“Opo, Tiya.” tugon ng dalaga habang nagpi-facebook ito sa kanyang phone.
“Ikaw na ang bahalang kumuha nang makakain nila dyan sa ref. O mas mabuti pa, magluto ka na ng ulam na gusto mong iluto tapos damihan mo at bigyan mo na lang sila.” ani Aling Lilian habang inihahanda nito ang payong sa paglabas nito.
Opo, Tiya. Ganun na lang po ang gagawin ko.” ani Shane.
“O, sige. Aalis na ako at hindi ko pwedeng iwan nang matagal ang puwesto ko sa palengke.” nagmamadaling wika ng ginang at tsaka ito umalis.
Sa kaniyang tiyahin pansamantalang nakatira ang disinuebe anyos na dalagang si Shane habang nag-aaral ito sa isang kolehiyo sa bayan ng probinsyang iyon. Ipinagagawa ng kaniyang tiyahin ang isa pang bahay nito sa likod mula sa perang pinapadala ng kaniyang mister na nagtatrabaho bilang isang seaman sa isang cargo ship. May puwesto naman sa palengke sa bayan si Aling Lilian kung saan mga agri feeds ang itinitinda niya. Parang anak na ang turing ni Aling Lilian kay Shane lalo pa’t hindi sila pinalad na magkaanak ng kaniyang mister.
Nang makaalis ang tiyahin ni Shane ay nagpunta ang dalaga sa ginagawang bahay upang bilangin ang mga trabahador doon. Pamilyar na sa kanya ang mukha ng ilan sa mga ito na nakatira sa kabilang purok ng kanilang lugar. Nang puntahan niya ang ginagawang bahay ay naabutan niyang abala ang mga trabahador sa paggawa ng bubungan. Nakita niya roon ang isang matangkad na lalakeng nakatalikod sa kanya habang nakamasid ito at tinuturuan ang mga trabahador doon sa tamang paglalagay ng mamahaling bubong. Sa pakiwari ni Shane ay ngayon lamang niya nakita sa kanilang lugar ang lalakeng iyon na nakasuot ng semi-fit na faded na maong at kulay puting t-shirt na tinernuhan ng suot nitong kulay itim na canvass sneakers. Matagal-tagal na ring ginagawa ang bahay na iyon na sa sandaling iyon ay malapit nang matapos pero ngayon lamang nakita ni Shane ang lalakeng iyon.
Napansin ng lalake si Shane. Napatingin ito sa dalaga. Kapagdaka’y muli nitong hinarap ang ginagawang bubungan. Binilang ni Shane ang mga gumagawa roon. Walo silang lahat kasama na ang lalakeng ngayon lamang niya nakita. Muling bumalik si Shane sa kanilang bahay at dahil alas onse na sa mga oras na iyon ay agad niyang tinungo ang ref. Naghanap siya ng pwede niyang iluto na pananghalian. Nakita niya roon ang isang pack ng jumbo hotdog. Favorite iyon ng dalaga. Inilabas niya iyon sa ref at iyon ang iluluto niya bilang pananghalian niya at nga mga trabahador.
Sa pagsapit ng alas dose ay tinawag ni Shane ang mga trabahador para kumain. Inihanda niya sa mesa ang kaldero ng sinaing niyang kanin gayundin ang mga hotdog na niluto niya. Nagsipuntahan sa mesa ang mga trabahador. Napansin ni Shane na wala roon ang lalakeng kanina lamang niya nakita. Nakita ito ni Shane sa labas. May kausap ito sa phone.
Sakto namang dumating ang kaibigang babae ni Shane. Habang kumakain ang mga trabahador sa kusina ay nagkwentuhan naman si Shane at ang kaibigan niya sa balcon.
“Bes, kinikilig talaga ako dyan sa isang gumagawa diyan sa bahay niyo.” wika ng kaibigan niyang si Mariz.
“Ha? Sino?” pagtataka ni Shane.
“Ayan oh, si Ehron.” nguso ni Mariz sa matangkad na lalakeng may kausap sa phone.
