“Where are you going?” Nagtatakang tanong ni Jade.
“Dyan lang, gagala. Pakisabi kay Mommy”
Nakatingin lang si Jade sa akin pero wala na rin nagawa kundi sundin ang sinabi ko. Kinawayan ko pa sya nang makalabas ang auto ko sa gate. Ang totoo nyan, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang, gusto kong mapag-isa.
Mga ilang minuto rin akong nagpaikot-ikot sa subdivision namin. Nadaanan ko pa ang bahay ng pinsan ni Martine na si Star. Nasa may labas sya ng gate kasama ang anak nya.
“Happy New Year, Star!” Hindi ko napigilan na huwag tumigil sa may harapan nila. Hindi pa ako nasiyahan sa pagbukas ng window, bumaba pa talaga ako ng auto ko.
“Happy New Year to you too, Baste!” Hinalikan nya ako sa right cheek ko. Naramdaman kong kumiskis ang malusog nyang dibdib sa braso ko. Parang automatic naman na napahawak ako sa may lower back nya.
“What are you going to say to Tito Baste?” Tanong naman ni Star sa anak nya.
“Happy New Year po, Tito Baste!” Bati sa akin ni Matthew at dahil playful talaga ang batang iyon, umakap pa sya ng sobrang higpit sa aking binti. Ginulo ko ang buhok nya sabay tapik sa likuran.
“Happy New Year Matthew!”
“Where are you going?” Tanong ni Star.
“I have no idea.” Sagot ko.
“Sounds like a “road trip” to me.” Nakangiting sagot ni Star habang nagmustra pa sya ng daliri nya sa pagkakasabi ng “road trip”. Nagkatawanan kaming dalawa.
Ngayon ko lang napagmasdan si Star ng ganoon kalapit na walang kahit anong make-up sa mukha. May pagkakahawig din pala sila ni Martine, lalo na sa mata. Kung hindi lang sya pinsan ni Martine, baka papatulan ko talaga sya kahit may asawa na sya.
“I should get going.” Medyo awkward pa ang pagkakasabi ko kay Star.
“Have fun!” At muli akong hinalikan ni Star sa aking pisngi.
Nagpaalam ako kay Matthew at mabilis na pumasok sa loob ng kotse. Paano kasi, sa hindi ko alam na reason, medyo nagagalit si junior ko kaya kailangan kong maitago agad kay Star. Pinaandar ko ulit ang auto ko at nagpaikot-ikot muna ulit ako sa subdivision namin hanggang sa hindi ko namalayan na nasa may gate na ako palabas.
Imbis na bumalik ng bahay ay nagda-drive na ako sa kahabaan ng EDSA at dahil unang araw ng bagong taon ngayon, wala masyadong sasakyan ang bumibyahe. Kumanan ako sa may Shaw Boulevard at nakita ko na lang na papasok ako sa parking lot ng Capitol Commons.
“Bahala na si Batman, Baste!” Bulong ko sa sarili ko habang ipina-park ang auto ko.
Naglakad ako papuntang Starbucks. Malayo pa lang ako ay natanaw ko ang isang familiar na tao. Mag-isa lang syang nakaupo, nakatungo at may kung anong tinitingnan sa phone nya. Nang ma confirm ko na sya nga iyon, nilapitan ko sya.
“Excuse me, Miss. Is this seat taken?” Tanong ko sa kanya.
“You gotta be kidding me! What are you doing here?” Gulat ng babae sa harapan ko.
“Are you waiting for somebody?”
“No, please have a seat.” Sabi nya. Naupo naman ako.
“What are you doing here? Tanong nya sa akin.
“I keep asking that myself as well.” Sabi ko.
Ngumiti lang sya sa akin. Medyo nagblush pa sya dahil kanina ko pa rin sya tinititigan. She looked prettier now. Or dahil hindi ko naman sya masyadong napapansin noon. Pero ewan ko ba, lahat na yata ng babae na makita ko ngayon ay maganda sa aking paningin. Ganito ba ang effect kapag nakamove-on ka na sa pagka broken hearted mo? Or naka move-on na nga ba talaga ako?
