Maxene: Ang Pagpapakilala

Hindi ko alam kung bakit pero alam kong namimiss ko na siya. Bawat haplos, bawat galaw at bawat beses na sinasamba nya ang katawan ko ay nagbibigay liyab sa nagtatagong init ng katawan ko. Ako nga pala si Maxene at ito ang istorya ko.

30th birthday ko ngayon pero wala akong balak maghanda ng engrande. Simpleng pancit at cake lang ay masaya na ako. Masaya na akong kasama ang pamilya ko. Hindi man kami buo ay alam kong sapat na ito para sa akin.

Ngunit may isang bagay na bumabagabag sa akin. Binati nya ako ng hindi ko inaasahan at kung papaano ay ikinagulat ko dahil halos nakablock at deleted na siya sa lahat ng pwede nya akong macontact. Nagpalit na din ako ng number. Bitter kung bitter pero mahal ko pa din siya. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang sarap ng mga maliligayang sandali namin. Mahalaga para sa akin ang mga alaalang pinagsaluhan naming dalawa. Dahil hanggang maaari ay kahit sa alaala man lang ay buhay pa lahat ng mga ito. Kaya sa sobrang pagkagulat ay tinarayan ko siya.

“Wow ah. Nakahanap ka pa talaga ng paraan para batiin ako. Anyway, thank you.”

Kahit ganoon ang naging pagtugon ko sa kanya ay kahit papaano ay nagkakapag usap na ulit kami. Humingi siya ng tawad at ganun din naman ako. Dahil sa isang relasyon ay pareho din naman kaming may kasalanan. Binitawan namin ang isa’t isa kaya kami umabot sa hiwalayan. Hindi man kami madalas magkausap ay kahit papaano ay nag uusap. Hindi man kami magkaibigan sa mga Social Media ay masaya na din ako. Nabuksan na kasi ang pinto ng komunikasyon at alam kong isa itong maaring paraan para kami may magkaayos ng husto. Marami akong nalaman at natutuwa naman akong kahit papaano ay nakakapagkwento siya sa akin sa mga nangyari sa kanya. Hanggang malaman ko ang pinakaimportanteng impormasyon. Hiwalay na sila.

Nabuhayan ako ng loob at u…