“Shiiit… Shiiiit.” tanging naibulalas ni Shane habang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga titig na iyon ni Ehron sa kanya. Tinungo ng dalaga ang ref sa kusina at inilabas niya ang isang pitsel ng malamig na tubig. Uminom siya upang maibsan ang nanunuyot niyang lalamunan. Nag-iinit pa rin ang kanyang pakiramdam mula sa kanyang nasaksihan kanina. Sinubukan niyang mapawi ang init na iyon sa pag-inom ng malamig na tubig. Tulala siyang uminom habang binabalikan ang mga maiinit na tagpo kanina. Hanggang sa namalayan na lamang ni Shane na halos mauubos na pala niya ang laman ng pitsel subalit hindi pa rin napapawi ang init na patuloy na bumabalot sa kanya.
Pumasok ang dalaga sa kanyang kwarto at nahiga sa kama. Iniisip niya ang mangyayari kinabukasan lalo’t siya muli ang pinagbilinan ng kanyang tiyahin para umasikaso sa mga trabahador.
Kinabukasan, hindi lumabas ng bahay si Shane. Nagkulong lamang ito sa bahay at nanood ng TV sa sala. Pinilit ng dalaga na ibaling ang atensiyon sa pinapanood. Gayunman, sadyang hindi maalis sa kanyang isip ang nangyari kagabi. May kumatok sa pinto. Kinabahan si Shane sa pag-aalalang baka si Ehron iyon. Nawala ang kanyang pangamba nang marinig niya ang boses ni Mariz. Pinagbuksan niya ng pinto ang kaibigan. Napansin agad ni Shane na mas masigla ng kaibigan sa umagang iyon. Naisip niya ang ginawa nito kagabi. Tiyak niyang iyon ang dahilan.
“Bes, may sasabihin ako sa’yo. Atin-atin lang ito ha.” excited na wika ni Mariz.
“Ano ‘yun, Bes.” kunwaring tanong ni Shane dahil may hinala na siya sa sasabihin ni Mariz sa kanya.
“I did it last night. We did it. Me and Ehron, dyan sa ginagawang bahay.” abot tengang ngiti ng dalaga.
Tama nga ang hinala ni Shane sa sinabi ni Mariz. Ang hindi alam ni Mariz ay alam ni Shane ang ginawa nito kagabi. Naging saksi siya sa maiinit na tagpong ginawa ng dalawa.
“Talaga?” pabalat-bungang tugon ni Shane.
“Oo, Bes. Grabe ang sarap niya. Hanggang ngayon parang ramdam ko pa yung ano niya sa loob ko. Grabe ang laki, Bes. Pero ang sarap-sarap.”ani Mariz.
“Loka. Hindi mo ba iniisip yung ginawa mo? Paano kung magbunga ‘yang ginawa nyo tapos umalis na ‘yan dito. Ano ka ngayon? Disgrasyada?”
“Ano ka ba, Bes. Safe days ko ngayon kaya kahit putukan niya ako nang putukan eh hindi ako mabubuntis.” ani Mariz.
“Ang landi mo, Bes. Grabe ka hindi kinaya ng powers ko ‘yung ginawa mo.”
“Palibhasa Manang ka kaya ka ganyan. Ewan ko sa’yo bakit andaming nagkakagusto sa’yo pero hanggang ngayon wala kang natitipuhan sa kanila.”
Muling bumalik sa isip ni Shane ang mga titig na iyon ni Ehron sa kanya. Hindi kakikitaan nang pagkagulat o galit ang mga titig na iyon ni Ehron sa kanya. Hindi kayang maipaliwanag ni Shane ang mga titig na iyon pero isang bagay ang natitiyak niya. Ang lakas makababae ng titig na iyon. Kung ngumiti lang siguro si Ehron sa kanya nang gabing iyon ay baka nawala ang takot niya at maging siya ay pinasok na rin si Ehron.
Nabigla si Shane nang kalabitin siya ni Mariz, “Grabe ka, Bes. Kanina pa ako nagsasalita rito eh nakatulala ka naman pala diyan.”
“A-Ah eh, kwan kasi. May iniisip lang ako.” ani Shane.
“Nakakatawa nga kagabi, Bes. Pag-uwi ko sa’min agad akong sinermunan ni Inang at bakit gabing-gabi na raw eh lumabas pa ako. Sa pagkataranta ko kagabi hindi ako nakasagot. Ayun grounded ako kay Inang. Isang linggo akong hindi pwedeng lumabas ng gabi. Shiiit, paano na kami ni Ehron niyan.”
“Ibig sabihin may plano ka pang umulit sa lalakeng iyon?”
“Once is bitin, Bes. Twice is better. More often is the best.” ani Mariz.
“Baliw ka talaga, Bes.”
“Kaya lang ramdam ko kagabi na natukso lang sa akin si Ehron. Ramdam kong hindi niya ako talaga bet. Na mukhang ibang babae ang taste niya. Kasi isang round lang kami kagabi tapos pinauwi na niya ako.”