“Excuse me, let me order my drinks first.” At pumasok ako sa loob ng Starbucks. Wala rin masyadong tao. In fact, pang second na ako sa queue.
Umorder ako ng standard drink: Caramel Macchiato. Favorite namin ni Martine. Si Martine na naman. Bumili na rin ako ng cheesecake at brownies to share with my girl. Pagkakuha ko ng drinks ko, lumabas na ulit ako pabalik sa table namin.
“I keep forgetting na you’re staying nearby.” Sabi ko habang ipinapatong ang mga binili ko sa table namin.
“It doesn’t matter. Makakalimutin ka naman talaga.” Sarcastic ang tono nya. Nagkatawanan kami. Well, totoo naman dahil bigla na lang akong nag MIA sa kanya.
“Help yourself with these badboys. It’s new year so, don’t tell me about diets.”
“Hay nako, Baste! What diet are you talking about? Kahit nga ikaw kaya kong KAININ.” At may emphasis talaga sa word na “kainin.” Nagtawanan na lang ulit kami.
Nagsindi sya ng sigarilyo. Napatingin ako sa ashtray nya, parang pang apat o panglima na stick na iyon. Uminom na lang ako sa kape ko. Bigla nag flashback sa akin na wala na mang-aagaw ng kape ko kasi hindi ko naman kasama si Martine.
“Baste, nabalitaan ko na umalis pala si Martine…”
“I know that you know na smoking is bad for your health, yes?” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya kaya ininterrupt ko na lang sya with that random na statement. Natawa lang sya.
“Life is short, Baste. You just do what you want to do, eat want you want to eat, go wherever you wanna go.. and smoke, by all means! Life is too short to just keep on holding back.”
“Fair enough.” Maikli kong sagot.
Matagal din kaming hindi nagkibuan at kumain na lang ng cheesecake. Paminsan-minsan nagtatama ang aming mga tingin kaya medyo awkward din.
“Are you dating anyone yet?” Tanong nya habang kagat-kagat pa nya ang dulo ng fork nya. Para bang nangti-tease.
“This bastard got no time for that!”
“Hmmm… I forgot, takot ka nga pala sa commitments.” Ilang beses nya dinilaan ang fork nya pagkatapos ay kumuha ulit ng isang chunk ng cheesecake.
“Maybe.” Nagkibit balikat lang ako.
Ibinaba nya ang fork nya at pinatay na rin ang nauupos nyang sigarilyo. Inubos rin ang natitira pa nyang kape. Pinanood nya ako habang unti-unti ko rin inuubos ang kapirasong brownies at cheesecake. Medyo dyahe tuloy.
“I better get going.” Inayos nya ang mga gamit nya na nakapatong sa table at isa-isang inilagay sa sling bag nya.
“Ang bilis naman!” Sabi ko.
“I was here hours before you arrived, ano?”
“Wait for a while and I will walk you over to your car.” Inubos ko rin ang natitira kong kape.
“Walk me to my car? Parang dog lang?” Inilapit na naman nya ang face nya sa akin which gave me the chance na bulungan sya.
“I-doggy kita, you want?” Hindi sya sumagot pero kagat-kagat nya ang lower lip nya at medyo puppy eyes pa sya.
Tumayo ako at kinuha ang wallet at phone ko na nakapatong sa table. Nauna syang naglakad papunta sa parking lot at sinundan ko sya. Pareho kaming hindi nagsasalita pero para bang may magnet na humihila sa aming dalawa. Namalayan ko na lang na nakahawak na ako sa bewang nya.
“Here we are!” Sabi nya nang makarating kami si SUV nya. Ini-unlock na rin nya iyon.
Binuksan ko ang driver’s seat. Kinabig nya ako papalapit sa kanya at bigla nya akong hinalikan. Mga ilang minuto ding naglapat ang mga labi namin.
“Get inside the car.” Bulong ko sa kanya na mabilis naman nyang sinunod. Isinara ko ang pinto at naglakad naman ako papunta sa passenger’s seat. Binuksan ko ang pinto at dali-daling naupo doon.
Mabilis ulit na naglapat ang aming mga labi. This time mas madiin at mas torrid. Nara…