Maximo | Episode 3: Miss Polar

Maximo

Episode 3: Miss Polar

Linggo.

Agad akong bumangon sa pag kakahiga ko, 30 minutes nalang kasi ang pagitan para pumasok sa trabaho. Lumabas ako nang kuwarto at nakita ko si Nanang na kasama si Kimberly sa kusina, nag luluto sila at mukhang sopas iyon. Binati ko sila.

“Sopas para sa hangover.” Ngiting aya ni Kimberly pero mukhang hindi ko na mahihintay ito. Aabutin pa kasi nang bente minutos ang pagluluto at kakain pa. Doon nalang ako kakain sa bodega.

Inayos ko ang sarili ko, mabilis na naligo at nag damit pamasok. Lumabas muli ako nang kuwarto at nag paalam sa kanila. “Kumain ka muna!” sigaw ni Kimberly pero sabi ko tirhan nalang ako hanggang mamaya.

Wala na silang nagawa nang lumabas ako sa kubo at kumaripas nang lakad, inabot din kasi nang ilang minuto ang pag aayos ko.

Pag punta ko sa kanto ay nakita ko si Drake sakay nang magarang niyang motor. Nmax.

Nakita din niya ako at inaya niya ako na sumabay na, hindi na ako tumangi pa kasi baka ma late pa ako.

Bigla kong naalala yung nangyari nang sabado, sa pagitan nila ni Ma’am Cerize at ni Drake, alam ko mag pinsan silang buo pero bakit ganun? Laman sa laman? Alam ko nangyayari iyon pero first time kong makakita nang ganung eksena. Siguro dala nang bawal na bisyo iyon. Gusto kong tanungin si Drake pero baka ma offend siya.

Dumating kaming dalawa sa bodega at sakto lang ang dating namin ni Drake.

Naglalakad kami papasok sa bodega nang mag salita si Drake.

“Tol, gusto mo ba kumita nang malaking pera? Mas malaki pa sa sahod mo?” seryosong aya niya.

“Naku baka networking yan, alam ko na kalakaran doon, mag lalabas ka nang malaking pera tapos –”

“Hindi, seryoso ako, wala kang ilalabas na pera, mag dedeliver ka lang.” huminto siya sa paglalakd at ganun din ako.

Tinignan ko siya, pero nakangiti na siya ngayon, kilala ko si Drake, alam ko mayaman siya siguro dahil sa networking, pero may sarili silang negosiyo kaya bakit ipapasok niya ako sa networking? Teka teka, mag dedeliver pala ako, masiyado na akong nalilito.

“Ano naman ang dedeliver ko?” takang tanong ko.

“Umakyat ka sa opisina, ako na bahala kay Daddy kung bakit wala ka sa field.” Sambit lang niya.

Naguguluhan ako, hindi ko alam bakit pinapaakyat niya ako doon kung nasaan si Ma’am Cerize. Lalo pa akong naguluhan nang umalis siya sa harapan ko.

Naiwan akong lutang at nakatayo sa loob nang bodega kung saan madaming dumadaan na empleyado.

Tinignan ko ang opisina. Kung ano man ito, bakit niya ako inalok para sa malaking kikitain ko daw.

….

Curiosity.

Yan ang nasa isipan ko. Kumatok ako sa pintuan mula sa opisina at narinig ko ang tinig ni Ma’am Cerize na pinapasok niya ako.

“Magandang Umaga Mister Maximo.” Bati agad ni Ma’am Cerize, sobrang formal naman ata.

Sa mga oras na iyon hindi siya nakaupo sa ibabaw nang lamesa niya, nakatayo lang ito pero bahagyang nakaupo parang itsurang gangster at sobrang seryosong makatingin sa akin.

Hindi ako nag salita.

“Nag text sa akin si Drake, tinatangap mo daw.” Anya.

“Ho? Hindi pa ako pumapayag, teka teka ano ba iyong gagawin ko?” takang tanong ko.

“Pumayag kana, sa isang deliver, meron kang 1500 pesos.” Pag alok ni Ma’am Cerize.

Napatigil ako sa dapat kong sabihin. 1500 pesos? Malaki na iyon, at kung tatanungin niya kung marunong akong mag motor, oo naman.

Inalabas ni Ma’am Cerize ang isang bag, isang backpack. Hindi ko alam kung anong laman nito pero parang magaan lang dalhin. Tatak Jansport. Peke pa ata.

“Ummm, mag dedeliver ako tapos?”

“Si Miss. Rosanna na ang bahala sayo.”

Teka sino naman si Miss. Rosanna? Kulto?

“Sino po iyon?” Tanong ko.

“Wag nang maraming tanong, dal…