Paglipas ng ilang araw, nagtaka ako kasi hindi man lang nagpaparamdam si Kingking. Hindi kami friend sa FB kaya wala akong ideya kung napaano na siya. One time, nakasalubong ko ang parents niya sa isang mall sa lugar ng work ko. Naitanong ko ang tungkol sa anak nila at sinabing masyado raw itong busy at babad sa pag-aaral. Halos di na nga raw lumalabas sa kwarto niya. Tapos may inabot sa’kin na sulat. Excited akong umuwi at binasa ito:
Para sa lalaking binigyan ko ng sarili ko sa unang pagkakataon,
Alam kong nagtataka ka kung bakit iniiwasan kita at di na ako nag-communicate sa’yo. Sinadya ko talaga na di na makipagkita sa’yo kasi ayaw ko nang maulit yung nangyari sa’tin. Iniiwasan ko ring mag-communicate sa’yo kasi gusto kong mag-focus sa pag-aaral ko at ayaw ko ring mahulog ng tuluyan sa’yo. Hindi ako basta-basta nagtitiwala. Maingat ako pagdating sa anumang papasukan kong relasyon kagaya sa’tin. Wala naman tal…