Madalas ako nagtatanong sa sarili ko. Bakit kita ipinagtabuyan sa buhay ko kung pwede namang nasa tabi lang kita? Bakit ko nagawang lumayo sayo kahit na ikaw mismo ang lumalapit sa akin? Bakit sa tuwing susubukan kong kalimutan ka ay bigla kang nagpaparamdam? Susulpot sa isang mensahe na para bang walang nangyari? May mga panahong halos nakalimutan na kita pero dahil biglaan kang sumusulpot sa buhay ko ay bumabalik lang lahat sa akin ang lahat. Yung sakit, yung pagod, yung pagmamahal at yung masasayang alaala na kasama kita. Pareho lang ba tayong napagod? O talagang hindi lang sapat yung pagmamahal natin sa isa’t isa kaya tayo naghiwalay? Hanggang ngayon mahal pa din kita. Hanggang ngayon ikaw pa din. Hanggang ngayon nandoon pa din ang lahat ng sana.
Naalala mo ba kung ilang beses tayo kumain ng sorbetes sa loob ng ilang taon nating relasyon? Huhulaan ko ay hindi mo maalala. Pero ako tandang tanda ko pa. Isang beses lang. Dahil pakiramdam ko ay kahit ala-ala lang nito ay pinagseselosan ko.
Naalala ko yung panahong kumain tayo ng sorbetes kasama ang mga kaibigan natin sa iisang lamesa. Hindi nila alam. Hindi natin pinaalam na tayo na. Dahil noon ako ang may gusto na maging pribado lang ang lahat. Pero hindi ko pala kayang magtago. Lalo na ng makita kong harap harapan ka nilang inaakit.
Alam kong magkaibigan kayo pero hindi ka manlang nanlaban sa kanilang pagiging tukso? Nang hiningi niya ang kinainan mong sorbetes ay walang dalawang sabi mong ibinigay. Mababaw man sa inyong paningin pero sa isang umiibig ay kung anong diin.
Ako na mismo ang umalis sa lamesa kung saan alam kong nagulat silang lahat. Hindi nila akalain na para sa isang mababaw na bagay ay magagalit ako. Pumasok ako sa silid natin. Ayaw sana kitang papasukin pero naabutan mo ang pagsara ko ng pinto. Hindi na ako nanlaban. Umupo na lang ako sa kama at nagmumukmok. Kahit panay ang hingi mo ng tawad ay panay ang tawa mo sa pagseselos ko sa ginawa mo.
Ang pagyakap mo ay unti unting nababago ang galaw at ang simpleng pagpatong ng mukha mo sa balikat ko ay unti unti ng humahalik sa aking leeg.
Alam na alam mo kung paano ako paamuhin. Ang kahinaan ko sa panahong galit ako sa’yo. Tumayo ka at isinara mo ang pinto at narinig ko ang tunog ng sedura. Bumalik ka sa pagkakaupo sa kama. Wala na akong pakialam kung nasaan tayo ng mga panahong iyon. Ang tanging gusto ko lang ay anv maramdaman na ako lang ang babaeng paglalaanan mo ng iyong pagmamahal.
Sinimulan mo ang aking mga labi na may pagkagat pa habang pareho tayong naghahabol ng hininga sa sarap ng pagsipsip sa labi ng isa’t isa. Kumandong ako sa’yo habang ang mga kamay mo ay unti unting hinahanap ang aking mga utong. Hindi ka na nahirapang alisin ang aking pang loob na saplot. Unti unti mong nilaro ang aking mga utong na may gigil at lambing.
Kahit nakabukas ang aircon ay tanging init lang ng mga kamay mo ang nararamdaman ko. Ang init na unti unti…