“Grabe ka, Bes. Kilala mo na siya agad eh kanina ko nga lang ‘yan nakita rito.” ani Shane.
“Ano ka ba. Bumili ‘yan kanina ng sigarilyo at softdrink sa tindahan namin. Kinikilig nga ako habang inaabot ko ‘yung mga binili niya. Tapos nagkakwentuhan kami at dun ko nalaman na Ehron ang pangalan niya. Taga Maynila pala siya at dumating lang siya kanina kasi kinuha siya ng tiyahin mo para i-supervise yung ginagawang bubong ng bahay niyo. Grabe, Bes. Mukhang mapapadalas ako rito dahil kay Ehron.”
“Bulag ka ba? Tingnan mo nga ang hilatsa ng mukha niyan. Mukhang babaero. Mukhang hindi ka gagalangin niyan.”
“Eh ‘yun nga ang gusto ko , Bes. Ayokong galangin ako ni Ehron. Gusto kong pagnasaan niya ang alindog ko.”
“Baliw!” natatawang wika ni Shane sa pagiging pilya ni Mariz.
“Basta, Bes. Gagawa ako nang paraan matikman ko lang ‘yang si Ehron.”
“Sira ka na yata talaga. Andami namang nanliligaw sa’yo pero nagkakaganyan ka sa lalakeng ‘yan eh ngayon mo pa nga lang nakita ‘yan.”
“Ewan ko, Bes. Pero nung tinitigan niya ako kanina. Shit, feeling ko mahuhulog ang panty ko. Tapos nung ngumiti siya, kulang na lang himatayin ako sa harap niya. Iba siya, Bes. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito sa lalake.”
“Hay naku, Bes. Ganyan naman ang mga babaero.”
“Paano mo alam?”
“Narinig ko lang na ganyan sila.”
“Eh narinig mo lang pala eh.”
Nang muli silang mapalingon kay Ehron ay wala na ito roon. Mula sa balcon ay nakita nila ang lalake na mag-isang kumakain sa mesa sa kusina. Kulang pala sa upuan kanina sa mesa kung kaya’t nagpahuli na itong kumain.
“Tara puntahan natin.” kayag ni Mariz kay Shane. Hinila nito si Shane papunta sa kusina.
Nang makarating sila roon ay napansin ni Shane na ubos na ang limang gatang na kanin na sinaing niya. Ubos na rin ang hotdog na niluto niya. Nakita niyang kinakain ni Ehron ang huling jumbo hotdog mula sa niluto niya.
“Aba naman. Ako na nga ang nagluto ako pa ang walang kakainin. Hindi mo man lang ako tinirhan sa mga niluto ko.” inis na wika ni Shane sa lalake.
Narinig siya ni Ehron. Natawa lang ito sa sinabi ng dalaga. Muli nitong ipinagpatuloy ang pagkain.
“Aba mukhang hindi lang pala matakaw ang isang ito kundi bingi rin.” ani Shane. Sinaway siya ni Mariz pero hindi iyon pinansin ng dalaga.
“Ano daw?” naiiling na nakasinging wika ni Ehron.
“Ang sabi ko inubos mo na lahat hindi ka nagtira.”
“Isang hotdog na lang naabutan ko rito tsaka konti na lang ‘yung kanin.” wika ng lalake, “Kung gusto mo hati na lang tayo rito sa hotdog tsaka sa kanin.” alok nito.
“Okay ka lang? Eh kinakain mo na.”
Natawa lang ang lalake sa nagiging reaksiyon ng dalaga. Binilisan na lang nito ang pagkain at nang matapos ay inilagay niya ang pinagkainan sa lababong naroon kasama ng mga pinagkainan ng mga kasama niyang gumagawa sa bahay.
“Ano ka ba naman, Bes. Bakit mo naman ginanun si pogi?” ani Mariz.
“Ewan ko, parang ang yabang niya.”
“Eh wala namang ginagawa sa’yo ‘yung tao.”
“Sus. Sabihin mo type mo lang kasi kaya mo pinagtatanggol.”
“Hay naku, Bes. Ikaw yata ang baliw sa’ting dal…