“Ang tamis siguro halikan ng kanyang labi.”
At sa bawat ngiti niya ay lalo akong nabighani at nasabi sa sarili ko, ang ganda niya tingnan pag ngumingiti. Parang mawala lahat ng problema sa mundo. Ganito talaga pag may pagtingin ka sa isang babae. Nasabi ko na lang sa sarili ko:
“May tinatago pala siyang ganda, malakas pala sex appeal niya, hot nga siya.”
May kung anung kuryente na tumatakbo sa kalamnan ko na ayaw ko munang aminin. Ramdam ko ang magkahalong init at lamig sa katawan ko. At sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kaba habang nakatingin sa isang dilag na nakatawag ng pansin sa aking mga mata.
Masasabi ko, hot at maganda si Kingking kahit napaka simple niya. Ang pinakagusto ko sa kanya ay yung leeg niya, slender, maputi at makinis – sarap dampihan ng labi at halikan. Simula nun ay nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Naging kapansinpansin na siya sa’kin at nangingibabaw na ang dating niya kahit itatabi pa siya sa ibang mga girls sa school.
Nagsimula akong magtanong tungkol sa kanya. Mga paborito niya, anung mga trips niya at pinakamahalaga yung birthday niya. Hindi ko pa alam paano siya titiyempohan at kausapin. Tahimik lang siya at mukhang mahiyain. Although napag-alaman ko sa mga ibang friends niya na meron din siyang konting kalokohan at kapilyohan, typical sa isang teenager. Pero generally, mabait siya, focus sa pag-aaral at honor student.
Dun ako lalong nagka interest sa kanya. Kahit di ko pa siya lubusang nakilala puro magaganda ang nalalaman ko tungkol sa kanya. Sa totoo lang, hindi pa ako nagkakagusto ng ganito sa isang babae. Lalong sumidhi ang interest ko na mapalapit sa kanya.
Inantay ko na mabigyan ng pagka…