Bandang alas-3 na ng hapon ng dumating sila Rex at Dianne sa isang lumang beach resort sa Zambales. Nirekomenda ito ng isa sa mga ninong nila para sa kanilang honeymoon, at bilang bahagi na rin ng mga regalong natanggap nila. Kahit na may kalumaan na, maganda pa din ang beach resort, kung pagmamasdan mo ang paligid, feel na feel mo pa rin ang nature, nakakarelax. In fact, plano nga ng may-ari nito n idevelop ito bago matapos ang taon. Pagdating nila sa resort ay sinalubong sila ni Mang Kanor.
“Good Afternoon po sir, ma’am, ako po si Kanor, ako po yung katiwala dito ni Sir Roman” pambungad nito. “Good afternoon din po Mang Kanor, ako po si Rex at ito naman po ang misis ko si Dianne” masayang tugon ni Rex. “Hello po, kamusta po kayo” bati ni Dianne.
“Mabuti naman, tumawag nga po Sir Roman noong isang linggo, ayun nga po inihabilin kayo sa akin” tugon ng katiwala. “Hindi nga din po namin inaasahan to, pero masaya at excited po kami dahil firts time namin dito sa Zambales” ani Rex.
“Tiyak kong mg-eenjoy kayo dito, maganda po dito, mas lalo na po pag nadevelop ito, at yun nga ang matagal ko ng ipinagdarasal, makakatulong din kasi ng malaki yun sa pamilya ko” si Mang Kanor habang tinutulungan ang mag-asawa sa mga dala-dalang gamit nito.
“Nasan nga po pala ang pamilya nyo?” tanong ni Rex habang si Dianne naman ay pinagmamasdan ang ganda ng paligid. “Ah, si misis.. namalengke sandali para sa hapunan natin, may dalawa akong anak pero may asawa na pareho, nasa kabilang bayan, paminsan minsan dumadalaw dito.. Sir, ma’am hatid ko na kayo sa kwarto nyo at ng makapagpahinga na kayo alam kong pagod kayo sa byahe..makapagmeryenda na din” paanyaya ni Mang Kanor.
“Ok lang po, nawala nga po ang pagod ko ng makita ko ang dagat.. parang gusto ko na nga po mamasyal” pahiwatig ng lalaki. Inihatid na ni Mang Kanor ang bagong kasal sa kwartong tutulugan ng mga ito. Simple lang ang kwarto, hindi masyadong kalakihan pero malinis at maayos. Gawa ito sa sawali at plywood kaya’t presko at talagang nakakarelax, meron din itong air cooler.
Ito ang nagsisilbing kwarto ni don Roman sa tuwing bumibisita sya dito. Pag binuksan mo ang bintana, tanaw na tanaw mo na ang dalampasigan na tila ba paraiso. Halos 10 metro naman ang layo ng bahay na tinitirhan ni Mang Kanor. Nang makapag-ayos na ang dalawa, inanyayahan na silang magmeryenda ni Mang Kanor. At ilang minuto lang, dahil nga sa pananabik, nag-aya na si Rex maglakad-lakad sa dalampasigan.
“Honey ang ganda talaga dito..” si Rex.
“Oo nga, nakakarelax.. ang sarap ng hangin” tugon naman ng babae.
“Matagal-tagal na din akong hindi nakakapagbakasyon.. ibang-iba ang Maynila dito” kwento ni Rex habang naglalakad sila ng bagong misis nito, holding hands while walking.
“Sinabi mo pa, sa Maynila nakakastress” patunay ni Dianne.
Dahil nga sa bagong kasal ang mga ito, obvious na obvious ang pagiging sweet ng dalawa. Paminsan-minsan naman ay humihirit ng green jokes si Rex.
“Hon, parang gusto kong totohanin ang mga panaginip ko” ayon kay Rex.
“Ano ba yun?” usisa ni Dianne.
“wala lang, minsan kasi nananaginip ko na ikaw daw si Eba at ako si Adan hahaha”
May pagkapilyo kasi si Rex, pero hindi man aminin isa yun sa nagustuhan sa kanya ni Dianne. Palabiro din ito minsan.
“Naisip ko kasi na parang masarap makipagsex sa dalampasigan hehe.. tingnan mo din dun oh, parang gubat na, pwede din tayo dun hehe” pilyong dagdag ni Rex sabay pisil sa kamay ng babae.
Sa pananalita pa lang ay obvious na ang pagkasabik ni Rex sa asawa. Si Dianne naman ay medyo pakipot pa.
“ikaw talaga..pilyo.. kung anu-ano kasi napapanaginipan mo.” tugon ni Dianee na may halong ngiti.
“sabik lang talaga ako sayo” bulong ni Rex sabay halik sa leeg ng babae.
“Reeeexx, anoo ba…. mamaya na yann.. baka may makakita sa atin..” pakipot ni Dianne na halatang nakiliti sa ginawa ng mister.
“Sigee.. basta mamaya ah..sobrang excited na ako” tugon ni Rex sabay halik sa labi ng asawa.
Mamaya ay dumating na ang asawa ni Mang Kanor na si Manang Lerma. Bitbit nito ang pinamili at mukhang malungkot. Naaksidente pala ang panganay na anak nito sa pamamasada sa Tricycle, ligtas na daw pero kailangan pa daw nitong mg-stay sa Hospital.
“Lerma, ano ba ang nangyari? pagtatanong ni Mang Kanor sa anak.
“Pabalik na ako dito nang magkita kami ng apo nating si junjun,yun nga daw naaksidente daw ang tatay nya” kwento nito na halatang naiiyak.
Halata naman ang pakikisimpatya ng bagong kasal.
“Gusto ko nga agad bumalik sa bayan at pumunta sa hospital” dagdag ng matandang babae.
“Mabuti pa ay magluto ka na at nang makabalik ka dun, sila nga pala yung inihabilin ni Sir Roman sa atin, Si Rex at Dianne” pakilala ni Mang Kanor sa dalawa.