawag sya?” Hindi ko halos matapos ang tanong ko.

“Pasensya na Baste, pero hindi. Kaya pulutin mo ang sarili mo at maging masaya ka ulit. Kahit para sa sarili mo.” Ngumiti si Mamey.

Sakto namang tumunog ang doorbell. Dumating na si Brad at Mico at lumabas si Mamey para pagbuksan sila. Maya-maya ay andoon na ulit silang tatlo sa kitchen.

“Doon na muna kayo sa salas or sa music room at patapos na ako dito. Kayo na bahala kumuha dyan sa ref ng dessert or bahala na kayo.”

Mabilis na hinango ni Mamey ang mga niluto nya para ihanda sa pagdating ng nga amiga nya. Kami naman ay dali-daling nagpunta sa music room. P…