Nakaramdam nang awa si Shane sa kaibigan. Gayunman, gusto niyang matawa sa sinabi nito lalo na sa pinauwi siya ni Ehron matapos ang eksenang nasaksihan mismo ni Shane.
“Grabe ka, Bes. Sige pigilin mo pa yang tawa mo at nang kabagan ka.” ani Mariz na napuna na nagpipigil nang tawa si Shane.
Hindi na napigilan ni Shane ang sarili. Humagalpak siya sa tawa na halos mamula siya at sumakit ang kanyang tiyan.
“Sige tawa pa more.” natatawa na ring wika ni Mariz.
“Grabe naman kasi yung ginawa mo, Bes. Ayan tuloy pinauwi ka nang wala sa oras. Baka kasi binigla mo.” natatawang wika ni Shane.
Binalot ng kanilang tawanan ang sala. Natigil silang dalawa nang may kumatok. Si Mariz ang nagbukas ng pinto at nakita nila sa labas ang isa sa mga trabahador. May hawak itong isang listahan.
“Ate, kailangan daw po itong maorder ngayon sa hardware sa bayan.” wika ng trabahador.
“Ano? Eh ‘di ba Linggo ngayon at sarado ang hardware pag Linggo?” ani Shane.
“Uy, ano ka ba, Bes. Palibahasa hindi ka nagpupunta sa bayan ‘pag Linggo. May bukas kayang hardware sa bayan ‘pag Linggo. ‘Yun nga lang half-day lang sila.” ani Mariz. Tinanguan naman siya ng trabahador bilang pagsang-ayon.
Napatingin sa wallclock si Shane, “Eh paano ‘yan? Alas diyes na ng umaga. Baka hindi na kayo umabot.” aniya.
“Ate, kailangan daw po talagang mabili ngayon ito sabi ni Sir Ehron.” pangangatwiran ng lalake.
“Ano ba ‘yang Sir niyo? Nagmamadali ba ‘yan?” inis na wika ni Shane.
“Hindi po si Sir kundi ‘yung tiyahin niyo po ang nakiusap sa amin na madaliin ang trabaho.” ani ng trabahador.
Wala nang nagawa si Shane kundi ang kunin ang listahan. Nakasulat din doon ang kabuuang halaga ng mga iyon. Nauna nang napagbilinan si Shane ng kanyang tiyahin na kung may kailangang bilhing materyales ang mga trabahador ay kumuha lamang ng pera ang dalaga sa handbag ng kanyang tiyahin na nakatago sa loob ng aparador nito sa kwarto. Gayon nga ang ginawa ni Shane. Kumuha siya ng pera roon para sa mga kakailanganing materyales.
“Oh, eto, may sukli pa ‘yan ha.” ani Shane nang iabot niya ang pera at listahan sa trabahador. Hindi iyon inabot ng lalake.
“Ate, pasensiya na po pero hindi po ako pwedeng bumili sa bayan. Marami po kasi kaming ginagawa. Nagbubuhos po kami ngayon ng semento ng flooring sa kusina.”
“Aba, ang lagay eh ako pabibilhin niyo? Eh sinong magluluto ng tanghalian niyo?” wika ni Shane bagaman kanina pa siya nakaluto ng pananghalian. Tinatamad lang siyang pumunta sa bayan.
“Ate, teka lang po. May naisip po akong pwedeng pakiusapang bumili.” wika ng lalake at tsaka ito umalis.
Makalipas ang ilang saglit, nabigla si Shane sa lalakeng dumating… Si Ehron. Nakita nito si Mariz. Isang matamis na ngiti ang iginawad ng dalaga sa kanya. Ngumiti ang lalake kay Mariz. Tumingin naman si Ehron sa babaeng sadya niya.
“Shane, ako na lang ang bibili ng mga materyales.” aniya.
Tila natuklaw ng ahas sa kinatatayuan si Shane habang nakatayo sa kanyang harapan si Ehron. Bukod sa presensiya ni Ehron sa kanyang harapan, hindi makapaniwala ang dalaga nang tawagin siya nito sa kanyang pangalan. Hindi maitatanggi ni Shane na magkahalong kilig at kaba ang nararamdaman niya. Gusto niyang mainis sa sarili dahil sa nararamdaman niyang iyon.
“Huy, Bes. Kinakausap ka nung tao hindi mo naman pinapansin.” ani Mariz.
“E-Eto ‘yung pambili at listahan.” tipid na wika ni Shane at iniabot niya ang mga iyon kay Ehron.
Kinuha naman iyon ng lalake. Nagdikit ang kanilang kamay. Nakaramdam nang kakaiba si Shane nang magdikit ang kanilang mga palad. Mabilis ang kaba sa kanyang dibdib.
“Teka, alam mo ba ang papunta sa palengke sa bayan?” usisa ni Mariz.
“Yun lang ang problema. Hindi ko alam dito kasi ngayon lang ako napunta sa lugar na ito. Siguro magpapatulong na lang ako sa tricycle na sasakyan ko.” ani Ehron.
“Naku, maraming tus…