Parang kahapon lang ng magkakilala tayo. Ako pa naman yung tipo ng tao na takot sa relasyon. Pagkatapos kong maranasan ang madaming mapapait na paghihiwalay ay takot na akong isugal ang puso ko. Hirap akong magtiwala sa kahit sinong lalaki. Kaya noon pa man ay tawag ng laman lamang ang habol ko sa mga lalaki. Iniiwas ko na ang puso kong masaktan pero hindi ko napigilan.
Nagpumilit ka pa ding pumasok hindi lang sa puso ko kundi pati na din sa buhay ko. Pinakanasaktan ako hindi sa mga pinagdaanan natin kung hindi noong panahong hindi mo manlang ako hinabol ng makipaghiwalay ako. Oo tanga, pero ikaw lang naman ang hinihintay kong magkusang makipag-ayos. Pero hindi. Iba ang nangyari. Pakiramdam ko pagkatapos ng lahat ay hindi ako sapat para sa’yo. Pakiramdam ko balewala lang lahat para sa’yo.
Alam mo bang napakahalaga para sa akin ng numerong onse? Inabot ka ng alas onse ng gabi para makarating sa tagpuan natin ng araw na iyon dahil sa sobrang traffic. Mismong ang araw na iyon ay onse. Ito ang mismong araw na una kong natikman ko ang langit sa piling mo. Isang araw na hindi mawawala sa isipan ko.
Sakay pa lamang tayo ng bus ay hindi na ako mapakali. Hindi dahil matraffic o dahi lsa pangit ang upuan kundi dahil ang tangi kong nararamdaman ay ang pakasabik na makasama ka ng solo. Nakaakbay ka sa akin kaya alam kong nararamdaman mo ang nararamdaman kong pagkasabik. Habang nakatingin ako sa katabi kong bintana ay hinawakan ko ang kamay mo gamit ang kaliwang kamay ko upang ilagay sa ibabaw kanan kong dibdib. Nakakakaba dahil puno ang bus na sinakyan natin at anumang oras ay maaari tayong mahuli o makita ng ibang mga nakasakay sa bus lalong lalo na ang nasa may bandang likuran natin. Kahit ganito ang sitwasyon natin sa bus ay nararamdamn ko ang gigil mo sa kada pisil ng kamay mo sa dibdib ko. Isang bagay na lalong nagpainit sa akin.
Tamang tama ang binabaan natin ng terminal ng bus. Katabi lamang nito ang pula at dilaw na building kung saan ay nakakuha agad tayo ng kwarto na magiging saksi sa nakatakdang pag iisang katawan natin.
Pagpasok natin ng kwarto halatang may pagkailang pa sa isa’t isa kaya nanuod na lang muna tayo ng pelikula. Habang nanunuod ay pinatay mo na lahat ng ilaw kung saan tanging ang ilaw ng telebisyon ang naging liwanag nating dalawa.
Nahihiya. Naiilang. Nagpaparamdaman. Kahit malapit ng sumabog ang naipon kong init sa sobrang pagkasabik. Unti unti mo akong niyakap at kinabig hanggang angkinin ng mga labi mo a…